Homepage/Philohphobia (FILIPINO)/
THE END
"Lovely, wag mo kami kakalimutan ha." sabi ni Lani sa akin.
Aalis na ako papuntang Amerika para dun ako magcollege. Oo malungkot ako dahil malayo ako sa kanila, lalo na kay Daniel.
"Baka naman mayroon ka na yari ka kay Daniel!" sabi naman ni Rochelle via video chat.
"Che!" sabi ko.
"I hate you na talaga!" sigaw pa niya.
"Tama nga si Daniel, katunog mo nga yun sirena ng Bumbero." asar ko sa kanya.
"Argh!"
"Okay bye." Sabi ko.
"Okay, goodluck!" sabi ni Rochelle at saka niya binaba ang tawag niya.
Habang paalis na ako, naalala ko yun masasayang aalala sa akin ni Adonis. Hindi ko alam kung bakit? Siguro it's time to move-on and start a new life for me.
"Miss you na Adonis." Bulong ko habang pasakay ako ng eroplano. Sobrang saya ko sa wakas natupad ko na ang pangarap ko na makapag-aral sa ibang bansa.
Kung buhay lang sana siya matutuwa yun sa akin, matagal ko na kasi sinasabi sa kanya ito eh;
"Pag ako nagtapos ng pag-aaral ko, gusto ko sa America ako mag-cocollege." Sabi ko.
"Lah! Grabe ka iiwan mo ako?" tanong niya sa akin.
"Bakit naman?!"
"Iiwan mo ako eh." Sabi niya sabay lumayo sa akin.
Tumawa naman ako at saka ko siya niyakap.
"Siempre, kasama ka noh! Baka magtampo ka eh." Sabi ko.
"Uy Lovely ayos ka lang ba?" tanong ni Daniel sa akin.
"Ahh, Oo naman ayos lang ako." Sabi ko.
"Ingat ka ha." Sabi niya.
"Oo naman, so? See you in 2 months?"
"2 months?"
"Oo naman! Basta 2 months." Sabi ko.
The other night, dear
As I lay sleeping
I dreamed I held you, in my arms
When I awoke, dear
I was mistaken
So I hung my head and I cried
You are my sunshine
My only sunshine
You make me happy
When skies are gray
You'll never know, dear
How much I love you
Please don't take my sunshine away
Habang nasa eroplano ako, feeling ko nakikita ko siya sa malayo. Nakangiti at kumakaway sa akin. Umiiyak ako habang tinitignan ang kalangitan mula sa labas ng eroplano.
Eto na rin siguro ang tamang panahon para kalimutan ko siya, at eto na rin ang tamang oras para magpaalam sa kanya. Adonis paalam, hanggang sa muli.
Year 2023,
"Daddy, Daddy saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.
"Sa puntod ng Mommy mo. Dead anniversary niya right?" sabi ko.
Tumango naman ito at saka sumakay sa kotse. Habang nasa biyahe naalala ko yun mga sinabi niya sa akin noon, ewan ko ba kung bakit niya ito ginawa sa akin? Bakit?
"Daddy bakit ginawa ni Mommy sa atin? Hindi ba tayo love ni Mommy?" tanong niya sa akin.
Hindi ko mapigilan umiyak habang sinasabi niya sa akin yun. Siguro pagod na siya sa akin o sa iba. Pero hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin. Bakit mo ginawa ito sa akin? Sa anak natin? Bakit?
Nasa sementeryo kami, para sa Death Anniversary ni Lovely, ang babaeng minahal ko noon na ngayon ay nandito.
"Why Mommy die? Mahal pa ba niya tayo?" tanong niya ulit sa akin.
"I don't know eh, siguro nalungkot siya noon." Sabi ko.
"Why?"
"Basta long story, but remember na maging matapang ka ha? Wag ka magpapatalo sa takot mo okay?" sabi ko at saka naman siya sumagot na 'Oo'
Habang paalis na kami nang bigla may bumanga sa akin na isang batang babae. Takot na takot ito at may dugo ang damit niya.
"Bakit anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.
"Wala ako nakita! Hindi, Hindi!" sigaw niya at saka siya tumakbo ng mabilis. Hahabulin ko sana siya kaso nakalayo na siya ano kaya nangyari sa kanya? Kaya sinundan ko siya hanggang sa naabutan ko siya. Nakaupo sa may gilid at umiiyak.
Agad ko naman siya nilapitan at kinausap.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin siya sumasagot. Tahimik at umiiyak pa rin siya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Mommy? Nasaan ka Mommy?" sabi niya at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pinatuloy ko siya sa bahay namin at sinabi niya sa akin ang lahat.
"Okay, sabihin mo sa akin ang nangyari, don't worry hindi kita sasaktan promise." Sabi ko sa kanya.
"S-s-si Daddy, si Daddy bakit?"
"Ano ba nangyari sayo? Tell me."
"W-wala po, wala ako nakita, wala! Wala ayoko na tignan yun ayoko na!" sigaw niya at saka siya tumakbo ng mabilis.
"Teka lang sandal! Ano pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya kaso umalis na siya.
Sayang at hindi ko natanong kung ano ang pangalan niya, sana magkita ulit kami para masabi niya sa akin ang lahat-lahat, pero ano ang nangyari sa kanya?
Kinagabihan, nasa labas siya ng bahay, umiiyak siya at parang marumi ang kanyang damit na may dugo kaya lumabas ako at saka ko siya pinapasok para dito muna siya.
"Alam po ninyo, natatakot na ako na makita ulit yun sana mabulag na ako para hindi ko na isipin yun ulit." Sabi niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Basta po. Ayoko na makita't maalala ulit yun, ayoko!" sabi niya.
Siguro nagkaroon siya ng takot na tumigin sa lahat ng bagay, lalo na sa tao? Posible kaya yun?
"Ayoko na tumigin muli sa iba, ayoko na. sana mabulag nalang ako o di kaya mamatay nalang." Sabi niya.
Tama! May phobia siya katulad kay Lovely noon. Pero anong tawag dun?
Ang nakilala ni Daniel ay walang iba kung hindi si Janine na siyang bida sa ikalawang serye ng nobelang ito. Salamat sa mga nagbasa ng kwentong ito. Hanggang sa muli.
At paano namatay si Lovely sa kwentong ito? Sa special chapter 2 ninyo malalaman. Muli maraming salamat sa pagbasa. Bye!!!
This is a work of fiction. Names, Characters, business, places,events, and incidents are either the products of the author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime punishable by law
All rights revived 2021
Featured song:
you are my sunshine by: Moira Dela Torre I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow wonderfully story🥰
20/05/2022
0I love novah
20/02/2025
0good
21/09/2024
0Tingnan Lahat