CEEJAY’S POV Nagising ako na wala na ako sa loob ng kotse. Inilinga ko ang ulo ko at napansin na nasa kwarto ako ng dormitory. Nang medyo luminaw na ang paningin ko ay saka ko lang napansin na hindi ko ito kwarto. Dahan-dahan akong umupo kahit na medyo masakit ang pang-upo ko. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Ginulo ko ang buhok ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Clyde. Naputol lang ang pag-iisip ko nang may pumasok sa kwarto. Iniluwa ng pintuan si Lucas na tila hindi nagulat nang makita ako. Umiwas naman ako ng tingin nang mapagtanto kong nasa kwarto ako nila Clyde. Dinala niya ba ako rito? Bakit hindi sa kwarto namin? “Hinahanap ka na ni Aston,” maikling sabi sa akin ni Lucas kaya naman napatingin ako sa kaniya na nag-aayos ng gamit niya. Parang nanunuyo naman ang lalamunan ko kaya hindi ako nakasagot. Nang lingunin niya ako ay bigla siyang ngumiti. “Huwag kang mag-alala, we know that something has going on with you and Clyde. Saka dito ka niya dinala kagabi dahil walang bumubukas sa kwarto niyo kagabi,” ani nito kaya napatango ako. Matipid akong ngumiti sa kaniya bago tumayo sa kama. “Thank you,” sabi ko na ikinatango niya lang saka pinagpatuloy ang ginagawa. Lumabas ako ng kwarto nang makasalubong ko si Aston na kalalabas lang din sa kwarto namin. “Ast,” tawag ko sa kaniya. Nang makalapit ako ay malakas niya akong binatukan. “Saan ka natulog gabi?” tanong niya sa akin nang may naiinis na tono. Sinilip niya pa ang pinto na nilabasan ko. Nang maibalik ang tingin sa akin ay para siyang naghahanap ng sagot sa tanong niya kahit naman na obvious na kung saan ako natulog. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya na ikinataas naman ng kilay niya. “Anong ginagawa mo sa kwarto nila Clyde?” ulit niyang tanong. Nakaakbay na siya sa akin ngayon pero hindi ko pa rin siya magawang matingnan sa mata. Nag-umpisa kaming maglakad nang hindi ko pa rin siya sinasagot. “Don’t tell me….” dahan-dahan niyang sabi. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto siya dahil nakaakbay pa rin siya sa akin. Hinarap niya ako sa kaniya kaya naman bahagya akong napaatras. Hawak niya ang mga braso ko at mas inilapit ang mukha na tila ba naghahanap ng sagot sa mga mata ko. Nagtatanong ko siyang tiningnan. “Don’t tell me… you… and… Clyde….” may pagduda sa mga mata niyang sabi. Bumuntong hininga ako saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Sabi mo huwag kong sabihin. So, hindi ko sasabihin,” sabi ko at nginitian siya bago naunang maglakad pero mabilis niya ring hinaklit ang braso ko. Gulat ang mga matang nakatingin siya sa akin. “Did you… do… ‘it,’ Cee?” hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Muli na naman akong napabuntong hininga at sasagot na sana nang magulat sa sumunod niyang ginawa. “Hindi ka na virgin?” malalaki ang mata niyang sabi habang nakahawak sa pang-upo ko kaya naman mabilis kong tinampal ang kamay niya. Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang ay iilan lang ang taong dumadaan kundi sasapakin ko talaga ‘tong si Aston. “Huwag mo na hawakan!” mabilis kong sabi. “Masakit pa,” bulong ko, sapat para kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla naman siayng natawa sa sinabi ko. Napahawak pa siya sa tyan niya kakatawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman medyo natahimik siya. “Sorry na. Hindi lang kasi ako makapaniwala,” pigil ang tawa niyang sabi. “Gago,” tangi ko na lang nasabi at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Hinabol niya ako at sinabayan ang lakad ko paputang canteen. “Hindi kasi talaga ako mapaniwala. Noong tayo pa, halos hindi nga natin magawa kahit na gaano ako ka-clingy sa’yo. Hindi talaga natin magawa-gawa. Tapos kayo ni Clyde….” hindi niya natapos ang sasabihin. Tiningnan ko siya at nakatulala lang siya sa kung saan. I waved my hands in front of him pero nakatulala lang siya. Tiningnan ko ang direksyon na tinitingnan niya. I saw Clyde smiling widely to Sophia who was now holding his hand while they are talking. I felt the pang inside my chest. Ibang iba ang ngiting iyon sa lahat ng ngiting nakita ko sa kaniya. Parang ngayon na lang ata naging totoo ang mga ngiting iyon. Siguro kung hindi pa bumabalik ang alaala ko, iisipin ko na iyon ang kauna-unahang ngiting totoo ni Clyde. Ang mga ngiti na iyon kasama si Sophia habang hawak ang kamay nito ay parang ngiti niya noong mga bata pa kami habang naglalaro ng basketball sa labas ng bahay. Nagawi ang tingin niya sa amin ni Aston. Nawala ang ngiti nito. Nakaakbay pa rin sa akin si Aston kaya naman mabilis niya akong hinila paalis sa canteen. “Pinapatawag na pala tayo ni Coach para sa event next week,” kausap sa akin ni Aston pero hindi ako makasagot. Dinala niya ako sa park malapit sa dormitory. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami. Umupo kami sa bench na nandoon. Nakatitig lang ako sa nilalaro kong kamay. Akala ko naman pwede na kami. Akala ko naman may chance na para maging kami. Kaso sino ba naman ako para pigilan siyang magkagusto sa babae? Kahit sino naman siguro mas pipiliin na magmahal nang normal at hindi kumplikado. “Okay ka lang?” tanong ni Aston matapos ang mahabang katahimikan sa amin. Malalim akong bumuntong hininga at sumandal sa upuan. “Oo naman,” sabi ko nang nakangiti pagkalingon kay Aston. “Nagulat lang ako. Akala ko pwede na,” dagdag ko. Ang pekeng ngiti na ipinapakita ko sa kaniya ay unti-unti ring nawala. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay unti-unti na ring lumabas. Tuloy-tuloy lang ang agos nito. Wala masyadong taong dumadaan sa pwesto namin kaya naman hindi ko na pinigilan pa ang luha sa mga mata ko. Walang sinabi si Aston. Sinamahan niya lang ako roon habang umiiyak. Hinilod niya ang likod ko dahilan para mas lalo akong maiyak. Ilang oras din siyang nakatambay roon para hindi ako maiwang mag-isa. Nang kumalma na ang sarili ay pinahid ko ang mga lumandas na luha sa pisngi ko. Maya-maya lang ay iniabot ni Aston ang braso niya sa akin. Nalilito ko siyang tiningnan. “Anong gagawin ko r’yan?” nagtataka kong tanong. “Samantalahin mo na habang mabait pa ako. Wala kang dalang panyo ‘di ba? Naka-sweater naman ako,” aniya habang nakatingin sa malayo. Napangiti ako dahil sa inasta niya. “Thank you, Ast,” usal ko nang mapunasan ang buong mukha ko na parang naligo sa luha. “Sabihin mo lang at sasapakin ko na talaga si Clyde,” may bahid ng inis ang boses niyang sabi sa akin. Umiling ako at hinawakan ang parte ng damit niya. “Huwag na. Baka hindi niya rin naaalala ang nangyari sa amin. Lasing siya nang mangyari ‘yon. Kaya naiintindihan ko kung wala lang sa kaniya iyon,” malungkot kong sabi habang pilit na kinakalimutan ang nangyari sa amin kagabi. “Mabuti pa, ayusin na natin ang mga gagamitin sa event. Isang linggo na lang ang mayroon tayo pero hindi pa rin kumpleto ang mga gamit,” ani ko nang hindi na siya muling sumagot sa akin. Ilang minuto niya lang ako tiningnan bago siya naunang tumayo. “Hindi bagay sayo ang ma-broken-hearted. Kung ako pa sana siguro ang minahal mo, malusog ang lovelife mo,” ani nito na ikinatawa ko lang. “Siraulo,” saad ko. Natawa na lang din siya nang tinawanan ko lang ang sinabi niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya naman mas lalo lang akong natawa. Hindi ko ito kinuha saka tumayo. Binunggo ko ang braso niya bago siya inakbayan at naglakad pabalik ng dormitory. Bahala na si batman sa mga mangyayari. Nakakapagod lang na ipilit pa ang sarili ko kay Clyde. Baka sinubukan niya lang talaga kagabi kung totoo ang nararamdaman niya. At nang maintindihan na hindi talaga ako ang gusto niya ay na-realize niya na hindi niya na ako dapat pang pag-aksayahan ng oras.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
wow
28/10/2024
1very good and nice story 😍🫶
05/07/2024
1good novel
04/07/2024
0Tingnan Lahat