KABANATA 4

PRETENDING shouldn’t be this hard for Malen.
Madali lang naman sa kaniyang ngitian ang mga bisita at paniwalain ang mga ito na wala silang naging alitan ng asawa sa loob ng ilang araw. Makakaya niyang magpanggap sa harap ng mga ito na masaya siya sa piling ng lalaki kahit pa kabaliktaran naman ito sa katotohanan.
It shouldn’t be this hard. She’s used to all of this. Ngunit bakit bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangang gawin ito? Saan nanggaling ang kabang ito?
“You know what I’m thinking?” tanong ni Janelle habang abala ito sa pagpupunas ng mga gagamiting kubyertos. “I think your husband is going insane. Ang lakas naman ng loob niyang sabihin ‘yon sa ‘yo!”
Inis nitong ibinato ang pamunas sa kung saan at padabog na hinarap ang kaibigan. “Kung mayro’n mang disappointment dito, siya ‘yon at wala nang iba!”
Natatawang umiling-iling si Malen sa babae habang hinahalo ang nilulutong putahe. Pinipilit niyang iwaksi ang kabang nararamdaman at ikinubli na lamang ito sa pamamagitan ng matamis na ngiti.
Ipinihit niya ang katawan paharap sa dalaga nang masigurong luto ang pagkain. Hawak-hawak pa niya ang sandok sa kanang kamay. “Janelle, relax. Maha-highblood ka niyan, eh. Sige ka, baka biglang lumitaw rito si Domenico.”
“At wala akong pakialam.” Napairap pa si Janelle at naglakad palapit sa isa sa mga bar stool upang umupo rito. “Everyone knows how pretentious that man is. I’m surprised that his parents can’t even get a hold of him.”
“Wala silang alam, Janelle,” pagak na tugon ni Malen. “And I’d like to keep it that way. Labas naman sila sa usapan naming mag-asawa.”
Marahas na napabuga sa hangin si Janelle at binalingan ang direksyon ng maybahay. “I’m not gonna go against your decision, Malen. But how long are you going to tolerate your husband’s attitude?”
The question hit her like a shit ton of bricks. Hanggang kailan nga kaya niya hahayaan ang pakikitungong ito ni Domenico sa kaniya? She’s been staying with him for almost three years, at sa loob ng halos tatlong taong iyon ay nanatili siya sa tabi nito.
Nananatili siya sa tabi ng kabiyak dahil sa pinanghahawakan niyang kasunduan. Nananatili siya dahil nagbitaw ito ng pangakong ibibigay nito ang gusto niya. Domenico agreed to marry her for the sake of the property that her parents promised to him. He agreed to marry her in exchange of giving her a child.
Ngunit hanggang ngayon ay nagkikibit-balikat na lamang ang negosyante sa tuwing nababanggit ang bagay na ito, tila nakalimutan na ng lalaki ang kasunduang ‘yon.
Which is making her pissed as hell. Hindi na siya makapaghintay.
“He’s a busy person, Janelle,” aniya at tipid na nginitian ang kausap. “We all have a bad day, normal lang ‘yon. No’ng gabing ‘yon, pagod din kami parehas galing sa event. Nagkasagutan lang naman—”
Pinandilatan ni Janelle ang kaibigan. “Oh, please, Malen. Hindi na ako bata. I knew all too well that he crossed another boundary that night. Hindi mo na kailangang maglihim sa ‘kin, Alexa told me.”
Napasinghap na lamang si Malen at sumimangot. Talagang wala siyang maitatago sa babae, Janelle knows what to do! Given with her bubbly and outgoing personality, it’s no secret that she and Alexa would be best friends by now.
“You even asked Alexa to tell you her version of the story?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “You’re really something. Why am I even friends with you?”
Sa pagkakataong iyon ay napabulanghit ng tawa si Janelle. Nagmamadali itong tumayo at naglakad palapit sa kaibigan. Mahigpit niya itong niyakap mula sa likuran.
“Because we’re sisters for life, duh,” sarkastikong sagot ng dalaga at kumalas sa pagkakayakap kay Malen. “And that I’m your guardian angel from that spawn, from that snake . . . from everyone who will dare to hurt you.”
Nilingon ni Malen ang babae. “Who’s the snake?”
“Solana,” pagkukumpirma nito. “Sino pa ba ang kilala mong tinatawag ko ng gan’yan?”
“Did you just call my cousin . . . snake?”
“I did,” tila nagmamalaki pang tugon ni Janelle. “Uunahan na kita, okay? There is no way I’m gonna change my mind over her. And I’m sorry if I offended you but I trust my instincts, Malen.”
Janelle and her instincts. Natatawang hinampas ni Malen ang braso nito na siyang dahilan upang mapaigik ito sa gulat. Janelle has been very vocal about trusting her instincts.
Ilang beses na ring napatunayan ng instinct nito na tama ang bawat kutob niya sa mga bagay sa paligid. Ito rin ang dahilan kung bakit mahirap magtiwala si Janelle sa mga taong hindi niya gusto.
Isa na ro’n si Solana.
Tatlong beses nang nakita ni Janelle ang pinsan ng kaibigan. They first met in highschool when she had to enroll for second year level. Transferee si Janelle mula Maynila at kinailangang lumipat sa probinsya dahil sa trabaho ng ama. Si Malen din ang unang naging kaibigan nito.
Something’s off with Solana, ‘yon lang ang laging sagot ni Janelle sa tuwing tatanungin niya ito kung bakit hindi niya magawang makipagkaibigan sa babae. Hindi na rin niya ito napilit dahil sa pakiusap ng dalaga. And so Janelle had to distance herself every time Solana’s around.
Gano’n din ang ginagawa ni Solana sa tuwing nakikita nito si Janelle.
“Can’t you give her a chance, maybe?” Napakibit-balikat si Malen at nginitian ang matalik na kaibigan. “If not, just tell me why you can’t. Just one, hindi p’wede ‘yong palagi mong nirarason sa ‘kin ha.”
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Janelle nang sabihin iyon ng kaibigan. Tila nawalan ng interes ang mga mata nito nang landasin ang mukha ng kausap, bigla ring kumunot ang noo niya. Even her lips pressed into a thin line.
“Malen,” ani Janelle at tinapik sa balikat ang ginang. “Most of the time, the blood isn’t thicker than water anymore.”
Naguguluhan niyang tinaasan ng kilay ang kaharap. “What do you mean?”
“Kung ano sa tingin mo ang ibig kong sabihin.” Nginitian na lamang ni Janelle ang babae kinurot ang tagiliran nito. “Stop pestering me na nga, masusunog na ‘yang niluluto mo, oh!”
Gusto pa sana niyang usisain ang kaibigan sa totoong kahulugan ng sinasabi nito ngunit pinilit na lamang niyang talikuran ito at ituon ang pansin sa niluluto. She’ll just ask her again in a bit. Janelle can’t just talk in riddles and make her overthink.
But blood is thicker than water. It always does. It should be.
“I brought some lengua de gato and leche flan, ladies!” entrada ni Alexa habang papasok ito sa kusina bitbit ang isang paperbag.
Agad niyang inilapag ito sa countertop at hinarap ang dalawang babae. “Am I late? Si Damiano kasi eh, ayaw pang iwan sina Tilly at Rafa when we both agreed to it. We got someone to look after them—siya rin ang may gawa ng mga dessert na ‘yan.”
Nilingon ni Janelle ang bagong dating habang inaalis na sa paperbag ang mga dala nitong panghimagas. “Really? Sino? Sana naman sinama mo na rito para nakilala rin namin.”
“Gideon says he prefers looking after the kids.” Napakibit-balikat si Alexa sabay himas sa kaniyang tiyan. “Wala rin kasing pasok ang anak niya kaya siya na rin ang nagbabantay sa mga bata ngayon. He’s a Zaldarriaga, too, just so you know.”
“Does that change the fact that he’s related to Domenico?” Umasim ang mukha ni Janelle at napairap ito. “You see, I really hate it when we get to mention that man. Pinapainit niya talaga ang ulo ko.”
Napatawa na lamang si Alexa at umiling-iling. “If this is about the last time, I feel the same. Damiano tried to talk to him about it, but of course, we don’t want to meddle. I’m sorry, Malen.”
Nakangiti niyang tinugon ang babae. Alexa has been good to her, her husband has been good to her. Sa maikling panahon na nakilala niya ang dalawa ay masasabi niyang mapagkakatiwalaan na niya ang mga ito.
Ramdam niya kung gaano katindi ang kagustuhan ni Damiano na mapalapit sa kapatid. Maging si Alexa ay suportado rin ang ginagawang ito ng kabiyak. She’s trying to get a hold of her brother-in-law for her husband, for her own sanity.
“I still doubt that Damiano and Domenico are twins,” asik ni Janelle na ikinatawa ng dalawang babae. “Ang antipatiko, napaka-insensitive! He asked you to come home para sa lunch na ‘to and then what? Nasa’n siya ngayon?”
Napakagat na lamang si Malen sa ibaba niyang labi upang ikubli ang pagkadismaya sa asawa. Janelle has a point, ito ang dahilan kung bakit siya sinundo ng kabiyak. It was Domenico’s idea to host a Sunday lunch with their families to convince them that they’re indeed okay.
But the man is nowhere to be found. Nasa opisina ito at nagtatrabaho.
“It’s Sunday,” ani Alexa. “He shouldn’t have gone to the office if there’s a family gathering. Common sense na ‘yon, ano bang ginagawa niya sa opisina? I doubt he’s working on paperwork.”
“It could be someone else he’s working on!”
Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan. Domenico can’t do that, he shouldn’t do that. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang nila kapag nangyari ito?
“Stop, it’s not funny,” sita niya sa dalawa. “P’wede bang ‘wag muna nating isipin ‘yang mga bagay na ‘yan? Just this time, please.”
Napahigit ng hangin si Janelle at sandaling nilingon ang nagdadalang-taong si Alexa. “Okay, we’ll stop. Kami na ang magdadala ng mga niluto mo sa dining area.”
Nginitian ni Malen ang dalawang babae nang kapwa nitong bitbitin ang mga pagkaing ihahain niya sa hapag. Tinulungan na rin sila ng dalawang kasambahay na dalhin ito. Siya na lamang ang naiwan sa kusina.
Napabuntonghininga si Malen at agad na binunot ang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang apron, umaasang nag-iwan ng mensahe ang kabiyak.
Magdadalawang oras na mula nang tanungin niya ang asawa kung kailan ito uuwi. Domenico just left her on read. Nagtatrabaho nga kaya ang lalaki sa mga oras na ito?
◇─◇──◇─◇
HINDI niya magawang tikman ang nilutong putahe. Pakiramdam niya ay bigla siyang nawalan ng gana kumain dahil sa asawa.
Tahimik na sinisipat-sipat ng tingin ni Malen ang cellphone niya sa mesa, hinihintay ang anumang mensahe mula kay Domenico. Mangangalahating oras na silang nakaupo sa hapagkainan at ni minsan ay hindi pa nagagawang magparamdam ng kabiyak. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala para sa kaligtasan nito, iba’t ibang senaryo ang sumasagi sa kaniyang isipan.
She couldn’t help but to worry for Domenico’s safety, ito kasi ang nagmamaneho ng sasakyan niya ngayong araw. Naka-day off ang driver nitong si Alas kaya’t hindi siya masasamahan ng lalaki sa opisina. The man insisted driving his own car anyway.
“Malen, anak, hindi ka pa ba kakain?” puna ni Feliza. Marahil ay napansin niya ang anak na hindi pa ginagalaw ang pinggan sa harap nito. “Wala ka bang gana?”
Nginitian niya ang ina. “Hinihintay ko pa po si Domenico, Ma. Saka . . . hindi pa naman po ako gutom, medyo masakit din ang ulo ko.”
“May nangyari ba, hija?” Ang ama ni Domenico na si Don Fausto naman ang nagtanong. “Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang tawagan ko si Farrell?”
“Hindi na po, Pa. Ipapahinga ko lang po ito at magiging okay na rin ako.” Napahilot pa si Malen sa kaniyang sintido. “Pero hindi rin talaga ako mapakali dahil ‘di pa nagre-reply si Domenico sa mga text ko . . .”
“Baka naman kasi kaya sumasakit ang ulo mo eh hindi mo magawang kumain kahit kaunti?” Mahihimigan sa boses ni Alexa ang pag-aalala. Kusa na rin niyang nilagyan ng ulam ang pinggan ng babae. “Ito, kumain ka. Siguro naman maiintindihan ng asawa mo na hindi mo siya hihintayin ng sobrang tagal, ‘di ba?”
Napuno ng mahinang tawa ang hapagkainan.
Matamang pinagmasdan ni Malen ang inilagay na pagkain ni Alexa sa pinggan niya. Napakunot-noo na lamang siya nang mapagtantong may kakaiba sa amoy nito. Pakiramdam niya ay babaliktad ang sikmura niya—
Dali-dali siyang napatakip ng kaniyang bibig at napatayo mula sa kinauupuan. Patakbo niyang iniwan ang mga kasama upang magtungo sa pinakamalapit na lababo. Natatarantang nagkatinginan ang mga panauhin sa isa’t isa.
“Are you thinking . . . what I’m thinking?” tanong ni Alexa nang harapin nito si Janelle. “What if she’s—”
“Is she pregnant already? Oh my God!” natutuwang sambit ni Feliza habang nakatingin naman ito kay Olivia, ina ni Domenico. “Olivia, ang mga anak natin!”
“Hindi pa naman tayo sigurado, masyado n’yong pinapangunahan.” Umiiling-iling si Simeon sa dalawang babae. “Kapag nagkamali kayo, ‘wag kayong masasaktan ng sobra, ha?”
Napatawa na lamang si Fausto. “Hindi naman na bata sina Malen at Domenico. Sigurado naman akong nagawa na nila ‘yon bilang mag-asawa, ‘di ba?”
“I really can’t stand hearing you say that, Tito.” Napailing si Damiano sa direksyon ng matanda. “If Domenico hears you right now—”
“I’d probably throw up on your most expensive watch, Pa,” entrada ni Domenico sa dining area habang nakatingin sa kinauupuan ng mga panauhin. “Anong pinag-uusapan n’yo at nabanggit ang pangalan ko?”
Sabay-sabay na nilingon ng mga ito ang bagong dating na negosyante. Maging si Solana na kasabay nito maglakad ay hindi rin nakaligtas sa tingin ng mga bisita. Napatayo na lamang si Olivia para salubungin ang anak habang si Solana naman ang sinalubong ni Feliza.
“We’re talking about how Malen is pregnant, hijo!” natutuwang salubong ni Olivia sa anak. “Balak mo ba talaga kaming sorpresahin? Kung hindi lang dahil sa pagkaing nakahain ngayon eh hindi pa namin malalaman . . .”
Maagap na nagkatinginan sina Domenico at Solana. Tipid na nginitian ng babae ang negosyante at tinapik-tapik ito sa balikat bilang pagbati. Nanatili namang nakakunot ang noo ng lalaki hanggang sa makabalik si Malen sa salu-salong iyon.
Maging siya ay napatingin din sa kakaibang senaryo sa kaniyang harapan. “Anong meron? Domenico, nandito ka na pala—”
“Buntis ka?” kuryosong tanong ni Domenico sabay baba ng tingin sa tiyan ng kabiyak. “Hindi mo sinabi sa ‘kin . . .”
Namilog ang mga mata ni Malen sa narinig “Anong buntis? I was dehydrated for days, normal lang na magsuka ako.”
Kitang-kita niya kung paano mawala ang kunot sa noo ng kabiyak at tila nakahinga ito nang maluwag sa kumpirmasyon niyang iyon. Walang kibo itong naupo sa tabi ng kakambal at hindi na nagsalita pa.
“Akala naman namin eh buntis ka na at magkakaapo na kami,” dismayadong tugon ni Olivia at napasimangot ito. “Pasensya ka na, Malen. Talagang nasasabik lang kami ni balae.”
“Pero anak . . .” entrada ni Feliza. “Kung may nararamdaman ka, ‘wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Magpa-doktor ka kung kailangan.”
Nginitian niya ang ina at tumango. “I’m getting better, Ma. Salamat po.”
Hindi niya magawang magalit sa biyenan dahil maging siya ay ito rin ang gustong mangyari. Gusto niyang magkaanak. Gusto niyang maging isang ina. Ngunit hangga’t sarado pa ang isip ng asawa sa ideyang ito, wala siyang magagawa kung ‘di ang maghintay.
Kahit pa inip na inip na siya, kahit pa desperada na siyang magkatotoo ito.
“Ma, alam n’yo naman pong busy pa kami ni Domenico, ‘di ba?” pag-aalo niya sa babae at nginitian ito nang makabalik na siya sa kinauupuan. “Darating naman po kami ro’n.”
“Kung naghahanap kayo ng pagkakataon para d’yan . . .” sabat ni Solana sa grupo at agad na inilabas ang isang papel. Inilahad niya ito sa harap ng negosyante. “P’wede niyong gamitin ang pagkakataong mag-charter yacht.”
Hinablot ni Domenico ang papel mula sa kamay nito at saglit na pinasadahan ng tingin ang nilalaman nito. “Para saan ‘to?”
“Consider that as a gift,” ani Solana. “Your third wedding anniversary is coming up. And I thought that both of you needed a well-deserved rest. Lalo ka na, Malen.”
Saglit na nagtama ang paningin ng magpinsan at agad siyang binati ng matamis na ngiti ni Solana. Maging si Malen ay hindi na rin napigilang mapangiti bilang tugon dito. Solana knows what to do. Hinding-hindi siya pababayaan ng pinsan kahit pa nagtatrabaho ito sa kaniyang asawa.
They always got each other’s backs like sisters for life.
“A charter yacht!” bulalas ni Simeon. “Solana, that’s a great idea! How do you come up with that?”
“Who doesn’t want to go on a cruise with their better half, Tito? I’m sure makakapag-relax silang dalawa. Who knows? They might be able to . . . you know? Baka pagbalik nila rito, madadagdagan na sila!”
Nahihiyang nilingon ni Malen ang asawa upang hanapin ang reaksyon nito. Nananatiling seryoso ang mukha ng kabiyak sa kabila ng masayang ingay na nagmumula sa hapagkainan kung nasa’n sila no’ng mga oras na iyon.
Malen can’t seem to decode her husband’s reaction. Magkakahalo ang inis, galit at kawalang interes sa mukha nito. Halatang hindi ito masaya sa ibinigay na regalo ng kaniyang sekretarya.
“Don’t give me that gloomy look, Domenico,” sita ni Solana sa lalaki nang mapansin ang ekspresyon nito. “Let’s treat this lunch as an advance celebration for your third wedding anniversary, okay?”
Hindi kinibo ni Domenico ang babae.
“I brought some wine,” dagdag pa ni Solana at nilingon ang kasambahay na may hawak nito. “It’s one of the newest collection of Aldeguer Distilleria. Hindi pa ‘yan nailalabas but I suggest that you guys should try it as well. That’s Domenico’s favorite.”
Agad na pinasadahan ng tingin ni Malen ang asawa at napansin ang kawalang interes nito sa pinag-uusapan ng mga bisita. Abala ang mga kasama sa pagkukwentuhan habang pinagsasaluhan ang mga putaheng nakahain. Nagkakasiyahan ang mga ito habang sentro ng usapan ang nalalabing selebrasyon ng anibersaryo ng mag-asawa.
Yet Domenico looked so disinterested. Hindi ito nakikisama sa usapan at nananatili itong tahimik habang matiim na pinagmamasdan ang kabiyak. His eyes bore on her.
Ramdam ni Malen ang kaba at lungkot sa kaniyang puso habang pinipigilan ang sariling ‘wag maluha. Talagang alam nito kung paano siya sasaktan.
Bigla niyang naramdaman ang pagbagsak ng mga luha sa kaniyang pisngi.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    이지이

    Nice story kahit hindi happy ending

    21/10

      0
  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Ang ganda naman.Sana po may book2.

    24/02/2025

      0
  • avatar
    Alex Paclibar

    thank you Po novelah

    10/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata