Courting

“Oh my! Iba ka girl. Lumalandi ka na ahh!!” pagwawala ni Yamara.
Umiling nalang ako. Kanina pa tong parang bulate ang ligalig. “Tantanan mo ko, Yamara ah. Sasapatusin kita.”
Napakakulit kasi, panay tili at panay ang yugyog. Akala mo naman sa kanya may crush. Nagtitipa ako ng context para sa email na isesend ko sa kumpanya ni Mr. Fabian eh. Napakagulo!
“Eeeeeey! Imagine mo, nakaraang mga buwan lang halos nagsalpukan na ang Fantagio Group of Companies at Maurer Industry, tapos ngayon yung dalawang big boss nagkakadevelopan ng malala!! Ehhhhhhhhh!!!” hirit pa.
Napatigil ako sa ginagawa ko. May punto siya, nung nakaraan lang halos magsiraan na kami tapos ngayon—Ay nako! Ibang klase.
Lalo na kapag naalala ko yung nangyari after nung date namin na akala ko naman pinaghandaan niya ng bongga eh sa bar pa ang punta. Halos di mo maipinta yung mukha ko no'n. Paano ba naman kasi? Expected ko na date namin 'yon eh! Sino ba namang matinong lalaki ang makikipagdate sa babae sa loob ng bar? Ugggg!! Sira ulo.
“Bar? Ito na 'yon? Ito na yung date natin?” inis ko na sagot sakaniya.
Napakamot siya sa batok niya at ngumiti. “Uh.. Yes? Why, it's the best date! Sa loob ng bar..” ani niya sabay ngisi.
Umiling nalang ako at tumawa ng bahagya. “You're kidding me right?!”
Umiling siya. Okay! This is final. Uuwi na ako. Akmang tumayo na ako at aalis ng bigla niyang hinigit ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. And guess what, isang inch lang ang pagitan namin. I can smell the rhum.. and bet, It turns me on! The fuck!
“And where are you going?”
“Home.”
Napa-tsk na lang siya. “Going home? I told you we're not yet done. I said this is the best date! So why can't you wait?” he exclaimed. Halos mapatid na ang mga ugat niya sa leeg sa kakasigaw dahil hindi rin kami magkarinigan. Maingay kasi.
Umirap ako at tinabig ang kamay niya sa braso ko. “W-Wait for?! For you to finish your business here?” I reason out. “Don't test my temper, Silver.” I threaten him.
Napailing na siya at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. “Shit! Why can't you be like that? You're so—ugh!” He didn't found his words. “Ito na! Ito na!” he shouted.
After that, biglang tumigil ang DJ sa pagpapatugtog ng party songs at pinalitan ng isang ballad, R&B and heartfelt love song..
Abala ang lahat sa pagsayaw ng magbago bigla ang tugtog. Pati ako nashock hindi dahil sa pagbabago ng tugtog pati sa pag-dim ng ilaw at pagcenter sa pwesto namin ng liwanag, as in nakatutok sa amin.
Then I started to shakey! Kinakabahan ako dahil wala akong idea sa mangyayari. Dalawang beses lang naman ang kakalabasan nito eh, mapapahiya ako at ipapalabas sa media bukas o matutuwa ako at magcecelebrate ang buong pilipinas.
“A-Anong ginagawa mo?” nakakunot ang noo kong tanong. Paano ba namin kasi, nakakagulat biglang lumuhod si Silver.
“Shhh. Just listen..” nakangisi niyang sabi. “Now, it's time to tell you everything..” he said.
Alam ko kung ano ang ginagawa ngayon ng mga tao. Nanunuod saamin of course, and its damn embarrassing! But I remain quite.
He sighed. “Uhm... I know it's kind uh..awkward you know? But as you see, I'm kneeing..” then he laughed a bit.
Pero ako? Totally shocked! “A-Ano ba?” naiinis kong sabi.
“Don't be mad. I just want to inform everyone that there's a girl who already has my heart, but I don't know if she's going to accept it.” Then it hits me, kahit walang pumapasok sa isip ko ngayon, I know something will happen. “And this time, you... Fenech Maurer. You're the girl who I'm talking to. Ikaw ang babaeng nakakuha ng puso ko.. I know it's a little bit cliché because we start in uh... Accident?”
Nagpapacute pa siya. Ako naman, feel ko pulang-pula na ako dahil halos lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko. “S-Silver..”
“Shh.. Don't say anything, Fenech. I just want you to listen... You're the first girl who adjures me. First I thought that you're so rude pero nung nagkasama tayo ng isang buwan. Well, I guess I'm wrong... You're perfect and I'm not... You're right and I'm wrong... You're a queen and I'm just your slave... So let me be yours,”
This time. Meron na siyang nilabas na bulaklak sa likuran niya. Nagsimula na din ang mga bulung-bulungan at ang videohan. Samantalang ako? Wala akong masabi.
“I-I...” he's waiting for my answer. And I don't know what to say. I'm--I'm totally speechless.
I saw him gulp. “W-What... I?”
Unti-unti kong naririnig ang lakas at tibok ng puso ko. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ko siya mahal. Dahil, Oo! Mahal ko siya.. Pero hindi pa sapat lahat ng hirap niya para suyuin ang isang Fenech Maurer...
I saw that he's frightened. That's why I held his hand and smiled. “Court me first?”
“Wala naaa! Spaced out na siya dahil sa manliligaw niyang gwapo!” Yamara sarcastically said.
Napangiti nalang ako. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti because of him. “You know what? Help me to finish this para makauwi na tayo? 'kay?”
Napaismid na lang siya. “Tss. Anong uuwi? Meron ka atang sundo?” ani niya saba nguso sa ibaba.
Transparent Glass kasi ang wall ko kaya kitang-kita ang tanawin sa baba. Hanggang 50th floor 'to pero nakita niya pa sa lagay na 'yon?
Kumunot ang noo ko at napatayo sa swivel chair ko. “Huh? Sino? Paano mo nakita?”
“Duh? Anong paano? Eh nasa labas lang ang sundo mo oh?” sabay nguso sa labas ng office ko. May nakasandal doon na isang lalaki at naka-coat pa ito. Halatang galing opisina nila.
Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa gulat kundi sa gwapo niyang awra. Naka-brush up ang buhok niya at sobrang pink ng labi ni--WHAT?! Labi niya! Fudge, Fenech! Fudge!
“Oh! Natulala ka na sa sundo mo? Ano sasagutin mo na ba?”
“Huh? Hapit ka? Gusto mo sayo na lang siya eh!” sarkastiko kong sabi. Agad nagliwanag ang mata ni Yamara.
“Sigurado ka wala nang---”
Agad akong tumakbo palabas ng office ko at hinablot ang braso ni Silver.
“Oh akala ko ba--” Hindi ko na siya pinatapos at agad na nagsalita. Sinigurado kong kitang-kita ni Yamara 'yon.
“Babe.. Iuwi mo na ako.. Pagod na ako!” malambing na boses ang gamit ko sabay irap kay Yamara.
Bakas ang pagkagulat ni Silver pero may halong saya naman. Pinilit kong hindi ngumiti dahil ayokong masatisfied siya. Pero di ko kayaaaa! Ngiti palang niya--pang laglag panty na ngayon sa porma pa niya?
“T-Tayo na?”
Ngumiti ako at tumango. “Wag kang ngumiti diyan! Baka makaakit ka ng ahas. Territorial ako!”

Komento sa Aklat (636)

  • avatar
    Riskiy Terserah

    Saya sangat terhibur

    28/03

      0
  • avatar
    BarcellanoMylene

    love the story..

    13/10/2024

      0
  • avatar
    MalagadJessica

    ganda ng kwento I hope more story .

    23/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata