logo text

Chapter Nine

Jandelle
Matapos ang nangyari noong isang araw ay naging maayos naman ang takbo ng buhay naming magkakaibigan. It's been three days, wala ng kakaibang nangyari sa amin. Ngayon, papunta ako sa kasal ng ate ni Celestia kasama ang magulang ko. Si papa ang nagmamaneho, sout ang isang dark coat and tie sa driver seat. Ang atensiyon ng aking ama ay nasa daan. Si mama nasa harap, sout ang isang honey dress na lalong nagpaganda sa aking ina. Kinuwento ni mama kay papa ang kasal nila noon. Love and happiness where oozing inside our car, and I like it. Sila talaga ang para sa isa't isa, everything for them is so perfectly fit.
Kinuha ko ang phone sa pouch ko na dala. Tinago naming tatlo ang black pouch kung saan kami lang ang nakakaalam. Hindi pa namin binubuksan iyon, kasi mas maganda kung pagkatapos ng kasal aalamin namin anong laman niyon. I'm wearing a lady pink dress with a ruffles in the edges of the skirt lower than my ankle. I'm wearing a black six inches heels. Lahat ng brides maid ay ganito ang sout, nakikita ko sa harapan ko si Lalaine na hindi mapakali maglalakad siya sa gitna ng maraming tao. She had this fear in crowd, and Celestia sister want her to overcome her fear. Kaya kailangan ni Lalaine maging parte sa kasalan.
Pumunta ako sa group chat namin. Puro reklamo at inis na mensahe galing kay Lalaine ang andoon pagkabukas ko. Puro positive vibes ang sinasabi ni Celestia kay Lalaine sa message. Nagtanong sila sa akin kung nasaan na ba kami, dahil malapit na magsimula ang kasal. I was typing ng huminto ang sasakyan namin sa parking lot ng resort. Beach wedding ang pinili ni Ate Hannah, sa lugar kung saan una silang nagkita ni Lance. Aww, so sweet naman. Thinking about how they meet, kinikilig ako. It was a wonderful story.
Pumunta ang pamilya ni Ate Hannah sa resort na ito upang magvacation ng isang week. At the time, Lance family owned this resort. La Moran Resort. Nakikipaghabulan si Ate Hannah sa aso nila na si Pitty, isang german Shepherd, dahil kinuha ni Pitty ang diary ni Ate Hannah. Paliko na siya sa cottage papunta sa beach nang mabangga ni niya si Lance. So doon nagsimula ang story nila. Love at first sight, kwento pa ni Ate Hannah sa amin noo. Sabi niya sa amin, first love could be your first heart ache and now, will be her last love.
Bumaba kaagad ako pagkasend ko ng mensahe sa group chat. Binalik ko ang phone sa pouch nang mapansin ako ni papa na hawak iyon. Ayaw ni papa na hawak ko ang phone kapag nasa important event, it's disrespectful. Bata pa ako iyon sinasabi ni papa sa akin, don't used your phone when you are in an important occasion. Nagpaalam ako sa magulang ko na pupunta na sa mga kasamahan ko. Sampung bridesmaid lahat, halos pamilya ni Lance ang bridesmaid, isa lang ang kaibigan ni Ate Hannah na sumangayon na maging isang bridesmaid at kaming dalawa ni Lalaine.
"Kumusta?" tanong ko kay Lalaine nang makalapit. She's crossing her arm with a fake happy face.
"I'm fine, I'm great," peking ngiti niya sa akin.
"Ang ganda mo sa sout," compliment ko kasama ng ngiti.
Pinaikot niya ang mata."spaSIbo, nawala ang kaba ko sa sinbai," puno ng sarkastiko ang boses niya.
Ganito talaga siya kapag natatakot, her lizard in the brain was kicking her anxiety. I squeezed her arms. "Hey! Lala, magiging ok lang ang lahat, maglalakad lang tayo at tapos na. You can do this!" Pampalakas loob ko sa kanya.
"Kasama mo ako," dagdag ko.
Bumuga siya ng hangin na mukhang kanina pa niya tinatago sa kanyang baga. "Bakit photographer si Celestia. Ako na lang sana iyon eh," reklamo niya. Tuwang-tuwa si Celestia nang nagbago ulit ang isip ng ate niya, ginawa siyang photographer dahil gusto ng ate niya na ang kaibigang si Jessa ang maid of honor, switching of places.
"May alam ka ba sa photography?" tanong ko.
"Wala," sagot niya. I gave her my you know look. "Ok fine, kaya ko ito."
"Kaya mo iyan, aja aja aja, Lala!"
"Aja aja!" aniya at puno ng determinasyon ang mukha.
The wedding ceremony end well. For me it was so magical, how Ate Hannah and Lance take their vow, how Lance face cried upon saying those heartwarming vow also Hannah. It was love. Love! Ang halik nila, it was genuine, true...real. Panay iyak ni Lalaine, hindi siya makapaniwala sa nangyayari, lalo na sa parte ng vow. Pati rin si Celestia na katabi si Isaac, they're holding hands. Naiingit ako sa dalawa. Kailan kaya darating ang para sa akin?
"Ok ka lang?" tanong ni Lalaine sa akin. Naka-upo kaming dalawa sa isang white clothed table, sa ibabaw ng mesa ang pagkain na kinuha namin kanina. Kasama pa rin ni Celestia si Isaac, the two love birds talking about where the honeymoon of the newlyweds.
"Oo," sagot ko. "Sadyang hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina, my first time to be at weddings.
"Ako rin, parang naniniwala na ako sa love pagkakita ko kina Ate Hannah at Kuya Lance. Katulad ng parents mo," napansin ko ang lungkot sa boses niya. Kinuha niya ang glass na may lamang champagne at sinimsim iyon.
Binalik ko ang tingin sa pagkain. "Kailan kaya tayo magkakaroon ng katulad sa kanila?" pagbibiro ko kay Lalaine. She crinkled her face.
"Nah! Hindi ako interested sa bagay na iyan. Ayokong umibig, ayokong masaktan," mapait na litanya niya na ikinatawa ko bahagya. "I'm serious, Delle."
Nilagay ko sa bibig ang cake. Ang sarap, the blueberry and cheese mixing in my mouth, the sweetness exploded in my taste bud.
"Ako rin, ayokong masaktan pero gusto ko magmahal." Pinagpatuloy ko ang pagkain ng cake. I watched my parents two table away from me talking with Celestia father. Hindi ko nakita ang mama ni Celestia sa kasal, ang rason ay may shooting ito.
Alam kong nasaktan si Ate Hannah nang malaman nito na hindi makakarating ang mama nito, hiding the pain with her megawatt smile to her guest. Kasama ni Ate Hannah si Lance na kumakain sa harap. They're talking something, what a sweet couple.
"Why afraid to try, Lalaine? Isa pa, part na iyon na masaktan ka sa paghanap ng true love," sabat ni Celestia sa amin dalawa. Ngumiti lang si Isaac sa amin.
"Di ba, Bun?" Mahinang siko ni Celestia sa lalaki na ikinabigla nito.
"Oo," sang-ayon ni Isaac. He had this charming smile. He's one year older with Celestia. "Part of it is risking. Love is a dangerous things for those who are not ready for it. Nasa sa iyo pa rin iyon, if you want it or not."
Tinaas ni Lalaine ang glass sa direksiyon ni Isaac. "Tama ka, agree ako. It's a choice," tatangong sabi ni Lalaine.
"What a such nice words, Bun." Kinikilig na hinawakan ni Celestia ang mukha ng lalaki. "I'm so proud of you."
Umubo ako, to much sweetness makes me ill.
"Problem? Jan?" Baling ni Celestia sa akin. Inabot niya sa akin ang tubig na kinuha ko at ininum iyon.
"Hindi ko alam pero baka mas langgamin pa kayo sa bagong kasal," I said teasingly to the two.
"Di ba? Such sweetness is so scary," parang tama si Lalaine sa sinabi at ininum ang champagne.
"It's not scary, it's wonderful," sabi ni Celestia na ikinatawa ng mahina ni Isaac.
"I won't agree or disagree, mukhang time na kakanta na kayo," tingin ni Isaac sa babaeng papunta sa stage, ang host sa reception.
Nagkatinginan kaming tatlo na nawala ang saya sa mukha. Ito ang parte na kanina ko pa pinapanalangin na hindi dumating o nakalimutan ng host. Sa isang iglap, binagsakan kami ng langit at lupa pagkarinig namin sa aming tatlo.
"Lilacs will sing for the newlyweds, after they dance," the sweet voice of the host run to my ear that became a torn of a roses as it passed through it.
"Iyong plano natin, Sissies?" tanong tingin ni Celestia sa amin.
"I'm ready for it," sagot ko.
"Let's do it!" ani Lalaine.
Nahagilap ng mata ko ang katakhan sa mukha ni Isaac, hindi niya alam ano ang sinasabi namin. Mas mabuti na hindi niya malaman at baka masira ang plano namin.
"Pupunta lang ako sa cr, Sissies," sabi ko at umalis na parang naiihi.
Habang papalayo ako, umalis din si Celestia papunta sa buffet table at si Lalaine ay nagtungo sa kabilang Direksiyon. As we planned, we sneaked out. Sa totoo'y iyon na ang plano namin. Hindi namin kayang kumanta sa harap ng maraming tao, lalo na sa harap ng pamilya namin. Magaling kami sumayaw pero sa pagkanta? That's horrible, boses ko parang naipit na kambing.
Hindi pa ako nakakaalis ay nahagilap ng mata ko ang kakaibang waiter, he gave me a glance. Sumulyap ako sa leeg niya, napakagat ako sa labi upang hindi ako makapagsalita ng masamang salita sa gulat na makita ang parehong tatoo noong mga lalaking nakalaban namin sa parking lot. Bakit nandito ito? Anong dahilan? Huwag mong sabihin....
Panic alarmed my whole system while running myself to the hallway leading to the comfort room. Pumasok ako sa cr at nilocked iyon. Kinuha ko ang phone, tinawag ko si Celestia na sinagot niya agad.
"Andito na ako sa parking lot," sabi niya.
Huminga ako ng mabuti. "Celes, iyong may mga hawk tattoo sa leeg, may nakita akong isa sa waiter na nakasalubong ko na may ganoong tattoo."
"Huwag mong sabihin..." she was trialed off.
"Tayo ang nais ng lalaking iyon," dugtong ko sa sinabi niya.
Narinig ko ang mura sa labi niya ikinabigla ko. "Celes! You break our seven code! Don't curse!" galit kong wika na hindi ko sinasadyang lakasan ang boses ko.
Sumandig ako sa dingding ng ladies comfort room. Parang nawawalan ako ng lakas. Ayokong magkaroon ng gulo sa mismong kasal ni Ate Hannah. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Dahil ito sa black pouch na iyon. Ano ba kasi ang laman niyon.
"Sorry," mahinang sabi ni Celestia sa kabilang linya.
"Kasama mo ba si Lalaine?" tanong ko.
"Hindi, wala pa siya dito. Pumunta ka na dito," aniya.
"Sige, sig—" hindi ko natapos ang sasabihin sa sunod-sunod na malakas na takot sa pinto ng cr. Kung sino man iyon parang gusto nito sirain ang pinto.
Napasapo ako sa noo nang madulas sa kamay ko ang phone, isang malakas na bagsak na nakakabingi ang ang nangyari. Then a cracking sounds joining.
"Agh! Ang phone ko!" I said in a frustrated tone.
Nawala ang ingay sa labas. Mabilis kong pinulot ang phone na wasak, kinuha ko ang sim at tinapon ang sirang phone sa basurahan ng cr malapit sa sink. I unlocked the lock of the door. I'm ready to kinck those person who want to harrassly attacked me.
Dalawang lalaki ang nasa harap ko. Kinuha ko ang basuraha at ubod na lakas na hinampas sa dalawa. Napasigaw ang dalawa sa sakit pagtama niyon sa kanilang mukha.
Tatakbo na ako sa direksiyon ng exit nang may tatalong lalaki na nakasout ng waiters clothing papunta sa akin. Mali ang dinaanan ko. Tumalikod ako, nakatayo na ang kaninang natumba na dalawang lalaki na nakacoat and tie. Isa hawak ang ilong na dumugo at ang isa noo.
I'm trap! Anong gagawin ko.
Huminto ako sa gitna, papunta na sa akin ang tatlo. Tumingin ako sa trash can na nakalabas ang laman. Tumingin ako sa sout kong sandal. Ok, hindi yata magagalit si Ate Hannah kung gamitin ko ito. Mabilis kong tinanggal ang sandal, mali ako sa ginawa, it takes me more than seconds to pull out the lock of my heels.
Tumakbo ako, no choice but to get the trash can. Sometimes in life, we can't expect that we have this bad luck. Ngayon, sa naapakan kong bagay na basa ay nadulas ako. This will be my end! Sa lahat ba ng oras ngayon pa? Natumba ako sa harap ng dalawang lalaki na hinampas ko ng trash can. Siguro, they're laughing at my sudden clumsiness. Kasalanan ng heels at ng anong bagay na naapakan ko. Mabuti ay natukod ko ang dalawang palad, kung hindi tatama ang mukha ko sa malamig na tiles ng hallway.
Someone grabbed my hands, sisigaw na sana ako ng may bibig sa labi ko. I can't screamed.
"Don't scream lady, gusto mo bang magkaroon ng kaguluhan?" a baritone voice at may back. He's holding my two hands at my back.
Ngayon ko lang napansin na nilabanan ng isa sa kasama nito ang tatlong lalaki. He's a damn—oops, I cursed!—good fighter. The way he fights, parang sanay na ito sa labanan. Hinila ako ng lalaki papunta sa exit ng hallway. Ang kamay nito nasa bibig ko pa rin at ang isang kamay hawak nito. I'm captive. Amoy ko ang spicy cologne nito sa kamay. Hindi masakit sa ilong at hindi nakakasuka kapag palaging naamoy mo.
Sino ba ang lalaking ito? Pinilit ko kumawala dito pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa papulsuhan ko. I wanted to scream but I can't. My heart hammering inside me, I can't breath properly mixed with my nervousness and fright. He's dragging me out the place. Hanggang napansin ko na nasa parking lot na kami, nakita ko si Lalaine at Celestia hawak ng isang lalaki sa magkabilang braso may takip na tape sa bibig nila.
Puno ng takot ang mukha. Sino ba ang nga lalaking ito. He pinned me down in the front of the car. Paano kong sisipain ko ito? Gusto ko ng maalis ang kamay nito sa bibig. He releases my hands, pero bago ko pa magawa ang plano ay pinaikot nito ako at sa isang iglap may tape na ang bibig ko. Ang lapit niya sa akin, those dark eyes. Nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa harapan pa rin ng sasakyan. Will he rape me? Papatayin ko siya kung gagawin niya. Hinila nito ako, bago ko pa magawa ang knee kick ay pinakot nito ako paharap sa mga kaibigan ko, he's holding my right arm.
"Anong nangayari sa ilong mo, Zay?" tanong ng natatawang lalaki.
"Stop laughing, Kyle! I'm pissed of, pakiramdam ko nasira yata ang ilong ko. Hindi ko alam ganito pala ka brutal ang isang ito," utas ng lalaki sa likuran ko. Mas hinigpitan nito ang paghawak sa braso ko, magkakaroon yata ako ng pasa.
"Tingnan mo ang namumula kong isang mata, sinuntok ako ng babaeng may hawak na libro dahil nasira ko ang front cover ng book niya," natatawang ani ng lalaki. Nakita ko ang kalahating nawala sa front cover ng libro ni Lalaine. Naiiyak ang mukha niya.
"Don't try to get away from me lady, hindi ako mangiming patulan ka," banta ng lalaki sa teynga ko. I shivered with fear. Tiningnan ko si Celestia na ganoon rin kay Lalaine, fear was visible in their beautiful face.
"Tara na," sabi ng lalaking dumating, he brushed his hair at pumunta sa sasakyan.
Pinasok ng lalaking may Kyle na pangalan ang dalawa sa loob ng itim na van. Wala bang security dito? Hinila ako ng lalaki at tinulak paasok sa loob ng sasakyan, napahiga ako upuan. Mabuti malambot na upuan nakatama ang ulo ko. Kaagad ko inayos ang dress ko na nakaexposed ang paa ko sa lalaking may Zay na pangalan. Uminit ang mukha ko sa inis at kahihiyan. Sinirado no'ng Zay ang pinto ng malakas, napapikit ako. May balak ba itong sumira ng eardrum? Hindi pa ako nakakatayo sa pagkakahiga ay umandar na ang sasakyan. I'm trying my best to lift up my body. It took me a minute before I sit up myself properly. Napapitlag ako ng hinawakan no'ng Zay ang kamay ko at pinusasan. Tumingin ito sa baba ko, anong tinitingnan ng lalaking ito? Nabigla ako ng hinawakan nito ang paa ko at tinggal ang heels ko at kinuha iyon. I'm bare foot! Hinahabol ko ang hininga sa sobrang galit.
Binaling ko sa likuran si Celestia at Lalaine, may posas din ang mga kamay nila, still barefoot. Nasa likuran na upuan nila ang lalaki na ang mata ay nasa phone.
Gusto ko lumapit sa dalawa pero itong Zay, walang balak na paalisin ako sa kina-uupuan. Kailangan maka-isip ako upang makatakas sa mga ito. Hindi ko hahayaan na makuha nila kami.
"Don't try to think how to escape, lady, it's still useless," boses noong Zay sa harap ko. Paano nito nalaman ang iniisip ko.
Sino ba sila?

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Fatihah Fadzil

    good idea 👍💡

    18/12/2024

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    Wow ganda

    22/09/2024

      0
  • avatar
    Ivy Caytuna

    it's so nice

    23/03/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata