Homepage/Hiding His Duplicate/
18
Maaga akong nag-asikaso ng sarili 'ko, sinuot ko ulit ang damit ni Zafia na naroon sa closet na pambahay lang. I-uuwi na raw niya kasi ako sa mansyin dahil pangit daw tingnan na kami lang dalawa sa iisang bahay, hindi naman na ako maka-kontra dahil may punto naman siya.
Sinuot ko ang itim na v-neck shirt at ang maong na short na maikli lang din, medyo mahaba lang ito dahil hindi naman nagsusuot si Zafia ng short na sobrang ikli na parang underwear na.
Dali-dali akong bumaba at tumambad sa akin ang Zaffiro na kaharap ang laptop nito, nasa gilid ang tasa. Hindi pa rin siya tapos magkape? Kanina lang nung kumakain kami akala ko ubos na niya 'yon, tsk! Para siyang si Tito laging may kape kapag nagtatrabaho.
Lumapit ako rito at pumwesto sa likuran niya, yumuko ako dahilan para magdikit ang pisngi namin at saka ko tinitigan ang nasa laptop, ganyan na ganyan 'yong mga nakikita ko lalo na kapag tungkol sa kumpanya, may pa linya linya pa na may pataas at pababa, parang line graph siya.
Natigil ako sa pagtitig sa laptop nang mamatay ito at bumungad sa akin ang repleksyon ng mukha namin, si Zaffiro na nakatitig sa akin kaya nilingon 'ko ito.
"Let's go?" Mahinang tanong nito.
Amoy na amoy ko pa ang mabango nito hininga kaya natutukso akong tinitigan ang mga labi nito, mapula-pula, manipis at magandang pagkakakorte rito, grabe, napakaperpekto naman ng pagkakagawa sa kaniya.
"Ganyan lang ang suot mo?"
Napatayo ako ng tuwid dahil sa tanong nito na tinititigan pa ang kabuuan ko.
"Oo. Wala ng ibang damit doon eh, bakit? May pupuntahan pa ba tayo? I-de-date mo ba ako?" Ata kong tanong dito na nginitian niya lang.
Inilagay niya ang laptop niya sa case nito at saka hinatak ang kamay ko.
Hindi ko alam pero sa tuwing hinahawakan nito ang kamay ko lagi akong nanghihina, kusang nagpapadala ang katawan ko lalo na ang utak ko kaya kadalasan hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko.
Maingat ako nitong pinaupo sa kotse at gano'n din siya. Pinaandar na nito ang kotse na wala man lang sinagot ni isa sa mga tanong ko. Nanahimik na lang ako habang pinagmamasdan ang mga lugar na nalalagpasan namin.
Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko nangyari kagabi, hindi naman big deal sa akin 'yon pero dahil siya si Zaffiro may malisya 'yon syempre.
Hindi naman ata siya nainis sa akin dahil sa pagkakaalala ko hindi ko siya pinilit, tinitigan niya lang ako tapos tumango siya kaya hindi pamimilit 'yon.
Ang tanga ko lang sa bandang nagpanggap akong tulog at nag-expect na hahalikan ako, gano'n kasi 'yong mga napapanood ko eh, hahalikan ni boy si girl tapos aamin si boy hanggang sa may mangyayari sa kanila tapos boom! Ang kaso nasa real world ako at wala sa pelikula.
Para pa ngang totoo ang paniginip ko kasi hinalikan daw ako ni Zaffiro sa noo, sa pisngi, pati na rin sa labi huhunes! Pilingera na kung pilingera, pero ang saya ko lang dahil pati sa paanginip nangyari 'yon... minsan nga mas malala pa nangyayari eh.
"You okay?"
Napasimangot na lang ako dahil sa biglang pagtanong nito sa'kin kaya nasira ang magandang moment ko.
"Oo, mukha bang hindi?" Tanong ko rito na ngayon ay sa kaniya na nakatitig.
Ngumiti ito at saka sandaling lumingon sa akin.
"Nah! Mukhang malalim ang iniisip mo, about work?"
"Hmmm, hindi noh, kapag tapos na ang collection kadalasan pahinga na naman ng isang linggo o kaya depende sa ibibigay niyang araw."
"I see," ngiting sagot niya na hindi na ako tiningnan.
Masyado akong nahihiwagaan sa kaniya lalo na't napapadalas ang pagsasalita niya. Noon naman kahit tanungin ko siya hindi siya sumasagot, maliban na lang kong importante.
Minsan hindi ko rin alam kung may sakit na ba siya sa pag-iisip dahil sa pagbababad sa trabaho, o sadyang nagkakaganyan siya dahil lagi niya akong iniisip, mygaddnes!
"You staring at me, again. Anything?" Mahinang sabi niya na binagalan na ang pagmamaneho dahil napansin kong malapit na kami at kaunti na lang ang sasakyang dumadaan.
"Bakit napapadalas ata 'yang pangiti-ngiti mo? Tapos nagiging madaldal ka na rin, dati naman hindi ka ganyan. Grabe, nagbago ka na Zaffiro" pag-iinarte ko rito na tinawanan niya lang.
Alam ko naman na hindi na naman siya sasagot. Lagi na lang niya ako dinadaan sa tawa at ngiti niya akala naman niya effective 'yan eh mas lalo lang akong kinikilig.
"Nagkakatotoo ba 'yong mga panaginip?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Hmm, maybe" tipid nitong sagot at alam kong di na sasagot ng mas mahaba roon.
Sumandal ako sa likuran at saka nag-cross arm, pinikit ko ang mata ko at saka muling inalala ang mga naganap sa panaginip ko.
Nakatalikod ako mula sa kaniya, pinagpapahinga ko ang utak at katawan ko nang maramdaman ko ang paglubog ng malmbot na kama mula sa likuran ko, maya-maya pa ay ang mainit at malambot na bagay na dumikit sa noo ko, sa pisngi, at ang mas kinaalarma ko pa ay ang pagdikit ng labi nito sa ibaba ng tenga ko, hindi ko masabi kong sa leeg ba iyon o kung saan man.
Para akong tangang nagmulat muli ng mata at saka siya tinitigan na ngayon ay nakakunot na nagtataka sa ginagawa ko.
"Hinalikan mo ba ako kaga—"
"What the—"
Bigla nitong napahinto ang sasakyan kaya napakapit ako ng wala sa oras sa inuupuan ko. Literal na pinagpawisan ako at kinabahan dahil sa nangyari na pakiramdam ko ikamamatay ko.
Muntik ko nang ma-meet si kamatayan.
"Y-You o-okay?"
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito at hindi ko alam kung bakit siya nagkakagano'n.
"Ahh, medyo. Ikaw naman kasi eh! Magdahan-dahan ka nga sa pagmamaneho mo, hindi pa nga tayo nagkakaroon ng limang anak tapos tatapusin mo agad buhay natin, hmp!" Iritang sabi ko dito at napansin ko ring unti-unti ng nawala ang kaba ko.
"Ano bang nangyari? Bakit bigla kang huminto?" Pagtatanong ko rito.
Iniiwas niya ang tingin niya at saka muling pinaandar ang makina, "Nothing, n-nabigla lang ako sa tinanong mo a while ago" bulong nito pero rinig na rinig ko.
"Yong tungkol ba sa panaginip?"
"Panaginip?"
"Oo, nanaginip kasi ako na hinalikan mo ako eh, kaya tinanong kita kung hinalikan mo ba tala—"
"Ofcourse not," pagpuputol nito sa dapat na sasabihin ko.
"Oh, edi hindi! Bilis-bilis mong sumagot, pero kapag nagtatanong ako tungkol sa ibang bagay di ka naman sumasagot" pagtatampo ko rito.
Nakakairita! Tinanggi niya agad, 'di niya man lang pinatapos 'yong sinasabi ko, basta na lang niya itinanggi.
"Why? Umaasa ka na baka hinalikan talaga kita?" Takang tanong nito na nagtama oa ang mata namin sa front mirror, ako na ang unang umiwas rito.
"Hindi. Nagtatanong lang ako."
"But, you seems to be hoping that I might kiss you," mahinang sabi nito.
Hindi ko na ito pinansin at saka itinuon ang tingin sa paligid, hanggang sa makarating kami sa mansyon ng ligtas. Pinagbuksan na niya ako ng pinto at nakangiting nakatingin sa akin na nang-aasar pa rin.
Pasalamat na lang talaga siya, dahil siya si Zaffiro kung siya lang si Lucas baka nabatukan ko na yan.
Nasa main door na kami nang mapansin kong tahimik pa rin, tulog pa ata sila dahil anong oras na rin kaming nakauwi kagabi. Nagtuloy-tuloy pa kami sa loob hanggang sa bumungad sa akin ang sala.
Lahat ng nandoon ay napalingon sa aming dalawa ni Zaffiro. Tinitigan ko lang rin sila syempre, at dire-diretsong naupo sa tabi ni Zafia na matamang nakatitig sa akin.
Napansin kong wala ang iba rito sa sala marahil nasa trabaho na, o di kaya'y tulog pa.
"That's mine" seryosong saad ni Zafia na nakatingin sa suot 'ko.
"Alam ko, pahiram lang naman eh, tsaka 'di na 'to kasya sa'yo noh. Malaki na tiyan mo at medyo tumaba ka na kaya d—"
"Mataba? Ako? Oh god!" Bulong nito at mariing napapikit na lang habang ang asawa nito ay mahinang tumatawa sa tabi niya.
Mabuti na lang at maganda pa rin siya kahit na tumaba, normal lang naman ang tumaba dahil sa pagbubuntis, buti nga siya pinagbubuntis na 'yong panganay nila eh, samantalang ako, 'di pa sure kung magbubuntis.
Kakausapin ko pa sana si Zafia nang biglang may maingay na kalabog kaming narinig sa itaas kaya napatigil ang iba sa mga ginagawa nila. Hanggang sa nakita naming tumatawang tumatakbo pababa si Lucas sa hagdanan, pero natigil iyon nang makita niya si Zaffiro na lumabas ng kusina at laking-laki pa ang mata.
"Wala kang pasok 'ya?" Tanong nito na sinundan si Zaffiro papunta sa amin.
"Meron. Hinatid ko lang si Veron" sabi nitong naupo sa tabi ng tatay niya at inilapag ang tasa. Kape na naman?
Nang makatingin ako kay Lucas ay titig na titig itong lumapit sa akin at saka naupo sa tabi ko.
"Kamusta sa bahay ni Kuya?" Ngiting-ngiti na tanong nito sa akin na tinawanan nila martin at jairo sa likuran nito.
"Masarap" sabi ko rito na kinindatan pa siya dahilan para manlaki ang mata niyang tumingin kay Zaffiro.
Halo-halo ang nakikita ko sa mga mata nila habang si Zaffiro ay wala lang, si Zafia naman ay seryosong nakakunot na mukhang di naiintindihan ang mga sinabi ko.
Maya-maya pa ay napansin kong umusog si Zafia sa akin at saka inamoy ang leeg ko at saka nakangiting lumayo.
Iiling-iling ito na tumingin sa Kuya niya pati na rin sa akin.
"Problema mo, buntis?" tanong ko pero 'di niya iyon sinagot.
Tumingin naman ako kay Zaffiro na kasalukuyang nakatingin kay Lucas, nakita ko itong inginunguso ako kahit na katabi pa ako, bahagya pa itong nagulat nang magkatinginan kami.
"Oy! Sabihin mo nga sa'kin, Veron!"
"Ano na naman!"
"Natulog ka sa kwarto ni Kuya noh?" nakangiting tanong nito na parang nangaasar pa.
"Bakit mo tinatanong?"
"Eh bakit ayaw mong sagutin? At isa pa, halata naman na sa kwarto ka ni Kuya natulog " diretso nitong pagkakasabi kaya't napalaki ang mata ng kaunti, kaunti lang syempre para di halata.
"Paano mo nasabi? Nandoon ka ba? "
"Wala, doon rin naman ako natutulog noon at isa pa..." inilipat nito ang ulo nito sa balikat ko at saka siningot iyon na parang adik at muling lumayo "Ganyan ang amoy ng kwarto ni Kuya, kaya wag ako, Veron, wag ako."
Napanguso na lang ako dahil sa sinabi nito dahil tama siya, sa kwarto nga ng kuya niya ako natulog, pero nakakatanga lang eh dahil pati amoy eh alam na alam ng mga kapatid ng bebe ko, agh!
"Sa iisang kwarto kayo natulog?" mahinang tanong ni Zafia sa akin.
"Ewan ko, pagod ako nun kaya wala ako maala—"
"Pagod ka?!" Medyo mataas ang boses ni Lucas kaya halos mabingi ako dahil katabi ko lang to.
"Malamang! Magdamag ba namang nak—"
"Oh my gosh! May nangyari sa inyo ni Kuya?" Gulat na gulat na tanong ni Zafia sa akin.
Lahat ay nakatingin lang sa akin na takang-taka na rin habang si Zaffiro ay nakangiting umiiling lang.
Siraulo 'tong lalaking 'to! Imbes na tulungan ako sa mala-imbestigator niyang mga kapatid, ngi-ngiti-ngiti lang siya diyan!
"Walang nangyari sa'min kasi ayaw niya! Bata raw kasi ako! " I shouted at Lucas causing his expression to change.
Kitang-kita ko sa iba na pinipigilan nilang matawa lalo na si Zafia na hindi na napigilang tumawa.
Nakakainis! Mukha akong desperada kagabi agh! Sabihan ba naman akong hindi ako pwede sa gano'ng bagay dahil bata pa raw ako, ibang klase!
"Sayang naman pala, Veron" asar ni Martin sa'kin.
"Kaya nga eh, ako na nga nag-fi-first move , umaarte pa 'yong isa diyan" inirapan ko pa si Zaffiro na nakangiting nakatitig sa akin at saka nagpasiyang umalis sa sala.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (160)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story 👍🙂🙂
07/06/2025
0ang Ganda Ng kwento
03/12/2024
0it's good jjj
04/11/2024
0Tingnan Lahat