CLYDE’S POV "Akin na! Ipasa mo sa akin!” paulit-ulit na sigaw ni Lucas habang nagtatalon na parang bata. “Hoy! Clyde! Dali!” dagdag pa niya. “Ang ingay mo!” sabi ko sa kaniya sabay pasa ng bola kay Elijah na bumelat lang sa kaniya. “Pangit mo ka-bonding, bro,” aniya sabay takbo sa pwesto ni Elijah nang may masamang tingin. Kaya pare-parehas kaming natawa sa reaksyon niya. Nasa court malapit sa dormitory kami naglalaro. Ito ‘yong court na madalas namin puntahan nina Ceejay at Aston noong mga bata pa kami. Malapit lang din kasi sa vacation house at malaki ang space compare sa labas ng bahay. Wala pa rin namang pinagbago. Ganoon pa rin ang itsura nito. Naluma na lang din dahil sa mga kalawan sa ring. Tulad dati ay kakaunti lang ang napapadaan dito. Hindi rin kasi ito madaling makita dahil sa mga punong nakapaligid dito. Nagtataka pa nga ang mga kumag nang malaman na may court dito. Tinanong nila ako kung paano ko raw nalaman. Sinabi ko na lang na dati kaming nakatira dito sa Tagaytay. Hindi naman na sila nagtanong after kong sabihin iyon dahil naglaro sila agad pagkarating namin. “Napakadaya, Andrew!” rinig ko na reklamo na naman ni Lucas. “Ang reklamador mo, Lucas. Sumbong kita kay Cldhfsfjoasnod,” naputol ang sinasabi ni Andrew nang takpan ni Lucas ang bunganga niya. “Kadiri ka!” saad niya habang pinupunasan ang bibig nang matanggal ni Lucas ang kamay sa bibig nito. “Pawis mo, kadiri, napakapait, Lucas! Dumi-dumi ng kamay, eh,” dagdag pa nito. Tinawanan lang siya ni Lucas. “Wow, ha! Hindi ka pinagpapawisan?” banat na pang-aasar ni Lucas habang nakapamaywang sa harap ni Andrew na medyo nakaangat ang damit dahil patuloy pa rin siya sa pagpunas sa mga labi. “Magmumog ka na lang kaya, arte-arte,” natatawa pa rin niyang sabi. Kaming dalawa naman ni Elijah ay nanonood lang sa kanilang dalawa kung magbubugbugan ba sila nang dahil sa pawis. Nagkatinginan kami ni Elijah at napailing na lang sa attitude ng dalawa. “Cly--” “Doc Kris?!” biglang sigaw ni Lucas kung kaya’t hindi na naman natuloy ni Andrew ang gusto niyang sabihin. Napatingin kami sa direksyon na tinitingnan ni Andrew. Nandoon nga si Doc Kris pero nang sundan ko ang tingin niya ay kay Elijah lang siya nakatingin. Napakunot ang noo ko kung anong meron sa kanilang dalawa. Si Doc Kris ang sports doctor sa buong season kaya naman kung nasaan ang laro ay lagi siyang kasama. Buti na nga lang at kakilala namin ang na-assign na maging doctor namin para kahit papaano ay magaan lang ang samahan at makakabiruan pa namin. Kapag bago kasi or hindi namin kakilala ay parang mga menopause dahil sa maiinit ang ulo. Pero hindi ko pa rin alam kung anong meron sa dalawang ito na kung magtitigan ay parang nag-uusap nang hindi binubuka ang mga labi. “Doc Kris?!” ulit na sigaw ni Lucas kaya naman napatingin na rin siya sa amin. Kumaway lang ito sa amin at muling tumingin kay Elijah bago naglakad paalis. Napatagilid ng tingin si Lucas. Inagaw ko naman ang bola na nasa kamay ni Andrew saka ini-shoot sa ring. “Water break,” sabi ko dahil mukhang pagod na rin sila since nakatayo na lang sila na parang estatwa sa court. Nang makaupo sa bench ay nagsalita si Lucas. “Ano ang status ninyo ni Doc Kris, Elijah?” pang-uusisa nito habang nagpupunas ng pawis. “Wala!” mabilis na pagtanggi ni Elijah. Nagtatakang tumingin sa kaniya si Lucas. May sumilay naman na mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Napansin ko ang paglunok ni Elijah at mabilis na pag-iwas ng tingin. “Eh, bakit noong nakaraan nakita ko kayong magkasama?” taas ang kilay na sabi ni Lucas. Uminom ako ng tubig na nasa tumbler na dala ko. “Bawal magkasama? Kailangan laging may dahilan? Nagkasalubong lang naman kami,” simpleng sagot nito sabay inom ng tubig. May pagdududa pa rin sa mga mata ni Lucas pero hindi na ito muling nagsalita. Sa akin naman nalipat ang atensyon ni Lucas. Napakunot ang noo ko habang umiinom. I raised my middle finger to him dahil sa makahulugan niyang mga titig. Alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin kaya hindi na rin ako nabigla. “Eh, kayo ni Ceejay, Clyde? Kumusta kayo ng team captain ng Blazers? Naka-shoot ka na ba?” seryoso ang mukhang tanong nito sa akin. Matatalim na mga mata ang ibinigay ko sa kaniya at itinaas ulit ang middle finger ko. Naibaba ko na lang din ang tingin pagkatapos at hindi na sinagot si Lucas dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko. Ilang araw na kami ni Ceejay na hindi nagkakasalubong. Simula nang makita ko silang magkasama ni Aston ay hindi ko na siya ulit nakita. Hindi pa naman pinapayagang umalis ang mga player hangga’t hindi natatapos ang buong season. Pero hindi ko alam kung nasaan siya o kung iniiwasan niya ba ako. Umalis ako agad nang magising ako kinabukasan matapos ang nangyari sa amin sa loob ng kotse. Dinala ko sa kwarto namin si Ceejay dahil walang sumasagot sa kwarto nila. Umalis din ako agad dahil nahihiya akong magpakita sa kaniya. Hindi ko rin inaasahan na bigla na lang siyang manlalamig matapos ang nangyari. “Napakachismoso mo, Lucas. Don’t poke your nose in others business,” umiiling na sabi ni Lucas. Ibinababa ko ang tumbler ko nang maubos ang laman no’n. Hindi na siya muli pang nagtanong dahil sa pananahimik ko. Kaya naman kay Andrew na naman siya nakikipagsagutan ngayon. “Bakit? Porket sagana ang lovelife mo sa boyf---” “Shh,” pagpapatahimik ni Andrew kay Lucas habang nakatingin sa akin. “I know you’re a gay. And I’m fine. Huwag ninyo akong intindihin. I think I’m okay,” natahimik sila sa sinabi ko. Nabasag lang ang katahimikan at awkwardness sa amin nang dumating si Coach Andrea. “Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap,” ani niya. Napalingon naman kami sa kaniya. Tumayo kami para makausap namin siya nang maayos. Umupo naman siya dahil para siyang hinihingal at pawis na pawis. “Hinga ka muna, Coach. Tumakbo ka ba?” natatawang tanong ni Elijah. Umiling naman si Coach at uminom sa bottled water nito. Hinihintay namin na makahinga siya nang maluwag bago ako nagtanong. “Bakit, Coach? May problema ba?” “Kailangan kasi natin tumulong sa booth ng Blazers. Since, ayaw niyong gumawa ng sarili ninyo. Pinapatulong na lang tayo sa kanila,” explain niya sa amin. Na-excite naman ako nang maisip na makakasama ko si Ceejay. Ngunit nawala rin agad ang sayang nararamdaman ko nang maalala silang magkasama ni Aston. Nababaliw na ata ako. Pinapunta na kami sa art room matapos kaming maglaro sa court. Naabutan ko sina Aston at Ceejay na nagtatawanan sa kabilang gilid. Hindi ko maialis ang tingin kay Ceejay na nawala ang mga ngiti sa labi nang lingunin kami. Naalala ko ang gabi nang may mangyari sa amin. Ramdam na ramdam ko pa rin pakiramdam na iyon. At parang tumatayo na naman ang alaga ko sa tuwing maiisip ko iyon kaya iwinaksi ko agad sa utak ko ang alaala na iyon. “Nakalimutan ko palang sabihin, guys,” panimula ni Coach Erin, ang manager ng Blazers. “Tutulungan tayo ng Golden Bear sa booth. Wala rin naman kayong game so, make this event as a way to become friends with each other. Fighting!” explained ni Coach Erin sa harap ng tulalang Blazers habang ang iba ay wala lang pakialam. Walang nagsasalita sa kanila hanggang sa tumikhim si Coach Erin kaya naman tumayo si Ceejay. Kumurap muna ito bago magsalita. “Welcome,” nakangiti niyang sabi. “Pwede kayong tumulong sa pagbuo ng kubo roon sa gilid,” turo niya sa mga naglalagari sa sulok. ‘”Yong iba naman dito sa mga designs and banners,” dagdag niya habang nakaturo naman sa pwesto nila. May mga nakakalat na crepe paper at iba pang art materials doon. Ako na ang sumagot sa grupo namin dahil halos lahat sila ay sa akin din naman nakatingin. Halata ba masyado kung anong meron sa amin ni Ceejay at grabe sila makatingin? “Salamat,” ani ko. Hindi na ulit siya sumagot. Tumango lang siya at muling itinuon ang atensyon sa mga ginagawa. “Goodluck, guys! Call me if you need anything,” sabi ni Coach Erin na sinang-ayunan naman ng lahat. “Jowa, Coach? Kailangan namin,” pahabol na sigaw ng isa sa Blazers na may bagsak na buhok, katabi ni Ceejay habang may malawak na ngisi sa mga labi. “Gago!” sagot sa kaniya ni Coach Erin bago lumabas ng kwarto. Nagtawanan naman ang ito dahil sa naging sagot ni Coach Erin. “Tangina mo, Liam,” rinig kong natatawang sabi ng kasama nila na binato pa ng glue ang nagtanong kay Coach Erin. Tinapik lang ako ni Coach Erin sa balikat habang nakangiti. “Ikaw na ang bahala, Clyde. Pakitulungan na lang si Ceejay,” ani niya. Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya. Nang makaalis si Coach Erin ay hinarap ko naman ang mga teammates ko na tahimik lang sa likod ko. “Magsi-ayos kayo, ha. Walang away na magaganap,” paalala ko sa kanila. “Porket nandito ang bebe mo, Cap,” asar sa akin ni Elijah nang may diin pa sa pagtawag niya sa akin ng ‘Cap.’ Tinampal naman ni Lucas ang bunganga niya. “Aray! Gago! Ang lakas,” reklamo niya habang nakasimangot na tumingin kay Lucas. “Ang ingay mo kasi,” sabi ni Lucas. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Parang mga timang talaga kahit kailan. Nauna na akong pumasok sa loob ng kwarto dahil nagbabangayan pa ang dalawa sa gilid. Sumunod naman ang iba saka naghanap ng pwesto kung saan sila pwedeng tumulong. Bukas na rin kasi ang end game party at hindi pa rin nila tapos ito, kaya siguro pinatulong na rin kami. Sino ba naman kasi matututo nito kung puro kami mga lalaki? Mga walang aesthetics sa katawan. Umupo ako sa kabilang gilid ni Ceejay nang lumipat ang katabi niya kanina na tinawag nilang Liam. Samantalang nasa kabilang gilid niya naman si Aston. Tumikhim ako bago magsalita. “Hi,” ani ko. Lumingon siya sa akin habang busy ang mga mata na nagtutupi ng mga papel para gamiting origami. Ilang segundo bago siya nakasagot ngunit pilit naman ang mga ngiti na ibinalik niya sa akin. “Hi,” tipid niyang sabi at mabilis na ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Iniiwasan mo ba talaga ako, Cee? Don’t you remember that night? Lito akong tumingin sa kaniya ngunit mabilis din na itinuon ang atensyon sa mga gawain. Sa ibang members na lang ng Blazers ako nagtanong ng mga dapat gawin dahil mukhang wala naman siyang balak na kausapin ako.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow
28/10/2024
1very good and nice story 😍🫶
05/07/2024
1good novel
04/07/2024
0Tingnan Lahat