Homepage/I LOVE YOU DOCTOR/
CHAPTER 41
“Gusto mong mamasyal?” Sabi sa'kin ni Marco nang matapos siya makipag-usap sa telepono.
“Ah sige, sino nga pala ‘yong tumawag?” Umupo siya sa tabi ko sa may paanan ng kama at hinalikan ang aking sentido.
“Si Wallace,” tipid niyang sagot.
“Ah o-okay, m-magbihis ka na kaya h-hindi ka ba nilalamig?” Nauutal kong wika sa kan’ya, ang lamig dito sa k’warto pero pinagpapawisan ako, masyado naman kasing nakakadistract ‘yong katawan niy. Ang abs diyos ko! Para siyang model ng bench sa itsura niya ngayon. Hindi mapaghahalataang doctor. Parang ayoko nang lumabas ng k’warto ngayon gusto ko siyang yakapin na lang buong magdamag. Napatapik naman ako sa aking mga naiisip feeling ko minamanyak ko si Doctor Marco.
“Why? Masakit ba ulo mo?” Napatingin naman ako sa kan’ya na halatang nag-aalala. Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita.
“Puwede ba Doctor Marco magbihis ka naman” mas lalo pa siyang lumapit sa mukha ko na halatang inaasar lang ako.
“Why?” Nakangisi niyang tanong.
“E kasi nakakadistract eh! Naiilang kaya ako!” Pag-amin ko sa kan’ya sabay tayo ko sa pagkakaupo. Hinila naman niya ang isang braso ko kaya napaupo ako sa kan’yang kandungan.
“Doc Marco!” Tili ko. Niyakap naman niya ako nang mahigpit at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg. Ramdam ko naman sa aking pang-upo ang kanyang mahaba. Hindi ko alam kung gaano ‘yon kalaki pero nasisiguro kong malaki ‘yon. Napakagat labi na lang ako.
“Let me hug you like this for five minutes,” paos niyang wika. Hinayaan ko na lang siya at niyakap din siya nang mahigpit.
Pumunta kami ni Doc Marco sa ibat-ibang p’wedeng pasyalan sa Cebu. Mamamangha ka sa ganda ng lugar dito sa Cebu, nag-enjoy naman akong kasama siya. Ito ang kauna-unahang araw na nakasama ko siya ng ganito katagal. Huli kaming nagpunta sa SM City Cebu do’n na lang kami nagpasyang kumain ng hapunan bago bumalik ng hotel. Pagkapasok namin sa loob mismo ng mall ay pinagtitinginan na kami, lalo na ang mga kababaihan. Hindi na ‘ko magtataka sa g’wapo ba naman ni Doctor Marco sinong hindi magkakagusto sa kan’ya? Tatanggalin ko sana ‘yong kamay ko sa pagkakahawak niya nang pigilan niya ‘ko. At mas lalo niya pa Itong hinigpitan kaya napatingala ako sa kan’ya.
“Bakit?” Tanong niya habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan.
“W-wala naman”
“Ang g’wapo dili”
“Guwapa pud ang babae”
“Wala bay uyab ang lalaki?”
“Dili ba kana si Doktor Marco?”
“Ngano nga ang kauban niya lahi man?”
Mga iba’t-ibang salitang naririnig ko habang nakatingin sila sa'min na hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na lang din pinansin. Pumasok kami sa isang resto at pumwesto sa pinaka dulo. Tinawag na niya ‘yong waiter para umorder, siya na lang ang pinag- order ko ng pagkain namin. Magkatabi kami ng upuan at nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko kapag wala ng laman. Halos hindi ko naman malunok maigi ang kinakain ko dahil sa sobrang lapit namin at ang isang braso pa nito ay nakasandal sa upuan ko na parang nakaakbay sa'kin.
“Ang sarap nitong pasta nila dito,” sabi ko para kahit papano mawala ‘yong pagkailang ko sa kan’ya.
“Kumain ka lang para sa’yo talaga ‘yan,” tumingin naman ako sa kan’ya saka ngumiti.
“Para kang bata kumain.” Pinunasan naman niya ‘yong gilid ng bibig ko gamit ang hinlalaki niya at sinubo niya ito na siyang kinagulat ko.
“Ano ka ba galing na sa bibig ko ‘yan eh, hinampas ko naman siya nang mahina sa kan’yang dibdib.
“E ano naman? Naghalikan na nga tayo eh,” muntik pa ‘ko masamid sa sinabi niya, nagpalinga-linga pa ako kung merong nakarinig sa kan’ya. Sinamaan ko lang siya nang tingin na ikinatawa niya. Bago kami lumabas ng resto ay nagpaalam muna akong magbabanyo, sasamahan pa sana niya ‘ko pero tumanggi ako hindi na rin naman siya nagpumilit at hihintayin na lang ako sa labas. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita ko si Dra. Trixie na nakaharap sa salamin at naglalagay ng foundation. Wala masyadong tao sa loob ng banyo, at ‘yong iba ay lumabas na kaya tanging kami na lang dalawa ang natitira sa loob. Naghugas lang ako ng kamay at lalabas na sana nang harapin niya ‘ko at magsalita.
“Anong purpose mo bakit ka pa bumalik?” Mataray na bungad niya sa'kin.
“Bumalik ako dahil kay Doctor Marco”
“Talaga? Pagkatapos ng lahat nang ginawa mo sa kan’ya?” Nangunot naman ang noo ko, na tila ba alam niya lahat nang nangyari sa’min ni Doc Marco.
“Ano bang alam mo?”
“Alam ko kasi siya mismo ang nagsabi sa'kin, noong mga panahong wala ka ako ang naging sandalan niya, sa'kin siya tumatakbo kapag nalulungkot siya. Okay na kami eh, tapos heto ka ngayon ginugulo mo na naman ang isip niya”
“Hindi ko siya ginugulo, siya mismo ang kusang naghintay sa'kin at alam ko ‘yon. Alam kong kasalanan ko ng hindi kaagad ako bumalik dahil may rason ako at naiintindihan niya ‘yon. Anong sinasabi mong okay kayo? Sa nakikita ko ngayon parang hindi naman,” matapang kong sabi sa kan’ya na ikinataas pa ng kilay niya.
“Dahil sa’yo mukhang masisira pa ang imahe ni Doctor Marco. Baka hindi mo pa alam na kumalat na ang magazine at kaming dalawa ang cover no’n. Maaakusahan pa siyang two timer, manloloko at iisipin pa nilang inagaw siya ng isang ‘di hamak na katulad mo lang. Kung ako sa’yo lalayo na lang ako at hihiwalayan siya kung ayaw mong mangyari ‘yon”
“Sa tingin mo ba pag hiniwalayan ko siya, papayag siyang maging kayo? Isang taon akong nawala bakit hindi mo pa rin siya nakuha?” Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya at pagkuyom ng isang palad niya. Tumalikod na lang ako pagkasabi ko sa kan’ya no’n. Naninikip ang dibdib ko sa galit at inis. Nakita ko naman si Doc Marco na nakayuko at hinihintay ang paglabas ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago lumabas para hindi siya makahalata. Nag-angat naman siya nang tingin ng malapit na ako sa kan’ya, hinawakan naman ako nito sa aking bewang at lumabas na ng mall. Tahimik kami sa loob ng taxi at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya napalingon ako sa kan’ya.
“May problema ba?” Umiling lang ako saka ngumiti. Hinilig naman niya ang ulo ko sa kan’yang balikat, at naamoy ko pa ang kan’yang pabango. Kahit na lumipas ang maghapon ay hindi pa rin nawawala ang kan’yang mabangong amoy at ayoko nang umalis sa pagkakadikit sa kan’ya. Naalala ko naman ang mga sinabi kanina ni Dra. Trixie, nag-aalala rin ako baka nga masira si Doc Marco. Nakarating kami sa hotel ng hindi pa rin ako nagsasalita at tahimik lang simula nang umalis kami ng mall. Pagkapasok namin sa loob ng k’warto ay hinarap kaagad ako ni Doc Marco at hinawakan sa magkabilang pisngi.
“Kanina ka pa tahimik babe, may problema ba? Tell me. Hindi ako sanay ng ganyan ka, mas gusto ko ‘yong dating ikaw na kinukulit ako.” Natawa naman ako sa itsura niya na parang bata at nakanguso pa habang sinasabi niya ‘yon.
“Bakit ka natatawa?”
“Para ka kasing bata sa itsura mo Doc Marco. Nakangiti kong wika sa kan’ya.
“Masasabi mo pa kaya ‘yan kapag nasa kama na kita?” Nanlaki ang mga mata ko at hindi na naman makapag isip nang sasabihin sa kan’ya. Ganito ba talaga siya? Masyado yata siyang nagiging prangka ngayon. Ang masungit at napaka-cold na doctor na nakilala ko ay napaka pilyo naman ngayon.
“H-hindi ako natutuwa sa biro mo ah”
“At sinong nagsabi sayong nagbibiro ako?”
Shit naman! Ang lakas nang kalabog ng puso ko, mukhang magkakatotoo yata ‘yong sinabi ni Leonard ah. Nakatingin lang ako sa kan’ya at seryoso rin siyang nakatitig sa’kin. Lumapit siya sa’kin at hinaplos ang aking pisngi. Hinalikan niya ako sa noo, mata, ilong at panghuli sa aking labi. Banayad lang ito noong una at habang tumatagal ay nagiging mapusok na ang kan’yang mga halik at unti-unting naglalakbay na ang kan’yang mga kamay sa aking katawan. Binuhat niya “ko at marahang inihiga sa kama ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Naramdaman ko ang pagpasok ng kan’yang dila sa aking bibig na siyang ikinaungol ko. Saglit siyang tumigil at habol namin ang aming hininga. Pinagdikit niya ang aming mga noo habang siya nama'y nakapatong sa aking ibabaw. Mataman niya muna akong tinitigan at hinaplos ang aking pisngi pababa sa aking mga labi.
“I want you now babe,” mahina niyang wika. I see lust in his eyes. “If your not ready yet, I’ll wait. You know that I’m good at waiting,” ngumiti naman ako at hinawakan ang kan’yang pisngi.
“You don’t have to wait Doctor Marco” nakita ko ang kan’yang pagkagulat, pero sandali lang ‘yon at sinakop niyang muli ang aking mga labi. Mapupusok ang aming mga halik, at hindi ko namamalayang naibaba na niya ang dress na suot ko. Sunod niyang tinanggal ang suot kong kulay itim na bra. Bumaba ang mga halik niya sa aking leeg papunta sa aking malulusog na dibdib. Minamasahe niya ang isa at ang isa kong dibdib naman ay marahan niyang sinisipsip na parang sanggol. Napapaigtad ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko at maya-maya pa'y bumaba naman ang mga halik nito sa aking puson. Nagulat ako nang punitin niya ang lacey panty ko at tinignan siya nang masama.
“Doc Marco naman! Bakit mo sinira?” Imbes na sumagot ay nginisian niya lang ako at nagpatuloy sa kan’yang ginagawa. Pinagparte niya ang aking mga hita at doon niya pinagpatuloy ang pagsipsip doon. Napapaigtad ako at napapaungol, hindi ko malaman kung saan ako kakapit. Napakapit na lang ako at hawak ang aking unan at napapakagat labi para hindi mapalakas ang aking pagsigaw, Pero hindi ko pa rin ito mapigilan.
“D-doc Marco p-please!” Ungol ko na siyang ikinaangat naman niya.
“Please what?” Paos niyang wika at hinalikan ang aking leeg.
“Take me please”
“Sure babe,” tinanggal niya ang suot niyang damit sumunod ang pantalon at boxer. Napaiwas naman ako nang tingin ng tumambad ang kan’yang pinakatago tago.
“Afraid?” Saad niya ng nasa ibabaw ko na siya.
“ha? Aaahhhm…”
“Don’t worry babe I’ll be gentle,” pagkasabi niyang ‘yon ay inumpisahan na niya ulit akong halikan nang maalab. Sinipsip pa nito ang ibabang labi ko at kinagat kagat at pakiramdam ko ay nalalasahan ko na ang dugo nito. Maya-maya ay pinagparte niya ang aking hita at naramdaman ko ang kan’yang pagtutok sa aking pagkababae. Bawat pilit niyang pagpasok ay ako naman siyang pag ngiwi ko sa sakit.
“A-aray, masakit!” Napapaluha na ‘ko dahil sa sakit pakiramdam ko ay unti-unti akong napupunit.
“Do you want me to stop?”
“N-no please, just continue.” Ilang minuto pa ay nakapasok na ng tuluyan at ang sakit ay napapalitan na ng kakaiba sa pakiramdam. Ang buong k’warto ay nababalutan ng ungol namin bawat pag-ulos niya ay ang pagbaon ko naman ng kuko sa kan’yang likuran.
"aaaahh! D-doc Marco!”
“Shit babe, you're so tight!” Puno na ng pawis ang kan’yang noo na pumapatak naman sa aking mukha. Ramdam ko ang pagbaon niya sa akin na ikinalalakas ng aking pag-ungol. At unti-unting bumibilis na ang kan’yang pagbayo sa'kin. At maya-maya'y naramdaman ko na ang mainit na likido sa aking kaloob looban. Pinatakan naman niya nang halik ang aking noo at ibinaon niya ang mukha niya sa aking leeg. Kapwa kami hinihingal at naririnig ko pa ang parehong pagtibok ng aming puso.
“I am so damn in love with you Mace,” bulong niya mula sa aking leeg. Umayos naman siya nang pagkakahiga at iniunan niya sa’kin ang kan’yang braso. Nakatalikod ako sa kan’ya at yakap niya ‘ko mula sa aking likuran.
“Are you tired?” Tanong niya sa'kin na medyo hinihingal pa. Tumango lamang ako sa kan'ya.
“I'm sorry, hindi ko na kasi mapigilan,” humigpit naman ang yakap niya sa'kin at pinapatakan nang halik ang aking balikat.
“P-paano kung, paano kung bigla akong mabuntis?” Gosh! Ang bata ko pa,” narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
“Sa tingin mo hindi kita pananagutan? Kaya ko nga ginawa ito kasi ayoko nang umalis ka pa. Gusto ko dito ka na lang sa tabi ko, kung p’wede nga lang gusto ko lagi kitang kasama sa ospital,” pinalo ko naman nang marahan ang kan’yang braso at hinarap siya.
“Hindi naman kita iiwan eh, natatakot lang kasi ako”
“Natatakot san?” Kita ko ang pagkunot ng noo niya.
“Nagkita kami kanina ni Dra. Trixie noong nagbanyo ako.
“Anong sinabi niya sa’yo?”
“Bakit pa raw ako bumalik, ginugulo ko lang daw ‘yong isip mo, saka masisira ko lang daw ‘yong image mo bilang isang doctor. Dahil ang alam ng mga tao si Doctora Trixie ‘yong girlfriend mo.” Napapikit siya at marahang bumuntong hininga.
“Don’t mind her, siya ang may pakana noong sa magazine. Hindi ko alam na ayon pala ‘yong nilagay niya do’n. Iyan ba ‘yong gumugulo sa isip mo?” Hindi ako makapagsalita sa kan’yang sinabi.
“Trust me babe okay? ‘wag mo ng isipin ‘yon ako na ang bahala do’n. Basta dito ka lang sa tabi ko ‘wag ka na ulit aalis.” Pagkasabi niyang “yon ay niyakap niya ‘ko at hinalikan sa aking noo at pagkuwa'y sa aking mga labi. That night he claimed me two times.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (738)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god
09/12/2021
0Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...
02/12/2021
0nice story
04/09
0Tingnan Lahat