38


Naging normal ang mga nagdaang araw matapos naming unamin, hindi lang maiwasan ang panunukso ngunit sanay na ako sa gano'ng asta sila. Iyon na rin ang huling araw na pumunta ako ng mansyon dahil may mga bagay kaming kailangan ayusin, tatlong araw na rin kaming hindi nakakapag-usap ng maayos ni Maru dahil sa sobrang busy nito.
Hindi ko naman kailangan na lagi siyang kausap, just simple text will do. He never forget to greet me or remind my schedule.
Alas-singko na nang makarating ako sa Aurora Street, ang kaninang mabilis na paglalakad ay kusang bumagal dahil sa aking nakita. Nakaupo ito sa labas ng gate, abala sa pagpipindot sa selpon na mukhang naglalaro, seryosong-seryoso itong nakatingin sa screen, walang pakialam sa pawis nitong halata dahil naka black polo ito.
Nagtataka man kung bakit siya nandito ay hindi ko na inisip iyon, hindi ko siya masisisi, tatlong araw kaming hindi nagkita at dahil siya si Maru, hindi niya kayang tiisin iyon.
Nang tuluyan akong makalapit sa harap nito ay kusa itong napahinto sa paglalaro, dahan-dahang tumingala at nanlaki ang mga mata.
"Ginagawa mo r'yan?" tanong ko saka ko naramdaman ang halik niya sa aking noo.
"Naglalaro lang, tagal mo e," nguso nito saka ako inakbayan.
"Bakit ka kasi nandito?"
"Date. Mag-date tayo."
Umiling lang ako na kinindatan niya.
Isang himala na hindi niya ako tinanong kung saan ako pumunta. Nang mabuksan ko ang gate ay siya na ang kusang nagsara nito. Nang mabuksan ko agad ang pinto ay para akong napasakay sa ulap nang maramdaman ko ang pagbuhat sa akin ni Maru mula sa aking likuran, madilim ang paligid pero alam kong nasa likuran lang kami ng pintuan.
Mabilis kong nakapa ang switch kaya madali na lang na nabuksan ang ilaw, gulat na gulat itong hinihingal kaya mabilis ko itong itinulak.
"May binabalak ka ba sa akin? Huh?" tanong ko agad na ikinakunot niya.
"Balak na akin?" pag-iiwas ng tingin nito saka niya niluwagan ang kaniyang necktie.
"Binuhat mo ako, ni hindi mo man lang binuksan 'yong ilaw, tingin mo ba—"
"May nakita akong malaking aso, may lahi. Nakawala ata, natakot ako e, baka mamaya lumusot sa gate kaya tumakbo ako, hinala nito," pagngunguso nito pinaniwalaan ko naman.
Kaya pala may narinig akong tahol ng aso no'ng pumasok ako. Lagi naman pinapalabas iyon ng amo para dumumi. Lahat ng ilaw ay binuksan nito, hindi naman siya matatakutin pero ugali na niya ang gano'ng bagay lalo na't kami lang dalawa ang tao, he still respect me afterall, kahit na gano'n siya kadikit sa akin.
"Nagugutom ka na?" tanong ko rito saka binuksan ang tv.
Ngumisi ito ngunit ang mata ay nakatitig lamang sa litrato naming magkakapatid.
"Paglulutuan mo ba ako?"
"Yeah," sagot ko saka pumunta ng sala.
Kahit papaano ay hindi ako mapapahiya sa kaniya, thanks to Nanay Crising. Hindi ko akalain na magagawa kong lunukin ang pride ko sa loob ng isang taong pananatili sa bikol, palibhasa'y lumaki akong nasa akin na ang lahat ng materyal na bagay.
"Talaga? Grocery muna tayo."
"Bumili na ako pagkaalis ko noon sa mansyon," sagot ko saka ito sumandal sa kitchen island.
Inilabas ko ang manok at patatas, kasama ng ibang sangkap. Lumapit ito saka kinuha ang mga gagamitin, kinuha ko ang gata na sinigurado kong sariwa pa, kaninang umaga ko lang ito binili.
"Adobo? Bakit may gata? Ah, okay, got it! Gusto ko yong malapot a," bulong nito kasabay ang dahan-dahang paghipan sa aking tenga.
Umurong lang ako at sinimulang asikasuhin ang mga sangkap, nakatitig lang ito sa ginagawa ko at paminsan-minsang hinahawi ang aking buhok, hindi ko alam kung bakit napakahilig niyang galawin iyon na ayoko sa lahat dahil malakas ang kiliti ko sa bandang ulo ko.
Habang hinihintay naming kumulo ay siya naman ang naghanda ng mga pinggan na gagamitin, may pagkakataong tinititigan lang ako nito at pasimpleng nang-aasar pa. Napansin ko pang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa akong selpon, kinuha niya iyon at saka lumabas sa sala.
Wala naman siya ng makikitang ano roon, kaya wala akong dapat na ikakaba.

"Ako na," agad agad nito ng sandok.
Iniwan ko na sa kaniya iyon at naupo na. Kumunot pa ito nang amuyin niya iyon.
"Mukhang masarap a, iba talaga kapag may inspirasyon," pagpaparinig nito na ikinataas ng aking kilay.
Excuse me? Ayoko lang mapahiya sa kaniya lalo na't alam kong magaling siyang magluto. At isa pa, sangkap ang nagpapasarap sa luto hindi ang inspirasyon.
"Akin ang dibdib, iyo ang ulo," sabi nito na ikinatawa ko nang mahina.
"Walang ulo ng manok d'yan, akin na lang yong hita, patay gutom," bulong ko sa huling bahagi.
Ayaw na ayaw niyang inaagaw sa kaniya ang dibdib na bahagi, ewan ko kung matatawa ako dahil mahilig ito sa dibdib, samantalang ako ay sa ulo, lalo na sa manok at isda.
Tahimik kaming nakakain, wala naman akong narinig na kahit na ano at mukhang okay naman ang luto ko.
"May sasabihin pala ako," panimula nito.
"Hmm," sagot ko habang ngumunguya.
"Babalik ulit ako sa Thailand, last project na 'yon. Kinagat ko na para naman dagdag sa ipon," normal na pagkakasabi nito.
"Akala ko ba tapos mo na no'ng nakaraan?"
"Kaya nga. May pangalawa pa e. Tinanggap din ni Fred pero si Lucas hindi dahil may tinanggap na agad siya rito. Sayang 'yon, malaking halaga yon Niks."
"Ano ba kasi yang pinag-iipunan mo bakit parang kailangan mo ng malaking pera?" desperadang tanong ko.
Nakakapagtaka lang siya, alam kong malaki ang kita ng mga enhinyerong gaya niya, at isa pa imposibleng walang inipong pera ang mag-asawang Roux para kay Maru, dagdag pa ang ibinibigay ni Sevein sa kapatid nito. Kaya hindi ko maisip kung saan niya gagamitin ang malaking halaga na iyon.
"Sa pamilya natin."
Mabilis na kumalabog ang aking dibdib, ramdam ko ang pagbagal ng aking pag-nguya na pinipilit kong maging normal. Hindi ito nakatingin sa akin, abala pa rin sa paghihimay ng manok.
"Darating yong panahon na magkakaroon tayo ng pamilya, syempre, hangga't kaya pa ng katawan ko mag-iipon na ako, paano na lang kung manghina ako, anong maibibigay ko sa anak natin? Hindi naman pwedeng umasa ako kina Mom at Dad, sa tito mo. Lahat dapat ng anak natin mayroong bahay para walang selosan, tapos kapag tumanda na tayo, titira na tayo sa bahay bakasyunan na gagawin ko, tapos bibisitahin tayo ng mga magiging apo natin, ang galing diba?" mahabang kumento nito.
Halos natutop ang aking bibig dahil sa mga sinabi niya, hindi ako makapaniwalang mayroon na agad siyang plano para sa amin samantalang ako ay nilalabanan pa lang ang takot na nararamdaman ko, inaamin kong hindi gano'ng kadali ibigay ang buong tiwala sa isang taong minsan nang sinira iyon.
Paano niya nagagawang kontrolin ang sinasabi ng utak ko? Dahil sa mga sinabi niya ay mas gusto ko na lang na pakasalan agad siya at gawin ang gano'ng mga bagay.
Watch your words Maru, I can't easily controlled my heart.
Huminga ako nang malalim at saka uminom na ng tubig dahil tapos na rin man akong kumain.
"Sasama ako," sabi ko rito.
Natigil ito sa pag-inom ng tubig.
"Bakit? Grabe ka naman, wala akong babae ro'n, tsaka araw-araw kitang tatawagan. Hindi mo naman kailangang umalis sa trabaho mo para lang sumama sa akin."
"Excuse me? Hindi ko rin naman iiwan ang trabaho ko para sa'yo, sadyang tapos na ang trabaho ko kaya ako sasama. Wala naman akong gagawin dito."
"Oh? Ibig sabihin wala ka na talagang gagawin?" paninigurado nito na tinanguan ko.
Huling pasok ko na kahapon, tuluyan ko ng binitawan ang Archery Club dahil hindi ko ka rin kayang hawakan, at isa pa, kailangan ko ng oras para sa akong sarili.
"Kaso bukas na ang lipad—"
"What the hell! Bakit bukas agad?!"
"Basta, ako ng bahala sa lahat. Tutulungan na kitang mag-impake ngayon, tapos ako ng bahala magsabi kina tito. Ako na bahala sa ticket mo, siguraduhin mong sasama ka a," sabi nito saka kinuha ang aking plato.
"Seryoso kang bukas na talaga? Bakit ba ang hilig mo sa rush?" inis na tanong ko.
Lahat na lang gusto niyang minamadali.
Tumawa lang ito at saka nagpresintang siya na ang mag-aasikaso sa kusina, inayos ko naman ang mga gamit na dadalhin ko dahil mukhang matatagalan daw kami roon, hanggang sa matapos ang project nila, pumayag naman ako dahil ayokong mabulok dito. Nahagip ng aking paningin ang aking selpon na napansin kong naka-charge, iyon pala ang ginawa niya kaya siya tingin nang tingin.
"Sigurado ka na sa mga gamit na yan?" tanong nito nang pumasok agad sa kwarto at nakatayo sa aparador.
"Oo, bakit?"
"Dala mo pajama mo?"
"Oo. Alangan namang underwear lang dalhin ko."
"Hmm, okay na? Akin na yan. Late na rin naman. Matulog ka na, sunduin kita rito bukas ng ala-sais, huwag ka nang gumamit ng selpon, pikit mo agad mata mo para makatulog ka," sabi nito na kinuha na ang aking maleta.
"Okay."
"Alis na ako. Good night na. I love you," bulong nito saka humalik sa aking noo. "Huwag mo na ako ihatid. Higa na r'yan, na-alarm ko na rin selpon mo. Matulog ka na."

Komento sa Aklat (135)

  • avatar
    Santos Jonajoy

    Naiiyak ako akala ko happy ending na nila 😭 pero ang ganda po basahin..🥰🥰

    19/07/2025

      0
  • avatar
    De guiaJoseph

    Napakaganda ng kwento mo, pero nkakasad 🥹😭 parang gusto ko pumasok sa kwento at buhayin si maru. I can't move on ..iyak ako ng iyak😭😭ayoko tlga ang sad ending

    28/12/2024

      0
  • avatar
    porteGerald

    gerald

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata