3RD POV Kinabukasan ay ang huling araw ng mga players sa Tagaytay. Maagang nagising ang dalawang grupo para makapag-ayos ng booth nila sa gymnasium. Samantalang si Clyde ay dilat na dilat pa rin ang mga mata. Nakatitig lang siya sa taas ng double deck. Nagkusot ng mata ang nagising na si Lucas. Napansin niya si Clyde na hindi kumukurap sa higaan niya. Nagtaka siya kaya bumaba siya sa double deck na katapat lang ng kay Clyde. Dahan-dahan siyang nag-squat sa gilid ng kama nito. Tila hindi naramdaman ni Clyde ang presensya ni Lucas. Mas lumapit pa si Lucas kay Clyde saka kinalabit ito. Dahan-dahan naman napalingon si Clyde sa gawi ni Lucas. Bakas ang pagkagulat dito nang sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. “Gago ka, ginulat mo ako,” ani ni Clyde nang ma-realize na si Lucas ang nasa harap niya. “Bakit tulala ka? Hindi ka natulog ‘no?” inaantok pang tanong ni Lucas. “Halata ba?” nakangiwing sabi ni Clyde. Tumango naman si Lucas at pumangalumbaba. “Something’s bothering you?” tanong niya ulit. Ginulo ni Clyde ang buhok niya saka padapa na humiga. Sinubsob niya ang mukha sa unan nang ilang minuto. Nakakunot ang noo ni Lucas habang nakatingin kay Clyde. “Is it about Ceejay?” dagdag na tanong nito. “How did you know?” nagtatakang tanong ni Clyde. Nagkibit-balikat lang si Lucas. “I don’t know how to talk to him. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako,” nakatagilid ang ulo nitong sabi habang nakadapa pa rin. Sumalampak ng upo si Lucas at itinukod ang mga kamay sa likod niya habang nag-iisip din ng paraan kung paano matutulungan ang kaibigan. Tulala na naman si Clyde dahil simula kagabi ay iniisip niya kung paano kakausapin si Ceejay. Lalo na ang mga sinabi ni Aston once na hindi sila nagkaayos ni Ceejay. Nanlalaki ang mata ni Lucas sabay tayo nang may maisip na paraan. Nagulat naman si Clyde at sinundan siya ng tingin. “Alam ko na!” biglang sabi nito. “Alam ang ano?” parang tinatamad na saad ni Clyde. “Alam ko na kung paano mo siya makakausap,” may mapaglarong ngisi ang kumawala sa mga labi ni Lucas. “Paano?” nagtatakang tanong nito. Napaupo pa si Clyde na tila hinihintay ang maayos na sagot ni Lucas. “Confession ang booth ng Blazers ‘di ba?” nakangisi niyang sabi. Napaisip bigla si Clyde. Ilang oras ang lumipas. Hapon na nang matapos sa pag-aayos ng booth ang Blazers at Golden Bear sa gymnasium. Marami na rin ang nakatayong mga booths galing sa ibang players. Dumayo pa ang ilang sports council para lang makadalo sa End Game Party. Binuksan din ang roof ng gymnasium para mas maliwanag nila na makita ang mga ulap. Halos lahat ay nagulat nang unti-unti itong bumukas dahil hindi nila alam na high tech ang buong gymnasium. Kaya naman pala mayaman din ang sponsor nila. Pagdating ng alas-tres ng hapon ay nagdagsaan na rin ang mga pumupunta sa booth ng basketball team. “Free hugs and kisses sa ating varsity players! Plus, you can confess to your loved ones, to your enemies, and to anyone who you want to confess with!” malakas na sigaw ni Lucas. Nakatayo naman sina Elijah, Liam, Andrew, at Ambert sa gilid ng booth habang nakasimangot. “Pota talaga sila Aston. Wala naman ‘to sa usapan. Dapat sila ang nandito. Aawayin na naman ako ng jowa ko,” nagmamaktol na sabi ni Andrew. Bigla naman itong ngumiti nang may yumakap sa kaniya na babae at pumasok sa booth para kunin ang mic. “Gago, hindi lang ikaw ang nabiktima,” ani ni Ambert. “May jowa rin ako,” dagdag pa nito. Ngumiti rin siya nang may humalik sa pisngi niya at pumasok sa booth. “E ‘di kayo na may mga jowa,” pagtataray ni Elijah sabay ngiti nang may lumapit din sa kaniya. “Sagutin mo na kasi si Doc Kris. Balita ko ang tagal na raw pumoporma sayo,” pang-aasar ni Liam kay Elijah sabay yakap naman sa lumapit sa kaniya. Sunod-sunod ang mga gustong pumunta sa booth nila. Pwede rin kasi sumali ang mga outsider kaya maraming mga bagong mukha ang lumalapit sa kanila. Mayroon pa nga na mga bakla. Ang mga tomboy at mga lalaki naman ay hindi na lumalapit sa kanila at diretso na agad sa booth. “Paky*!” ani ni Elijah na biglang nagbago ang timpla ng mukha nang marinig ang boses ni Doc Kris. “Aba! Kailan pa kayo naging close?” natatawang sabi ni Aston nang mapansin ang pagtatawanan ng apat habang nakasimangot si Elijah. “Kagabi pa,” sabat ni Ambert na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa dahil sa reaksyon ni Elijah. Napuno lang ng asaran ang paligid nila. Nakabantay lang din si Aston sa booth. Halos magdidilim na rin at parang ngawit na ngawit na ang apat sa pwesto nila kaya natatawa si Aston at Lucas sa itsura nila. “Hahalik at yayakap din ba ako sa inyo?” naagaw ng pansin nila ang nakangising si Clyde na nasa gilid. Natawa naman si Aston sa tanong niya. “Subukan mo nga. Ewan ko na lang kung may biglang lumabas galing sa loob ng booth dahil may bubugbugin siya na basketball player ngayon,” paghahamon ni Aston. Parang natakot naman ang apat dahilan kaya mabilis silang umiling. “Tumulong ka na lang, hayp ka. Kung saan-saan ka lang napadpad,” reklamo ni Elijah. “Mukhang ayos na ayos ka pa. Balak mo rin bang mag-confess?” may makahulugang tingin si Elijah nang tanungin niya si Clyde. “Oo,” nakangiti namang sabi ni Clyde kaya pare-parehas silang nagulat. Napabalik naman ang tingin ni Aston kay Clyde. Bahagya niya pang tinampal si Clyde kaya nagulat ito sa ginawa niya. “Aray! Taena. Bakit ka nananampal?” nagtatakang sabi ni Clyde habang hawak ang pisngi. “Sigurado ka ba?” hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango naman si Clyde. “Don’t tell me he is the person I am thinking?” dagdag pang tanong ni Aston. Nagkibit-balikat si Clyde saka naglakad papasok ng booth habang nakangiti. “Kaya naman pala napapadalas na ang ngiti ng team captain niyo,” pansin ni Liam. “P*ta. ‘He?’” hindi makapaniwalang saad ni Andrew. Sabay-sabay na lang silang napailing na parang hindi makapaniwala sa narinig nila galing kay Clyde. Habang si Aston ay hindi na lang din mapigilan na mapangiti kahit nasasaktan na siya. Nang makapasok si Clyde sa confession booth ay nakita niya ang nakayukong si Ceejay habang nakangiting nakatingin sa cellphone niya. Pinakatitigan niya ito. Tila hindi pa napansin ni Ceejay ang presensya niya kaya tumikhim siya. “Welco---” naputol ang pagbati ni Ceejay nang makitang si Clyde ang nasa harap niya. “Nandito ka na pala. Ikaw ba papalit sa pwesto ko?” tanong nito ngunit hindi sumagot si Clyde. Tumango lang si Ceejay at umalis sa upuan niya. “Sige, ikaw na ang bahala,” aniya saka dinaanan si Clyde. Hindi pa nakaka-isang hakbang si Ceejay ay mabilis na inabot ni Clyde ang microphone na nasa mic stand saka nagsalita habang nakatingin sa nakatalikod na si Ceejay. ”I….” umpisa niya. Napahinto naman si Ceejay. Nang ibalik ang tingin kay Clyde ay nakakunot ang noo niya na parang nalilito kung anong ginagawa ni Clyde. “I like you, Ceejay Carson,” malakas ang loob na sabi ni Clyde pagkatapos huminga nang malalim. Napako naman sa kinatatayuan si Ceejay. Hindi niya alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa niya. Umaasa siya sa susunod na sasabihin ni Clyde. “I like you so much that I might go insane kung hindi mo pa rin ako papansinin,” diretso sa mga mata ni Ceejay niyang sabi. “Sino si Sophia?” mabilis niyang tanong bago pa may ibang sabihin si Clyde. Napakagat naman sa labi si Clyde dahil sa pinipigil na ngiti. “Nagtatanong si Sophia kung boyfriend daw ba kita. She wants to make a story about us,” sagot niya rito. Bahagyang nagulat si Ceejay at hindi nakasagot dahil sa narinig kaya naman ipinagpatuloy ni Clyde ang sinasabi niya. “I like you so much that I cannot sleep at night thinking about you. I like you so much that I couldn’t stop myself being angry to anyone who will get close to you. I like you so much that I want to shout to the whole world that you are mine.” Halos maligo na sa luha ang mukha ni Ceejay dahil sa mga luhang hindi niya namalayan na tumutulo na pala. Gusto niyang suntukin si Clyde dahil sa mga pinagsasabi nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang natatawa siya sa itsura ni Clyde dahil mariin itong pumipikit na tila kinakabahan. Nanginginig din ang mga kamay nito habang hawak ang mic. Hindi rin nakatakas sa mga mata niya ang mukha ni Clyde na parang nahihirapan sa ginagawa. Namumula na rin ang pisngi nito kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti. Napansin ni Clyde ang pag-ngiti ni Ceejay kaya napangiti rin ito saka bumuntong hininga at ipinagpatuloy ang mga sinasabi. ”I’m sorry if I became a jerk and run away from you. I’m sorry if I became a coward confessing my feelings to you. I’m sorry because I doubt myself and just want to end everything between us. I like you, Ceejay Carson. I like the team captain of Blazers. I like my childhood friend named Kulot. I like you---” Hindi na natapos ni Clyde ang sasabihin nang mabilis na naglakad si Ceejay papunta sa kaniya at inabot ang batok niya para halikan ang mga labi nito. Naibaba ni Clyde ang mic na hawak. Naibagsak niya rin ito dahilan para gumawa ng ingay na nagpatakip sa tainga ng mga taong nasa labas. Napairap na lang ang mga kaibigan nila dahil mukhang alam na nila kung anong nangyayari sa loob. “Gago ka…. ang tagal mo,” Ceejay said between their kisses. “I’m sorry,” sagot ni Clyde. Ipinikit nila ang mga mata. Inilagay ni Ceejay ang mga kamay sa batok ni Clyde habang ang mga kamay naman ni Clyde ay nakayakap sa baywang ni Ceejay. Nang kapusin sila ng hininga ay naghiwalay silang dalawa saka isinandal ang ulo sa isa’t isa. Nakarinig sila ng mga putukan sa labas kaya naman hinila ni Clyde si Ceejay palabas ng kubo. Sabay-sabay ang pagputok ng fireworks sa kalangitan na makikita lang dahil sa nakabukas na roof ng gymnasium. Magkahawak ang kamay ng dalawa habang nakatingala sa kalangitan. Tumabi naman sa kanila si Aston na nakapamulsa lang. “Shall we play in the vacation house tomorrow?” tanong ni Aston sa kanila habang nasa fireworks pa rin nakatingin. Napalingon ang dalawa sa kaniya. Nagkatinginan pa sina Clyde at Ceejay. Clyde intertwined their hands saka ibinalik ang tingin sa mga fireworks. “Sure!” sabay nilang sagot. Sabay-sabay silang napangiting tatlo. Nagkatinginan sila at tumawa sa isa’t isa. Kahit gaano pa paglaruan ng tadhana ang mga nararamdaman nila, hindi pa rin maiaalis ang pagkakaibigan sa mga puso nila. Ang mahalaga ay natuto sila sa pagkakamali ng isa’t isa at naging daan ito para magkaroon sila ng panibagong simula. -WAKAS-
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow
28/10/2024
1very good and nice story 😍🫶
05/07/2024
1good novel
04/07/2024
0Tingnan Lahat