25

Alas-singko pa lang ng umaga ay mag-asikaso na ako, inilagay ang karamihan sa mga damit ko sa isang maleta at ilan pa sa mga importanteng bagay sa buhay ko, kasama na ang tasa. Mamayang ala-syete pa naman ako susunduin ng maghahatid sa akin papunta sa bikol kaya hindi ako nagmadali.
Malaya akong nakakapag-isip ng mga dapat kong iwanan dito, hindi ko naman kailangang ibilin ang bahay dahil walang nakakaalam sa pag-alis ko, kundi si Partricio lang. Ayoko na ito sabihin sa tito ko dahil paniguradong marami na naman ang tanong.
Buo ang desisyon kung tanggapin ang pagkakataon na iyon dahil kailangan din ng guro sa liblib na lugar, bundok iyon kaya aasahan kong doon din ako mananatili. May mga kasamahan naman ako na galing ding manila, pero hindi ko sila kasama sa iisnag bahay. Isang bahay lamang ang tutuluyan ko at mag-isa lamang ako. Na naman.
Matapos kong mag-kape ay lumabas agad ako ng bahay, marahan kong kinuha ang hose at buksan upang madiligan man lang ang mga halaman sa aking bakuran. Baka sabihan ko na lang si Patricio na bumisita rito kung may oras siya para mandilig.
Matapos ang pag-aayos ng halaman ay nag-asikaso na ako ng aking sarili, simple lamang ang sinuot ko kung saan kumportable at hindi mainit sa katawan. Hinayaan ko na lamang ang aking buhok na nakalaglag upang mabilis na matuyo.
Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng busina sa labas ng bahay, iyon na ang driver ng paaralan na susundo sa akin.
"Ako na ho r'yan Ma'am," pagrerepresinta nito na tinanggihan ko.
"Okay lang, kaya ko naman," sabi ko habang inilabas ang isang maleta at bagpack.
Inilagay ko lamang sa likurang bahagi ang maleta, ngunit ang bagpack ay nasa akin pa rin. Walang imik na pumasok sa likuran bahagi ng driver imbes na maupo sa kaniyang tabi. Titig na titig lamang ako sa bahay na maiiwan ko, lalong lalo na sa punong malaki kung saan ako namamalagi, atleast sa bikol, magsasawa ako.
Sa gitna ng trapik ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Patricio.
Patty:
Oy! Bakla ka jusko! Anong sasabihin ko kay Daddy Zenos my love, kapag nagtanong siya? Jusko naman! Ayokong magtampo sa akin ang ama mo. Reply you ASAP! Baka mawalan ka ng signal sa bulkang Mayon.
Napasandal na lang ako sa bintana nang mabasa iyon. May koneksyon din pala siya sa mga taong nasa mansyon, sa pagkakaalam ko ay siya ang madalas na nakakausap ni Zeren kung tungkol sa akin, kaya magtataka sila kung bakit hindi nila ako ma-kontak o di kaya'y hindi man lang makabisita.
To: Patty:
Then tell them. Hintayin mo munang magtanong sila bago mo sabihin, huwag kang manguna.
Pinatay ko na agad ang selpon na iyon upang hindi na ako ma-kontak, inabala ko na lang ang sarili ko sa byahe na mabilis lang nan dahil hindi masyadong trapik.
Wala rin akong pahinga dahil kinabukasan na agad ang klase ko, ayos lang sa akin ang gano'n kaysa naman sa tumulala buong araw sa aking tutuluyan.
Alas-onse ng tanghali nang makarating kami sa lugar na tinutukoy nila. Hanggang highway lamang kaya akong ihatid dahil hindi na iyon kayang daanan ng sasakyan.
Bumungad agad sa akin ang maputik na daanan na napansin ko pang may tumirik na habal-habal kung tawagin.
"Alis na ho ako Ma'am, ingat po kayo," pagpapaalam nito sa akin nang makababa na ako.
"Mag-iingat po kayo," asal ko saka ito yumuko ng bahagya.
Maya-maya pa ay pinagmasdan ko naman ang lalaking nakita ko na noon na bumisita sa eskwelahanh pinagtatrabahuan ko noon. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang pamangkin ng Chairman.
"Sasakay po tayo ngayon Ma'am ng habal-habal, masyado po kasing maputik kung lalakarin natin," wika nito na tinanguan ko.
"Mukha nga, habal-habal lang ba ang sasakyan natin papunta roon?" tanong ko dahil imposible namang maputik pa rin hanggang sa lugar na tutuluyan ko.
"Hindi naman po, tatawid pa po tayo ng tulay para makatawid sa baryo. Tapos po dadaan tayo ng palayan hanggang sa makapunta tayo sa tutuluyan niyo po," nakangiting pagpapaliwanag ko na dahan-daha kong nginitian.
Hindi ko alam na gano'n pala ang paraan ng byahe rito. Mapapansin talaga sa itsura pa lang ng lugar ang kahirapan, hindi halatang napapasailalim sila ng gobyerno dahil mukhang pinapabayaan ang lugar na ito, o baka naman talagang pinapabayaan.
Gano'n nga ang ginawa namin. Animo'y maihahalintulad sa motorsklo ang habal-habal na may upuan sa magkabilaan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang nagsimula ng umandar iyon, nakakatakot dahil posible kaming mahulog. Habang tumatagal ay mukhang naging kumportable naman ako. Umabot ng kalahating oras ang byahe ng iyon na halos puro talahiban lang ang makikita, sa dulo non ay may tulay na gawa kahoy na mukhang sira-sira na. Ngunit dahil may bangka naman ay iyon ang pinili namin patawid.
Banayad lang ang tubig sa ilog na iyon kaya wala namang problema sa pagtawid, hindi lamang ligtas dito sa tuwing bumabagyo at kung minsan ay umaapaw pa at naaabot ang tulay.
Hindi ko maintindihan kung anong mga sinasabi nila, hindi ko gamay ang lengwaheng iyon at umaasa ako na marunong magsalita ng wikang tagalog ang mga tao rito. I have no time to learn their language, unless, someone's willing to teach me.
Sinimulan na naming lumakad, wala akong ibang matanaw kundi ang puro palayan, kung ang kanina ay talahiban, rito naman ay mukhang may buhay na. May natanaw pa akong isang magsasaka na lumawak ang ngiti at bahagyang ngumiti.
"Marhay na aldaw!" sigaw nito na automatikong napakunot ako.
Kumaway rin ang dalawang kasamahan kong pamangkin ng Chairman at babaeng taga-rito.
"Marhay na aldaw man sa imo!" sagot ng babaeng mas lalong nginitian ng lalaki at nagbalik sa ginagawa.
"Ang ibig sabihin po non, binabati niya po tayo ng magandang araw, at 'yong salitang sa imo, ibig sabihin po ay, sa 'yo," pagbibigay kaalaman ng babae na maagap kong tinanguan.
Napatango na lang ako dahil sa nalaman ko, dinaig pa nito ang lengwahe ng ibang bansa at sobrang layo pa sa wikang tagalog.
Hindi ko na namalayan ang paghinto namin sa isang mapunong parte, nakalagpas na kami sa palayan at hindi ko akalaing ganito kaganda ang madadatnan ko. Amoy probinsya nga, ang punong nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin.
"Nandito na po tayo Ma'am Ficarro," nakangiting sabi nito ng matapat kami sa isang bahay na hindi ko inasahan.
Akala ko sa isang kubo ako maninirahan. Para lamang siyang tipikal na bahay sa manila na sobrang simple lang. Maya-maya pa ay napansin ko ang pagbukas ng pintong iyon, iniluwa ang dalawang matandang mukhang mag-asawa at titig na titig sa amin.
"Nanay Crising, Tatay Rogelio, magandang araw po," nakangiting bati ng babaeng kasama ko.
"Aba'y magandang araw naman sa inyo. Siya na ba ang dalagang iyon?" tanong ng matandang lalaki na muli akong pinagmasdan.
"Ako nga ho," magalang na sabi ko na nginitian nilang dalawa.
"May makakasama ka namang ibang guro na taga-rito rin, d'yan sila nakatira," turo nito sa kabilang bahagi lang din. "Aalis na po agad kami nay, tay. Kayo na ho ang bahala sa kaniya," sabi ng pamangkin ng Chairman na nginitian nila.
Naiwan akong nakatayo sa harap ng tutuluyan ko, habang nag-uusap sila. Wala naman daw akong dapat na ikabahala dahil mamaya ay uuwi ang mga gurong nakatira din sa lugar na ito at gagabayan ako sa mga susunod kong gagawin. Maya-maya pa ay umalis na nga ang dalawa at kami na lang ang natira.
"Halika't pumasok ka sa iyong tutuluyan. Mabuti na lamang at nakapaghanda ako ng tanghalian, o siya't bitiwan mo muna iyan at maupo," pag-aasikaso nito sa akin.
Nalaman ko na ako lang ang mag-isa sa bahay na ito ngunit ang ibang guro ay nasa kabilang bahay lang din. Ang dalawang matanda ang nagmamay-ari nito. Sakto lamang ang luwag, wala nga lang kama ngunit may kotson naman doon na makapal ang foam. Sapat lamang ang pwesto ng bahay na nakatapat sa malayong palayan at sa mga bahay na sakto lang ang layo.
Mali ang inakala kong nag-iisa ako. Kahit papaano ay may makakasama rin pala akong aalalay sa akin dito.
Amoy na amoy ko ang hanging payapa. Mukhang sa lugar na ito mahahanap ko ang kasagutang gumugulo sa akin at makukumpleto ang nawawala kong sarili.

Komento sa Aklat (135)

  • avatar
    Santos Jonajoy

    Naiiyak ako akala ko happy ending na nila 😭 pero ang ganda po basahin..🥰🥰

    19/07/2025

      0
  • avatar
    De guiaJoseph

    Napakaganda ng kwento mo, pero nkakasad 🥹😭 parang gusto ko pumasok sa kwento at buhayin si maru. I can't move on ..iyak ako ng iyak😭😭ayoko tlga ang sad ending

    28/12/2024

      0
  • avatar
    porteGerald

    gerald

    04/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata