Chapter 40

Napakasaya sa pakiramdam niya na makita nakangiti at masaya ang kaniyang pamilya. At patuloy nitong hinihiling na sana ganito na lang parati.
Kasalukuyan nitong tinitingnan ang repleksyon nito sa salamin. At sa tuwing tinitingnan niya ang  kaniyang sarili  ay para bang hindi siya iyon. Ni hindi nito makita 'yong Nikasha 'noon' at para bang nabuhay ito muli sa iisang katawan ngunit magkaiba ang katauhan.
Hindi nito alam ang dahilan kung bakit siya nakangiti kahit wala namang dahilan, pero iisa lang sigurado siya... nasasaktan ito sa tuwing nakikita ang mga mata ng isang taong malapit sa kaniya... malapit sa puso niya.
"Tapos ka na bang makipagtitigan sa sarili mo? Oh, Sino unang kumurap?"
Halos mapatalon ito sa kinauupuan at napahawak na lamang sa dibdib dahil sa boses ni Veron na ngumiti pa ng nakakaloko.
"Ano ba! Bakit ka ba nangugulat?" taas kilay nitong sinabi.
"Anong nangugulat? Eh kanina ka pa nakikipagtitigan diyan," Sabi nito na nakapameywang.
"Tapos ka ng maligo?"
"Oo naman noh! Mukhang bang tatayo ako dito sa harap mo kung di pa ako tapos? Tsaka ang bilis-bilis mong maligo amp! Tagal tagal mong nakatitig sa sarili mo pero hindi mo nakita na mukha kang mongolyd... ano bang nangyari? May problema ba?" nakakunot na tanong nito at tumabi kay Nikasha.
"Wala ah, namiss ko lang kayo," ngiting pilit na sinabi nito at nag-iwas ng tingin.
Kahit kailan hindi pa siya nagsasabi ng gano'ng bagay. Pero napangiti si Veron kung kaya't hinalikan siya nito sa pisngi dahilan para mangunot ang noo ni Nikasha.
"Alam mo, kahit hindi halatang namiss mo kaming lahat, namiss ka rin naman namin. Imagine 5 years kang nawala rito, tapos hindi ka man lang namin nakausap, butinalang talaga nagising ka na. Tsaka may naging bebe—"
"Wala, Tara na nga Ver—"
"Teka lang!"
Pinigilan nito ang kamay ni Nikasha at pinaupo  sa kama ni Zeren, habang si Veron ay nakaupo sa kama niya, kaya ngayon ay nakaharap na sila sa isat isa at siya naman ay ngiting-ngiti na may halong nanunukso.
"Ikaw ah!" panunukso nito.
"Teka—ano ba 'yon?"
Hinawi agad ni Nikasha ang kamay ni Veron na mangingiliti sana sa kaniya.
"Sus! Kunwari ka pa! Kitang-kita kaya sa itsura mo kanina."
"Na?"
Lumapit ito sa kaniya at ngumiti ng pagkalawak-lawak.
"Nagseselos ka, hahahah!—"
"Veron! Anong nag-seselos? Wala naman kaming relasyon e, kaya bakit ako magseselos?"
Titig na titig na sinabi ni Nikasha dahilan para matahimik si Veron, pero maya-maya pa ay bigla itong ngumisi ng matunog.
"Exactly! Hindi naman kayo pero kita sa mata mo ang selos. Hahahaha wag mo akong lokohin Nikasha, kambal kita kaya alam na alam ko na yan, gusto mo ba... iligpit na natin si Fio—"
"Veron! Wag ka ngang ganyan. Nananahimik na sila, kaya wag mo na silang guluhin," Pananaway nito saka ito tumayo.
Titig na titig si Veron sa kambal nito na pinag-aaralan ang bawat galaw at detalye ng katawan kaya't pinilit ni Nikasha na umakto ng normal. Tumayo si Veron saka hinila ang kamay dahilan para ipatong ni Veron, ang ulo nito sa braso ni Nikasha.
"Hindi mo kailangang itago ang totoong nararamdaman mo. Kung gusto mong kalimutan 'yang sakit sa puso mo, harapin mo iyon. 'Wag mong sabihin sa'kin na maayos ka lang o wala kang problema dahil hindi ako maniniwala. Alam kong nasasaktan ka."
"V-veron—"
"Kaya ka nasasaktan dahil may nararamdaman ka sa kanya at may pakealam ka."
Naramdaman nito na binitawan  ang kamay niya at humalik sa kaniyang noo saka ito naunang naglakad at umalis na, kagaya ng ginawa ng isang tao na naging dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng sakit.
Hindi niya alam pero may kung anong batong ipinukpok sa kaniyang ulo.  Lumakad na ito para naman hindi siya  mapaghalataan kung bakit hindi sila sabay ng kaniyang kambal.
Pagkababa nito sa huling bahagdan ay narinig pa ang tawanan nila kaya napangiti ito hanggang sa tuluyan na  silang makita.
Ang iba ay tuloy-tuloy lang sa pagtawa, ang iba naman ay nakatingin sa kaniya. Napahinto ito sa paglalakad dahil sa mga matang nakatingin sa kanya.
Napansin nitong kumakaway-kaway sa likod ni Maru  si Veron na nakangiti kaya natauhan ito sa pag-titig.
"Uy teh! Bat ka tulaley kay Papa Maru?"  malakas na tanong ni Patricio.
"A, e,—"
"I, o, u. Ayan! Ang galing naman ni Nikasha," pagdugtong dito ni patricio kaya nagtawanan ang iba.  Umupo na lang si Nikasha sa tabi ni Veron na mabilis na pumunta sa pwesto niya.
"Attention please!" sigaw ni Veron kaya't nakuha ang atensyon ng iba.
Tumungin muli si Veron sa orasan saka ngumiti ng pagkalawak lawak.
"At dahil maaga pa naman, gusto ko sanang lahat tayo ay mag-enjoy sa lugar kung saan lahat ay masaya. Lahat sasama maliban sa mga magulang," nakangiting pag-aaya ni Veron habang sila ay tahimik lang.
"At saan mo dadalhin ang mga anak namin?"
"Tita Summer, sinabi ko na po, sa lugar kung saan masaya. Kaya kayo, wag kayong masyadong iinom dito dahil doon tayo sa labas." Nakangiting sabi nito.
Mukhang buo na ang desisyon n'ya at atat na atat nang lumabas na hindi man lang nagdalawang isip.
"Kung papayag ang Tito mo., papayag din kami," Sabi ni Cecil na nakatingin kay Zenos.
"Malalaki na kayo. Mag-iingat lang sana at Dahan-dahan, lalo na ang mga babae," nakangiting sinabi ni  Zenos sa kanila at napatingin pa kay Nikasha sa huling parte nun.
"Oh! Narinig n'yo po 'yon Tito at Tita ahh! Pumayag na si Tito kaya ibig sabihin payag din kayo."
"Oo na. At hindi kayo uuwi ng gabi," pagkaklaro ni Nieva sa kanila na nginusuan ni Veron.
"Grabe naman po 'yon Tita," pagrereklamo nito dahil hindi nasunod ang balak niya.
"That's a final. Hindi kayo uuwi ng gabi."
Ngumuso si Veron at muling humarap sa mga kasing edaran niya.
"So ano? Aalis na tayo ngayon para masulit na natin ang oras. Deal?" Nakangiting suhestyon nito pero walang sumagot. Kaya nginisian siya ng mga magulang na naroon.
Sa itsurang 'yon ay mukha itong batang kaawa-awa  kaya biglaang napatayo si Nikasha kaya't nailipat rito ang atensyon. 
"Malinaw ang sinabi ni Tita Nieva, na hindi tayo pwedeng umuwi ng gabi. Pero wala rin naman siyang sinabe na bawal tayo umuwi ng madaling araw," ngiting sinabi nito na nakapagpalaki ng mata sa iba at natawa na lang ang iba pang mga magulang.
"Kaya mamayang gabi tayo aalis at madaling araw tayo uuwi," dagdag pa niya.
Kumuha ito ng isang baso na may laman na wine at sabay sabay na nagtanguan ang mga batang miyembro na animoy may nga balak na naman.
"Nikasha?—"
"Tita, malinaw po ang usapan," sabi nitong lumingon sa kanila.
"So, deal?"  Nakangiting tanong niya sa kanila, pero walang  sumasagot.
Mukhang hindi sila kuntento, kaya nakitang itinaas ni Veron ang basong hawak niya saka nagsalita.
"At libre ni Nikasha—"
"Deal!"  sigawan ng lahat na halos napamura nalang si Nikasha.
Halos umikot ang mata ni Nikasha sa sinabi ni Veron at nakitang sabay sabay silang tumungga, marahang pinasadahan ni Nikasha ng tingin ang kambal niya na mabilis siyang kinindatan at naupo.
"What a brillant idea." iiling-iling na bulong ni Nikasha saka ininom ang laman  ng baso.
"Pero Nikasha, ayos lang ba sa'yo ang manlibre?" Tanong ni Zeren dito.
"Oo naman Zeren, ayos lang 'yan sa kambal natin. Mas malaki pa nga 'yong ipinambayad ni Tito sa hospital bill n'ya kaysa sa ilalabas niya mamayang gabi," sabi nitong marahang napatawa.
"Ayos lang sayo diba?" pag-uulit niya pa na ngisinisan ni Nikasha.
"Hindi pa nga tayo umaalis sinusumbatan mo na agad ako. Kahit na anong gusto niyo, sagot ko na."
"O-M-G!"
"Dabest ka talaga!"
Sigawan ng iba na aakalain mong uhaw na uhaw sa alak na kung tutuusin ay hindi mawawala sa mansyon ang alak.
"Hinay-hinay lang, alalahanin n:yo ang panahon ngayon, lalo na ang iba sa inyo mga babae. Von, Zaffiro, Sevien at Simon kayo ng bahala sa mga bata."
Tinanguan naman nila ang mga sinabi ni Ponce.
"At ikaw naman Maru, mag-usap tayo," mahinang sambit ni Zenos na nakapagpatigil sa iba lalo na si Nikasha.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba dahil ganitong ganito rin ang mga nangyari noong pinaguusapan nila ang tungkol sa pangalawang misyon.
Mabilis na tumayo si Maru at nagtama ang kanilang mga mata, ngunit mabilis ding iniwas ni Maru iyon sa kaniya.
"Magbihis na kayong lahat. Malayo pa ang pupuntahan niyo. At sulitin n'yo ang araw na 'to," sabi ni Ezra dahilan para magtakbuhan ang iba sa kanilang kwarto.
"At ikaw Nikasha, pwede ba tayong mag-usap?"
Agad na bumaling ang walang kamalay-malay na Nikasha kay Ezra.
"Tungkol po saan?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Tungkol sa bunso kong si Maru."

Komento sa Aklat (114)

  • avatar
    Safiroo Sumagka

    nice story

    14/09

      0
  • avatar
    Earl Jhune Timbreza

    oiihihyjiiihijudududúhhhdjdhdhdjdjdjdjdjjdjdjsjsjdjsjsjsjsjejejejejejejwjwjwjeieidididufududydysyyeueueueueue

    09/08

      0
  • avatar
    DumpKay

    💜😘

    07/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata