1999 Malalim na ang gabi ngunit hindi iyon ang dahilan para hindi ikasa ni Nikasha ang baril at ihimas ito sa kaniyang pisngi na animo'y nababaliw. Titig na titig sa malawak na kakahuyan sa likod ng kanilang mansyon. Tanging kuliglig lang ang maririnig at sariling anino ang makikita. Isa na lang ang kaniyang bala ngunit may tatlo pa siyang kailangang makita. Sa mismong itaas kung saan nanonood ang kaniyang mga tiyuhin at tiyahin ay nakikita nila ang kilos ng dalaga sa monitor. Nakaupo lamang si Zenos sa gitnang upuan kung saan parang wala lamang sa kaniya na nasa panganib ang kaniyang pamangkin. Umayos ito ng upo nang makita nila ang pagtakbo ni Nikasha papunta sa katawan ng puno at nagpa-ikot-ikot saka walang habas na pinutukan sa ulo ang isang lalaking patakbo sa kaniya. Sa muling pagbagsak ng paa ni Nikasha sa lupa ay muli na naman kumalat ang laman at utak ng isang bangkay. Siya ang pinaka-huling sinabak sa kanilang ensayo. Siya lamang ang may kakaunting proteksyon lalo na't nahagip na ng kaniyang paningin ang isang lalaking triple ang laki ng katawan sa kaniya, may hawak na malaking itak na sumasayad sa lupa at ngising tumitig sa dalaga. Halos hindi kinaya ni Zeren ang mga nangyayari sa labas ng mansyon, napatalikod pa ito dahilan para makita niya ang mukha ni Veron na takot na takot na rin. Sino nga ba ang hindi matatakot kung puro kriminal at mga taong uhaw na uhaw sa pagpatay ang kaharap ng isang dalaga na ang tanging ang armas na lang ay ang dalawang kutsilyo. Delikado. Hindi pwedeng humingi ng tulong sa pag-e-ensayo na ito. Bawal ang mahina ang loob dahil kung hindi mo mapapatay ang mahigit sampung kriminal at mamamatay tao rin ay ikaw ang magiging pagkain nila. Walang takot na sinalubong ni Nikasha ang lalaking naglalakad papunta sa kaniya, pabilis nang pabilis hanggang sa takbuhin na ito ni Nikasha. Iwinagayway ng lalaki ang hawak nitong itak kaya mabilis na gumulong si Nikasha dahilan para mapunta siya paanan ng higante saka sinaksak ang tuhod gamit ang kustilyo. "Ahhh!" Napadaing sa sakit si Nikasha dahil sa pagtama ng itak sa kaniyang talampakan, pagulong ito na pumunta sa likuran ng lalaki saka mabilis na sinabit ang isang hita sa leeg at pinaikot iyon. Gano'n na lang ang pagpikit ni Nikasha nang marinig nito ang pagtunog ng buto galing sa leeg na ngayon ay alam na niyang bali. Walang panahon para intindihin ang sakit ng kaniyang talampakan, ayaw nitong biguin ang kaniyang tito na nanonood lang sa kaniya. Ayaw niyang biguhin ang lahat. Napangisi ito nang makita niyang tumatakbo ang isang babaeng may hawak na kutsilyong may sariwa pang dugo. Nakaupo ngayon si Nikasha sa dibdib ng lalaking walang buhay at mabilis na humiga patihaya at buong lakas na kinuha ang malaking itak, isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago siya nagdesisyong mag-angat ng upo at malakas na hinampas ang itak sa mismong bewang ng babae. Matunog ang pagbagsak ng itak at ng dalawang parte ng katawan ng babae na humiwalay na, kalat-kalat ang mga dugo na halos ikinadura na niya dahil nasa bibig na niya ito. Tapos na. Nakaligtas na naman siya sa larong noon pa nila ginagawa. "I-Is she okay?" mahinag tanong ni Zeren na nginig na nginig ang mga kamay. Malaking pala-isipan sa mga tao sa mansyon kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin sila Kelly at Zeren na kung tutuusin ay mahihina sa grupo. Madalas nilang sinasabi na hindi lang dapat armas ang dapat na dalhin sa laban, kundi pati ang lakas at alam mo sa mga bagay. "Malalim ang taga sa talampakan niya, ako na ang bahala," mabilis na sinabit ni Summer na tutok na tutok pa rin sa monitor. Ganito lang ang sitwasyon, nasa iisang kwarto lamang sila habang pinanonood ang mga bata kung paano makakaligtas sa mga kriminal. Tumayo na si Zenos at tiningnan ang dalawang pamangkin nitong nakatingin sa kung saan, naibaba ni Zenos ang tingin niya sa kamay ni Zeren na sobra ang panginginig. "Bakit nandito pa kayo? Malalim na ang gabi," panghahawi niya sa dalawang pamangkin na hawak na ang kabilang bewang. Halata na ang antok kay Zeren habang si Veron ay parang wala lang. Iniwan nila ang iba sa kwartong iyon saka lumabas. "Si Nikasha po Tito, kawawa po siya," mahinang anas ni Veron. "Wag niyo alalahanin ang kapatid niyo, malakas siya, kaya niya ang kaniyang sarili. Look, she's alive," pagpapakalma ni Zenos sa mga ito. Ganito lagi ang tagpo sa tuwing si Nikasha ang sumasabak. Si Veron at Zeren ang tinututukan ni Zenos at ng iba dahil sila ang delikado lalo na sa panahon ngayon. Bawal ang taong mahihina ang loob. "Hindi ka po ba natatakot na baka mapahamak siya?" tanong ni Zeren nang mahinto sila sa kanilang kwarto. Tumitig ang matandang lalaki sa mga batang parang noon lang ay kalong-kalong pa niya, halos walang pagkakaiba ang itsura nilang tatlo sa isa't-isa. Kung hindi nga lang nila kilala ang mga ito ay mabilis silang malilinlang dahil sa itsurang iisa lang. "No. If you don't want to feel scared, you have to trust. Trust is needed in order to fight your fears," salitang binitawan ni Zenos sala hinalikan ang noo ng mga bata. "Good night babies." Humahangos si Nikasha, halos ipikit na lang niya ang kaniyang mata para labanan ang lahat ng nakikita, mga bangkay, laman, dugo, matatalas na armas at kung ano-ano pa. "Nikasha! Tara nga dito! Oh, inom, dali!" Isang binata ang mabilis na pumunta sa gawi ng dalaga, gulong-gulo na tumingin ito at sinalubong ang pagluhod ng binata. Inalalayan ng lalaki na painumin si Nikasha, habang umiinom ay pinunasan naman niya ang mukha at braso na balot na balot ng mga dugo. "Kaya pa? Ano? Round two? Fight!" pasigaw na sabi ni Maru dahilan para ilingan lang siya ng dalaga. Nawala ang ngiti sa labi ni Maru nang makita niya ang sitwayon ng babaeng nasa harap niya, alam nila kung bakit nila ito ginagawa at nararanasan, ngunit may mga limitasyon ang lahat, pati ang ngiting bihira lang makita kay Nikasha ay mukhang ubos na. Sino ba naman ang makakangiti sa sitwasyong mula pitong taon na gulang pa lang ay ginagawa na. "Tara, pasan kita. Gagamutin ka pa ni Tita Summer, tapos tulungan kita mag-review," yumuko ito at nilapit ang bibig sa tenga ni Nikasha. "Ayokong maglinis ng kalat mo, sila tito na bahala r'yan, kaya tara na! Pasan na," pangtatapik niya sa likuran. Hindi na nagdalawang-isip si Nikasha sa alok ni Maru, pumasan na ito at saka pumasok sa loob. Si Maru lamang ang may lakas na loob na lapitan ang dalaga ay kausapin ng gano'n, dahil kung pag-aaralan ang ugali niya ay hawig na hawig ito sa kaniyang namayapang ama dalawang dekada na ang nakakaraan. Tahimik at madalas na mag-isa lamang, kung sumagot ay aakalain mong namimilosopo at walang paki-alam kung matanda ang kausap o hindi. "Maru," walang buhay na tawag ni Nikasha habang binabagtas nila ang mahabang pasilyo papunta sa sala. "Bakit?" tanong ni Maru na bumagal pa ang paglalakad. "Ang baho mo," seryosong sambit ni Nikasha na nakapagpahinto nang tuluyan kay Maru sa paglalakad. Kung paano ngumuso si Maru ay gano'n naman ang pagpipigil ng tawa nila Lana at Lucas na nakasilip sa dulong bahagi ng pasilyo. "Mabaho... Ikaw rin naman a, mabaho ka rin pero di ko sinabi. Busy ako sa review kasi may exam bukas. Mabaho raw," bulong nito saka nagsimula muling maglakad. Nang makarating sila sa sala ay maingat niyang ibinaba si Nikasha na mabilis naman inalalayan ng mag-asawang Asher at Summer, malawak ang salang iyon kaya hindi nakapagtataka na limang pamilya ang nagkakasya sa mansyon na iyon na nagsilbi na nilang taguan... Ngunit sila ay may dahilan. "Sorry," bulong ng kaniyang tiyuhin. Ilang beses na nga niya sinasabi iyan sa kaniyang mga pamangkin? Walang kasalanan ang mga bata ngunit kailangan nilang madamay, kailangang silang turuan para protektahan ang sarili nila. "Don't worry, this is your last training," bulong ni Zenos na tumutukoy na rin sa karamihan. Iyon ang nakasulat sa kasunduan ng mga magulang sa organisasyon na iyon, ayaw nilang maulit muli ang nangyari noon, ayaw na nilang pagdaanan pa ang hirap na kinaharap kaya kapag tumungtong ang mga bata sa edad na labing-walo, roon lamang tatapusin ang kanilang pag-e-ensayo. Hindi para mamuhay bilang bata kundi para masimulan na ang matagal nilang hinihintay. Humahanap lamang sila ng pagkakataon, hindi lamang ngayon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
14/09
0oiihihyjiiihijudududúhhhdjdhdhdjdjdjdjdjjdjdjsjsjdjsjsjsjsjejejejejejejwjwjwjeieidididufududydysyyeueueueueue
09/08
0💜😘
07/07
0Tingnan Lahat