Chapter 27

"Adonis hindi ba alam ng parents mo na may sakit ka?" Tanong sa akin ng doctor ko.
"Wag muna doc, saka ko na sasabihin pag–"
"Malapit ka na mamatay? Adonis look? Hindi mo pwede ilihim yan sa pamilya mo masasaktan sila. Remember that." Sabi sa akin ng doctor ko.
Wala ako choice kung hindi ang ilihim ito sa kanila.
Ayoko kasi na malungkot o mag-aaalala sila sa akin. Oo natatakot ako baka malaman nila na may sakit ako.
Sinabi ko na kunwari nag-aaral ako pero ang totoo nasa hospital ako. 2 years ako pabalik-balik ng hospital hanggang sa nagdecide ako na umuwi ng bansa.
Una ko pinuntahan si Lovely dahil siya ang kilala ko the rest hindi na.
Ang lahat na iyon ay isang malaking kasinungalingan. Oo masamang magsinungaling sa ibang tao lalo na sa taong mahal mo.
Sa una ko nilihim ang lahat, as in lahat. Mula sa kinakain ko, sa hobbies ko at lalo na sa kalusugan ko.
Leukemia ang sakit ko at isang cancer sa dugo, stage 2 cancer sa dugo't katawan ko. Kaya nakakaramdam ako ng mga sintomas ng sakit ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na stage 3 na ang cancer ko. Sobrang nalungkot ako yun. Ayoko malaman nila ito, pero huli na ang lahat para sa akin.
Nalungkot din ako sa naging reaksyon nila lalo na kay Lovely, yun date namin ay ang huling date ko sa kanya.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Sa amin?" Tanong niya sa akin.
"Sorry Lovely ha, sorry." Sagot ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, nalaman na nila ang sakit ko kaya nagdesisyon ako na magdate ulit kami sa huling pagkakataon.
At hindi ko namalayan na stage 4 na ang cancer ko. At ang mas malala, nasa katawan ko na ito.
Kaya kinausap ko ang doctor na operahan ako.
"Handa na ako doc!" Sabi ko.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo Adonis? Masyado mapangib ang operasyon mo okay?" Sabi sa akin. At tumango ako bilang sagot.
Araw na ng operasyon ko. At natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Pero ang lahat ng ito ay isang rin kasinungalingan. Oo nagsinungaling ako sa pangalawang pagkakataon, ang totoo yan ay yun na pala ang huling araw ko sa mundong ito.
Bago ako mamatay ay gumawa ako ng isang liham sa kanya. Liham na kung saan masasabi ko sa kanya ang gusto ko sabihin sa kanya. Hindi ko man siya naging girlfriend at least naging kaibigan ko siya, isang kaibigan na gagawin ang lahat para sa kanya.
I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end, can you tell me if
It was worth the try, so I can decide
Sa pagpikit ng aking mga mata binigay ko sa doctor ko ang isang liham at saka naman niya binigay sa kapatid ko. Sorry Ariana kung hindi ako naging mabait na kuya sayo. Sorry sa lahat.
Hindi ko man sinabi sa kanya ang salitang 'mahal kita' at least alam niya na naging best siya sa akin. Sa dami niya achievements sa school niya alam ko na ipinagmamalaki ko siya.
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive
Kay Lovely sorry sayo, nagsinungaling din ako sayo, ang totoo yan ay ako ang may kasalanan sa lahat ng ginawa ko. Oo nagkamali din ako sa kanya. Lalo na ang tungkol kay Daniel.
Oo naiinis ako sa kanya sa tuwing magkasama sila. Nakita ko sila sa bookstore na naghalikan at sinadya ko na nakipagdate kay Lovely para lumalyo siya kay Daniel.
Ayoko na magalit siya sa akin, pero huli na pala ang lahat para sa akin. Lastly kay Mommy at Daddy, pero ang totoo yan ay alam ni Daddy ang sakit ko.
"Daddy sorry nga pala ha." Sabi ko sa kanya.
"Adonis anak, hindi ka ba nagaalala sa Mommy at kapatid mo? Nilihim mo ito sa kanila?" Sabi sa akin ni Daddy.
Oo naniinis din ako sa kanya, alam ko na psychologist siya at isang expert pagdating sa mga Phobias nang nalaman ko na may Phobia si Lovely ay naisipan ko na magresearch about sa Philophobia.
Oo nakakasama sa kalusugan ang pagpupuyat pero pinagtiyagan ko na alamin ito. At sa huli ay napagaling ko si Lovely sa kondisyon niya.
Try as hard as I might
To flee the shadows of the night
It haunts me and it makes me feel blue
But how can I try to hide
When every breath and every hour
I still end up thinking of you?
And in the end, everything we have makes it worth the fight
So I will hold on for as long
Sa pagkamatay ni Adonis, maraming aalala sa isipan ko ang bumabalik.
Sa una namin pagkikita hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung ilan taon kaming hindi nagkita. Oo kinalimutan ko na siya noon, pero nang dumating siya sa bahay namin ay bigla nagflashback sa akin ang lahat.
"Lovely ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lani.
"Ah, Oo ayos lang ako." Sabi ko.
At saka naman niya hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo Lovely hindi ka okay, sinungaling ka!" Sabi niya.
Kahit kailan talaga si Lani madalas epal siya eh, pero tama siya matapos niya hindi sabihin sa akin ang lahat siya pa ako naniwala sa kanya.
Sa una hindi halata sa kanya na may sakit siya. Pero isang illusion pala yun sa akin. Kahit hindi April 1st feeling ko April 1st na.
As leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive
Pero sa paglubog ng araw ay ang isang malungkot na awitin sa tenga ko. Nakatigin ako sa labas ng kwarto ko habang umuulan. Umiiyak ako sa tuwing naririnig ko ang awitin na ito. Parang isang anghel na bumubulong sa akin ng mali.
Pero bakit ko naman yun iisipin? Sana panaginip nalang ang lahat na ito, ayoko mamatay si Adonis. Ayoko!
"Ang daya mo naman Adonis bakit ka namatay? Sana ako nalang." Sabi ko.
Nilabas ko na ang luha sa mga mata ko. Pero hindi yun sapat para sa akin, parang kulang ang mundo ko nang nawala siya sa tabi ko.
"Sorry Adonis, I'm sorry." Sabi ko habang malakas ang pagbuhos ng ulan sa labas ng bahay.
"Ate pinabibigay pala ito sa akin ng doctor ni kuya, sinulat ni kuya sayo." Sabi ni Ariana sa akin sabay abot sa akin ng isang liham na may pangalan niya sa likod ng liham.
"Salamat Ariana." Sabi ko.
"Ate I'm so sad for kuya Adonis, hindi niya sinabi sa amin ito, sayo ate galit ka ba sa kanya?" Tanong niya sa akin.
Kaya napaisip ako sa sinabi niya, galit ba ako sa kanya? Parang hindi naman. Kaya ngumiti ako sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Salamat Ariana ha, salamat."
"Salamat saan ate?"
"Sa kuya mo. Salamat sa kanya." Sabi ko.
Oo nagpapasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Salamat dahil nawala ang takot ko sa pag-ibig. Salamat sayo Adonis.
Salamat, paalam.
Featured song:
Leaves by: Ben&Ben

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Abigel Arienda

    wow wonderfully story🥰

    20/05/2022

      0
  • avatar
    Elyza Ria

    I love novah

    20/02/2025

      0
  • avatar
    Ar Jay

    good

    21/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata