Homepage/Choosing my Dreams (Book One)/
Kabanata 39
Kabanata 39
Necklace
--
Tumakbo ako papunta kay Joshua nang makita ko syang naglalakad palabas ng mansyon. Sa labas ko na sya naabutan at nang malapit na ako sa kanya ay niyakap ko sya mula sa likuran. Nahinto sya sa paglalakad.
Humagikgik ako habang sya ay napalingon sa gawi ko. Nang makitang ako yon ay natawa sya at napailing.
"Too excited, huh?" Anya.
Tumawa ako at bumitaw na sa kanya. Hinawakan ko sya sa braso at hinila.
"Tara na!"
Natawa sya at nagpahila nalang sa akin. Lalabas kami ngayon. Sa sobrang pagka excite ko, talagang natapos agad ako sa pag aayos at naabutan ko pa syang naglalakad papunta sa sasakyan kung saan dapat nya ako hihintayin.
Kinabit ko agad ang seatbelt ko nang makapasok sa sasakyan. Nang magsimula na syang magdrive ay binuksan ko ang stereo ng kanyang sasakyan para magpatugtog.
"How's your school? Nahihirapan ka pa rin ba sa iba?" Tanong ni Joshua.
"Ayos naman! Medyo nahihirapan ako pero kaya naman. Ikaw?"
"Fine, too. I'm sorry if hindi kita natutulungan minsan,"
"Ayos lang, noh! Alam ko namang busy ka rin sa pag aaral. Tsaka kaya ko na yon. Ako ang nag aaral kaya dapat ako lang gumawa ng lahat,"
Nasa first year of college na ako ngayon, kami ni Klara. Grumaduate na kami nung isang taon. Si Mama ang umakyat sa akin, pumunta pa sya rito sa Laguna para lang dumalo sa graduation ko. Silang dalawa ni Amara ang pumunta. Yung mga kaibigan ko, hindi nakapunta dahil grumaduate din sila roon sa Tondo.
At ngayong college na rin ako, medyo naging busy na. Ganon rin si Joshua dahil graduating na sya. Medyo hindi na kami nakakalabas tulad ng dati pero syempre, hindi pa rin naman kami nagkukulang ng oras sa isa't isa. Nasa iisang bahay lang kami kaya nakakausap pa namin ang isa't isa. Nakakapag bonding rin kami rito kaya ayos na ayos lang.
At ngayon, lalabas kami dahil ngayon ang first anniversary namin!
Mabuti nalang at pareho kaming walang gagawin ngayong araw kaya makakalabas kami. Excited na excited ako dahil ngayon nalang ulit kami makakalabas.
"So it's gonna be forever! Or it's gonna go down in flames! You can tell when it's over! If the high was worth the pain!" Pagsabay ko sa kanta. "Got a long list of ex-lovers! They'll tell you I'm insane! Cause you know I love the players! And you love the game!"
Kahit napaka sintunado ko ay kumanta pa rin ako. Natawa sa akin si Joshua pero nagpatuloy pa rin ako.
"Got a long list of ex-lovers! They'll tell you I'm insane! But I've got a blank space, baby!" Kinindatan ko si Joshua. "And I'll write your name,"
Natawa sya.
Nagpatuloy ako sa pagsabay sa kanta. Gusto kong mainis si Joshua sa boses ko pero imbes na mairita, natatawa pa sya. Napanguso ako pero kalaunan ay nagpatuloy nalang. Ewan ko pero ang saya saya ko ngayon!
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko.
"We will just eat at a restaurant nearby then pupunta na tayong Salvador Mountain tulad ng gusto mo,"
"Okay!"
Nagpatuloy ulit ako sa pagkanta.
Nang makarating sa pinaka malapit na restaurant ay huminto na kami at pumasok sa loob. Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami at marami na naman ang napapatingin sa amin.
Kumalat na ang balitang may girlfriend na si Joshua Salvador. At ako yon. Walang may alam na maid nya ako kaya hindi naman naging big issue. Nagpapasalamat naman ako roon dahil baka masira pa ang image ni Joshua nang dahil sa akin.
Matagal naman nang kumalat ang balitang iyon kaya hindi na masyadong pinag uusapan ngayon. Yun nga lang, hindi pa rin tumitigil ang iba. Marami pa silang gustong malaman tungkol sa amin o sa akin. Mas lalo sa akin. Dahil ako ang girlfriend. Pero hindi hinayaan ni Joshua na malaman ng lahat ang katauhan ko, hindi para itago ang estado ng buhay ko, kundi dahil alam nyang ayaw ko sa magulong sitwasyon. Magugulo ang buhay ko kung malalaman nila kung sino talaga ako. At ayoko nga ng ganon.
"What do you want to eat?" Tanong ni Joshua nang makaupo na kami.
"Mmm. Kahit ano nalang," ngumiti ako.
"Pumili ka. Baka may magustuhan ka dyan sa menu,"
Ngumuso ako. "Ang mamahal, eh. Kung ano nalang ang ioorder mo," ngumiti ulit ako.
Bumuntong hininga sya at tumango. Napangiti ako lalo at hindi maalis ang tingin sa kanya habang sinasabi nya ang order naming dalawa. Ni hindi ko na narinig pa ang sinabi nya sa waiter dahil sa kakatitig sa kanya. Napaka gwapo na naman nya sa paningin ko. Gosh!
Nang matapos sya sa sinasabi ay umayos na sya ng upo at tumingin sa akin. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay bahagya syang ngumiti.
"Why?" Tanong nya.
"Wala lang. Na-miss lang kita..."
Lumawak ang ngiti nya. "I missed you too,"
Napangiti ako. Gosh. Ito talagang lalaking to! Hindi talaga nya ako binibigo sa mga pakilig nya.
"May balak ka bang mag banda pagka graduate mo?" Tanong ko.
"I don't know yet," bumuntong hininga sya. "Hindi pa rin sang ayon si lolo sa pagmumusika ko,"
Napa awang ang labi ko roon.
"Pinipilit nya pa rin sa akin ang kumpanya,"
Parang may kung ano sa puso ko ang nalungkot. Hindi nya magawa ang gusto nya dahil hindi sang ayon roon ang kanyang lolo. Naiinis ako sa kaisipang hindi nya magawa ang mga bagay na gusto nya dahil mismo sa lolo nya. Hindi ko maintindihan ang bagay na yon sa mga Salvador. Lalo na at pwede namang sa iba nalang ipamana ang kumpanya nila. Tsk.
Bumuntong hininga ako at nag aalalang tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung paano pagagaanin ang loob nya. Pero naghanap pa rin ako ng mga salita.
"Magbabago rin ang isip nila," ngumiti ako.
Umiling sya. "Kahit naman hindi na magbago ang isip nila, gagawin ko pa rin ang gusto ko. I don't want the company. I want to do music,"
Napangiti pa ako roon. Naks! Kahit papaano naman pala ay hindi ko kailangang mag alala sa kanya. Mukhang sya yung tipo ng tao na hindi mapapasunod.
"What about you? What's your plan when you graduated?" Tanong nya.
"Mmm.. gusto ko lang rin sumayaw, kung papalarin. Iyon lang ang tangi kong gusto bata palang ako,"
"Mmm? Gusto mo magkaroon ng studio?"
"Oo, kung may pera ako. Pero kung wala, edi magtuturo nalang ako. O kali man magvivideo ng sarili ko tapos ia-upload ko sa youtube. Malay mo sumikat ako," ngumisi ako.
"That's good. Do what you want to do. I will support you,"
Napangiti ako roon.
Nang dumating ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain. Nag uusap rin kami sa kung ano ano at paminsan minsan ay nagtatawanan. Hindi ako tumitigil sa pagdaldal dahil bukod sa hindi ako sanay ng tahimik, gusto ko ring palagi syang napapatawa.
Nang matapos kumain ay umalis na kami roon at nagpunta kaming mall. Gusto ko kasing manood ng sine at mamili ng kaunting gamit. Syempre, pinagbigyan nya ako kaya heto kami at bumibili na ng popcorn.
"Wala ka nang ibang gusto?" Tanong ni Joshua nang matapos nang bumili.
"Wala na," ngumiti ako.
Pumasok kami sa loob ng sinehan at nakitang kaunti lang ang tao. Pumwesto kami sa may dulo dahil ayoko ng masyadong malapit, masakit sa mata at nakakaduling. Gusto rin naman yon ni Joshua kaya nagkasundo kami.
"Are you cold?" Tanong ni Joshua at tinignan ang suot ko.
Nakasuot lang ako ng t-shirt at maong skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba. Malamig rito sa loob pero kaya ko namang tiisin.
"Hindi naman," sagot ko.
"Are you sure?"
"Mmm!" Tango ko.
Tumango sya at sumandal na sa upuan. Hindi pa nagsisimula ang palabas pero nagsimula na akong kumain. Ang sarap nung popcorn, eh.
"Ahhh," tinapat ko sa bibig ni Joshua ang isang popcorn.
Sinubo naman nya yon at napangiti naman ako. Lumapit ako sa kanya at mabilis syang hinalikan sa pisngi. Natigilan sya sa pagnguya at napatingin sa akin.
Tumawa ako. "Thank you dahil palagi mo akong pinagbibigyan,"
Natulala sya sandali pero kalaunan ay ngumisi.
"You're being sweet. Hindi ako sanay," bahagya syang tumawa.
"Bakit? Ayaw mo? Sige wag na," agad akong umayos ng upo.
"Of course I like it," tumawa sya. "Ang bilis mong magtampo," kinuha nya ang kamay ko at tinapat sa kanyang bibig.
Ngumuso ako.
Nagsimula ang movie at hindi na kami nag usap pa. Pero ayon pa rin sya at hawak ang kamay ko. Patuloy naman ako sa pagkain at panonood. Yun nga lang, minsan hindi ako makapag focus dahil palagi nyang hinahalikan ang likod ng kamay ko. Pinagsiklop nya pa yon kaya napangiti ako. Kinagat ko na lamang ang aking labi.
Gosh. Patay na patay talaga sya sakin.
Nang matapos ang movie ay masaya kaming umalis roon. Inaya ko sya sa isang bilihan ng mga libro. May pera na ako ngayon dahil medyo nakakapag ipon ipon ako sa buwan buwan kong sahod. Kaya rin hindi na ako magpapabili ngayon kay Joshua. Mahal ang mga libro, nakakahiya sa kanya.
"Iyan lang ang bibilin mo? Hindi ba marami ka pang gusto?" Si Joshua nang makita ang dalawang hawak kong libro at binibigay na sa cashier.
"Oo nga. Pero mga mahal naman kaya wag na. Ito nalang dalawang ito,"
"You want me to buy it?"
Sinimangutan ko sya. "Ayan ka na naman. Wag na. Mga mahal yon. Dito ka lang,"
Baka tumakas na naman sya sa akin para lang bilhin ang mga librong gusto ko. Kaya naman hinawakan ko sya sa kamay para hindi na makatakas.
Hindi naman na sya nagprotesta at lumapit nalang sa tabi ko. Habang inaayos ng cashier ang dalawang librong binili ko ay marahang pinipisil pisil ni Joshua ang pisngi ko. Nakatitig lang naman ako sa cashier na nag aayos.
"Heto na po, Ma'am," nakangiting anang babae. "Thank you po,"
"Thank you po!"
Umalis na kami pagkatapos noon. Magkahawak ang kamay ay naglalakad kami habang nagkukwentuhan. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad kami. Habang si Joshua naman ay napaka seryoso lang. Palagi naman syang seryoso, at natutuwa naman ako roon.
"Ikaw ba wala kang gustong bilhin?" Tanong ko nang palabas na kami ng mall.
"Wala naman. Ang dami ko nang gamit sa bahay,"
"Oo nga. Ang dami dami!" Inirapan ko sya.
Humalakhak sya at mas hinila pa ako palapit sa kanya. Alam nyang ang tinutukoy ko ay yung pagpapahirap nya sa akin noon. Kung saan marami syang binibili kaya sigurado akong napaka rami na nyang gamit sa kwarto nya.
Habang nasa sasakyan ay kumakanta na naman ako. Ibang kanta naman yon, kanta ng Westlife. Sumasabay ako kahit napaka sintunado ng boses ko. Minsan pinapakanta ko si Joshua at kumakanta naman sya. Tapos sinasabayan ko rin sya minsan.
Ang saya saya ko sa ganong kasimpleng bagay lang. Pakiramdam ko magiging masaya lang kami palagi. Kahit nagiging busy na kami ngayon dahil sa pag aaral, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman namin sa isa't isa at ang saya sa relasyon na ito. Sana talaga magtuloy tuloy na to.
Nang makarating sa Salvador Mountain ay napangiti ako nang makitang ang daming tao roon. Pababa na ang araw kaya marami na ngayon ang bumisita. Pero alam ko kapag gabi na ay sinasara na ito. Sayang. Mas maganda kasi ang tanawin sa gabi.
"Do you want something to eat?" Tanong ni Joshua habang naglalakad na kami papunta sa itaas.
Sa baba palang ay marami nang bilihan ng kung ano ano. Merong bilihan ng stuff toys, sweets at kung ano ano pang pagkain rito. At paniguradong mas marami pa sa itaas ng bundok.
Umiling ako kay Joshua. "Busog pa ako, eh,"
Tumango sya at nagtungo sa tindahan ng ice cream roon. Hawak nya ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanya. Hindi ko naman mapigilan ang paggala ng mga mata ko. Napapangiti ako sa tuwing nakakakita ng mga batang naglalaro kasama ang iba nilang kapatid. Tapos nandoon rin ang mga magulang nila at binabantayan sila.
Malungkot akong ngumiti. Noon, ganyan rin kami nina Mama, Papa at Amara. Pero ngayon, hindi na. Bumuntong hininga ako.
Nang makabili si Joshua ng paborito nyang ice cream ay nagtungo na kami sa itaas. Excited na excited ako kaya naman halos hilahin ko sya paakyat. Kung hindi nya lang hawak ang kamay ko, baka kanina ko pa sya naiwan rito at nauna na akong tumakbo roon sa taas.
Hindi naman kasi talaga nakakasawa ang lugar na ito. Ito na yata ang pinaka paborito kong lugar sa lahat. Mahilig nga kasi ako sa nature kaya naman nahuhumaling talaga ako. Ilang beses na kaming pumunta rito pero hindi pa rin talaga ako nagsasawa. Napaka ganda ng lugar na ito.
"Ang daming tao!" Nagagalak kong sinabi nang makarating kami sa tuktok.
Ang dami talagang tao. Yung iba mga taga ibang bansa pa, mga amerikano. May mga kabataan ring nagpipicture gamit ang kanilang camera. Yung iba naman ay mga pamilya, may mga bata pa.
"Penge!" Sabi ko nang makitang kumakain lang si Joshua ng tahimik. Bigla akong naiinggit.
Kumuha sya ng isang kutyarang ice cream at sinubo iyon sa akin. Nanginig pa ako nang maramdaman ang lamig noon.
"You said you don't want to buy because you are still full? Dapat bumili rin tayo kanina ng sayo, gusto mo pala," anya.
"Hehe," ngumiti ako sa kanya.
Inabot nya sakin yung ice cream nya na nasa maliit na cup. "Here,"
Umiling agad ako. "Hindi na! Busog na ako!" Humalakhak ako.
"You sure?"
Tumango ako at tumawa ulit. Gosh. Bakit ganito ang lalaking to? Anong ginawa ko at binigay sa akin ang ganitong klase ng lalaki? Ayan tuloy, nahulog na naman ako sa kanya. Tsk. Malala na yata ako.
Tulad ng gawain namin, nilibot namin ang iba't ibang lugar ng bundok. Sa kahit saang sulok ay nagpipicture kami gaya ng gusto ko, sa may bulaklak, sa mga halaman, sa mga puno at sa tanawin sa may bangin. Kung ano ano ang ginawa naming pictures. Halos puno na ng pictures namin ang cellphone ko, lalo na sa kanya na palagi kong ginagamit.
Oo, palagi kong ginagamit ang cellphone nya. Malinaw kasi ang camera noon kaya palagi ko nang hawak. Nagpipicture ako palagi roon at pinapasa ko sa akin. Tapos hindi ko na buburahin dahil syempre, alam kong gustong gusto nyang may picture ako sa cellphone nya. Gosh. Ang ganda ganda ko talaga.
May kainan roon, yung mga maliliit na kubo ay para sa dalawa o tatlong tao lang. Tapos yung mga malalaking kubo ay pang pamilya na. Kumain kami roon nang magdaan ang isa't kalahating oras. Nagutom na ako kaya huminto na muna kami sa pagpipicture sa labas.
Ngumisi si Joshua habang may tinitignan sa kanyang cellphone. Nanliit ang mga mata ko at agad nairita.
"Sino yang ka-text mo?" Mataray kong tanong.
Tumingin sya sa akin. Natawa sya at binalik ang tingin sa cellphone nya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
"I'm not texting anyone," hinarap nya sa akin ang kanyang cellphone.
Nag init ang pisngi ko nang makitang picture ko ang nandoon. Ini-swipe nya yon ng ilang beses at puro picture ko lang ang lumalabas! Natatandaan kong kanina iyong umaga, ginalaw ko ulit ang cellphone nya.
"I'm always waiting for your new pictures here because I know you're using my cellphone every day," ngumisi sya ulit.
Ngumuso ako. "Ang linaw ng camera mo, eh,"
"Why? Sayo hindi?"
Umiling ako at ngumuso pa lalo.
"I will buy you--"
"Hindi na! Ayan ka na naman! Wag na! Ayos na ako sa cellphone ko at sa cellphone mo!" Pigil ko agad.
Bumuntong hininga sya at ngumiti, parang alam nang hindi ako papayag.
"Fine..."
Puro prutas at gulay lang ang pagkain roon. Nagustuhan ko naman yung gulay, may halo iyong nachos kaya marami akong nakain. Ganon rin si Joshua na hindi matigil sa pagtingin sa kanyang cellphone. Kitang kita kong ang mga pictures ko ang tinitignan nya.
Ngumisi ako. Patay na patay ka talaga sakin, huh, Joshua Salvador?
Inabot kami ng gabi roon. At tulad ng inaasahan, kumonti na ang mga tao dahil magsasara na. Ayoko namang umalis pa kaya nagpaalam si Joshua sa taga bantay ng bundok na mananatili muna kami rito sandali. Pinayagan naman kami dahil syempre, anak sya ng may ari nito at isa syang Salvador.
Mabuti nalang talaga at malakas ako sa kanya. Pakiramdam ko spoiled na ako. Spoiled ba ako? Hindi naman masyado, ah?
Nakangiti kong dinadama ang malamig at masarap na simoy ng hangin ng gabi habang tinatanaw ang naglalakihang buildings sa malayo na nag iilawan. Napaka ganda noon kaya hindi ko mapigilan ang pagngiti pa lalo. Napaka rami ring bituwin sa taas at ang full moon ay nagpadagdag rin sa napaka gandang tanawin.
Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Joshua sa likuran ko. Ang mainit nyang balat ay pina init ang nanlalamig na balat ko dahil sa malamig na hangin. Nakaramdam ako ng ginhawa.
"Happy Anniversary..." bulong nya.
Ngumiti ako. "Happy Anniversary din,"
Grabe. Isang taon na pala ang nakalipas? Sobrang tagal na pala namin. Sobrang dami na palang nangyari. At masasabi kong sobrang saya at ganda ng isang buong taon na yon para sa akin. Ang haplos sa puso ko ay ayaw tumigil dahil hindi ko talaga inaakalang aabot ako sa ganito.
Dati, mahirap lang kami. Ngayon medyo nakaahon naman na sa hirap. Medyo naayos na rin ang bahay. Nakapag tapos na ako ng high school at binigay pa sa akin ang lalaking gustong makuha ng lahat ng babae rito sa Laguna.
Dati, masasabi kong napaka tahimik lang ng buhay ko. Pero nung dumating ako rito at makilala ko ang lalaking ito, nagbago lahat ng yon. Pinaramdam nya sa akin ang inis at galit. Ginulo nya ang buhay ko. Akala ko habang buhay ko na syang kaiinisan. Pero dahil mapag laro si tadhana, pina ibig nya ako sa kanya. Pero hindi naman ako naiinis roon, masaya pa nga ako dahil bukod sa natutunan kong magmahal, minahal rin ako pabalik ng lalaking ibinigay nya.
Ginulo nya man ang buhay ko noon, pinatahimik nya rin at pinasaya. Binigyan nya ng kakaibang saya ang buhay ko. Binigyan nya ako ng pagmamahal na akala ko si Papa lang ang makakapag bigay. Sya ang pangalawang lalaking napaka importante para sakin. Hindi ko yata alam ang gagawin ko kung kagaya ni Papa, mawala rin sya sa akin.
Isang kumikinang na kwintas ang nakita ko sa kamay ni Joshua. Silver iyon at ang palawit ay perlas na nakalagay sa isang maliit na bilog. Natulala ako nang ikabit nya sa leeg ko iyon. Hinawakan ko yon at pinagmasdan.
"Promise me you will wear it wherever you go..." namamaos nyang bulong at muli akong niyakap ng mahigpit.
Napatitig naman ako sa kwintas na nakasuot na sa akin ngayon. Bahagyang umawang ang labi ko at sobrang namangha sa ganda noon. Ang kabog ng dibdib ko ay nagsasabing nagustuhan iyon ng sobra ng puso ko. Parang may humaplos rin roon dahilan para bahagya akong mapangiti.
"Please don't take it off..." muli nyang bulong.
Tumango ako. "Pangako..."
Kumalas ako sa yakap nya at naiiyak na humarap sa kanya. Tinitigan ko sya at wala akong ibang nakita sa mga mata nya kundi pagmamahal at kasiyahan. Ngumiti sya sa akin at hinaplos ang kabila kong pisngi.
"S-Salamat," nagugulat ko pa ring sinabi. "Napaka ganda,"
Ngumiti sya lalo.
Sa itsura palang ng kwintas, halatang napaka mahal na. Alam kong ayaw kong binibili nya ako ng mga ganito kamahal na gamit pero iba ngayon. Pakiramdam ko gusto nya talagang ibigay sa akin ito. Pakiramdam ko kung huhubarin ko ito, tanda na rin iyon na hindi ko na sya mahal.
Tinignan ko pa ng ilang sandali ang kwintas bago nag angat ng tingin sa kanya nang may ngiti sa labi.
"Thank you," ulit ko at lumapit sa kanya.
Niyakap ko sya sa leeg ng napaka higpit. Naramdaman ko rin ang kamay nya sa likod ko at niyakap rin ako pabalik. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Napaka emosyonal ko sa mga ganito.
"You're welcome..."
Humiwalay ako sa yakap at nakangiti syang tinignan. Hindi nya pa rin ako binitawan sa baywang kaya nanatili rin ang kamay ko sa kanyang balikat.
Tinitigan nya ako. Ang mga mata nya ay pabalik balik sa dalawa kong mata na para bang may tinitignan sya roon, na para bang may nakikita sya roong kung ano.
Ngumiti sya pagkatapos akong titigan ng ilang sandali. "What about you? What's your gift to me?"
Natigilan ako roon. Nawala ang ngiti ko at bahagyang kinabahan. Nag isip ako at gusto kong kalatukan ang sarili nang wala nga pala akong nahandang regalo sa kanya. Hindi ko na yon naisip dahil... kailangan pa ba noon?
Ngumuso sya nang hindi ako nagsalita. "Wala?"
"Uh..."
"Tss. I knew it. You don't have a gift for me," nagtatampo pang anya!
"E-Eh, ano bang gusto mo? Bibilhin ko!" Ngiti ko para mabawasan naman ang pagtatampo nya.
"Tss..." nag iwas sya ng tingin.
Ngumuso ako. "Ano nga? Ibibili kita, promise! Kahit ano!"
"Kahit ano?" Bumalik ang tingin nya sakin.
"Oo,"
"Hmm..." nag isip pa sya kunyari. "Hindi naman nabibili ang gusto ko,"
"Uh... eh, ano ba yon?"
Tinignan nya ako. Ang nagtatampo nyang mukha ay napalitan ng pagngisi, na para bang may binabalak. Napakurap kurap ako.
"Kiss,"
Nanlaki ang mga mata ko. "Kiss?"
"Oh, bakit? Ayaw mo? Kiss na nga lang, eh..." ang bilis na naman nyang matampo!
"H-Hindi naman sa ayaw..." napatingin ako sa likod namin. "B-Baka lang may makakita sa atin rito..." ngumuso ako sa kanya.
May taga bantay ang mga Salvador rito na dito na rin nakatira. Kaya natatakot akong baka makita nila kami at baka kung ano pa ang isipin.
"Nasa mga bahay na nila sila. They won't see us,"
Ngumuso ako lalo. Alam ko namang pagdating rito, hindi sya titigil. Gosh. Kainis talaga tong lalaking to.
"Sige na nga. Basta sa cheeks lang, ah!" Sabi ko.
Ngumiti sya roon at tumango. Tinagilid na nya agad ang mukha nya para mahalikan ko na sya sa pisngi. Huminga ako ng malalim at tumingkayad na lamang para mahalikan na sya.
Ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla syang humarap dahilan para sa labi nya tumama ang labi ko! Nahigit ko ang hininga at nagugulat na napatingin sa kanya.
Sumilay agad ang ngiti sa labi nya nang makita ang reaksyon ko at dahil na rin nakahalik sya! Gosh! Joshua Salvador!
"Ano ka ba!" Pabulong kong singhal sa kanya at nilibot ang mga mata dahil baka may nakakita! "Baka may nakakita satin!"
Humalakhak sya at niyakap na ulit ako. "Eh, ano ba kung makita nila tayo? Girlfriend naman kita at boyfriend mo naman ako,"
Hinampas ko sya sa braso. "Kahit na! Gosh! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sayo!"
Mas lalo syang humalakhak at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti at nag iinit ang pisngi. Inaamin ko rin namang gusto ko yung halik, natatakot lang akong baka may makakita! Gosh! Baka kung ano pa ang isipin nila sa amin! Sabihin ang bata bata pa namin pero kung makapag landian, wagas! Tsk.
Nanatili pa kami roon ng ilan pang sandali. Nakayakap sya sa akin mula sa likuran at sabay naming tinatanaw ang napaka gandang tanawin sa ibaba kung saan napaka raming buildings ang umiilaw.
Ngumiti ako. Isa na naman ito sa pinaka masayang araw ko kasama sya. At napaka espesyal pa dahil ito ang first Anniversary namin. Wala na yatang makakapantay sa sayang nararamdaman ko. Sya lang ang nakakapag paramdam sa akin ng ganito. At sa tingin ko, para sakin, sya lang ang lalaking magpapasaya at magugustuhan ko sa buhay na ito.
"Good night," si Joshua at niyakap ako ng mahigpit
Nandito na kami sa mansyon. Kakauwi lang namin at dahil pagod na rin kaming dalawa, kailangan na naming magpahinga. Tsaka gusto nyang palagi akong maagang natutulog.
"Good night," sabi ko.
Humiwalay sya sa yakap at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti ako at tumango na sa kanya.
"Matulog ka na," sabi ko.
"You too," muli nya pa akong hinalikan sa pisngi bago tuluyang umalis.
Nakangiti akong pumunta sa aming kwarto at masayang binati sina Klara at Jana na naghahanda na para sa pagtulog.
"Magandang gabi mga magaganda kong kaibigan!" Bati ko at naupo sa kama.
"Sus. Naa-ampalaya na naman ako, Amora. Lumayo layo ka nga sakin," si Jana na ikinatawa naming dalawa ni Klara.
"Malayo naman ako sayo, wag kang mag alala," humalakhak ako.
"Eh, kamusta naman?" Nagtaas sya ng kilay sa akin, parang sinasabi nya na dapat ay magkwento ako kaya tumawa na lamang ako at nagkwento.
"Talaga? Binigay nya yan?" Si Klara na lumapit sa akin.
Tumango ako at ngumiti. "Ang ganda, noh?"
"Sigurado akong mahal yan," si Jana na lumapit na rin. "Ang ganda ganda!"
Hinawakan nila ang kwintas at pinagmasdan. Hinayaan ko naman sila at nakangiting pinagmasdan ang mga reaksyon nila.
Ano? Ganyan ako kaganda!
"Sana magka boyfriend rin ako ng mayaman!" Tili ni Jana na ikinatawa na naman namin ni Klara.
Nag usap usap pa kami roon bago napag desisyunang tumigil. Mga pagod rin kasi sila sa mga gawaing bahay rito. Nagi-guilty nga ako dahil ako puro labas lang kasama si Joshua at hindi na sila natutulungan rito. Ang sabi naman nila ay ayos lang yon dahil hindi ko naman daw talaga gawain ang mga gawain nila dahil hindi ako maid ng mansyon, maid ako ni Joshua. Pero hindi pa rin ako sang ayon roon. Pakiramdam ko ang sama sama ko na.
Bumuntong hininga na lamang ako at ngumuso. Nakaligo na ako. T-shirt at panjama ang suot ko pantulog. Naisipan kong lumabas ng mansyon para tawagan sina Mama, Amara at Thea. Baka kasi kapag kinausap ko sila sa loob ng kwarto, magising sina Klara ay Jana. Mga pagod yon at mahimbing na ang tulog kaya hindi ko na pwedeng istorbohin.
Lumabas ako.
"Hello, Thea?" Sabi ko nang sagutin ng kabilang linya ang tawag.
"Hi, Amora! Mama mo?"
"Oo sana,"
"Sige sige. Wait lalabas ako,"
"Sige. Kamusta na dyan? Sina Sofia?"
"Ayos naman! Jusme kung alam mo lang! Palaging bumibisita sainyo!"
Natawa ako. "Talaga?"
"Oo! Palaging gustong kakwentuhan si tita Anna,"
Natawa ulit ako.
"Eh, ikaw? Kamusta ka na dyan? Kamusta buhay pag ibig mo?"
Humalakhak ako. "Buhay pag ibig agad?"
"Oh, bakit? Hindi ba? Tsh. Kunyari ka pa dyan,"
Tumawa ako. "Ayos naman. Ikaw? May lovelife ka na ba dyan?"
Natahimik sya sandali. Nanliit ang mga mata ko at bahagyang sinipa sipa ang damuhan. Ngumisi ako nang hindi sya nakapag salita.
"Hoy, Thea. May hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong ko.
"W-Wala, noh!"
"Eh, kamusta na nga?" Natawa ako dahil nauutal sya. "May lovelife ka na, noh?"
"W-Wala nga! Ikaw ang issue mo. Nandito na ako sa bahay nyo. Eto na Mama mo. Tita!"
Natawa ulit ako dahil iniwasan nya ang tanong ko. Tsk tsk. Hindi na talaga sila nagkukwento sakin. Ngumuso ako.
"Hello, anak?" Masaya ang tono ni Mama.
"Mama!" Masaya ring sabi ko. "Kamusta?"
Nagkamustahan lang kami roon. Pati si Amara ay kinausap ko rin. Hanggang ngayon wala pa rin silang sariling cellphone. Kaya naman na naming bumili kaso ayaw ni Mama. Namamahalan sya sa mga cellphone at mas mabuting ako nalang daw muna ang magkaroon.
Ngumuso ako. Gustong gusto ko silang ibili ni Amara ng cellphone pero hindi rin kasya ang ipon ko. Kay Mama ko binibigay ang halos kalahati ng sahod ko kaya wala akong magawa. Wala nalang akong nagawa.
Nang matapos ang tawag ay babalik na sana ako sa mansyon nang mapatingin ako sa gate nang may van na huminto roon. Kulay itim yon kaya agad akong kinabahan. Kumabog ang dibdib ko.
Ngunit nang bumaba ang isa sa mga bodyguard ng Salvador ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko yung lalaking sumusunod sa amin noon yon. Tsk.
Lumapit ako sa gate at binati ang bodyguard na napaka seryoso ng mukha.
"Magandang gabi po, Manong guard!" Sabi ko at binuksan ang gate.
Nakita kong sya lang ang bumaba. Nakilala ko rin sya. Isa sya sa mga guard ni Mr. Antonio Salvador.
"Amora Braze Cruz?" Tanong nya na nagpatigil sa akin.
"O-Opo. Bakit po?"
"Iniimbitahan ka ni Senyor Antonio Salvador sa kanyang mansyon bukas ng umaga. Gusto ka nyang makausap," seryosong anya.
Natigilan ako at ang kaba sa puso ko ay nabuhay, hindi ko alam kung bakit ganon ang naramdaman ko.
"U-Uh, s-sige po," tumingin ako sa likuran nya. "H-Hindi po ba kayo papasok?"
"Hindi na. Pinapunta lang ako rito ni Senyor para sabihin ito sayo. Uulitin ko, bukas ng umaga. Pupunta ulit ako rito para sunduin ka,"
Napalunok ako at wala sa sariling napatango. "S-Sige po..."
"Yun lang. Mauna na ako,"
"O-Opo..."
Tumalikod na sya at sumakay muli sa sasakyan. Pinanood kong umalis iyon hanggang sa mawala na sa paningin ko. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang nagwawala kong puso.
Bakit parang kinakabahan ako?
Siguro dahil sa lahat ng mga Salvador, sya ang hindi ko masyadong kilala at nakakausap, o ka-close? Siguro nga. Kinakabahan lang ako dahil roon. Biglaan rin kasi.
Pero bakit naman nya ako pinapatawag? Bakit nya ako gustong makausap? Tungkol saan ang pag uusapan namin? Gusto kong tanungin iyong bodyguard kanina pero sigurado akong wala syang alam kung ano ang kailangan sa akin ng matandang Salvador.
Huminga na lamang ako ng malalim at sinarado na ang gate. Naglakad ako pabalik sa mansyon sa nanlalamig na mga kamay at kinakabahang puso.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (100)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
10000
16/07
0hjyyyyui
02/11/2024
0djjddjjs
30/09/2024
0Tingnan Lahat