Game 11

2 years ago…
Kasalukuyan nang nagpapahinga si Ceejay sa kwarto nito. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang makalabas ito sa ospital. Nasa sala naman si Aston at ang nanay ni Ceejay.
“Tita, bakit po gusto niyo akong makausap?” tanong ni Aston at umupo sa sofa kaharap ng nanay ni Ceejay.
“May hihingiin sana akong favor sa iyo, Aston,” aniya.
“Ano po iyon?”
Matagal bago nakasagot ang nanay ni Ceejay. Nag-aalala siya sa kalagayan ng anak niya lalo na nang malaman ang nangyari sa pagitan nila ni Clyde. Aware silang lahat sa nangyari sa pamilya ni Clyde kung kaya’t naiintindihan nito ang reaksyon niya. Ganoon din naman ang nangyari nang umamin si Ceejay sa kanila. Mahirap tanggapin sa una pero kapag tumagal na ay matututunan din nilang tanggapin ito.
“Pwede bang huwag mong iwan si Ceejay? Natatakot ako sa pwedeng mangyari once na nakaalala siya. Natatakot ako na baka tulad ng sinabi ng doctor ay maaaring may mangyari sa utak niya kaya hangga’t maaari sana ay huwag mo na munang banggitin ang tungkol kay Clyde?” kita ang sinseridad ngunit may pag-aalala sa mga mata ng nanay ni Ceejay.
“Sigurado po ba kayo, Tita? Paano kapag nagalit sa atin si Ceejay once na malaman niya na tinago natin sa kaniya ang lahat?” tanong ni Aston.
“Alam kong maiintindihan niya tayo, Aston. Para naman ito sa kaniya. Saka na lamang natin sabihin kapag nagtanong siya or may maalala siya kahit kaunti. Pero kung ipipilit natin, natatakot ako,” naluluha na ang nanay ni Ceejay.
Bumuntong hininga si Aston at wala na ring nagawa. Dinaluhan niya ang nanay ni Ceejay na umiiyak na ngayon. Hinaplos niya ang likod nito at niyakap saka nagsalita. “Okay po, Tita. Hindi ko rin naman po pababayaan si Cee. Magkaibigan po kami kaya kahit anong mangyari ay hindi ako aalis sa tabi niya.”
Hindi rin alam ni Aston kung anong pumasok sa isip niya at pumayag siya sa gusto ng nanay ni Ceejay. Ayaw niya na rin masaktan ito. Masyadong malambot ang puso ni Ceejay kung kaya’t ayaw nilang mas mag-suffer pa ito at dagdagan ang nararamdaman niya ngayon.
Halos lahat sila ay nag-panic nang malaman na naaksidente ito. At ang ilang araw niyang hindi paggising ay parang sumpa sa kanila na gusto niyang basagin. Lahat sila ay kinakabahan dahil walang kasiguraduhan kung gigising pa si Ceejay dahil sa laki ng sugat nito sa ulo. Kaya nagpapasalamat sila sa Diyos nang malaman na nagising ito.
Linggo ang lumipas at hindi nga iniwan ni Aston si Ceejay. Nanatili lang ito sa tabi niya at tinulungan siya sa therapy. Isang araw ay nakapagdesisyon ang magkaibigan na maglaro ng basketball sa court malapit sa kanila. Maayos na ang pakiramdam ni Ceejay basta huwag lang masyadong kumilos. Naabisuhan na rin sila na okay lang ang maglaro basta hindi siya masyadong magpapagod.
Para silang nagpapatentero para makuha ang bola nang mapansin ni Aston si Clyde na nakatingin sa kanila sa hindi kalayuan. Nginitian ni Clyde si Aston na napahinto sa paglalaro kaya natamaan ng bola. Nagulat siya at napatingin kay Ceejay na natatawa sa kaniya. Napangiti siya sa masayang mukha ni Ceejay.
“Saan ka ba kasi nakatingin?” tanong nito at tinignan din ang direksyon na tinitignan ni Aston. “Wala namang tao o kung ano roon. May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” natatawa niyang sabi sabay kuha ng bola na inihagis niya kay Aston.
“Wala. May napadaan lang,” pagdadahilan niya pero tinawanan lang siya ni Ceejay.
“Kung ano-ano na lang nakikita mo,” umiiling nitong sabi. Itinaas lang ni Aston ang middle finger niya kay Ceejay.
Itinuloy nila ang paglalaro at patas na ang score nila. Magkatitigan silang dalawa habang nagdi-dribble si Ceejay ng bola at nakaharang naman si Aston. Tagaktak na rin ang pawis nila. Ngumisi si Ceejay bago nagsalita.
“Let’s make a deal,” panimula niya habang pinoprotektahan pa rin ang bola na hawak.
“Ano na naman?” taas ang kilay na tanong ni Aston. Mas lalong lumaki ang ngisi sa mga labi ni Ceejay.
“Who lose in this game will grant the wish of the winner,” sabi ni Ceejay nang may paghahamon.
Hindi naman umatras si Aston. “Sure!” sagot niya at mabilis na kumilos ngunit mas mabilis ang galaw ni Ceejay kaysa sa kaniya dahilan para si Ceejay ang manalo.
Hinihingal na tumingin sila sa isa’t isa. Samantalang si Ceejay naman ay parang nanalo sa lotto. “Yes!” sigaw niya. Nakataas pa ang mga kamay nito.
“Na-ospital ka ba talaga? Parang hindi naman,” ngiwing sabi ni Aston habang itinataas ang damit para punasan ang pawis. “So what’s your wish?” tanong niya kay Ceejay na tulala lang. “Hoy!” tawag niya ulit dito kaya napabalikwas ito at tumingin ulit sa mga mata niya. Maya-maya lang ay lumapit ito sa kaniya nang nakangiti.
Nagtataka siya kaya medyo umatras din siya habang patuloy pa rin sa paglapit si Ceejay. Nang mapansin ni Ceejay ang pag-atras ni Aston ay hinila niya ito sa braso at hinawakan ng mahigpit bago diretsong sinabi ang mga salita na hindi inaasahan ni Aston na lalabas sa mga labi ni Ceejay.
“Be my boyfriend.”
Nakatingin lang si Aston sa mga mata ni Ceejay. Hindi siya nakasagot agad at parang kinakalabog ang puso niya dahil sa sinabi ni Ceejay. Kumawala siya sa hawak nito nang ma-realize iyon.
“Teka… teka…” aniya at bahagyang umatras. “Anong pinagsasabi mo, Cee?” litong tanong ni Aston.
“I like you, Ast,” simpleng sabi ni Ceejay.
“Ha?” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Aston kay Ceejay. Natawa si Ceejay dahil parang hindi siya naiitindihan ni Aston.
“Gusto kita! I like you! Anong lenggwahe ba ang gusto mo at hindi mo naiitindihan ‘yon?” tumatawa niyang sabi.
Naalala ni Aston ang sinabi ng nanay ni Ceejay. Wala rin namang kaso kay Aston kung ano ang gender ng taong mamahalin niya. Napatagilid siya ng tingin dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Ceejay. Napansin naman ni Aston na bumalik si Clyde sa pwesto niya kanina. Ang alam ni Clyde ay sila. Dapat niya bang panindigan ‘yon? Madilim na nakatingin sa kanila si Clyde kaya mabilis na iniwas ni Aston ang tingin kay Clyde.
Nang lingunin niya si Ceejay, nag-aabang ito ng sagot galing sa kaniya. Nginitian niya ito at sumagot na ikinalawak ng ngiti ni Ceejay. “Okay,” nakapamaywang na sabi ni Aston.
Tumakbo palapit si Ceejay kay Aston at mabilis na hinalikan ito sa mga labi. Nagulat si Aston sa ginawa ni Ceejay pero hindi kalaunan ay bumigay rin ang sistema niya at sinabayan ang galaw ng mga labi ni Ceejay. May sumilip na ngiti sa labi ni Ceejay nang maramdaman na tinutugon ni Aston ang mga halik niya.
Habang sa hindi kalayuan ay nakita ni Clyde maghalikan ang dalawa. Nakakuyom ang mga kamao nitong madilim ang tingin sa kanila. Nag-igting ang mga panga niya at umalis sa kinatatayuan.

Komento sa Aklat (106)

  • avatar
    JY EL

    wow

    28/10/2024

      1
  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07/2024

      1
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata