56


"Papasok na ang mama," mahinang saad ko, saka inilagay ang mga libro sa center table.
Lumingon lamang sa akin si Gale at saka mabilis na tumakbo papunta sa akin. Nakakunot ang noo nitong tinititigan ang mga libro.
"School again? You have to rest ma, tapos sasabihin mo po masakit mata mo po," panenermon nito na tinaasan ko ng kilay.
"Pinapagalitan mo ba ako?" tanong ko na unti-unting ikinalma ng kaniyang mukha saka ngumiti nang malawak.
Umiling ito saka binitbit ang mga libro saka binigay sa akin.
"Bye ma! Take care yourself," natatawang sabi nito na tinawanan ko.
Kinuha ko ang kaniyang inaabot at saka sinalubong ang nguso nito upang humalik. Nagkatinginan pa kami ni Zaffiro, na bahagyang umiling.
"Huwag kang magpapasaway sa kanila, lalo na sa mga lolo at lola," saad ko na ikinatawa niya pa rin.
Napaismid na lang ako at nagpasyang umalis na. Halos lahat ay nasa mansyon at nagbabakasyon, palibhasa wala silang anak na nag-aaral maliban kay Vernon.
Maingat kong inatras ang kotse sa mga kotseng trapik lang naman ang dala. Napairap na lang ako dahil sa sunod na dumating na kotse na mukhang galing kay Martin at sa anak nitong nakasandal sa bintana.
Maaliwalas ang paligid at malaya akong nakaalis sa mansyon, sa lugar kung saan tatlong taon akong tinulungang makaalis sa dilim noon. Tatlong taong kinumbinsi na magiging maayos din ang lahat, at masasabi kong totoo nga. I'm doing well right now.
Sa tulong nila tito, na kumbinsihin ang sarili kong gawin ulit ang mga bagay na ginagawa ko noon. Ang propesyon ko. Muli akong lumapit sa eskwelahan kung saan ako nagsimula at buong puso akong tinanggap. Hindi madali ang gabi-gabing nagtatanong sa sarili kung may patutunguhan pa ba ang buhay ko, kung paano ko mapapalaki nang maayos ang anak namin, halos araw-araw kong hinahanap ang sarili ko.
Nakakatuwa lamang dahil nababalanse ko ang aking oras sa pag-ta-trabaho, sa pagsusulat at sa aking anak. Nakakaramdam ako ng pagod, ngunit marinig ko lang ang boses ni Gale, okay na ako. I am grateful for having him. He always make me smile and laugh. He used to sing whenever I tired and sad. He's totally like his father.
Katulad ng mga estudyante, anim na oras akong nasa loob ng eskwelahan, hinayaan ko lamang magmano ang mga batang nasa siyam na taong gulang. Nasa ikatlong baitang ang mga batang tinuturuan ko, ni hindi ko alam kung paanong nagagawa kong makipagsabayan sa kanila lalo na't, alam ko sa sarili ko noon na ayokong humawak ng isang seksyon.
"Magandang tanghali po, Ginoong Pastolero," masiglang bati ng mga bata, dahilan para mapalingon ako sa pintuan.
"Magandang tanghali rin. Ang very good naman ng estudyante ni Ma'am Roux," ngiting sabi ni Pat na lalaking-lalaki sa boses niya.
Ni hindi ko alam kung matatawa ba ako o matutuwa dahil sa mga ganap sa kaniyang buhay. Kasabay nang pagbubuntis ko noon kay Gale, ay umalis ito sa pinas at bumalik din dalawang taon na ang nakakaraan.
"May meeting mamaya. Maaga pauuwiin ang mga bata," pagpapaalam nito na ikinakunot ko.
"Bakit? Meeting na naman?"
"Oo. Reading na naman ng grades," natatawang sabi nito na ikinailing ko.
"May date kayo mamaya?" pa-simpleng tanong ko habang hinahanap ang white board marker.
Hindi ako lumingon dito pero kitang-kita ko ang pag-ngiti niya sa salamin na nasa harap ko. Nakatingin ito sa kisame saka ko matunog na inilapag ang marker, kaya napalingon ito sa akin.
"Nakakakilig pala," bulong nito na ikinalaki ko ng mata at saka parehas na natawa.
Namula ang mukha nito at saka ako malakas na hinampas sa braso saka lumabas ng kwarto. Nailing na lang ako dahil sa kinikilos niya. Wala rin pala siyang isang salita. Tsk.
"Teacher? Puwede pa po ba akong magpasa ng project? Ngayon lang po kasi nagkapera sila mama po e," tanong ng isang batang babae habang hawak ang long folder.
Ngiting kinuha ko ang long folder na proyekto nila para sa mga anyong Lulae at tubig. Somehow, I understand her situation. Ginagawa naman niya ang best niya.
"It's okay, Erika. Ito lang naman ang kulang mo, you can sit down now," mahina kong saad na ikinangiti niya.
"Thank you po!"
I smiled.
Consideration is a must. Lalong lalo na sa mga estudyanteng alam kong hirap sa iba't-ibang bagay. Iba-iba sila, kung ang iba ay nakasusunod, may iba namang nahuhuli at kailangan pagtuunan ng pansin at kung minsan ay kailangang pagbigyan. As a teacher, I opened my mind with that. Being considered someone situation. Not all are privileged in something.
"Pagkatapos niyong gawin ang artwork niyo, ilagay lang yan sa desk ko, maliwanag? Kung hindi man natapos ay okay lang, ipasa pa rin. Mas mabuti na ang may nasimulan kaysa sa blanko. Naintindihan ba?" tanong ko matapos ituro ang kailangan nilang gawin.
Their last activity in Art.
"Opo!" sagot nilang lahat saka ako lumabas ng silid at tumayo sa hallway.
Mula sa aking kinatatayuan, malaya kong nakikita ang mga batang naglalaro sa malawak na kwadrangulo. Palibhasa'y biyernes ngayon kaya pinaglalaro na lang sila.
Matapos ang limang oras ay nagsi-uwi-an na rin kami. Una nang umalis si Pat, dahil alam ko namang may pupuntahan pa siya. Imbes na dumiretso sa mansyon ay sinadya kong pumunta sa malapit na grocery store upang bumili ng mga pagkain sa mga bata.
Dahil nagkaroon na ng mga pamilya ang karamihan sa amin, hindi maiiwasang mas lalong umingay dahil sa mga bata. Mas mabilis na lang din nauubos ang mga stock na pagkain sa ref, dahilan para mas lalong mamroblema si Kierra dahil siya ang madalas na bumibili ng mga pagkain.
Masasabi kong mas naging maayos ngayon. Kahit papaano. Nitong nagdaang tatlong taon ay maraming mga kaganapan ang hindi namin inaasahan na nangyari sa iba. Na dumating sa puntong halos ang lahat sa amin ay hindi na nagsasalita.
But today is February 22. His 34th birthday. I just want to congratulate myself for being strong without him.
Iba rin pala kapag natututunan mong mahalin ang sarili mo. Unti-unti mong matatanggap ang lahat, na hanggang doon na lang talaga.
Nang mabilis ko na ang kailangan ko ay pumanhik na ako sa direksyon papuntang mansyon. Maingat lamang ang aking pagmamaneho na pinilit kong pag-aralan muli. Sa gitna ng trapik ay kitang-kita ko kung paanong masayang nagtatawanan ang isang pamilya sa kabilang kotse kasama ang kanilang anak.
"Masayang umuwi sa bahay na may sasalubong na anak at asawa sa iyo."
Muli kong naalala ang mga sinabi sa akin noon ni Khaye, no'ng nasa bikol pa ako.
Tama siya. Masaya nga. Kahit kulang, masaya pa rin.
Nang makarating ako sa mansyon ay mas lalong dumami ang mga sasakyan. Gusto ko na lang manlumo dahil kailangan ko pang umikot upang i-park ang aking sasakyan. Madilim na ang kalangitan, malamig na rin ang hangin nang lumabas ako ng kotse.
Kitang-kita ko kung paano lumabas si Martin kasama ang ilan sa mga batang maliliit na nakasunod sa kaniya. Hindi ko napansin ang anak ko.
Nang makarating sa loob ay hindi nga ako nagkamali. Kumpleto sila. Si Sevein ay hindi na nakaupo dahil may mga batang nakahiga sa sofa.
"Si Gale?" tanong ko nang ilapag ang aking dala sa center table.
"Nakita ko siya kanina sa taas, kumakanta habang naglalakad. Baka nasa dulo," sagot ni Lucas na tinanguan ko.
Dali-dali akong pumunta sa sinasabi nilang dulo. Sa isang kwarto. Nang makaliko ako sa kanang pasilyo ay dinig na dinig ko na ang tinig ni Gale. Mukhang hindi niya naisara nang maayos ang pinto dahil dinig ang kanta niya.
Tuluyan akong napahinto nang makarating ako sa kwarto, kung saan nakahiga na naman si Gale sa kama habang mahinang tinatapik ang kaniyang katabi at saka paulit-ulit na kumakanta.
"Happy birthday, papa. Happy birthday papa, open your eyes and make a one wish... Happy birthday papa."

Komento sa Aklat (135)

  • avatar
    Santos Jonajoy

    Naiiyak ako akala ko happy ending na nila 😭 pero ang ganda po basahin..🥰🥰

    19/07/2025

      0
  • avatar
    De guiaJoseph

    Napakaganda ng kwento mo, pero nkakasad 🥹😭 parang gusto ko pumasok sa kwento at buhayin si maru. I can't move on ..iyak ako ng iyak😭😭ayoko tlga ang sad ending

    28/12/2024

      0
  • avatar
    porteGerald

    gerald

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata