Chapter 28

Sa bawat patak ng ulan ay isang malungkot na araw ito para sa akin, nakita ko ang tila'y isang mahimbing na Anghel sa harap ko.
Bawat patak ng luha ay aking sinasalo sa tuwing nakikita ko siya sa kabaong ito.
"Adonis bakit?" Tanong ko sa sarili ko.
"Dapat ako ang nanjan at hindi ikaw." Dagdag ko pa.
At saka na ako umupo habang pinagmamasdan ang masayang larawan niya.
"Salamat Adonis sa lahat, salamat." Bulong ko sa sarili ko.
"Ate Lovely siguro magpahinga ka muna kami na bahala sa mga guest." Sabi sa akin ni Ariana.
"Okay." Sagot ko.
"Ariana I'm sorry ha."
"Ha? Saan?"
"Sayo at sa kuya mo."
"Don't worries ate, I accepted that." Sabi niya at saka siya ngumiti habang ako umiiyak sa sobrang lungkot.
"Beshie, sorry ha sa nangyari sa childhood friend mo." Sabi sa akin ni Rochelle.
"Ayos lang yun." Sabi ko.
At saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Salamat din sa inyong lahat." Sabi ko.
"Beshie naiiyak na ako!" Sigaw niya.
"Hoy walang sunog dito kaya tumahimik ka jan nakakahiya ka." Sabi naman ni Daniel.
"I hate you talaga Daniel!" Sigaw naman niya.
At sabay kami nagtawanan.
Nakakamiss din ng ganito, yun magkakasama kaming magkakaibigan sa hirap o ginhawa maliban kay Adonis.
Oo masakit sa akin na mawalan ng kaibigan na minsan ko na din minahal.
"O-okay ka lang?"
"Ha? Ako? Oo, okay lang ako." Sabi ko.
"Naku beshie tara't magpahinga ka na. Kami na bahala dito okay?"
"Sige." Sabi ko at saka na ako umalis at nagpunta sa guest room.
Dun ko nilabas lahat ng lungkot ko.
Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kay Adonis. Bakit?
"Nakakalungkot noh? Namatay pa yun childhood friend niya noh?" Sabi ni Rochelle.
"Oo nga eh." Sabi naman ni Lani.
Habang ako tulala't pinagmamasdan si Adonis.
Halos kinalimutan ko na yun huling niya sinabi sa akin bago siya mamatay. Nagsisi na ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya.
"Daniel alam ko na mahal mo si Lovely kaya ipapaubaya ko na siya sayo." Sabi niya.
"Ha?"
"Oo alam ko yun Daniel, ako din naman eh may nagawang mali sa kanya. Parehas tayo nangarap na maging sa atin si Lovely, pero eto na ang huling ko hiling sayo. Please alagaan mo siya. Nga pala chocolate ang favorite niya flavor ng candy at saka mahilig siya sa tragic love stories lalo na yun the notebook. Palagi niya kasi yun pinapanood eh." Sabi niya.
"Teka? Ano bang nangyayari sayo?"
"Daniel please alagaan mo siya para sa akin, mahal ko siya at alam ko na mahal mo din siya nga pala wag na wag mo siyang bibigyan ng Sushi ayaw niya kasi ng Japanese food eh." Sabi niya.
"Saka ayaw din niya sa action movies kasi yun lumabas kami at nanood ng sine nakatulog siya hahaha basta lahat ng binilin ko sayo sana gawin mo, para sa akin okay?"
Sa lahat ng binilin sa akin ni Adonis iisa lang ang nasabi ko sa kanya. Oo, handa ko pasayahin siya. Pero ang puso niya masaya kaya? O katulad ng dati?
"Lovely kumain ka na." Sabi ko.
"Hindi pa ako nagugutom." Sabi niya.
"Lovely nagaalala ako sayo." Sabi ko.
At saka niya binuksan ang pinto at tumigin sa akin.
"Daniel, sorry ha sa lahat." Sabi niya.
"Ayos lang yun kalimutan mo na yun." Sabi ko.
"Ayoko na malungkot ako." Sabi niya.
"Ako din naman eh." Sabi ko.
At saka niya ako niyakap ng mahigipit, ewan ko kung ano pa ang susunod na mangyayari sa akin o sa kanya.
Sa pagkamatay ni Adonis wala ako masasabi kung hindi ang salitang patawad, patawad aking mahal. Hindi ko man pinaramdam sayo ang pagmamahal ko hindi sana ikaw ganyan.
Paalam na, mahal
'Di ko na yata kayang huminga
Natunaw ang kaluluwaAko'y tinawag na ng langit
Yayakapin ko na ba?
Katapusan, malapit na
"Sa tigin mo ba magiging okay na ako?"
"Oo naman."
Sa sinabi ko sa kanya sa loob ko hindi siya okay. Hindi ako katulad ni Adonis na mabilis malaman kung may problema siya o wala? Paano ba kasi ginagawa yun ni Adonis?
Pero susubukan ko siya mapasaya para sa kanya.
Nauubos na aking dugo
Nasisilayan ang dulo ng buhay ko
Hanggang dito na lang akoPunasan ang mukha
Ayoko ka makitang magluksa (magluksa)
Oh, tandaan, mahal kita (mahal kita)
"Alam mo Lovely sorry." Sabi ko.
"Ha?"
"Sabi ko sorry."
"Oo narinig ko. Pero bakit ka nagsosorry sa akin?" Tanong niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit at saka ako umiyak. Oo hindi ako iyakin pero sobrang nalulungkot ako para sa kanya.
"B-bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin.
"Masama ba umiyak?" Biro ko sa kanya habang pinupunasan ko ang luha ko sa mata ko.
Tumawa naman siya sabay hinawakan ang kamay ko.
"Alam ko na sasabihin mo sa akin. Oo nagkamali ka nga kaya pinapatawad na kita Daniel." Sabi niya.
"T-totoo?"
"Oo naman." Sabi niya.
Sobrang saya ko na sa wakas okay na kami. Pero nalulungkot pa rin ako sa kanya lalo na sa akin. Masaya ako at sa wakas may ngiti na sa labi mo Lovely.
Nasa labas ako ng bahay nila at saka ko binasa ang sulat na ginawa ni Adonis sa akin.
Lovely,
Kamusta ka na? Sana okay ka na ngayon. Kahit na wala na ako sa tabi mo nandito pa rin ako para sayo. Naalala ko tuloy yun una natin pagkikita, sa classroom.
Oo lagi ka nila binubully dahil sa personality mo. Masyado ka kasi paranoid eh. Mabuti at pinigilan kita sa gagawin mo.
Isang cutter na handa sugatin ang braso mo akalain mo na sa edad na 11 natuto ka na magpakamatay? Tsk tsk tsk.
Medyo natawa ako sa part na yun ha. Hahahaha.
Oo sinubukan ko tapusin ang buhay ko mabuti at nadun siya para pigilan ako. At tinuloy ko na ang sulat na sinulat niya.
Naalala ko yun nasa canteen tayo. Sabi mo noon sa tindera na gusto mo ng Zesto juice pero sabi niya na ubos na kasi kinuha ng nangbubully sayo noon.
Pero sa halip na umiyak ka na parang bata ay binigay ko sayo yun juice na baon ko na dapat sa akin.
Pero naalala ko na allergy ka sa manga kaya dali-dali ako lumabas para bumili ng apple flavor na juice.
At saka ko binigay yun sayo, sabi mo pa nga sa akin na bakit ko ba yun ginagawa sayo? Sagot ko ay wala lang gusto ko lang makipagkaibigan sayo nang oras na yun.
Ewan ko ba kung bakit ka ganun sa akin, siguro depressed ka? Or mannerism mo na siguro yun? Ewan.
Pero mas nalungkot ako nung graduation natin, hindi man lang ako nagpaalam sayo ng maayos dahil mahuhuli na kami sa flight namin papuntang America.
Mas ginusto ko na puntahan kita bago ako umalis, pero huli na pala ang lahat.
Hindi ko alam kung gaano kita namiss nung panahon na yun. Hindi ko nga alam yun number mo o address mo eh?
Tinanong ko din sa sarili ko kung kamusta ka na? May jowa ka na ba? May trabaho ka na? Masaya ka ba? Pero sa huli nalaman ko na may problema ka.
Dun ako nalungkot sayo. Philophobia; fear of love. Ewan ko kung bakit ka natatakot umibig dahil ba sa akin? O sa iba? Sinaktan ka ba ng taong mahal mo? Ang dami na tanong sa utak ko tuloy.
Pero mas masakit ang nalaman ko sa sarili ko. May Leukemia ako at stage 1 na ito. Dun ako kinabahan pero tinago ko ito sayo at sa pamilya dahil ayoko na magaalala ka sa akin o sila sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa sarili ko.
Pero tinuloy ko ang pagbabasa ng sulat niya.
Nagdesisyon ako na baguhin ang sarili ko. Natuto ako magsuot ng contact lens at binago ko din ang hobbies ko lahat binago ko hanggang sa muli natin pagkikita.
Nashock ka nga nung nakita mo kaagad eh hahaha. Pinigilan ko na tumawa nung oras na yun.
At sinabi ko sa sarili ko na wag malungkot. Pero alam mo ba may isa ako sikreto para sayo.
Hindi talaga therapist si Daddy kung hindi isang Vet.
"Ano?!" Sigaw ko.
Mabuti at ako lang magisa sa labas kung hindi mapapagalitan nanaman ako ni Lani.
Kaya tinuloy ang pagbabasa ko ng sulat niya.
Nagaral ako as therapist at the age of 17 at makalipas ng ilan taon sa wakas isa na ako ganap na therapist.
Oo weird yun sinabi ni Daddy sayo kasi wala siya ideya sa pagiging therapist. Alam mo ba yun una mo punta dun natawa nalang ako sa reaksyon ni Daddy at saka tumigin sa akin sabay thumbs up sa kanya at saka na ako umalis habang humihina ang katawan ko mas lalo ako nawawalan ng pag-asa na mabuhay.
At mayron pa pala, pero isinekrto ko ito sa kaibigan ko. Si Daniel, Oo magkaibigan kami since high school kasi dun din sa America siya nag-aral at talaga magkakompitensya kami sa kahit anong activities sa school.
Oo mas magaling siya sa akin, sikat at higit sa lahat mayaman ang pamilya niya. Naingit nga ako sa kanya. Kaya hindi ako nawalan ng pag-asa at sinabi ko sa sarili ko na balang araw magiging katulad ko si Daniel.
Matagal na rin siguro bago ko nalaman na umalis ka na pala sa school namin sobrang lungkot nung oras na yun.
Pero hayaan mo na at least makapagfocus na ako sa studies ko.
Sorry kung naging bossy ako sa kanya naalala ko tuloy yun bully sa school natin noon.
Nagmukha tuloy ako kawawa sa kanya.
"Ha? Yun na yun?" Sabi ko.
Aalis na sana ako nang bigla may nakita ako isang papel yun siguro ang liham na sinulat niya para sa akin.
Pero pagod na ako sa kakabasa ng sulat at tinuloy ko nalang sa loob ng bahay nila ang liham na sinulat niya.
Featured Song:
Paalam mahal by: Zild

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Abigel Arienda

    wow wonderfully story🥰

    20/05/2022

      0
  • avatar
    Elyza Ria

    I love novah

    20/02/2025

      0
  • avatar
    Ar Jay

    good

    21/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata