Nagising si Nica sa naaamoy na kakaibang bango. Hindi niya muna agad iminulat ang mga mata at nakiramdam sa paligid. Muli niyang sininghot ang bagay na nakadikit sa tungki ng kaniyang ilong. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang naamoy iyon at sa unan pa niya. "Unan?" nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang isipan nang mag-sink in sa kaniyang isip ang inaakalang unan. Nang maalala kung nasaan siya ay biglang naimulat niya ang kaniyang mga mata para lang magulat. "Shit!" napamura siya sa kaniyang isipan nang tumambad sa kaniyang mukha ang matipunong dibdib ng isang lalaki. Maingat niyang iginalaw ang ulo at inangat upang tignan ang mukha ng lalaking ginawa niyang unan. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing itong natutulog. Biglang namula ang mga pisngi niya habang dahan-dahang inaangat ang kanang kamay na nakayakap dito. Mukhang siya ang nagsamantala dito habang tulog ito sa makikitang posisyon nila ngayon. Manipis lang ang puting sando na suot ng binata kaya aninag niya ang nasa ilalim niyon. Ang dalawang kamay nito ay nakataas sa ulunan at ginawang unang na tila ba iyon ang paraan para hindi siya mahawakan habang ito ay tulog. Napatitig siya sa manipis nitong mga labi na bahagyang nakaawang. Mula doon ay lumipat ang tingin niya sa pointed nose nito hanggang sa mga mata na kahit nakapikit ay mapungay pa rin tignan. Napakagat labi siya nang bumalik ang tingin sa dibdib nito kung saan siya umunan kanina. Parang gusto niyang bumalik doon para matulog muli. Bago pa lamunin ng makamundong pagnanasa ang buo niyang isipan ay lumayo na siya sa binata "Where are you going?" "Fuck!" Naibulalas ni Nica dahil sa gulat at ang tangkang pagbaba sa kama ay naudlot. Paglingon niya sa binata ay nakapikit pa rin naman ito. "Its too early to wake up," ani Chris in husky voice. Kanina pa niya ramdam na gising ang dalaga. Alam niyang pinagmamasdan din siya nito kanina. "Kanina ka pa gising?" Napilitan si Chris na imulat ang mga mata at pinakatitigan ang dalaga. "No," aniya upang hindi makaramdam ng hiya ang dalaga. "Are you sick?" Bigla siyang bumangon upang salatin ang noo ng dalaga nang makitang namumula ang mga pisngi nito. "No!" Mabilis na lumayo si Nica sa binata. "I mean wala akong sakit." Paliwanag niya dito nang mangunot ang noo nito. Nagmukha siyang defensive sa kung bakit nag-blush siya na ang inakala ng binata ay may fever siya. Tumingin si Chris sa orasang nakasabit sa dingding nang tuluyang makababa sa kama ang dalaga. Alas kuwatro lamang ng umaga. Sinundan niya ito ng tingin, halatang nagkukumahog ito makapasok ng bathroom na parang may tinatakasan. Nang wala na sa paningin ang dalaga ay napangiti siya dahil naalala kung paano itong yumakap sa kaniya kagabi. Malikot itong matulog at doble ang ginawa niyang pagtitimpi kagabi na huwag itong gantihan ng yakap. Nakailang hilamos na si Nica ng tubig sa mukha pero ramdam pa rin niyang nag-iinit iyon. Hindi niya alam kung gising ba ito nang yumakap siya habang siya ay tulog. Ilang minuto pa siya nagtagal sa bathroom bago nagpasyang lumabas. Wala ang binata sa kama kaya dali-dali siyang sumampa doon at nagtalukbong ng kumot. Nilingon ni Chris ang loob ng silid nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Napangiti siya nang makita ang kinikilos ng dalaga. Hindi nito napansin na nasa terrace siya na karugtong lang ng kanilang silid. Humithit pa siya ng dalawang beses sa hawak na sigarilyo bago pinatay ang sindi at iniwan sa ashtray. Naging maingat ang pagsara niya ng sliding door at dumiritso ng banyo upang magsipilyo. Ayaw niyang maamoy nito ang sigarilyo. Dahil putol ang tulog ay tinanghali ng gising si Nica. Wala na ang binata sa kaniyang tabi at maliwanag na rin ang paligid. Sa unang araw ay naging maayos ang araw niya sa bahay ng mga ito. Halos maghapon sila sa labas ni Chris upang ayusin ang dapat ayusin sa kanilang kasal. Hindi niya rin nakausap ang parents nito dahil nagkaroon ng check up ang ama ng binata at sa labas na rin sila kumain. "Goodmorning po!" Bati ni Nica sa ina ni Chris nang makasalubong ito sa hagdan. Mukha itong nagmamadali sa paghakbang sa bawat baitang. Tumigil si Luisa sa harap ng dalaga at sandaling tinitigan ito. "Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa naghihintay ang lahat sa garden upang makapag almusal." "Pasensya po kung tinanghali ako ng gising, umuna na po sana kayong kumain." Magalang niyang sagot sa ginang kahit naging sarkastiko ito sa kaniya. "Kung sa inyo ay sanay ka na walang taong pinapahalagahan ay ibahin mo ang pamilya ko. Maging asawa ka na ng anak ko at ayaw ko na pababayaan mo ang kaniyang kalusugan." Para namang sinampal si Nica sa magkabilaang pisngi sa pagiging prangka ng ina ni Chris. Tama ito na sanay siyang walang pakialam sa mga taong kasama niya sa bahay. Pero hindi nito alam ang kaniyang dahila at wala siyang balak magpaliwanag dito. "I will try po!" Napataas ang kilay ni Luisa dahil nanatiling magalang pa rin ang kaharap. Pero nang maalala ang sinabi ni Maragaret na magaling itong magpakitang-tao ay iniwas niya ang tingin dito. "Dumiritso ka na sa harden at naghihintay din doon ang kapatid mo." Hindi kaagad nakakilos si Nica sa kinatayuan nang marinig ang sinabi ng maging beyanan. Ang alam niya ay sa sunod na araw pa ito susunod sa kanila. Mabilis siyang humakbang palabas ng pintuan nang hindi na mamataan ang ginang. Ang akala niya ay nagbibiro lang ito pero naroon nga ang kapatid. Mukhang ito ang magiging asawa ni Chris at ito ang naka upo sa dapat niyang maging pwesto. "Anong oras ka dumating kagabi?" tanong ni Chris kay Janice habang hinahalo ang kape. "I'm not sure but I think madaling araw na. Hindi na ako tumawag sa iyo upang magpasundo dahil gusto kitang ma surpresa pagkagising mo." Malambing na sagot ni Janice kay Chris. Napangisi si Nica nang marinig ang drama ng kapatid. Kahit hindi nakikita ang mukha nito dahil nalatalikod ay alam niyang abot hanggang taenga ang ngiti nito. Ngumiti si Chris sa kaibigan bago humigop ng kape. Pero muntik niya rin maibuga iyon nang may magsalita mula sa kaniyang likuran. "Isang taon ba kayong hindi nagkita para ma surprise ang fiancee ko sa iyong pagdating?" Nang uuyam na tanong ni Nica sa kapatid. Ipinagpasalamat niyang wala pa roon ang mga magulang ni Chris kaya nailalabas niya ang kagaspangan ng ugaling bagay sa kaniyang kapatid. Ang magandang ngiti sa mga labi ni Janice ay unti-unting nabura at napalitan ng pilit na ngiti. Mabilis na tumayo si Chris at nilingon si Nica. "Goodmorning!" "Goodmorning, Babe!" Malambing na bati ni Nica kay Chris. Kita niya sa mga mata nito ang kislap ng pagkagulat sa endearment niya dito. Napangiti si Chris sa dalaga at parang hinaplos ng mainit na palad nito ang kaniyang puso nang tawagin siya nitong, babe. "Mabuti naman at gising ka na, nakakahiya kina Tita at dala mo pa dito ang nakagawian mo sa bahay." Napaismid si Nica sa kapatid at umaakto itong mabuting kapatid at naninermon pa. Sa halip na patulan ito ay nagbago ang kaniyang isip. "Pinagod kasi ako ni Chris kagabi kaya ako tinanghali ng gising." Ngumiti siya sa kapatid at narinig niyang napatikhin ang binata. Gusto niyang matawa nang halos lumuwa ang mga mata ng kapatid habang nakatitig sa kaniya. "Pumayag kang tumabi na kay Chris kahit hindi pa kayo kasal?" Galit na tanong ni Janice sa kapatid. " Ano na lang ang sasabihin nila Daddy kapag nalaman ito?" "Malamang matutuwa siya lalo na ang mommy mo dahil mabibigyan ko na sila ng apo," patuloy niyang pang-aasar sa kapatid. "Ikaw, bakit hindi mo na nahintay sina Daddy sa pagpunta dito? "Stop being a bitch dahil alam kong gusto mo lang akong asarin!" bawi ni Janice nang mapansin na pinagti-tripan siya nito. "Alam kong hindi magawa ni Chris ang mga sinasabi mo dahil marunong siyang gumalang ng babae." Hindi malaman ni Chris kung ano ang dapat iakto sa harap ng dalawang nagpapalitan ng bato ng hindi magandang salita. Nagkibit balikat si Nica bago lumapit kay Chris. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mo. I don't care sa kung ano man ang nasa isip mo." Napalunok ng sariling laway si Chris nang magsalubong ang paningin nila ng dalaga at mabasa ang kapilyahang nasa isip nito. Ikinawit ni Nica ang isang kamay sa braso ni Chris at bahagyang tumingkayad. "All I care for at the moment…" Nanlaki ang mga mata ni Janice nang hinalikan ni Nica sa labi si Chris doon mismo sa kaniyang harapan. "How to make him happy," ani Nica matapos mabigyan ng mabilis ngunit mariing halik sa labi ang binata. Pakiramdam ni Chris ay panandaliang tumigil ang pag-inog ng kaniyang mundo nang lumapat ang labi ng dalaga sa bahagyang nakaawang niyang labi. Napatitig siya sa bawat buka ng bibig nito habang nakatingin ito kay Janice. "What a sweet couple!" Masayang bati ni Gregory sa mga nadatnan. "Janice, hija?" tawag ni Luisa sa dalaga. Naawa siya dito dahil kitang-kita niya kung paano ito nasaktan sa nakikitang pagiging sweet ng anak niya at ng kapatid nito. Alam niya kung ano ang tunay na damdamin ng kaniyang anak pero umaasa pa rin siya na mabago pa iyon dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman nito para kay Nica. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ni Janice sa nasaksihan at nakitang nagustohan ng binata ang ginawa ng kapatid. Pilit niyang pinasigla ang tinig nang makaharap ang mga magulang ni Chris. "Oh Janice, hija bakit ang aga mong gumising?" bati ni Gregory sa huli nang mapansin ito. "Goodmorning po, Tito!" Humalik si Janice sa pisngi nito. "Sanay po kasi akong gumising ng maaga. Kumusta po kayo?" "Mamaya na tayo magkwentuhan, tayo na at simulan ang almusal habang mainit pa ito." Pumalakpak pa si Luisa upang kunin ang atensyon ng mga kasama. Kaka-serve lang ng pakain ng kanilang katulong kaya mainit pa at langhap ang mabangong amoy. Gustong magdabog ni Janice nang alalayan pa ni Chris si Nica at ipinaghila ito ng upuan. Mukhang hindi na siya nito naalala at doon din umupo sa tabi ng kapatid. Mabuti na lang at sa kaniya tumabi ang ina nito at kinakausap siya paminsan-minsan habang kumakain.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (206)
LeyesaMarife
ganda ng flow ng story. 👍nakakakilig na nakakaexcite. huhu ulitin ko pa basahin ng one more time 😁
ganda ng flow ng story. 👍nakakakilig na nakakaexcite. huhu ulitin ko pa basahin ng one more time 😁
22/08/2022
0nice story
17/12
0happy
08/08/2025
0Tingnan Lahat