Chapter Ten

Her Point of View.
From the day I got back to Manila, bumalik na rin ako sa daily routine ko. That is.. EBC Building and going home. Paulit-ulit na ganoon. Pasalampak akong naupo sa swivel chair ko at ipinikit ko ang aking mga mata.
"Miss.. Do you need something? Tea? Coffee?"
Umiling iling ako pero hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko.
"No, thanks Koraine. I just want to close my eyes for a minute. Sumasakit ulo ko."
"Should I book for a whole body massage at our Massage Spa, Miss?"
Napamulat ako ng mata nang banggitin iyon ni Koraine. I smiled widely.
"Yes please! Bukas ah? Saturday bukas at wala akong trabaho!"
Excited kong sabi. Koraine chuckled at tumango. Marahan siyang naglakad palabas ng opisina ko at sakto namang nag-ring ang phone ko. It's Argo.
"Yes?"
"What are you doing?"
Tumaas ang isa kong kilay. Alam ko kapag ganito ang tanong niya. It's either may kailangan siya sakin o gusto niyang makipagkita sakin.
"I'm at my office just sitting. I'm trying to sleep pero tumawag ka. What is it?"
I heard him chuckled kaya kumunot ang noo ko.
"You really look beautiful when you're wearing a red dress."
Kaagad akong napatingin sa suot ko at doon ko lang napagtanto na nakasuot ako ng pulang dress ngayon. I do love red dress or anything that is red. Maputi kasi ang kulay ng balat ko kaya magandang tignan ang pula sakin. Nagpalinga linga ako at napako ang tingin ko sa glass window. May katapat kasi ang building ng EBC na isang mataas na building din.
"Where are you?"
"Just right here.. looking at you. Are you tired?"
"Alam mo Argo ang creepy mo. You're not looking at me. You're actually stalking me!"
Mataray kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya lang.
"Suit yourself, Milady. Care to have a dinner date with me tonight? I'll fetch you in your office right now."
Hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Woah! You're smiling. Guess that's a yes then?"
Ngumuso ako. For sure may ginagamit na naman siyang telescope sa ngayon just to see me near.
"Hindi ka busy noh? You should find a girlfriend na, Argo."
He sighed.
"I found you while looking for a girlfriend. Would you be my girlfriend then?"
I rolled my eyes pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti.
"Tss.. dami mong alam. Sunduin mo ako dito if you want to have dinner with me."
I heard him laughed at tila ba nawala ang pagod ko.
"On the way, Milady."
He ended the call. Pinatong ko ang mesa ko sa office table at ngumisi. That man. He just knew how to please me. And yes, I like that man romantically and I also knew that he likes me. Pero ano nga ba ang nagpipigil sakin na ihayag ang nararamdaman ko sa kaniya? Syempre ang plano kong sirain ang buhay nina Carriuz at Akeisha. Argo doesn't like the idea and even pleaded in front of me to stop whatever it is that I am planning to do pero sa huli.. tulad ni Lor, wala rin siyang nagawa and he just supported me all the way kahit na baliwin siya ng mga planong naiisip ko.
Inayos ko ang sarili ko at naglagay ng kaonting make up dahil alam kong maya maya ay nandito na si Argo. I scanned some papers na pinasa sakin ng iba't-ibang department. Ang iba ay business proposals and investment contract. May ibang hindi ko na muna pinirmahan dahil kailangang personal kong makausap ang nagpadala ng contract. Besides, contract should be signed with a lawyer.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa ginagawa ko kaya nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Come in."
"Miss, may bisita po kayo. Argo Luvitogn?"
Awtomatiko akong napangiti. Tumango ako kay Koraine.
"Let him in."
"Yes, Miss."
Umalis na si Koraine at ipinatong ko ang magkabilang siko sa office table ko at napako lang ang tingin ko sa pinto. When it opened my heart skipped a beat. Argo Luvitogn is wearing a white v-neck t-shirt paired with black slacks and brown shoes. Kitang kita ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Agad kong napansin ang kaniyang malalim na dimple sa kanang pisngi. Mapupula at manipis na labi. Sobrang tangos ng ilong. He's wearing shades kaya hindi ko makita ang mata niya. Ngumuso ako.
"Miss me, milady?"
I chuckled. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kaniya. He opened his arms nang makalapit ako sa kaniya at saka ako tumawa. Mas lumapit pa ako sa kaniya and I hugged him. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko that send shivers to my spine. He hugged me tight kaya natawa ako.
"You miss me more, I guess?"
He chuckled.
"I do."
Napapikit ako at dinamdam ko ang yakap niya sakin. We stayed like that for a little more hanggang sa ako ang unang kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Pero nagpermi ang mga kamay ko sa balikat niya at tinitigan lang siya. He's smiling while staring at me. Matangkad si Argo, kasing tangkad ni Carriuz, actually. Kahit na five inches na ang suot kong heels, mataas pa rin ang difference ng height ko sa height ni Argo.
"I wanna see your eyes, Argo!"
Reklamo ko sa kaniya na ikinatawa niya lang pero tinanggal niya ang shades niya gamit ang isang kamay na nakapulupot sa bewang ko at ibinalik ulit ito doon.
Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang kaniyang mga mata na gustong gusto kong pagmasdan. His baby blue eyes. It's really fascinating to look at, honestly.
"Fair enough, Milady?"
Tumango tango ako habang nakangiti sa kaniya. Nilapit niya ang kaniyang mukha sakin at hinalikan ang tungki ng aking ilong. He really love doing that whenever he has the chance and I let him do it. Pakiramdam ko nagwawala ang puso ko dahil doon pero hinayaan ko.
"You're getting thinner?"
Ngumuso ako sa sinabi niya at napatingin sa bewang ko na yakap yakap ng kaniyang mga kamay.
"Am I?"
Narinig ko ang kaniyang "Tss" kaya bumalik sa mukha niya ang mga tingin ko. Tumaas ang kilay niya.
"I saw your new billboard with three women. Sa Ilocos ba yun?"
Tumango ako. Kumalas ako sa pagkakahawak sa balikat niya at kumalas din siya sa pagkakahawak sa bewang ko but he hold my hand at hinila ako papunta sa couch. A small laugh escape in my mouth nang pasalampak siyang naupo sa couch at hinila niya ako para makaupo sa kaniyang lap. Tss. Awtomatiko akong napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa impact nang pagkakahila niya sakin.
"See that? Mahina lang pagkakahila ko sayo but it feels like you are being dragged by force."
Tumawa ako.
"Silly. O. A mo!"
Inirapan niya ako that made him sexy even more. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang at marahan iyong hinahaplos. Nakagat ko ang labi ko to stop myself from moaning. Seriously, Riza? This is not good. Ganito katindi ang hatid ng mga hawak ni Argo sa buong sistema ko.
"Riza.."
"Hmm?"
"I miss you.."
Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa balikat ko kaya napahawak ako sa kaniyang batok. Nararamdaman ng balikat ko ang kaniyang paghinga na mas lalong nagpakiliti sa pagkatao ko.
"I miss you so much!"
Napangiti ako. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko at ang isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang likod ko.
"I miss you too. You're too clingy. Are you okay?"
Hindi siya sumagot kaya kumunot ang noo ko.
"Argo.."
"Hmm.."
He sniffed. I rolled my eyes. Inaamoy niya na naman ako.
"Ugh. I really love your smell. It's so good and so hot.."
"Argo.."
Sita ko sa kaniya pero hindi siya nagpapigil. Naramdaman ko na lang ang mga mumunting halik na iniiwan niya sa bawat parte ng aking balikat hanggang sa aking leeg. Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang batok dahil sa kaniyang mumunting halik na tila ba may gustong gisingin sa kabuuan ko.
"Argo.."
Hindi na iyon tunog sita kundi ungol na gustong kumawala sa bibig ko. I heard him chuckled. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at umangat ang kaniyang mukha para siguro makita ang mukha ko. He smiled nang magtama ang tingin namin.
"You're more beautiful when you're looking at me like that."
Kumunot ang noo ko. Ano ba ang itsura ko ngayon? I wonder why.
"What look?"
I asked. Ngumisi siya and he twitched his lips.
"Looking at me as if you want me to make love with you."
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at pinalo ko siya sa kaniyang braso. Sapilitan akong umalis sa pagkakaupo sa mga hita niya habang masama ang tingin na pinupukol ko sa kaniya. Malakas ang kaniyang mga tawa habang nakatingin sakin.
"Pervert!"
Ngumisi lang siya.
"I'm not a pervert. I just knew that you're mine."
****
Her Point of View.
"So tell me.. Ano ba kailangan mo at niyaya mo ako ng dinner date ngayon?"
Nagkibit balikat siya.
"I have a one week vacation right now. I wanna spend it with you."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hinding hindi ako makikipag-sex sayo, Argo."
Tumawa siya.
"You're so blunt. And would you please stop addressing it as sex. Make love, Milady."
Inirapan ko lang siya. Itong lalaking 'to. Porke't alam niyang gusto ko siya kung anu-anong pinagtatatak sa utak ko.
"Whatever. You should stay in your condo. Hindi ka pwede sa bahay."
"Why?"
"Because I say so. You're not allowed in my safe haven."
"You're just afraid that you'll asked me to make love to you."
Pang-aasar niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin but deep inside, what he said is somewhat true.
"Hindi mo yata ako inu-update about Carriuz. Why?"
Tanong ko sa kaniya. Tumikhim siya.
"That's why I need to spend my one week with you because I have a.. news for you."
Mapait niyang sabi. Kinabahan ako sa tinuran niya kaya hindi ako nagsalita.
"He'll be in Venisia Island for a month. Are you familiar with that Island?"
Of course, I do. Venisia Island is popular for just one thing.. Freedom. In that Island you can have your freedom and you can do whatever you want. Tanging mayayaman lamang ang nandoon sa Island na iyon. I've never been there but it's one of the places na gusto kong puntahan because I am curious.
"Sigurado bang nandoon siya for a month?"
Tumango siya habang hinihiwa ang steak sa plato niya.
"Yes. He made a reservation. But I booked you three days before his reservation."
"What?! How did you do that?"
He twitched his lips.
"Well, kaya lang naman siya nagpa-reserved doon dahil kaibigan niya ang may-ari ng Venisia Island. At alam kong hindi niya tatanggihan iyon kaya maaga palang binooked na kita para hindi niya maisip na sinusundan mo siya."
May ni-check siya sa kaniyang tablet at ngumisi siya. Kumunot ang noo ko.
"Why?"
Tanong ko. Tumawa siya habang nakatingin sakin.
"Confirmed. He booked a one month accomodation. Tss.. that man is hella rich!"
"He is. Pero.. hindi niya ba kasama si Akeisha doon?"
"Nope. And I wonder why hindi niya ito pinaalam sa asawa niya."
"Hindi niya mahal ang asawa niya, Argo. That's for sure."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko kaya inirapan ko siya.
"Don't look at me like that, Argo."
"Like what?"
Tuya niya sakin. Inirapan ko siya ulit.
"Let's just eat."
Sabi ko at tumango naman siya. Naiba ang usapan namin when he mentioned about my Ilocos trip and I got the chance to tell her about Venus, Sirene and Agatha na MIA na simula nang bumalik kami ng Manila. Syempre may kaniya kaniya kaming negosyo and commitments as a model. Pero madalas kaming mag-video chat na apat sa gabi. We are planning to meet again by sunday. Kaya tamang tama may book massage ako ng sabado tapos sa linggo magbobonding kami. Though, hindi ko pa alam kung anong klaseng bonding dahil si Agatha ang naka-assigned for our bonding plan on sunday. Yeah. May ganoon kaming pakulo.
After our dinner, hinatid ako ni Argo sa bahay only to see Lor waiting for me sa living area. Nagulat din siya nang mapagsino ang kasama ko.
"Argo! Oh my god! You're on a vacation?"
"Yes. I'll be spending my vacation here."
"Sa bahay ni Riza?!"
Umiling siya.
"Nope. Kailan ba ako pinatira niyan sa bahay niya?"
Tumawa si Lor.
"Sabagay. Maria Clara pala yan pero handang maging kabit sa Sarreigntong yun!"
Umirap ako. Heto na naman po kami. Pasalampak akong naupo sa mahabang sofa at ipinikit ang aking mga mata.
"Wine everyone?"
Nagmulat ako ng mata nang marinig ang sinabi ni Lor. I yelped nang maramdaman ko ang sakit sa noo ko at napahawak ako roon. Pinitik ni Argo ang noo ko. Urgh!
"Mukha kang alak!"
Inirapan ko siya.
"Napaka mo!"
He chuckled. Naupo siya sa tabi ko at pinatong ang kamay niya sa hita ko. Urgh. My hormones is killing me so hard!
Lumapit si Lor samin at binigay ang kopita sakin na may lamang wine. Naupo siya sa bakanteng sofa kaharap namin. He's smiling while looking at us.
"You really look good together. Kayo na ba?"
Nanunudyong tanong ni Lor. Hindi ako umimik at sinimsim lang ang wine na bigay niya sakin.
"Not until she take her revenge. I can wait, Lor."
"Sus! Napakaganda mo talaga Riza! Isang Argo Luvitogn ang naghihintay sayo!"
Umirap ako. I know. Kaya walang taong may dapat magsabi sakin na panget ako at hindi attractive dahil isang Argo Luvitogn ang naghihintay sakin. He's not just a private investigator, He owned a private protection agency. Ang Luvitogn Protection Agency. Isa iyon sa pinakamalaking Agency dito sa Pilipinas at talagang pinagkakatiwalaan ng karamihan. He build it because of me. Just to protect me. Maliban doon, Argo is a Duch. He's the brother of Queen Arezone Luvitogn of Luvitogn Nile Kingdom. Paano ko siya nakilala? He visited States nine years ago and he's a model that time. Nakuha ko ang atensyon niya and he wants to get to know me kaya pati si Lor ay nilapitan niya. Huli ko nang nalaman na isa siyang Duch at ang akala ko ay isa lang siyang International Model. He should be the next King but he refused. He decided to leave Luvitogn Nile Kingdom to have his own life and get his freedom he deserved. Pero hindi naman hinayaan ng Hari na iwan niya ang kaharian kaya binigay sa kaniya ang position bilang Duch. Kaya bumibisita pa rin siya roon kapag may mahahalagang okasyon. And yes, I've been there. Minsan na akong sinama ni Argo roon and I must say, their Kingdom should be a must visit. Napakaganda at napakatahimik hindi katulad ng ibang Democrat Country. Luvitogn Nile Kingdom is far different.
"Hear that, Milady? Tss.. you should really date me."
I chuckled.
"I won't date you, Argo. Pakakasalan pa kita!"
I saw how his eyes sparkled kaya natawa ako.
"Really? God! Duchess Rizalyn Clariza Luvitogn! Sheez! It's so perfect!"
Tumawa ako.
"But not now, Argo."
Tumango siya.
"I can wait, Milady."
Tumikhim si Lor kaya napatingin kami sa kaniya ni Argo.
"Should I leave you two alone? Iniinggit niyo ba ako?"
Sabay kaming natawa ni Argo sa kaniya pero inirapan niya lang kami.
"Napaka niyo sakin! Mga walang awa!"
And that made us laughed even more.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    NatividadSonny

    very interesting story..❤️❤️

    02/12/2023

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ang ganda naman neto😍 akala ko talaga ay kalaban na si at mang aagaw na rin si😁 haysttt ang ganda at happy ending😍

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Jacqeline Canete

    its so nice

    26/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata