Lovelife

Pagkapasok ko palang sa suite ko ay dumiretso agad ako sa shower. Nanlalagkit kasi ako eh, bukod sa mga tingin ni Blade.
Aminin ko man o hindi. Pero naiilang talaga ako sa mga pagtitig na ginagawa niya sa akin. Ewan ko pero naiinis ako! Bwesit!
Matapos kong gawin ang lahat ng routine ko sa CR ay naghanap na agad ako ng masusuot. This night—balak ko sanang libutin ang resort. Nung bata kasi ako ay gustong-gusto kong libutin ang resort kapag gabi. Napaka-sariwa kasi ng hangin eh.
Sinuot ko ang isang ripped maong shorts with crop trunk. Blinower ko din ang kulay abo kong buhok. Naglagay din ako ng nude na lipstick. Syempre powder nalang ang nilagay ko. Nagpapaganda pa ba ako eh wala naman nang makakakita sa kagandahan ko ngayon?
Bahagya akong natawa sa iniisip ko. Napagdesisyunan ko ng bumaba. Akmang lalabas na sana ako sa loob ng suite na tinutuluyan ko ngayon. Dalawang palapag kasi ang suite na 'to. Hindi masyadong kalakihan pero tama na. Kagaya nga ng sabi ko—lalabas na sana ako ng bigla akong may narinig na kalabong ng baso sa may kusina.
Siguro pusa lang 'yon? Sabi ko sa isip ko. Lalakad na sana ako ng bigla na naman akong may narinig na pagsara ng refrigerator. Kaya naman nagtaka na talaga ako. Agad akong pumunta sa may kusina bitbit ang isang payong na kinuha ko sa may stall ng payungan.
Baka may magnanakaw? Nag-sign of the cross ko. Bago ko mahampas ang pigura ng nakatayo sa tapat ng ref. Madilim kaya hindi ko makita ang itsura eh!
"Aray! What the fuck!" daing nung hinampas ko.
Holy shit! Napagtanto ko agad yung boses nayun kaya agad kong binuksan ang switch ng ilaw. Tama nga ang sabi ko, siya nga.
"Anong ginagawa mo diyan?!" singhal ko.
Kumunot lang ang noo niya at inirapan ako. "Ano pa nga ba?! Edi umiinom!" sagot nito.
Inirapan ko siya at ibinaba ang payong na hawak ko. Ibinaba niya na din ang basong hawak niya kanina. "Bakit kasi hindi mo binuksan ang ilaw! Akala ko tuloy magnanakaw!"
Patuloy padin ako sa galit-galitan ko ng bigla siyang napatingin saakin mula ulo hanggang paa. "I don't want to on that goddamn light!" sagot niya. "W-Wait? W-Where are you going?!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "None of your business!" sagot ko. Napatingin ako sa orasan ko. Mag-te-ten na pala. "Can you just finish that?! Ako na magpapatay ng switch! Dalian mo. Matulog ka na after kong uma——"
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng sumabat siya. "Hindi mo ako isasama?"
Umiling ako. "No need. I just want to get some fresh air."
"So can I come with you?" napayuko pa siya habang sinasabi iyon.
I want to say 'no, gusto kong mapag-isa' but I can't. There's something wrong with me. Kaya sa huli, napatango ako.
"Magkwento ka naman about sa sarili mo? You know—you're kinda mysterious." tanong ko.
Napa-smirk naman siya. We're walking at ramdam na ramdam ko ang hangin na na daloy sa mukha ko. "There's nothing special about me.."
Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Oh! Pamysterious effect pa!
"Can you just stop biting your lips." suway niya sa akin.
Kaya napatingin ako sakaniya at inirapan siya. "'kay! By the way, kanino ka natutong magsalita ng English with an accent? Don't you know it will take you 2 to 3 years to practice that?"
Kunot ang noo niya pero agad din nabawi ng ngiti niya. "Well, galing ako sa Manila kaya siguro ganun ko nalang naadopt yung pananalita ko.."
I'm not convinced. Pero tumango nalang ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ang nakakatawa ay ang malamig na hangin na dumadapo sa mga balat ko.
Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Blade kaya napalingon ako sa kanya. "Don't you know that staring is rude?!"
Umiling siya habang naka-ismid. "Well, hindi ko alam. Pero ngayon, I think I know na."
Inirapan ko nalang siya. Nung nakaramdam ako ng pagod sa paglalakad ay naupo ako sa buhanginan.
Naramdaman ko ding naki-upo siya sa tabi ko kaya hinayaan ko nalang din siya. Pagod din ata.
"May I ask something?" Natigilan ako sa bigla niyang tanong.
Huminga ako ng malalim atsaka tinignan siya. He's so handsome. Hindi ko maitatangi na attractive talaga siya. Maski nga ako na-aattract na sa kaniya eh.
"Ano 'yon?"
"D-Do you have a b-boyfriend?!" sabi niya habang nakatingin sa kawalan.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung tama ba na sagutin ko ang tanong niya. Sariwa pa siguro sakin yung sakit na ginawa sa akin ni Luke. Syempre pati ni Ethan.
"It’s okay if you don't want to an—"
"No its okay. Siguro ito na rin ang tamang panahon para magkwento ako.." sabi ko sabay hinga ng malalim.
Bakas at ramdam ko ang mga titig niya saakin kaya tumingin nalang ako sa dagat.
"Dapat meron. Kaso ngayon? Wala." panimula ko. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Yun lang ang sinabi ko—ayaw ko namang maintriga eh. "Kilala nila ako bilang cold-hearted at sobrang sama sa mga lalaki. Well, mabuti na nga lang at ayon ang pagkakakilala nila sa akin."
"Nakakatuwa pa, akala nila hindi ako marunong umibig. Kaya kung tinatanong mo kung may boyfriend ako? Pwes, wala. Nakakaloka nga eh? Kasama ako sa pesteng listahan na ‘yon worldwide pero iniwan ako!" dagdag ko. Tumawa pa ako ng pagak.
"Did you know that my recent ex-boyfriend ay may affair ng itinuturing kong best friend? What the fuck right?!" tumawa ulit ako ng kaunti.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya. "I know that's too much. Pero why won't you try to fall in love again?" tanong niya.
Sa puntong iyon ay nakatingin ako sa kanya. Sakto naman na ang pagtama ng mata niya sa mata ko. He's a Greek god! The fuck!
Nauna na akong nag-iwas. Kesa mapahiya pa ako. "I tried. Itong week lang ay binisita ako ng childhood best friend ko—which was also my first love. I thought he came back to love me... Pero mali ako.."
Parang tinablan na ako ng hiya sa pagkukwento ko. "He came back to....to hurt me."
Naramdaman ko na ngayon ang kamay niya na hinihimas ang likuran ko. Parang anytime ay iiyak ako, pero pinipigilan ko.
"Let your tears fall.." mahinahon nitong sabi.
Akala ko kaya ko pang magtimpi. Akala ko kaya ko pang maging malakas.. Pero I was wrong, traydor ang luha. Kaya hinayaan ko na itong bumagsak.
"That's why napagdesisyunan ko nang magbakasyon muna dito.. Kasi dito—secured ako. Feel ko walang masakit sa akin." sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Don't worry, wala nang mananakit sayo dito.." mahinahon niya ulit na sabi.
Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa kanya bago sa dagat. "Siguro karma 'to sa akin dahil sa mga masasamang nagawa ko sa mga nagmahal sa akin. I think I don't deserve to love. I'm not worth loving.."
Magsasalita pa sana ako kaso bigla na siyang nauna. "Don't say that.. Maybe he's not the right man for you.. Maybe he's not worth for you." Tinigil niya ang ginagawa niyang paghimas sa likod ko. "Sinasabi mo lang yan dahil wala kang masisi. Wala kang masabihan ng masama! Dahil sa mahal mo siya.. Ayaw mo siyang masira sayo.. Gusto mo, ikaw ang nawawasak at hindi siya.. You're so unfair to your life, Lei."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon at bigla siyang tumayo. "Now I know na there's like me na bobo sa pag-ibig." sa sinabi niyang yon at natahimik ako.
Nakita ko na napatingin siya sa relo niya. "It’s already late. I guess we need to go back to our suite. Maaga pa tayo bukas."
Inilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko iyon. Saka na kami umuwi sa suite. Tama siya... Tama lahat ng sinabi niya...

Komento sa Aklat (636)

  • avatar
    Riskiy Terserah

    Saya sangat terhibur

    28/03

      0
  • avatar
    BarcellanoMylene

    love the story..

    13/10/2024

      0
  • avatar
    MalagadJessica

    ganda ng kwento I hope more story .

    23/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata