Homepage/I LOVE YOU DOCTOR/
CHAPTER 24
Nasa labas na kami ng bar nang hilahin ko ang aking kamay na hawak niya at hinarap siya.
"Ano bang problema mo ha?! Singhal ko sa kan’ya. "Hindi na kita maintindihan Doctor Marco eh! ‘Di ba hindi mo ako gusto? ano ‘yong sinasabi mo kanina ha?!
"I never told you that I didn't like you Mace!”
"Hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo sa'kin na hindi mo ako gusto. Tapos kanina bigla mo na lang akong hahalikan sa elevator. Para ano ha?! Hindi ko na napigilan at pumatak na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob.
"Mace wala akong sinabing hindi kita gusto. Sa t’wing tatanungin mo ‘ko kung gusto kita hindi kita sinasagot kasi hindi ko pa alam ang sagot sa tanong mo. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa’yo ng mga panahon na ‘yon. Dahil ayoko ng magkamali, gusto ko sigurado na ako sa nararamdaman ko sa’yo. Until one day nang umalis ako sa school at bumalik na ‘ko sa ospital. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa’yo. Araw-araw akong dumadaan sa school mo para lang makita ka. Tapos nakita kitang basa ng ulan noon at naghihintay ng masasakyan. Kaya iyon na ‘yong pagkakataon kong kausapin ka kaya dinala kita sa Condo ko. Kaya lang hindi ko nasabi sa’yo ‘yong mga dapat kong sabihin, I was confused that time. But this time, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko sa’yo," dahan-dahan siyang lumapit sa’kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I was damn in love with you Mace. Mahal na mahal kita.” Sa sinabi niyang ‘yon ay doon na ako humagulgol, kaya niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sshh...don't cry please, i'm sorry if I hurt you that way, I promise I won’t hurt you anymore," pagkasabi niyang ‘yon ay humiwalay siya nang yakap sa'kin at tinitigan ako. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kan’yang hinlalaki at hinalikan ang aking noo.
"I'm so sorry, will you forgive me?” Tumango lamang ako at muli niya akong niyakap at hinalikan ang buhok ko. Sobrang saya ko dahil hindi ko akalain na mahal na ako ni Doctor Marco na pinapangarap ko lang noon. Simula noong araw nang una ko siyang makita hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang tibok nitong puso ko tanging si Doctor Marco pa rin ang siyang tinitibok nito.
"Lets go!” yaya niya sa'kin nang kumalas siya sa pagkakayakap.
"Saan tayo pupunta?”
"Sa Condo ko"
"Ha?! b-bakit do’n?” kinakabahan kong tanong sa kan’ya.
"Remember birthday ko ngayon?”
"Ah oo nga pala"
"And I just want to spend the night with you," seryoso niyang sabi sa'kin. Tumango na lang ako at ngumiti. Ito ‘yong pangalawang beses na makakasama ko ulit siya. Sumakay na kami sa sasakyan niya at mabilis na umalis. Habang bumabyahe kami hawak niya ang kaliwang kamay ko at ang isang kamay niya naman ay nasa manibela. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay na tila ayaw nang bitawan. Lihim naman akong napapangiti kasi may ganitong side pala si Doctor Marco. Hindi ko akalain na mangyayari mismo sa'kin ‘to, sobra- sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon na ayoko nang matapos. Nang makarating na kami sa Condo niya pinark niya ang kan’yang sasakyan at naunang bumaba sa'kin, pinagbuksan niya ‘ko ng pinto at inalalayan makababa. Hawak pa rin niya ang aking kamay hanggang sa makarating sa elevator, pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang kilig. Hindi ko maintindihan parang tinatambol ang puso ko ngayon.
Nang makapasok na kami sa loob ng Condo niya hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Dumeretso kami sa sala niya at naupo. Hinapit niya ang bewang ko at niyakap, napasinghap naman ako sa kan’yang ginawa. Pakiramdam ko malalagutan na ‘ko ng hininga sa mga oras na ito.
"Let"s stay like this for a while"
"Pagod ka?”
"Hmn.. pero ngayon hindi na, yakapin lang kita ayos na ko.” Lihim akong napangiti. Sana hindi lang ito panaginip, kasi kung panaginip lang ‘to ayoko nang magising. Maya-maya ay kumalas naman siya nang pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.
"Kala mo hindi ko pa nakakalimutan ah," pinanliitan naman niya ako ng mata.
"A-ang alin?”
"Bakit mo binigyan si Wallace ng cookies?”
"Ah ‘yon ba?” Napangiti naman ako sa itsura niya na halatang nagseselos. Naisipan ko namang mas asarin pa siya.
"Kasi hinatid niya ‘ko pasasalamat ko ‘yon sa kan’ya"
"Hindi mo naman kailangan gawin ‘yon," nakita ko pang umirap siya.
"Saka isa pa kaibigan ko na rin naman siya." Mabilis siyang napatingin sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Pinipigilan ko namang mapangiti na halatang nagseselos.
"How come?”
"Noong una ko siyang makilala sa ospital"
"Tsss!” salubong na ang kilay niya at hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Actually para sa’yo talaga ‘yon," bigla namang nagbago ang ekspresyon niya nang marinig niya mula sa'kin. "Papunta talaga ako sa office mo no’n para ibigay sa’yo ‘yon, e ang kaso nakita ko kayo ni Miss Andrea no’n tapos nakita ko pa kung paano ka ngumiti sa kan’ya.” Malungkot kong wika na ikinaguso ko, nakita ko naman siyang napangiti na parang gusto pa niya ang narinig. Inihilig naman niya ‘ko sa kan’yang dibdib at naririnig ko pa kung gaano kabilis ang tibok nito.
"Pumunta si Miss Andrea do’n para magpaalam"
"Bakit daw?” nanatili pa rin akong nasa kanyang dibdib.
"May offer daw kasi sa kan’ya sa London kaya nagpasya siyang tanggapin ‘yon.” Umalis naman ako sa pagkakahilig.
"E bakit kailangan niya pa magpaalam sayo?” Hindi kaagad siya nagsalita at tinitigan lang ako, unti-unti namang sumilay ang ngiti niya sa labi.
"You're jealous?”
"Hindi ah!”
"Yes you are"
"Hindi nga ako nagseselos tinatanong ko lang,” ako naman ang umirap sa kanya. Kinuha naman niya ang isang kamay ko at pinagsiklop niya ang aming mga kamay.
"You don’t have to get jealous, because I already told her na may mahal na ‘ko.” May kung anong naramdaman ako sa aking puso gusto kong magtatalon sa tuwa. Buti na lang napipigilan ko pa. "Saka kapag nagpagawa si Wallace sa’yo ulit ng cookies ‘wag mo nang igawa ah, may halong inis niyang himig.
"E ano naman magkaibigan naman kami?”
"Kahit na saka p’wede ba ‘wag kayo masyadong close?”
"Bakit? saka mabait naman ‘yong pinsan mo ah, isa pa masarap siyang kasama palagi pang nakangiti," pinagdiinan ko talaga ang salitang nakangiti.
"Saka babaero ‘yon! kung ‘yon lang ang pinoproblema mo, e ‘di palagi na ‘ko ngingiti sa’yo." Natigilan naman ako sa sinabi niya, gusto kong matawa kasi para siyang bata na nagseselos. Pinisil ko naman ang dalawang pisngi niya na kinagulat niya.
"Ang cute mong magselos Doctor Marco.” Ang totoo niyan gustong- gusto ko ang itsura niya ngayon.
"Dont get me jealous, baka may magawa akong hindi maganda." Napamaang naman ako sa tinuran niya, ganito ba siya kapossesive?
Niyakap naman niya ako at hinalikan sa sintido. Nag-order na lang si Doc Marco para sa'ming dalawa hindi na kasi kami nakakain sa bar dahil sa biglaang pag-alis namin. Pagkatapos namin kumain pumunta na rin kami sa k’warto, pinagpalit muna niya ‘ko ng damit, pinahiram niya sa'kin ang white t-shirt niya at pajama na kasya rin naman sa'kin. Kakalabas ko lang ng banyo nang makita ko siyang inaayos ang kama.
"S-saan ka matutulog?” nauutal kong sabi sa kan’ya.
"Dito," walang paligoy-ligoy niyang sagot, pinanlakihan ko naman siya ng mata at kunwari'y umubo.
"T-tabi tayo?”
"Yes why?” nakita ko naman ang pilyo niyang ngiti. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin na siya naman ang ikinaatras ko, naramdaman ko na lang ang pader sa aking likuran tinukod naman niya ang kan’yang palad sa pader at yumuko para magpantay kami.
"Afraid?” nakangisi niyang tanong na ikinaiwas ko nang tingin..
"Hi-hindi ah!” Shit naman sobrang lapit naman ng mukha namin hindi ako makahinga nang maayos.
"Then why are you acting like that?” Hindi pa rin niya inaalis ang titig sa’kin. Madilim sa kan’yang k’warto tanging isang lamp shade lang ang nakabukas.
"Aahm ano kasi...ah D-doctor Marco ang la-pit lapit m-mo hindi ako m-makahinga," i heared him chuckled. Hinapit niya ‘ko sa bewang na ikinasinghap ko at niyakap ako. Ang bango-bango niya parang gusto ko siya laging yakapin, sinubsob ko naman ang mukha ko sa kan’yang dibdib.
"Let's sleep babe don’t worry wala akong gagawin sayo," nagulat naman ako sa tinawag niya sa'kin, kaya naman tiningala ko siya.
"B-babe?”
"Hmn..ayaw mo?”
"Hindi naman,” tipid siyang ngumiti. Umupo siya sa gilid ng kama at tinapik niya pa ‘yon para humiga na rin ako. Sumunod naman ako at nahiga.
"Come here babe," lumapit ako sa kan’ya at iniunan niya sa’kin ang kan’yang braso at niyakap niya. Nakasubsob naman ako sa kan’yang dibdib.
"Nagustuhan mo ba ‘yong mga red roses?” Napaangat naman ako para tignan siya.
"You mean?”
"Yes its me," pinanlakihan ko naman siya ng mata dahil sa gulat.
"ikaw ‘yong M.M?!
"Yes it's my initial." Shit naman bakit hindi ko naisip ‘yon. Sabagay ni minsan hindi sumagi sa isip ko na bibigyan niya ‘ko ng bulaklak dahil ang alam ko hindi niya ako gusto.
"Hindi mo ba naisip na ako yon?”
"Paano ko naman maiisip yon? Kasi sa pagkakaalam ko hindi mo ako gusto kaya hindi sumagi sa isip ko na ikaw ‘yon”
"I'm sorry natakot lang kasi ako, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin sayo.” Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at parang ayaw ko nang pakawalan na sana lagi na lang ako sa mga bisig niya.
"I love you Macelyn," he said in a husky voice. Hindi ako sumagot gusto ko siyang asarin.
"Babe?” tawag niya sa'kin ng hindi ako sumagot.
"What?”
"I said I love you," napangiti ako, hindi pa rin ako sumasagot. Lumayo siya nang bahagya sa pagkakayakap para titigan ako.
"I already said i love you but you didn't answer me back," gusto kong matawa sa itsura niya para talaga siyang bata, ang sarap niya pang asarin. Hindi ko na talaga napigilan ang matawa sa kan’ya kaya pinanliitan naman niya ako ng mata.
"Stop teasing me Ms. Brilliantes kung ayaw mong parusahan kita," natigilan naman ako sa kan’yang sinabi, siya naman ngayon ang nakangisi.
"See? you're afraid huh?” Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Alam mo Doctor Marco kahit hindi ko naman sabihin sa’yo ‘yon alam mo naman ang sagot. Unang tibok pa lang nitong puso ko alam kong ikaw na, hindi pa rin nagbabago ang tibok nito sa’yo. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ‘ko pagkuwa'y dumako ang titig niya sa aking mga labi. Napalunok akong bigla parang alam ko na ang susunod niyang gagawin. Walang sabi-sabing hinalikan ako nang banayad. Nilagay ko naman ang kamay ko sa kan’yang dibdib at ang isang kamay niya ay nasa aking pisngi. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang matapos niya ako halikan. Ngumiti siya at niyakap akong muli.
"Let’s go to sleep, baka hindi ako makapagpigil. I'm not saint babe." Pinilit ko na lang hindi magsalita baka kung ano pang mangyaring hindi maganda.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (738)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god
09/12/2021
0Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...
02/12/2021
0nice story
04/09
0Tingnan Lahat