Game 30

ASTON’S POV
Kasalukuyan kaming nag-aayos para sa magiging booth namin bukas. Busy ang lahat hanggang sa biglang may pumasok sa kwarto. Hindi lang si Coach Erin dahil kasama niya ang mga Golden Bear. Nalaman namin na kailangan nilang tumulong sa pag-aayos namin ng booth dahil hindi nila gustong gumawa ng sarili nila.
Expected naman na iyon dahil si Clyde ang team captain nila. Walang ka-arte-arte ang lalaking ‘yon kaya siguro hindi na sila gumawa. Wala rin siyang creativity dahil puro online games at basketball lang ang nasa isip niya.
Nang makapasok sila ay sa tabi siya ni Ceejay umupo. Ngunit tila hindi siya pinapansin ni Ceejay. Noong nakaraang linggo pang walang imik si Ceejay. Simula nang lumabas siya sa kwarto nila Clyde ay hindi na siya ulit nagkwento sa akin na palagi niyang ginagawa. Para ring ang lalim ng iniisip niya lagi.
“Hoy,” mahinang tawag ko kay Ceejay na busy sa pagdikit ng mga crepe paper at sequence sa tela ng banner. Lumingon lang siya sa akin habang nakataas ang kilay ngunit mabilis din na ibinalik ang tingin sa ginagawa. “Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Clyde?” dagdag na tanong ko. Mahina lang para hindi marinig ni Clyde na nakikipag-usap na sa ibang member ng Blazers.
“Wala nga,” tanggi niya pa rin.
“Imposibleng wala,” saad ko. “Gusto mo ba malaman kung gusto ka niya o hindi?” tanong ko sa kaniya out of nowhere dahil mukhang nang dahil sa nakita niya sa canteen ay hindi na siya sigurado kung itutuloy niya ba ang plano na sinabi niya sa akin.
“Ano namang balak mong gawin?” nagtatakang tanong niya sa akin. Kinindatan ko lang siya at hindi na sinagot. Naghahanap ng tyempo kung kailan ko pagseselosin si Clyde. Kahit masakit sa akin ay kailangan ko na talagang tanggapin.
Alam ko na may gusto na rin si Clyde kay Ceejay kaso ang gago hindi pa rin maamin sa sarili. Ang gulo nilang parehas kaya pati relasyon nila ay malabo. Hindi ko alam kung ano pang pumipigil kay Clyde kung okay naman na siya sa mga bakla. Well, bakla na rin siya dahil nagkakagusto siya sa kapwa niya lalaki. Nagpapatentero na lang silang dalawa sa nararamdaman nila.
Ilang oras pa kaming gumagawa hanggang sa makarinig kami ng sigaw sa may sulok kung saan nag-aayos ng kubo sina Ambert. Nilingon namin ang pinanggagalingan ng boses at napansin namin na napaso si Clyde. Si Ceejay naman ay mabilis na tumayo at pinuntahan si Clyde.
Hawak niya ang kamay ni Clyde habang nasa lababo sila. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at hindi maiwasan ang masaktan. Bahagya kong iniiwas ang tingin ko hanggang sa maisip ko na pwede ko iyon gamitin para agawin ang atensyon ni Ceejay. Napansin ko rin na parang ayaw magsalita ni Ceejay at gusto nang umalis sa tabi ni Clyde kaya naman tinawag ko siya.
Nag-isip pa ako ng pwedeng idahilan hanggang sa makita ang dried flowers na nasa tapat ko. Kinuha ko ‘yon at itinaas sa kaniya saka siya tinanong kung saan ko pwedeng ilagay iyon. Tila nakuha naman niya ang ibig sabihin ko dahil matapos ibigay kay Clyde nag ointment ay mabilis siyang tumabi sa akin.
Mas lumapit pa ako sa kaniya para kunwari ay may sasabihin talaga ako. “Tumawa ka, dali,” utos ko sa kaniya na ikinagulo niya.
“Ha? Akala ko gusto mong malaman---”
“Basta, tumawa ka na lang kunwari,” ani ko at bahagyang tumawa kaya ganoon na lang din ang ginawa niya.
“Kapag lumabas siya at binagsak niya ‘yang pinto, ibig sabihin gusto ka niya,” ani ko nang maramdaman ang matatalim na mata ni Clyde habang nakatingin sa akin.
“Anong pinagsasabi mo?” nagtataka pa rin niyang tanong. Mas lumapit pa ako kay Ceejay kaya napahawak siya sa balikat ko at tinampal ako. Natawa naman ako sa kaniya.
“Basta nga, kapag pabagsak niyang sinarado ang pinto, ibig sabihin may gusto si Clyde sayo,” ulit kong sabi sa kaniya malapit sa tainga niya.
“Parang gago---” naputol ang sasabihin niya dahil sa paglabas ni Clyde. Ikinagulat ng lahat ang malakas na pagsara ng pinto. Nakangisi akong tumingin kay Ceejay. Nagkibit-balikat ako at bahagyang lumayo sa kaniya saka itinuon ang atensyon sa mga gawain.
Kung hindi pa nila nararamdaman talaga ang pagkagusto sa isa’t isa, pag-uuntugin ko na silang dalawa. Mga manhid.
Nang silipin ko ang reaksyon ni Ceejay ay nakatulala lang ito. Bumalik din naman siya sa gawain pero tila malalim pa ang iniisip.
“That’s a sign, Cee,” ani ko pero hindi pa rin siya sumagot at malalim pa rin ang inisiip. Ilang oras ang lumipas ay bumalik na rin si Clyde sa art room. Hindi siya tumingin sa direksyon namin at diretso lang sa paglalakad hanggang sa may sulok.
“Talk to him,” sabi ko kay Ceejay. Umiling lang ito.
“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” sagot niya lang. Tinitigan ko lang siya saka umiling.
Dapat sariling emosyon ko ang iniintindi ko ngayon, eh. Hindi sila. Dapat sarili ko naman hindi silang dalawa. Hindi ko na dapat sila pakialaman ‘di ba? Nakakatanga na kasi nang sobra.
Madaling araw nang matapos kami at bumalik sa kaniya-kaniyang kwarto. Nagpaalam ako saglit kay Ceejay na may naiwan ako sa art room. Pumayag naman siya kaya lumabas ako. Pero hindi ako dumiretso sa art room kundi kumatok ako sa kwarto nila Clyde.
Sakto na siya ang nagbukas ng pinto kaya naman sinabihan ko siya na may sasabihin ako sa kaniya. Nagtataka naman siyang sumunod sa akin papunta sa gilid ng gymnasium.
“Bakit?” takang tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot at mabilis na inilapat ang kamao ko sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nakahawak naman siya sa panga niyang may kaunting dugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.
“Ano bang problema mo?” galit niyang asik sa akin sabay hawak sa kwelyo ko. Malakas akong bumuntong hininga. Tinulak ko siya bago nagsalita.
“Kapag hindi mo pa rin naayos ang gusto sa pagitan ninyo ni Ceejay bukas, aagawin ko na talaga siya sayo,” dire-diretso kong sabi saka nilagpasan siya nang binabangga ang braso niya. Hindi ko siya muling nilingo kahit na bakas ang pagkalito at pagkagulat sa mukha niya.
Ito na ang huling gagawin kong pagkakatanga sa kanilang dalawa. Kapag hindi pa rin siya umamin bukas kay Ceejay, magiging makasarili na ako pagdating kay Ceejay. Nang makabalik sa kwarto namin ay didiretso na sana ako sa kama nang tawagin ako ni Ceejay.
“Ast.”
Napalingon ako sa kaniya na nasa tapat ng kama niya. Nakalagay sa likod niya ang dalawang kamay. Matamis siyang ngumiti sa akin.
“I know hindi na natin naabutan ang araw na ito pero gusto ko pa rin ibigay sayo,” aniya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Anong araw ba ngayon?
“Happy 3rd Anniversary,” simpleng bati niya sa akin. Napatigil ako nang ilang segundo bago abutin ang kamay niyang may hawak na maliit na box. Third anniversary pala namin ngayon pero hindi ko na naalala. Sa dami ng mga nangyayari, nawala na sa utak ko.
“Ano ‘to?” takang tanong ko habang nakangiti.
“Buksan mo,” utos niya sa akin. Nakangiti kong binuksan ang box. Napakurap-kurap pa ako sa nakikita ko. Binalik ko ang tingin kay Ceejay na masayang nakangiti. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
“How---”
“Kahit hindi tayo umabot sa 3rd anniversary natin, para sayo pa rin ‘yan. Ayan din ang kinuha ko na parcel sa tapat ng school noong nakaraan,” sabi niya.
Napasinghap ako dahil sa ganda no’n. Isang pendant necklace iyon. Picture naming dalawa ang nasa loob. Kinuha niya sa box ang necklace at saka isinuot sa akin.
“Thank you… I don’t know what to say. Wala man lang akong gift sayo,” sabi ko sa kaniya habang nasa likod ko siya.
“Sapat na nasa tabi kita kahit anong mangyari, Ast. Hindi man bilang boyfriend pero kahit bilang kaibigan, pwede naman ‘di ba?” tanong niya sa akin. Nang matapos niyang maikabit ang kwintas ay iniharap niya ako sa kaniya. “Bagay na bagay sayo,” aniya habang nakatingin sa leeg ko.
Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa ba siyang maging kaibigan. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko ba na makita silang dalawa ni Clyde nang magkasama habang ako ay nasa gilid lang nila at sinusuportahan sila.
“Cee,” tawag ko sa kaniya. Hinawakan ko ang necklace na ibinigay niya. Napakakomportable no’n sa leeg ko. “You’re hurting me,” hindi ko na mapigilan ang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Tiningnan ko siya na nagulat sa naging reaksyon ko.
“Ast, bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan??” nalilito niyang tanong at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko. Umiling ako at napapikit. Nang imulat ko ang mga mata ko ay huminga ako nang malalim at tumingin nang diretso sa mga mata niya.
“Hindi ko kayang maging kaibigan mo, Cee,” sabi ko na nagpatigil sa kaniya. “Pwede bang mag-move on muna ako? Pwede bang kalimutan muna kita bago ako makipagkaibigan ulit sayo? Ang sakit-sakit kasi. Ang sakit-sakit na makita kayong magkasama at masaya habang ako sa gilid parang pinapatay na sa sobrang sakit,” hindi ko mapigilan ang luhang umaagos sa mata ko. Mabuti na lang wala pa ang mga kupal dahil nag-aayos pa sa art room.
“Ast.”
Humikbi ako at umiyak nang umiyak hanggang sa makaramdam ng pagod. Akmang yayakapin ako ni Ceejay pero umatras ako. “I want to have space. Just for myself. Can I do that? Then, I can give you the answer you want,” saad ko.
“I’m sorry,” aniya. Mas lalo lang akong naiyak. Mabilis akong pumasok sa CR para doon ibuhos ang lahat ng luha na matagalan ko ring pinipigilan.
Akala ko okay lang. Akala ko hangga’t alam kong masaya si Ceejay, okay na ako. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na angkinin si Ceejay kahit na iba ang gusto niya. Gusto kong pigilan ang sarili pero nahihirapan akong umalis sa tabi niya, umaasa na baka may chance pa para sa aming dalawa. Akala ko tanggap ko na pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko dahil para akong sinasaksak sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Komento sa Aklat (106)

  • avatar
    JY EL

    wow

    28/10/2024

      1
  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07/2024

      1
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata