"Ayoko, bitiwan mo ako!" umiiyak na pakiusap ni Charlotte nang maramdaman ang paghablot sa kanyang braso ng artist. Nagpupumiglas ang dalaga. "Parang awa mo na Sir, huwag po!" pakiusap pa nito at sumigaw ng malakas na humihingi ng saklolo. Narindi si Gregorio sa sigaw ng dalaga kaya isang malakas na sampal ang binigay niya dito. "Kapag hindi ka tumahimik hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" singhal nito sa dalaga. Umiiyak na tumahimik na nga si Charloyte. Ramdam ng dalaga ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ng artist. Natakot na itong magsalita at baka totohanin nga nito ang banta. Itinayo ni Gregorio ang dalaga. Walang abog-abog na binuhat ang nagulat na dalaga. "Anong gagawin mo sa akin? Saan mo ako dadalhin?" Hintakot na sunod-sunod na tanong ng dalaga. Pabalyang iniupo ng artist sa isang silya ang dalaga. Marahas ang mga kamay na tinanggal nito ang piring sa mga mata ng dalaga. Tinanggal na din nito ang lubid na nakatali sa mga kamay nito. "Anong gagawin mo kay Charlotte?" umiiyak na tanong ni Alyssa sa artist na hindi naman niya nakikita. "Tumahimik ka!'' saway ni Gregorio sa dalaga. Narinig ni Alyssa ang umiiyak na boses ng kaibigan. "I'm sorry Maggie, it's all my fault! I'm so sorry!" Umiiyak niyang hinging paumanhin sa kaibigan. "Wala kang kasalanan, Alyssa. Pareho lang tayong biktima ng kasamaan ni Sir!" Anito sa umiiyak na boses. "Kapag hindi kayo tumahimik papatayin ko itong kaibigan n'yo!" Singhal ni Gregorio sa mga ito. Naririndi na siya. Hintakot naman na sinulyapan ni Dianna ang mga naka piring na mga kasama. "Parang awa n'yo na tumahimik na lang kayo." Umiiyak na pakiusap ni Charlotte. Tumahimik naman ang magkaibigan pero tuloy pa din ang mahinang pag iyak nila. Ibinigay ni Gregorio ang paintbrush sa dalaga. Nanginginig ang kamay na tinanggap iyon ni Charlotte. "Kulayan mo ang parteng ito." Pautos na sabi ni Gregorio sabay turo sa parteng wala pang kulay. Pinakatitigan ni Charlotte ang kaharap na painting. Isang babae na nakasuot ng sinaunang kasuotan ang nasa larawan. May hawak na malaking pamaypay ang kanang kamay nito. Sobrang napakaganda ng painting pero hindi maiwasan na kabahan ng husto ang dalaga. "Ano pa ang hinihintay mo?!" pabulyaw na sita ni Gregorio sa natigilan na dalaga. Mabilis na kumilos si Charlotte, nanginginig ang kamay na nagsimulang kulayan nito ang buhok ng babae sa larawan. "Ayusin mo naman!" Nanggagalaiti sa galit na sinabunutan nito ang dalaga. "A-aray!" umiiyak na daing ng dalaga. Mabilis na hinawakan nito ang kamay ng artist na nakasambunot sa buhok niya. "Bilisan mo huwag kang pabagal-bagal!" anito at marahas na binitiwan ang buhok ng dalaga. Muntik ng mangudngod ang mukha ng dalaga sa painting. Mabilis na pinunasan ni Charlotte ang mga luha sa kanyang mga mata gamit ang kanyang mga daliri. Muling ipinagpatuloy ni Charlotte ang pagpipinta, pinilit ng dalaga na pakalmahin ang sarili at baka kapag nagkamali na naman siya makakatikim na naman siya ng pananakit mula sa artist. "Isulat muna ang iyong pangalan at pirmahan mo!?" utos nito sa dalaga ng makitang tapos na ito sa pagpipinta. Mabilis naman na sumunod ang dalaga, hindi na ito nag isip pa ng dahilan kung bakit kailangan niya pa iyong gawin. "WHAT IS HAPPENING?" Hintakot na bulalas ni Maggie nang marinig ang malakas na tili ni Charlotte. "Charlotte, anong nangyayari sayo?" tanong ni Alyssa. Pinilit ng dalaga na kumawala sa pagkakagapos ng kanyang mga kamay pero sobrang higpit ng pagkakatali niyon. "Anong ginawa mo kay Charlotte?!" Sumisigaw na tanong sa kawalan ni Carlos. Sinubukan nitong gumapang kung saan naririnig nito ang pag-iyak ng dalawang dalaga. Umalingawngaw sa malaking sala ang halakhak ni Gregorio. Natutuwa itong pagmasdan ang dalaga na unti-unti ng nahihigop ng malakas na p'wersa na nanggagaling sa painting. "Ahhhhhh tulungan niyo ako!" umiiyak na sumamo ni Charlotte, sa mga kasama, kahit na alam niyang wala din naman sila magagawa dahil bihag din sila ng masamang artist. Mahigpit na kumapit sa magkabilang dulo ng canvas frame ng painting si Charlotte. Nag-ipon siya ng lakas para maiahon ang kalahating katawan na kasalukuyan ng nasa loob na ng butas na nasa gitna ng painting. "Parang awa mo na Sir, tigilan mo na kung ano man ang ginagawa mo kay Charlotte!" umiiyak na pakiusap ni Alyssa. Pero isang halakhak lang ang isinagot sa kanya ng artist. Nilapitan ni Gregorio si Charlotte, pilit na binabaklas nito ang mga kamay ng dalaga na nakakapit sa canvas frame ng painting. "No!" Sindak na sigaw ng dalaga nang mabaklas ng artist ang isa niyang kamay. Luhaan ang mga mata na tumingin ang dalaga sa tumatawang artist. "Paalam, Charlotte, welcome sa bago mong mundo!" Anito at pinukpok ni Gregorio ng hawak na baril ang isa pang kamay ng dalaga na nakakapit pa sa canvas frame ng painting. Nanlalaki ang mga mata na tumili ng malakas ang dalaga. "Aaaaaaahhhhhhhhhhhh!" Mahabang tili ng dalaga bago tuluyang lamunin ng painting. Muling tumawa sa kasiyahan si Gregorio ng magtagumpay siyang maikulong ang dalaga sa painting. "Tsk..tsk..tsk!" naiiling na piksi ni Gregorio. Nilapitan nito ang painting at masuyong pinagmasdan. Kitang kita niya kung paanong unti-unting nagbago ang mukha ng babaeng nasa painting, naging mukha na ito ni Charlotte. "Charlotte?" Panabay na tawag ng tatlong testudyante nang hindi na marinig ang sigaw ng dalaga. "Charlotte?'' Muling tawag ng mga ito sa dalaga pero wala na silang marinig na ingay buhat dito. Napahagulhol ng iyak si Alyssa. Alam na niya kung ano ang nangyari kay Charlotte. Wala na ang kanilang kaibigan, kagaya ng iba nakakulong na din ito sa painting. Kinuha ni Gregorio ang painting at ipinatong muna sa ibabaw ng sofa. Narinig ng tatlong estudyante ang mga yabag na papalapit sa kanila. "Ahhhhhhhhh!" Malakas na tili ni Maggie nang biglang may humablot sa kanyang mahabang buhok. Natigil sa pag iyak si Alyssa nang marinig ang daing ng kaibigan. "M-maggie," tawag niya sa pangalan nito. "Ikaw na ang susunod!" pasigaw na sabi ni Gregorio. Nagimbal sa narinig si Alyssa. Ibig sabihin, ang kaibigan niyang si Maggie na ang sunod na bibiktimahin nito. "Bitiwan mo ang kaibigan ko!" Sigaw niya sa hindi nakikitang pintor. "Naiingit ka Alyssa? Sige ikaw na muna!" Anang artist at marahas na binitiwan ang buhok ni Maggie. Napasubsob sa sahig si Maggie at hindi sinasadyang bumaba ang panyo na nakapiring sa mga mata ng dalaga. Hiniklat ni Gregorio ang kanang bisig ni Alyssa. "Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ng dalaga. Pero dahil mas malakas ang artist walang nagawa ang dalaga. Binuhat ni Gregoro ang dalaga at marahas na pinaupo sa isang silya. Napasinghap si Alyssa sa kaba nang maramdaman ang pag lapat ng kanyang pang upo sa matigas na bagay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (2654)
PontillarAriane
beautiful story because love and forgiveness to someone you love
07/02/2022
0
Danmark Culaban Pasagui
Super ganda ang story kahit hindi kopa siya nauubos unang pala ay makikita kona na maganda ang daloy nag storya at madali ko siyang maintindihan kasi filipino ang lengguwahe na ginamit. Slamat pi author godbless po.
26/01/2022
0
maybille_
super love this story 💓 grabe yung excite, kaba, takot, saya at everything lahat ata ng feelings na feel ko sa story na to hahaha thanks Author ✨
beautiful story because love and forgiveness to someone you love
07/02/2022
0Super ganda ang story kahit hindi kopa siya nauubos unang pala ay makikita kona na maganda ang daloy nag storya at madali ko siyang maintindihan kasi filipino ang lengguwahe na ginamit. Slamat pi author godbless po.
26/01/2022
0super love this story 💓 grabe yung excite, kaba, takot, saya at everything lahat ata ng feelings na feel ko sa story na to hahaha thanks Author ✨
26/01/2022
5Tingnan Lahat