Chances

After 5 months...
“Oy! Buntis. Ano? Gusto mo bang pakyawin ang lahat ng Italian Restaurant? Ano na? Wag mo naman kaming pahirapan ng ganito! Kapag tayo naghirap! Jusko!” namomroblema si Yamara saakin.
Pero ipinagpatuloy ko lang ang pagkain at nginisihan siya. “Thank you nalang! Salamat ah!” nakangisi kong sagot.
“Ate! Baboy na baboy ka na oh! Nako nako! Kadiri ka na tignan.” komento si Liraih.
Tinaasaan ko na siya ng kilay at inirapan. “Pake mo? Kesa sayo na para ng ting-ting! Konti nalang liliparin na ng hangin!” bwelta ko.
She tsked. Inirapan ko din siya. “Yah! They both have a point. Aside from mauubos ang pera natin dahil sa araw-araw mong pag-ke-crave ng pasta, panigurado na tataba ka na rin! And it's not good! Mahihirapan kang mag deliver pag labor mo..” Farrah suggested.
Isa din 'to! “Woy! Ayos kayong tatlo! Pinagkakaisahan niyo ako. Nakakainis kayo!”
Hindi ko na inubos ang carbonara na kinakain ko. Ininom ko kaagad ang lychee na juice at iniwan sila. Bahala sila, sila naman magbabayad eh.
Lumabas ako ng restaurant at inikot ko ang buong mall. Wala akong dala na bag aside sa phone at wallet ko na nasa gilid ng maternal dress ko. Ang kaso lang, namumulikat ang paa ko kaya naisipan kong doon maupo. Mabuti na nga lang at merong bench doon at walang naka-upo. Natuwa ako sa bench na 'yon. Dahil may mga bulaklak sa gilid. Napangiti ako ng bahagya.
Lumapit ako sa isang ale na nakatayo malapit sa bench na 'yon. “Excuse me... Is this bench already occupied?”
Napaangat ang tingin ng ale sa akin. Abala kasi ito sa kaniyang katext sa phone. Medyo may katandaan sa akin ng kaunti. Ngumiti siya sa akin at tumango.
“Ay! Oo iha eh. Narinig ko kanina na may buntis daw na sosorpresahin ng kanyang nobyo dito ngayon?” ani ng matanda.
Nagulat ako ng biglang nanlaki ang mata niya at napatingin sa akin tiyan na may kalakihan na dahil limang buwan na din eh.
“Hala iha! Aba'y ikaw ba 'yon?” usisa niya.
Kumunot ang noo ko. Kumakabog ang dibdib ko sa sabi nung matanda. Buntis daw eh?! Posibleng ako, pero imposible din naman na ako? Sino namang sosorpresa sa akin 'no?
Natigilan ako. Isang tao ang pumasok sa isip ko... S-Silver..
Napuno ng hiyawan ang buong paligid. Napatingin ako sa harap ko na puno ng tao, naghihiyawan at may mga cellphone at mukhang namvivideo ako.
Imposibleng si Silver?! Wala na siya dito sa pinas. Tinanggap niya ang offer na maging presidente sa business nila abroad. Paanong siya?! Paano?
Kumakabog ang dibdib ko. H-Hindi... Unti-unti akong napalingon sa likuran ko. Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko, hindi maayos ang takbo ng paghinga ko. Mulat ang mga mata ko at parang nag-glue ako sa kinatatayuan ko.
Isang lalaki nakasuot ng tuxedo, may dala-dalang bulaklak. Tumigil ang mga tao sa paligid ko ng nakita ko siya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
S-Silver... I-Ikaw nga.
Malawak ang ngiti niya at parang saakin siya patungo. Umiikli ang pagitan naming dalawa ng lumalapit siya. Hindi ako lalo makahinga, pero tumigil ang ikot ng mundo ko ng... hindi, nilagpasan niya ako.
N-Nilagpasan...niya...ako?! Ano?!
Biglang lumandas sa pisngi ko ang luha na hindi ko alam kung saan galing. Agad akong napatingin sa upuan na nasa harapan ko kanina na tinalikuran ko para lang harapin siya. Sa pagkakataon ngayon, may isang babae na nakaupo doon. Isang amerikana! Hindi ako makapaniwala! Hindi 'to totoo!
“Iha, okay ka lang ba? B-Bakit ka umiiyak? Masakit ba ang tiyan mo?” medyo kabadong tanong nung ale na kausap ko kanina.
“A-Ah! Wala lang 'to.. Medyo emosyonal talaga ang mga buntis. Medyo maselan kasi ako..” rason ko. “...iwan ko na po kayo, pasensya na sa istorbo..”
Tumango ang matanda pero bakas sakaniya ang pag-aalala. Tumalikod na ako at umiyak ng palihim. Yung ako lang yung makakarinig. Masakit! Hindi ko kaya ang nakita ko. S-Sobrang sakit!
P-Pero tama lang ang ginawa mo, Fenech.. Tignan mo! Maayos na ang buhay niya! Magkakaanak na sila..
Magkakaanak na sila. Oo, sila... Pero di ko kaya! H-Hindi!
“Oh? Ano ang nangyari sayo? Okay ka lang ba? Masakit ba tiyan mo?” bungad sa akin ni mommy pagpasok ko sa mansyon.
Umiling ako at nilagpasan siya, dali-dali akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko. Nang makapasok na ako ay agad akong umiyak at humagulgol sa iyak.
Bakit sobrang sakit padin! Matagal na ang limang buwan! Bakit ba hirap na hirap pa rin ako ha?! Bakit?
Nagulantang ako ng may kumatok. Hinihaan ko ang iyak ko para hindi marinig sa labas. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mga luha kong natuyo sa mukha ko.
“Anak.. This is mommy, dala ko ang meryenda mo. Hindi mo daw naubos ang pagkain mo ng lunch sabi ng mga kapatid mo at ni Yamara..”
Hindi ako sumagot, binuksan ko ang pintuan ng walang ka gana-gana. Nagulat si mommy ng nabungaran niya akong maga ang mata. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Nilapag niya ang tray at napatingin saakin. “What happened, iha? Anak?! Anong nangyari? Masakit ba ang tiyan mo?! Manganganak ka na ba?!”
Umiling ako at sinarado muli ang pintuan. Tahimik akong bumalik sa kama ko at naupo. Doon, doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak ko. “Hindi 'my.. You're just overreacting.. Hindi tiyan ko ang masakit... Kundi dito..” I pointed my heart. Umupo si mommy sa tabi ko at niyakap ako. “..'my, I saw him... I thought I am ready to face him.. But I was wrong all these times. M-Mahal ko padin 'my...”
Inalo at pinatahan ako ni mommy. “Sshh... Don't cry, makakasama sa baby ang sobrang stress. I know anak.. Mahal mo pa rin siya at hindi mo 'yon maitatanggi..”
Umiyak ako habang nakayakap sa kanya. “I saw him early in mall.. With a girl. Akala ko 'my, ako yung babaeng bibigyan niya ng bouquet.. Pero mali ako, may iba na siya 'my.. And that girl is already pregnant...” iyak ko. “... I hate to say this 'my pero I want him back.. I want him again! Sana kami na lang ulit. Sana walang iba. Sana ako pa rin..”
“Anak.. As much as I want to support you.. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin ka. Nasa kanila 'yon kung paano mo sila makukuha sa malinis na paraan, anak. Hindi mo pwedeng makuha ang mga bagay na iniwan mo na dati. Tandaan mo, hindi lahat ng iniiwan ay bumabalik, kasi yung iba.. Wala na talagang babalikan pa..”
Natigil ako. Hindi kaya tama si 'my? Na wala na talaga akong babalikan pa? Baka nga..
Mukhang naramdaman ni mommy na nag-iisip ako. Kaya naman mas lalo niya akong niyakap. “Pero ang anak ko, hindi basta-basta susuko 'yan. Mas matibay pa 'yan kahit kanino...” ani mommy at nginitian ako. “Pero tandaan mo na hindi lang ikaw mag-isa ang lalaban.. You have your baby, anak niyong dalawa.. Sabay kayong lumaban para sa ikagaganda ng buhay niyo..”
Hindi na ako sumagot pa kay mommy. Bakit parang iba ang tinggin ko? Bakit parang wala na akong dapat ipaglaban pa.. Wala na..

Komento sa Aklat (636)

  • avatar
    Riskiy Terserah

    Saya sangat terhibur

    28/03

      0
  • avatar
    BarcellanoMylene

    love the story..

    13/10/2024

      0
  • avatar
    MalagadJessica

    ganda ng kwento I hope more story .

    23/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata