Game 23

“Painit na nang painit ang laro. Makuha na naman kaya ng Golden Bear ang 5th game at tanghaling 101st Season Basketball Champion? O magkaroon ng twist at baliktarin ng Blazers ang laro?” pampagana ng commentator sa mga manonood. “Hindi na ako makapaghintay na malaman ang resulta ng laro! Kayo rin ba?”
Malakas na naghiyawan ang mga nanonood. Tulad sa mga naunang laro ay todo ang suporta sa magkabilang grupo. Nang maglakad na si Clyde papunta sa gitna ng court ay naagaw ng atensyon niya ang dalawang tao na nakaupo sa itaas na bleachers.
Nginitian siya ng mga magulang niya ngunit mabilis niya rin iniiwas ang tingin. Kasama ng mga ito si Bea na panoorin ang laro.
Mabilis na tumakbo ang naging laro sa fifth game. Nangunguna na ang Blazers nang biglang magkaroon ng foul sa pagitan ni Andrew at Ambert. Hindi sinasadya na napatid si Andrew ni Ambert.
“Nananadya ka ba?” maangas na tanong ni Andrew nang makatayo sa tulong ng mga teammates niya.
“Hindi nga sinasadya ‘di ba?” tinapatan naman ito ni Ambert.
“E ‘di sana nag-sorry ka,” may bahid pa rin ng inis sa boses ni Andrew.
“Sorry. Hindi nga kasi sinasadya,” kalmado nang sabi ni Ambert.
“Para hindi ka naman sigurado sa sorry mo,” nakangising sabi ni Andrew.
“Aba---” aambahan na sana ito ni Ambert nang magtaas ng yellow card ang referee bilang simbolo ng unang warning niya.
Inawat na sila ng mga ka-team nila. Inilayo naman nila si Andrew at dinala sa bench. Tinapik lang ni Lucas ang balikat niya bago bumalik sa paglalaro.
Natapos ang laro nila nang makuha ng Blazers ang huling puntos. Nag-apir ang Blazers dahil nagawa nilang makuha ang fifth game.
“Sixth game ang susunod na goal, guys! Huwag tayo magpakampante. Pwede pang umikot ang laro. Okay?” ani ng Coach nila nang makabalik sila sa bench after ng game. “But, Carson and Finley sana mas maging focus pa kayo sa laro. Medyo ligwak ang mga shootings niyo kanina,” turo niya sa dalawa kaya tumango naman ito. Tinapik ni Aston ang likod ni Ceejay kaya ngumiti ito sa kaniya.
“Yes, Coach,” sabay-sabay nilang sabi sabay pinagpatong-patong ang mga kamay saka sabay-sabay silang sumigaw. “Let’s go, Blaze! Go, Blazers!”
Nang matapos sila sa maikling meeting ay nagsi-alisan na rin isa-isa ang mga players para sa susunod na laro. Mabilis na lumipas ang mga oras at kinabukasan ay 6th game na nila. Mas mainit na ang laban ngayon. Mas dumami na rin ang mga nanonood dahil isa ito sa pinakaimportanteng laro ngayong season.
Marami ang umaasa na makuha ulit ng Golden Bear ang championship. Ganoon din sa Blazers na sana ngayong taon ay palarin sila.
Patapos na ang laro at naghahabulan na lang ang dalawang grupo sa puntos. Hawak ni Clyde ang bola habang nakaharang dito si Ceejay. Malagkit ang tingin ni Ceejay kay Clyde. Medyo naiilang si Clyde pero hindi siya dapat magpaapekto sa mga tingin na iyon ni Ceejay kung kaya’t hangga’t maaari ay hindi niya ito tinitingnan sa mga mata. Naka-focus siya sa bolang hawak. Sa tuwing iikot siya ay susundan din ito ng katawan ni Ceejay.
Wala siyang magawa kundi ang iangat ang tingin kay Ceejay. Nilabanan niya ang malagkit nitong ngiti. Kinagat niya ang ibabang labi at ngumisi. Sandaling natigilan si Ceejay.
“Hawak ni 23 ang bola habang bantay siya ni 22. Ilang segundo na lang ang natitira. Mukhang nahihirapan din si 23 kung paano maipapasok ang bola sa ring,” announce ng commentatory. Lumakas ang hiyawan ng mga nanonood.
Bahagyang inilapit ni Clyde ang mukha kay Ceejay. Napaatras naman ito.
“Ayan na! Mukhang makakapuntos si 23!”
Nang ma-realize ni Ceejay ang ginagawa ni Clyde. Tumaas ang kilay niya at inilapit din ang mukha rito.
“Nako! Mukhang hindi siya papayagan na makatakas ni 22 dahil once na mai-shoot ang bola----”
Lumawak ang ngiti ni Clyde at mas lumapit pa siya kay Ceejay. Hindi alam ni Clyde kung anong pumasok sa utak niya at nagagawa niyang landiin si Ceejay sa harap ng maraming tao. Lalo pa sa loob ng basketball court. Pakiramdam niya ay wala na ang traumang nagkukulong sa kaniya sa loob ng mahigit limang taon.
Tila nabigla si Ceejay sa paglapit ng mukha ni Clyde kaya naman napaatras siya. At naging pagkakataon ito kay Clyde para i-shoot ang bola.
“And Golden Bear won the game!!!” malakas na sigaw ng commentator. Halos sumabog ang buong gymnasium dahil sa lakas ng hiyawan. Tumalon naman sa saya ang Golden Bear sabay buhat kay Clyde dahil sa huling 3 points niya.
Samantalang sa kabilang grupo naman ay halos manlumo sila. Tulala naman na bumalik si Ceejay sa pwesto nila. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya dahil sa paglapit ni Clyde sa kaniya. Napangiti siya. Sign na ba iyon na may pag-asa sila? Hindi niya maitago ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napansin naman ito ng mga kasama niya kaya binatukan siya ng mga ito. Nakasimangot din ang Coach nila.
“What is wrong with you, Carson?” sita sa kaniya nito kaya nagulat siya kasabay ang pambabatok ng mga teammates niya.
“Po?” taka niyang tanong. Inilibot niya ang tingin at napansin ang score sa scoreboard.
“Why did you let them won this round? Are you out of your mind?” medyo galit nitong sabi.
“Coach, kalma…” mahinahong sabi ni Aston. “Kung hindi umatras si Ceejay baka bumagsak naman siya dahil sa patuloy na pagtulak ni Miller,” pagdadahilan nito kahit na alam niya ang dahilan kung bakit parang wala sa sarili si Ceejay.
“That should be our point, kung hindi mo pinairal ‘yang puso mo!” sabi ng Coach nila na ikinagulat nilang lahat.
Biglang nagkaroon ng katahimikan sa pwesto nila habang malakas pa rin ang hiyawan sa buong gymnasium.
“Coach, that was out of the line…” saad ni Liam.
“O--okay. I’m sorry. I just know na may gusto ka sa team captain ng Golden Bear kaya hindi ko inaakala na… Sorry,” hingi nitong paumanhin. Ang gulat na mukha ni Ceejay at kaninang nakangiti ay bigla na lang naglaho. Napayuko siya. Oo nga naman. May kasalanan siya. Dapat hindi niya hinayaan ang puso niya maging mahina sa larong ito.
“Sorry po,” mahinang sabi niya. Napansin niya na may tumulong luha sa kaniyang mga mata kaya mabilis niya itong pinahid. Natahimik ulit sila nang ilang minuto bago muling nagsalita ang Coach nila.
“That’s fine. Wala na tayong magagawa. Baka hindi pa talaga para sa atin ang championship ngayon. Ang mahalaga you did your best. Bawi tayo next season! Okay?!” pagpapagaan nito ng loob sa kanila. Pinisil naman ni Aston ang balikat ni Ceejay para sabihin na ayos lang.
Lahat sila ay sumang-ayon at napagdesisyunan na pumuntang bar para kahit talo ay magawa nilang mag-enjoy. Ilang araw na lang din ay aalis na sila sa Tagaytay after ng end game party.
Hindi tumigil ang Blazers sa pag-inom hanggang sa malasing sila. Samantalang si Ceejay naman ay hindi uminom ng marami, takot na mangyari ulit ang kaharutan na ginawa niya noong nakaraang gabi.
Sa kabilang table ay napansin niya ang Golden Bear na nag-se-celebrate ng kanilang pagkapanalo. Hindi pa sila napapansin ng mga ito dahil kararating lang nila. Ilang minuto lang ay dumating na ang order nila. Nakatitig lang si Ceejay kay Clyde na malawak ang ngiti. Napangiti rin siya. Naramdaman niya sa kaniyang balikat ang pagbagsak ng ulo ni Aston dahil sa sobrang kalasingan.
Nangasim ang mukha niya. Tinapik niya ang mukha nito. “Ast,” gising niya rito.
“Hmmm,” yumakap pa ang dalawang kamay nito sa leeg niya at inamoy ang leeg niya.
“Ast, uwi na tayo. Lasing ka na,” aniya na ikinailing ni Aston. Bumitaw ito sa pagkakakapit sa kaniya at bahagyang dumilat.
“Hoy, sayaw tayo!” aya ni Liam na tipsy na rin.
“Sasayaw pa kami. Hehe,” sabi nito habang nakaturo sa dance floor saka sila sumunod kina Liam. Napailing na lang siya sa mga ito. Kinuha niya ang baso niyang may beer at uminom doon.
Nang ibalik niya ang tingin sa pwesto nina Clyde ay bahagya siyang nagulat dahil nakita niyang matiim na nakatingin sa direksyon niya si Clyde. Nilingon niya ang paligid niya at siya lang naman ang tao roon dahil nasa sulok ang pwesto ng sofa nila.
Nakipagtitigan siya kay Clyde habang iniinom nito ang beer. Unang umiwas ng tingin si Clyde nang tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napansin niya ang pagtawa nito. Magaan siyang ngumiti.
“Mabuti naman nakakatawa at nakakangiti ka na, Cly,” sabi niya sa sarili.
Napansin niya ang sunod-sunod na pag-inom ni Clyde ng beer sa baso niya. Pumait ang itsura niya at gustong hilahin ang baso sa mga kamay nito pero pinigilan niya ang sarili. Mukhang naglalaro sila pero hindi nakatakas sa mga mata niya ang mga sulyap ni Clyde sa kaniya.
Ilang minuto pa ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya naman pumunta siya sa banyo at iniwan ang mga kasama niyang halos pabagsak na dahil sa tama ng alak.
“We won!” sigaw ni Ambert habang nakapikit at nakataas pa ang kamay bago siya makaalis doon. Natatawang umiling siya bago naglakad papuntang banyo.
Madadaanan niya ang pwesto nila Clyde pero hindi niya na ito muli pang tiningnan para hindi siya mapansin ng mga kasama nito ngunit ramdam niya ang pagsunod ng mga mata ni Clyde sa kaniya.
Nang makarating sa CR ay parang nabunutan ng tinik si Ceejay dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Kumalma siya bago pumwesto sa urinal area. Busy siya sa pag-ihi nang may biglang pumasok. Nagulat siya dahil sa pulang pula na mukha ni Clyde habang mapang-akit na nakatingin sa kaniya.
Mabilis niyang tinapos ang pag-ihi at naghugas ng kamay para daluhan si Clyde na mukhang babagsak na sa may pintuan. Ngunit bago pa man niya ito malapitan ay inunahan na siya nito. Inisang hakbang niya ang distansya nilang dalawa saka mabilis itong agresibong hinalikan sa mga labi.

Komento sa Aklat (106)

  • avatar
    JY EL

    wow

    28/10/2024

      1
  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07/2024

      1
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata