Chapter 3


Parang wala lamang ang kalunos-lunos na nangyari sa mga estudyante at guro sa paaralan na iyon. Hindi na nakapagtataka dahil sagana sa patayan ang lugar, ang pagkamatay ni Janice ay hindi na bago dahil iniisip na lamang nila na dala iyon ng problema sa kaniyang buhay. Ngunit matunog na napangisi na lang si Nikasha sa kaniyang nakikita, abala pa rin ang lahat sa pagsasaayos sa kanilang paaralan dahil sa malaking progamang magaganap. Dahil wala naman nakakita sa planong kaniyang ginawa ay wala siyang dapat na ikabahala.
Paika-ikang naglalakad si Nikasha sa kahabaan ng hallway ng unang palapag, ang mga mata lamang nito ay nasa malawak na kwadranggulo kung saan abala ang ibang mga estudyante sa pagsasaayos ng lugar o ang mga booth sa bawat deparyamento. Malaki ang lamang ni Nikasha sa eskwelahang ito dahil Isa siya sa mga opsiyal ng mataas na organisasyon. Isa siyang tagahawak ng papeles kaya mabilis niyang nalalaman kung sino ang mga taong nasa paligid niya.
Wala pang limang minuto ay nadatnan niya si Mara na panay ang pag-linga, siya lamang ang tinuturin niyang kaibigan maliban sa mga kasamahan niya. Parehas silang nahinto dahil sa pagtingin nila.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap e," panimula ni Mara na maya-maya ay napatingin sa paanan nito.
"Bakit? Pinapatawag ba tayo?" pagtataka ni Nikasha.
Pumantay si Mara dito at saka ibinigay ang makapal na envelope na naglalaman ng ilang pirasong papel.
"Pinapaasikaso ni Ma'am Soliman, mga transferee, kailangan din silang bigyan ng schedule, nasayo naman ang record diba?" tanong niya rito.
Ibinaba ni Nikasha ang tingin sa papel na iyon at saka kinuha ang envelope. Hindi na siya nag-abalang buksan at alamin kung sino iyon, tutal wala naman siyang interes.
"Sa bahay ko na lang ito gagawin, hindi pa naman kailangan diba?"
"Basta raw ready na dapat bago magsimula ang program, doon daw kasi darating yong mga transferee na yan, biglaang lipat din kasi sila e."
Tanging tango lang ang sinagot ni Nikasha rito, si Mara lamang ang nakakasama niya dahil may sariling mundo ang ibang kambal nito. May mga bagay na hindi dapat sila magkakasama lalo na't hiwalay ang kanilang mga silid. Kada booth na nasa kwadranggulo ay inusisa ni Nikasha, si Mara ang taga-sulat kung ano pa ang mga kulang o kung tapos na ba sa paggawa ng stance na iyon. Wala naman silang gagawin kundi ayun lang. Babalik lamang ang klase sa susunod na dalawang linggo dahil abala sila sa annibersayo ng paaralan.
Nahinto sila sa malilim na puno, nagpapahinga at tinitingnan ang paligid kung ano na ang susunod na magiging takbo.
"Ano pa lang nangyari dyan sa talampakan mo?" pang-uusisa ni Mara dito.
Imbes na tumingin kay Mara ay nanatiling malayo ang tingin ni Nikasha na para bang may binabantayan.
"Wala to. Naglaro kasi ako kagabi," malalim na sagot na ikinakunot ng kausap.
Larong hindi gugustuhin ng iba lalo na sa mga mahihina. Hindi niya naranasang maging bata, ang tanging nagsisilbing laruan lang na pwede nilang hawakan ay ang mga matutulis. Sanay naman siya sa sakit ng pagdaplis at paghiwa sa kaniya ng mga ito. Maka-ilang beses na nga ba siya muntikang mamatay? Higit bente?
"Grabe noh, malala siguro ang problema ni Janice kaya siya nagpakamatay. Kawawa naman siya, wala pa siyang pamilya," malungkot na sambit ni Mara na bakas ang lungkot.
Napasulyap naman sa kaniya si Nikasha, at sa unang pagkakataon ay nagkatitigan sila, hindi naman mahilig makipagtitigan si Nikasha, maliban na lang kung pinag-aaralan niya ang emosyon ng isang tao.
"May mga bagay kasi na kailangan ng kunin sa isang tao bago pa lumala ang lahat," saad ni Nikasha.
Ang buhay. May mga bagay na kahit hindi pa oras ay kailangan ng mawala para maprotektahan ang iba. Ngunit walang nakakaalam kung naagapan nga ba nila ang problema. Oo at napatay nila ang isang babaeng mayroong nalalaman at maaaring mata ng kabilang grupo na hindi malaman kung na saan.
Minsan nang nahuli ni Zeren si Janice na may hawak na isang papel na tanging miyembro lamang ng isang sikretong organisasyon ang maaaring magkaroon ng gano'n. Kaya't mabilis na inaral ang kilos ng dalaga at binantayan. Ngunit sadyang maingat ang kabilang grupo at ni bakas nila ay wala pa rin.
Natapos ang lahat at nagpasya ng umuwi ang lahat. Ang magkakapatid ay hiwa-hiwalay kung sumakay sa kotse. Halos bente minuto ang tagal bago makarating sa kanilang mansyon na aakalain mong normal lamang ang mga taong nakatira dahil nasa normal silang kumunidad.
Village iyon at sa dulong parte matatagpuan ang malaking gate kung saan matatagpuan ang malaking bahay na halos limang dekada na ang tagal, katumbas ng pagtatapos ng malaking digmaan.
Sa unahang parte ng mansyon kung saan makikita ang hacienda, malawak iyon na kulay berde. Tipikal na mansyon talaga kung saan maaliwalas tingnan dahil sa mga punong nakahilera at pantay na pagkakatabas sa mga damo.
Ngunit kabaligtaran ang nasa likuran, kung na saan ang ibang kalalakihan na inaayos ang mga dumi. Matatayog ang mga puno at sa dulong parteng iyon nakatago ang mga taong kriminal na matagal na nilang itinatago at ginagawang parang laruan para sa pag-e-ensayo ng mga bata.
"Malinis na, lagyan na lang siguro natin ng pintura ang bahaging yan mamaya, masyadong madikit ang dugo," turo ni Asher kay Ponce.
Tumango lamang si Ponce. Sa tuwing may mga kalat ay madalas na si Asher ang naglilinis, si Ponce madalas ang nagbabantay ng mga kilos at sa kaniya madalas dumadaan ang mga impormasyon.
Alas-kwatro na ng hapon, nang magsidatingan ang tatlong sasakyan, nandito na ang kanilang mga anak. Mabuti na lamang at nakapaghanda agad si Summer at Cecil ng meryenda kagaya ng nakagawian. Sa tuwing lunes hanggang biyernes ay normal silang mabuhay, maihahalintulad sa masayang pamilyang.
Mabilis na ibinagsak ng mga bata ang kanilang katawan sa mahabang sofa sa sala.
"How's your school?" tanong ni Ezra sa mga batang isa-isang kumukuha ng pagkain kahit hindi pa nakakapagpalit ng mga uniporme.
"Wrong question," malalim na sambit ni Zenos na mukhang may pupuntahan dahil sa tipikal nitong suot. "How's your work?" ngising tanong nito na tugma sa nangyari kanina lamang.
Natigil sa pag-inom si Zafia, nakatingin sa kaniya ang karamihan at ang ibang naglalakad ay na kay Zafia ang tingin. Pinanliitan ni Nieva ang kaniyang mata sa bunsong anak na babae habang sumsimsim ng kape.
"Well done," mabilis na sabi nito saka muling kinuha ang iniinom.
Sumilay ang ngiti sa iba habang ang nanay nito ay malakas na bumuntong hininga, nakahinga na naman ng maluwag. Ngumiti lamang sa kaniya si Zenos at saka nagpaalam na umalis. Nakasuot ito ng pang-opisina na walang ibang makikita kundi ang itim. Hinalikan lamang nito sa noo ang kaniyang dalawang pamangkin, hinanap ng mata nito si Nikasha ngunit dahil mahalaga ang pupuntahan ay umalis na siya.
"Nasaan ang papel?" takang tanong ni Summer dahil napansin niyang walang hawak si Zafia.
"Binigay ko po tita kay Lana, siya po kasi yong sumalubong sa akin," singit ni Lucas.
Ngunit nagtataka ang lahat dahil wala naman si Avellana sa sala kung nasaan sila.
"Where is she? Where's Nikasha and Maru?" sunod-sunod na tanong ni Summer sa kanila.
Hindi na iyon nasagot pa ng mga batang nandoon dahil sa pagdating ni Asher at Ponce, nakayakap kay Ponce ang bunsong anak nito na patuloy siyang nilalambing dahil sa paghingi ng pagkain na bawal sa kaniya.
"No. Magagalit sa akin ang mommy mo," mahinahong sabi ni Ponce sa anak na hawak pa rin ang isang folder kung na saan ang papel.
Ngumuso ang dalaga at saka umalis sa pagkakayakap.
"Look dad, nakuha namin po oh, treat niyo na lang po yon. Promise, hindi malalaman to ni Mommy."
"Still no. Bibili pa lang ako ng gamot mo, better to eat Summer's Cake, favorite mo ang gawa ng tita mo diba?" pagng-uuto nito sa anak dahilan para matuwa si Lana.
Tinatahak nila ang daan ng mahabang pasilyo galing sa likod ng mansyon, diretso lamang iyon at ang dulong bahagi ang ang sala, napatingin ang karamihan sa kanila at sa papel na hawak ng dalaga.
"Ay! Oo nga po pala, here po. Hindi ko po ma-gets yong mga nakasulat hehe," ngiting-ngiti na binigay ng dalaga ang papel sa kaniyang tiyahin.
"Hindi niyo talaga maiintindihan ang bagay na ito. Anyways, thank you. I will review this one. Buon lavoro," ngiting pagpupuri ni Nieva saka umalis kasama si Ezra na kapwa mahusay sa pagbasa ng ibang lengwahe.
Naiwan na ang mga bata sa sala kasama ang ibang ama nila. Tanging si Summer lang ang nandoon habang sinusuklayan ang mahabang buhok ng bunso niyang anak na si Kelly, kung susumahin ang ugali ni Kelly ay halos wala man lang siya namana sa kaniyang mga magulang, marahil namana niya ito sa kapatid ng kaniyang ina na namayapa na.
Titig na titig lamang si Asher sa anak nitong si Kelly na halos namumutla at tulala, mariing binulungan ni Summer ang kaniyang anak na mag-asikaso na ng sarili at hangga't maaari ay itulog na muna ang mga nangyari.
"How about Janice? May nalaman na ba kayo sa kaniya?" panimula ni Asher sa mga batang kumakain pa rin.
"Wala na dad. Mukhang malabo ng makakuha ng impormasyon sa kaniya," sagot ng panganay na anak ni Asher na nakaupo sa tabi ni Lucas na abala sa panggugulo ng buhok ni Keus.
"Wha— why? Don't tell me na natunugan tayo?" pag-aalala ni Summer dahilan para umayos ng upo si Zeren.
Napatingin sa kaniya ang iba lalo na si Veron na nakasiksik lang sa leeg ng kapatid.
"She's gone. Poor Janice," bulong ng dalaga na paniguradong narinig ng iba.
"Malinis ang trabaho, walang dapat na ipag-alala tita, lalo na't walang kamera doon at suicide ang tinitingnan sa imbestigasyon," pagkukumpirma ni Lucas na inilingan ni Asher.
"But we are not sure. We don't know if Janice Epifania have the same surname that we're looking for," sambit ni Asher.
Wala nga naman silang alam. Hindi sila mangmang kundi katulad ng kabilang grupo ay nawalan sila ng koneksyon at pagkakakilanlan sa isa't-isa. Paniguradong alam ng kabilang grupo na may mga anak ang Black Ficarro ngunit hindi alam kung sino. Kaya patuloy na pala-isipan kung bakit may mga lumalabas na parehang apelyido ng mga taong matagal ng patay na kung tutuusin ay hindi nila nabalitaang may mga pamilya.
Epifania, isa sa mga pamilyang talamak ang pagpasok ng droga at tahimik na naipupuslit sa mga kulungan noong kapanahunan nila.
"Dalawang tao na lang ang natirira sa kabilang grupo ang alam naming buhay hanggang ngayon. Bakit mayroong natira?" pagtataka ni Summer.
"Sigurado po ba kayo Mom, kung kayo lang ang hindi nadamay at natira sa nakalipas na dalawang dekada?" Tanong ni Keus sa magulang nito na walang naisagot kundi ang pag-buntong hininga.

Komento sa Aklat (114)

  • avatar
    Safiroo Sumagka

    nice story

    21d

      0
  • avatar
    Earl Jhune Timbreza

    oiihihyjiiihijudududúhhhdjdhdhdjdjdjdjdjjdjdjsjsjdjsjsjsjsjejejejejejejwjwjwjeieidididufududydysyyeueueueueue

    09/08

      0
  • avatar
    DumpKay

    💜😘

    07/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata