Homepage/He Promised, So I Wrote/
26
Nang tumilaok pa lang ang manok ay bumangon agad ako sa aking higaan, dinig na dinig ko na ang tawanan sa labas na naririnig pa ang pagkalansing ng mga baso, halatang hinahalo ang kape. Pagkasilip ko sa orasan ay alas-kwatro pa lang ng umaga, imbes na magreklamo ay nag-asikaso na agad ako ng aking sarili.
Nagsuot lamang ako ng makapal na damit dahil sa mga sinabi nila sa akin kagabi no'ng makarating sila. Nilalakad lang pala nila ang pagpunta sa bundok na iyon. Hindi naman ako nahirapan na pakisamahan ang mga ito dahil sa galing din sila sa Manila na na-destino rin dito. Mukhang bata pa ang iba at pangatlo ako sa matatanda. Matapos kong mag-ayos ng gamit ay binuksan ko na ang pinto, natahimik naman ang mga ito at mainit akong binati.
"Kakatukin ka sana namin, mabuti na lang bumukas ang ilaw mo. Kamusta tulog?" normal na pakikipag-usap sa akin ni Clarrise habang hinahalo ang kape.
"Maayos lang, naninibago pa," simpleng sagot ko saka naupo sa upuan na malapit doon.
Bukas na rin ang bahay ng matanda ngunit hindi ko pa sila napapansin.
"Grabe, mabuti na lang at ikaw ang nakasama namin. Yong maldita kasi 'yong makakasama namin dapat e, kaso ipinalit ka namin," panimula ng isang gurong abala sa pagpapaypay ng sinaing.
Dito pala sila nagluluto sa labas.
"Pinalit?" takang tanong ko.
"Oo. Sa bundok ka talaga tutuloy, kaso lang nakita namin na mas malinis ang record mo kaysa sa isa, kaya mas pinili ka namin. Ayaw ka rin namin doon dahil mahihirapan ka sa pagbaba, masyadong matarik," pagpapaliwanag nito na ikinatango ko naman.
"Pasensya na a, tumitingin kasi kami sa mga record ng mga magiging kasama namin, at isa pa mula rin pala sa public school. Archery teacher ka right? Kaya gusto ka namin makuha para sa mga estudyante naming maraming gustong matuto ng gano'n para hindi tuluyang mawala, lalo na sa lugar na ito," pagbibigay liwanag ni Erick na ikinangiti ko.
Kultura. Kaya bukal sa kalooban kong pirmahan ang alok nila ay dahil dito sa probinsya ay paniguradong mapapakinabangan ang mga tinuturo ko. Sigurado akong hindi mabubulok ang bagay na minahal ko, ng walang halong haras.
Nagpasya na kaming umalis, hindi nga sila nagbibiro, naglakad lamang kami hanggang sa abutan kami ng liwanag, dahil sanay ako sa lakaran ay hindi ko ininda ang sinasabi nilang mabilis na pagsakit ng katawan. Tatawid ng palayan, sasakay ng bangka, dadaaan sa matirik na daanan at tatawid sa ilog na mababaw lamang ang tubig, lalakad muli, matapos ang tatlong oras na paglalakad ay sa wakas, tanaw na tanaw ko na ang paaralan, hindi masyadong malaki ngunit napaka-simple. Isang palapag lang ang mayroon at maliit lamang iyon, sampung kwarto lang ngunit malawak ang espasyo na tinatakbuhan ngayon ng mga bata. Ito ang pangarap kong lugar para sa aking asignatura.
This is it Nikasha, I can freely do whatever I want. Whatever they want to know.
Natigil ang mga bata sa kalalaro at napatingin sa amin, kumaway ang mga ito sa amin at halata ang tuwa ni Clarisse na mahilig sa bata. Sinalubong kami nito ng yakap, hindi ako nakaligtas dahil sa yakap ng limang batang halos hanggang hita ko lang.
Sila ang mga batang gustong matutong magpana?
"Don't worry, marunong sila magsalita ng tagalog, para lang silang batang maynila," bulong ni Erick na nginitian ko naman.
"Kapag bumilang ako ng lima at wala pa sa silid, hindi na magtuturo si Ma'am Ficarro," malakas na saad ni Khaye dahilan para magtakbuhan ang mga bata.
"Kami ang bahala sa'yo, sa ngayon monitor muna ang gagawin mo, magtuturo lang kami ng kaunting oras, tapos sa bakante pwede mo silang kausapin," sabi ni Clarrise na tinanguan ko.
Sumunod na ako sa kanila at bumungad sa silid na iyon ang mahigit sampung bata, bawat silid ay maroon lamang hindi lalampas na kinseng bata. Magalang na nagsi-tayuan ito at bumati sa amin ni Khaye.
"Magandang araw po, Binibining Torres at Binibining Ficarro!" sabay-sabay na bigkas ng mga batang animo'y bihasa sa tagalog.
Totoo nga. Hindi ako mahihirapang makipag-usap.
"Maaari na kayong magsi-upo," nakangiting sambit ni Khaye na sinunod naman nila.
Nakatingin lamang ako sa mga batang titig na titig sa akin, may mangilan-ngilang kinakawayan ako sa likuran. Masasabi kong malaki ang pinagkaiba nila sa mga estudyante ko sa Manila dahil takot ang nangunguna sa mata nila, hindi gaya ng mga bata rito.
"Sino sa inyo ang gustong matutong magpana? Itaas ang kanang kamay!" masiglang panimula ni Khaye na mabilis na itinaas ng mga bata ang kanang kamay.
"Ayan! Very good, marami. Gusto kong ipakilala sa Inyo ang isang gurong magayon," nakangiting saad ni Khaye na hinila ang kamay ko palapit sa kaniya.
Nabigla ako dahil hindi ko alam na kayang gawin ng ibabg tao sa akin ang gano'n. Mostly, they treat me as a highness, has a title or what. But now, it's really different. They treat me the way on how they treat themselves.
Nginitian ako ni Khaye, senyales na ako naman ang magsasalita. Tumingin ako sa mga batang maliliit at mas bata pa sa tinuturuan ko sa manila.
"Hi, Good morning," bati ko na mukhang naintindihan nila. "Ako si Ma'am Nikasha Zorxy Ficarro, puwede ninyo akong tawaging Ma'am Ficarro, Ma'am Zorxy, o kaya Ma'am Nikasha," kinakabahang wika ko dahil baka hindi nila ako naiintindihan.
May isang babae sa likuran ang nagtaas ng kamay at bibong-bibo na ngumiti sa amin.
"Puwede pong Ma'am Nika, itawag ko po sa inyo? Para po parehas tayo ng pangalan," pagbubungisngis nito na ikinatawa ni Khaye.
Nika? Looks like I'm a kid.
"S-Sure, oo naman."
Sa pagsabi ko non ay lumawak ang ngiti nito at muling umupo. Matapos ang pagtanong sa marami nilang katanungan ay nagpasya naman akong pumunta sa kabilang silid. Natapos ang buong araw na iyon sa pagpapakilala at pagsagot sa mga tanong nila. Hindi rin ako nakaligtas sa pang-aalok nila sa akin na maglaro na hindi ko naman pwedeng tanggihan. Nakakatawa lamang dahil pati ibang gurong kasama ko ay nakikipaglaro din.
Isa sa mga bagay na natutunan ko ay, kailangan kong ilugar ang aking sarili sa kanilang mga pagkatao upang maintindihan at makasundo sila.
"Paalam po! Bukas po ulit!" pamamaalam nilang lahat sa amin.
Kumaway na rin kami at napansin ang mga magulang na naroon na tuwang-tuwa rin dahil sa makukulit nilang mga anak. Alas-kwatro na ng hapon at kailangan na naming simulang maglakad. Kagaya ng kanina ay gano'n din ang aming ginawa. Tumawid sa mababaw na bahagi ng ilog, hindi ko maiwasang mapangiti lalo na't ito ang pangarap ko noon, ang pumunta sa ganitong lugar, yon nga lang ay trabaho ang pinunta ko. Matapos non ay kinailangan naming hubarin ang sapatos upang makadaan sa matirik na daan. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil napagdaanan ko ka ito noon. Nagrenta muli kami ng banka upang makatawid muli sa kabilang baryo.
"Ayos ka pa ba?" pangangalabit ni Erick sa akin.
Nasa likuran lamang ako at sinusundan ang ilan sa mganagdadaldalan sa unahan, medyo hindi ko pa kabisado ang daan.
"Sakto lang," tipid kong sagot.
"Ganyan talaga 'yan sa una. Masasanay ka rin dito sa buhay probinsya, masaya rito kung kuntento ka," ngiting sabi nito na hindi man lang makitaan ng pagrereklamo sa bagay na buhat niya.
Masaya rito kung kuntento ka.
Si Nanay Crising na ang nagpresintang magluto na siyang ikinatuwa ng iba. Kaya habang nag-aasikaso sila ng sarili ay gano'n din ang aking ginawa. Naghilamos lamang ako ng aking katawan. Halos ramdam ko ang pagod at sakit ng aking balakang na kaya ko naman igalaw kaya walang problema.
Kuliglig at mga nagsasayawang mga pananim lamang ang aking naririnig, naupo ako sa hinihigaan ko, nagpasyang galawin ang isang malaking box na kanina pa bitbit ni Erick. Sinabi niyang iyon ang pinagawa nila sa mga bata bago umuwi. Para sa akin daw ang mga iyon.
Pagkabukas ko ay iba't-ibang klaseng papel ang naroon at halata ang sulat kamay. Maingat kong kinuha ang isa, mabilis na binuklat at saka automatikong binasa.
Dear Teacher Nika,
Wag saka po kayo magagalit, pero gusto ko po yong buhok niyo, ang ganda ganda po. Sabi po ni Teacher Erick, kayo po ang magtuturo sa amin sa panghuhuli ng baboy, gusto ko na pong manghuli para may ulam kami lagi. Sana po dito na lang po kayo sa skul namin. Iyon lang po Teacher Nika.
Eugenia,
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito lalo na sa mga bata. Kung alam lang nila kung gaano ko kagusto ang mga liham. Pansamantala akong tumigil upang tingnan ang oras, ala-syete na.
Ano na kayang ginagawa nila? Kumain na kaya sila?
Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang magkaroon ng signal, mabilis at maingay na pumasok ang mga mensahe galing sa kung kani-kaninong tao.
Naghanap pa ako ng signal dahil baka sakaling may pagkakataong matawagan o makausap ko sila, pero bigo ako dahil sa nawawala ang signal sa lugar.
"Nika, Tara na kain na tayo," katok ni Khaye sa pintuan na nakabukas.
"Khaye, wala ba talagang signal dito?" tanong ko dahil isang araw din ako hindi nakapagbukas ng selpon.
Ngumuso ito saka tumango. "Oo pala, nakalimutan kong sabihin na walang signal dito. Kung gusto mong makatawag sa pamilya mo, kailangan pa nating maghintay ng katapusan ng buwan para makapunta tayo sa bayan, doon lang kasi tayo puwedeng makatawag," pagpapaliwanag nito na ikinagulat ko.
Isang buwan? Sa katapusan pa ng Marso ako makakatawag sa kanila? Totoo nga, mawawalan ako ng komunikasyon sa kanilang mga naiwan ko. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (135)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Naiiyak ako akala ko happy ending na nila 😭 pero ang ganda po basahin..🥰🥰
19/07/2025
0Napakaganda ng kwento mo, pero nkakasad 🥹😭 parang gusto ko pumasok sa kwento at buhayin si maru. I can't move on ..iyak ako ng iyak😭😭ayoko tlga ang sad ending
28/12/2024
0gerald
04/09/2024
0Tingnan Lahat