29

Mabilis kong ibinagsak ang aking katawan sa duyan na nasa ilalim ng puno, hinayaang iduyan ang aking katawan at ibuga ang hangin na kanina ko pa gustong ilabas. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kapatid ko. Kaaalis niya lang, at dahil may bakasyon kaming mga guro ay pinilit kong umuwi sa mansyon at manatili ng ilang araw doon. Ang huling araw ko ay ang paghatid kay Veron sa Airport, biglaan ang lahat. Hindi ko alam kung bakit siya pumunta sa Spain, kung tutuusin ay malaki naman ang kaniyang kinikita rito.
Dahil buhay naman niya iyon ay inintindi ko na lang ang akin, inasahan ko na ang marami nilang tanong, wala akong nagawa kundi sagutin ang mga bagay na iyon. Wala naman akong narinig na kahit na ano sa kanila, sinuportahan pa ako. Walang katao-tao sa buong palayan kung nasaan ako, sa pagkakaalam ko ay wala pa ang iba dahil nagsiuwi rin sila.
"Nay? Tay?" tawag ko sa matandang mag-asawa.
Kumatok pa ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot, maya-maya pa ay napansin ko ang isa sa mga nagtatabas ng mga natirang mga damo roon.
"Manoy?" tawag ko sa lalaking napatingin agad, naningkit ang mata nito dahil.sa init ng panahon.
Manoy ang ibig sabihin ng Kuya sa kanila.
"Ano ho iyon?"
"Napansin mo ba ang mag-asawa rito?" tanong ko na ikinababa ng kaniyang matalas na hawak.
"Pumunta ho sa bayan, kasama 'yong ibang Maestra, may binili ho ata," sabi nito na tinutukoy ang ibang mga guro.
"I see. Salamat ho," usal ko saka tumalikod.
Mukhang mamayang hapon pa sila makakarating kaya nagpasya na akong ilagay ang mga gamit sa bahay, karamihan sa dala ko ay pasalubong na pinadala ni tito. Naging madali lang ang naging byahe ko noon papuntang Maynila dahil nalaman kong dito naka-destino si Kevin. Siya na rin ang naghatid sa akin dito. Nakakatawa lamang dahil mas gusto ko na lang manirahan dito sa kabila ng pananatili ko rito ng limang buwan.
I learned a lot, and this is an achievement for me. Unti-unti akong natutong magluto dahil sa pagmamasid kay nanay. I can still learning through watching as always until it became my hobbies.
Nagpalit na ako ng manipis na pajama at sando na galing sa aparador ko sa mansyon. Pati ang makapal na kumot ay kinuha ko rin dahil hindi ako kumportable sa kumot na narito.
Ang isang bag ay punong-puno ng pasalubong na si tito mismo ang nagsabing ibigay sa ibang kasamahan ko. Nakisuyo pa ang mga ito na ibigay ang pera sa dalawang matanda para sa ibang gastusin. Habang hinihintay sila ay nagpasya akong ayusin ang mga libro sa aparador. Hindi ko kinalimutang dalhin ang mga libro ko lalo na ang mga binili ko na hindi ko nabasa dahil sa panggugulo ni Maru.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay at tawanan na aking narinig, mabilis kong ipinatong ang aking unan sa uluhan ko ngunit hindi na muling nakabalik ang aking antok. Wala akong nagawa kundi ang imulat ang mata at tulalang tiningnan ang kisame. Ramdam ko pa ang antok dahil sa pagpikit ng talukap ng aking mata.
Tumayo agad ako at pinagmasdan ang paligid, malakas ang hangin dahil sa kurtinang nililipad na sa bintana, medyo madilim na rin at mukhang nandyan na sila. Sinuklayan ko na lang ang aking mahabang buhok at pinunasan ang likuran ko na may pawis, nakalimutan kong buksan ang kurtina na nakaharang sa higaan ko kaya ata ganito kainit.
"Ayon naman pala, nahimbing din," mabilis na bungad sa akin ni Khaye na inakay agad ako.
"Ikaw talagang bata ka, naiwan mong bukas ang pinto no'ng natutulog ka, mabuti na lang at sinara agad ni Perdong," pagtutukoy ni tatay sa lalaking napagtanungan ko.
"Kanina pa po kayo rito?" pag-iiba ko ng tanong.
Abala si Erick sa pag-aasikaso ng mga buko na mukhang bagong hango lang. Ang iba naman ay naghahanda na ng hapunan.
"Halos kararating lang din ano? Mabuti na lamang at makapagluto na ako nong magising ka," anas ng matanda na nginitian ko.
Sandali akong natuliro nang maalala ko ang pinapasuyo ni tito. Mabilis kong kinuha ang isang bag kung saan naroon ang iba pang mga pasalubong at ang sobre na may lamang pera. Nagtataka man ang iba kung bakit ko inilabas iyon ay mas pinili kong ibigay agad sa kamay ni Nanay Crising ang sobre. Nagtataka itong tumingin sa akin.
"Pinapaabot po ni Tito, ibigay ko raw po sa inyo," simpleng sabi ko ka ipinagtaka nila.
Literal na nanlaki ang mga mata nila nang makita ang nasa loob at tarantang ibinibigay sa akin. Ngunit iniwas ko ang aking kamay upang hindi nila maibigay iyon.
"Naku! Mahabaging Diyos! Hindi ko matatanggap ang bagay na iyan."
"Nay, si tito po ang nagbigay niyan. Na-ikwento ko kasi na umaasa lang kayo sa kakarampot na ibinibigay ng kapitolyo," mahinang sambit ko.
Mabuti na lamang at may mga tanim sila at nakakakuha ng pagkain sa araw-araw doon.
"Hindi namin matatanggap 'yan iha, pangkain mo na lang iyan, sobrang laking pera iyan," sabi ni nanay na mukhang nakarinig na ang iba.
"May pera po ako nay, tanggapin niyo na po 'yan, para naman po may pambili kayo ng gamot," nakangiting sambit ko.
Parehas silang umiinom ng gamot at walang sapat na pera upang makabili. Mabuti na lang at na-ikwento sa akin iyon ni Erick.
Walang nagawa si nanay kundi ang tanggapin iyon, kinailangan ko pang senyasan ang iba para mapilit ang matanda na di kalauna'y pumayag din. Pinagsaluhan namin ang pagkain na hindi ko malaman kung miryenda ba o hapunan na. Nasa iisang banda lang namin kami pero pakiramdam ko ay iba ang oras sa lugar na ito. Sobrang aga kung kumilos ang lahat.
"Woah! Chocolate!" parang batang usal ni Clarrise nang ilapag ko sa mesa ang mga tsokolate at prutas.
"Iyan ba ay galing sa ibang bansa?" pagsisiyasat ni nanay sa isang chocolate bar.
Umiling lang ako at binuksan ang hawak na pagkain, hindi ko alam kung saan ito binili, basta na lang sinabi na kumuha ako ng ganitong mga pagkain sa fridge, ang mga prutas naman ay galing sa tito ko na kakabili lang ng kailangan.
"Hindi po," sagot ko na ikinatango niya.
Ang iba ay wala ng nasabi dahil sa abala na sila sa pagkain, para naman talaga sa kanila ang mga iyon. Matapos naming kumain ay nagpresinta sila Khaye at Erik na maghugas, kami naman nila Clarrise ay kinuha ang mga sinampay ng lahat. Madali lang naman malaman kung kanino ang mga damit na iyon base sa mga kawayan nila.
Ala-syete na ng gabi nang matapos kami sa pag-iigib sa likuran, ang matandang mag-asawa ay nagkukwentuhan lamang sa gitna ng dilim at sa isang gaserang nakaharap sa kanila dahilan para makita ang kagandahan ng kanilang ngiti.
"Makakapagpahinga na tayo! Tapos bukas may klase na naman," pag-uunat ng leeg ni Khaye.
Nag-anlaw na lamang ako ng aking mukha upang presko, magbabakasakaling baka maaga akong makatulog.
"Gabing-gabi na iho," rinig sinabi ni nanay na napansin din ng iba.
Hinayaan lamang namin iyon dahil baka isa lang iyon sa mga magsasaka na madalas namin nakaakusap.
Nang matapos kami sa paglilinis sa likod ng bahay ay nagpasya na kaming pumunta sa harap, pero laking pagtataka namin dahil naroon pa rin ang lalaking hindi normal kung manamit.
"Nikasha, iha, narito pala ang iyong asawa," masiglang sabi ni nanay na nagpakaba sa akin.
Wala akong asawa.
Kung hindi pa binuhat ni tatay ang gasera ay hindi ko mamumukaan kung sinong asawa ang tinutukoy ng matandang mag-asawa.
Napaawang ang aking bibig nang magtama ang paningin namin, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nandito siya, o dapat ba akong mainis dahil basta na lang siya pumunta rito ng walang pasabe.
"Aba'y maiiwan na namin kayo, delikado na sa daan kaya marapating dito ka na magpalipas ng gabi iho, maluwag naman ang kwartong tinutuluyan ng iyong asawa," nakangiting sabi nito at umalis na.
Ang iba ay may halong panunuksong tumingin sa akin bago umalis at magsipasok sa kanilang mga bahay.
Naghahalo ang lamig na galing sa malakas na hangin at ang init ng pawis na namumuo sa akin. Paano niya nagawang makapunta at malaman na nandito ako? Titig na titig ito sa akin at alam kong nakangiti siya.
"Rito ka pala tumutuloy?" nakangiting tanong nito na bahagyang pinagmasdan ang bahay sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong na nakapagpasulyap sa kaniya.
"Sasamahan ka," sagot nito na nakatitig sa akin. "Maagang natapos yong trabaho ko, kaya nauna na ako kina Luca—"
"Umalis ka na rito, Maru," pangtataboy ko.
Natigilan ito, hindi ko ka masyadong maaninag ang itsura niya dahil sa dilim at malabong ilaw ng mga gasera.
"Ayaw mo ba akong nandito?" tanong nito na nakapagpakosensya agad sa akin.
Ramdam ko ang lungkot sa tono nito pero mas lalo niya akong ginugulo, iniistorbo niya ang utak ko.
Napapikit na lang ako dahil sa malakas na kulog at lumiwanag ang kalangitan dahil sa kidlat. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang panahon, lalo na't gabi na at delikado sa daan.
"Bakit ba kasi hindi mo ako sinabihan na pupunta ka rito?" inis kong tanong at pilit na hininaan ang boses upang hindi marinig ng iba.
Pansin ko ang pagpasok ng kamay ni Maru sa pantaloon nito at pagtingin sa malayo.
"Limang buwan mo ng hindi sinasagot ang tawag at messages ko," mahinang sagot niya. "Kaya ako na ang pumunta, sinabi na lang ni Patricio kung saan kita makikita," dagdag pa nito.
Mas lalo akong nadurog sa mga sinabi niya, limang buwan kong hindi sinagot ang lahat ng tawag at messages niya, may pagkakataon ako noon na kausapin siya, pero nawala siya sa isip ko.
Ang kaninang inis ay unti-unting napalitan ng hiya, masisisi niya ba ako, kung nasanay akong mawalan ng konsekyon sa kanila kaya wala nalang sa akin kung nandyan ang presensya nila.
Maya-maya pa ay mas lalo itong lumapit sa akin at matunog na ngumisi. Dahan-dahang pinatong ang palad nito sa aking ulo saka ginulo ang aking buhok.
"Sige na, tulog ka na. Maaga pa pala pasok mo bukas. Malamok na rito o, pasok na," sabi nitong inginuso ang bahay na nasa likuran ko.
"Aalis na rin ako, maaga pa naman e. Sige na, pasok na," nguso niya muli sa pinto.
Wala akong nagawa kundi ang tumalikod sa kaniya, rinig ko ang pag-buntong hininga nito nang makarating na ako sa pinto. Pero bago pa man ako makapasok ay bumagsak na ang malakas na ulan. Ang dapat na pagharap ko sana sa kaniya ay ang pagpulupot naman ng kaniyang mga bisig sa aking bewang.
"Diyos na ang gumagawa ng paraan, hayaan mo na akong makasama ka."

Komento sa Aklat (135)

  • avatar
    Santos Jonajoy

    Naiiyak ako akala ko happy ending na nila 😭 pero ang ganda po basahin..🥰🥰

    19/07/2025

      0
  • avatar
    De guiaJoseph

    Napakaganda ng kwento mo, pero nkakasad 🥹😭 parang gusto ko pumasok sa kwento at buhayin si maru. I can't move on ..iyak ako ng iyak😭😭ayoko tlga ang sad ending

    28/12/2024

      0
  • avatar
    porteGerald

    gerald

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata