79

“We’re here, you can open your eyes now.” Bulong ni Red kay Atanasha at tinulungan itong tanggalin ang piring na nakatakip sa mata ni Atanasha.
“Surprise!” 
Sabay ng pag putok ng confetti ang pag sigaw nina Manang Fe. Bumungad sa paningin ni Atanasha ang mahabang table na punong puno ng mga masasarap na pagkain at nasa gitna nito ang isang malaking cake na kung tatantyahin ay nasa sampu ang layer nito. Napakaganda rin ng view dahil sa harap nito ay makikita ang napaka linaw na tubig ng dagat, nag rereflect pa dito ang ilaw ng bilog na buwan. 
“Happy birthday to you! Happy birthday to you!” 
Halo halong emosyon ang naramdaman ni Atanasha sa mga oras na yon. Sa sobrang pagkamangha ay hindi niya na rin napansin na nasa kanyang gilid na pala si Red at may dala dala itong bouquet ng pink tulips. “For you, my love. Happy birthday!” Nakangiting saad ni Red sabay abot ng bouquet kay Atanasha. 
Maluha luhang tinanggap ito ni Atanasha at niyakap ng pagka higpit higpit si Red. Hinalikan naman siya nito sa noo at inaya na maglakad papasok. Sumalubong sa kanya si Kuya Roy na may dala dalang bouquet ng rosas, “Madam, Happy happy birthday! Sana ay napasaya ka namin sa espesyal na araw mo ngayon. Wish ko sa inyo ni sir, ay sana maging masaya ang mga susunod na taon na magkasama na kayo. Maraming maraming salamat madam sa mga kabutihan at mga tulong na naibigay nyo sa amin. Pagpalain pa po kayo nawa ng may kapal. Happy birthday, madam!” 
“Thank you po, kuya…” Hindi pa rin mapigilan ni Atanasha ang pag tulo ng kanyang mga luha sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. Matapos maibigay ni Kuya Roy ang bulaklak ay sumunod naman dito si Manang Fe. May dala dala itong mumunting regalo. “Maligayang kaarawan sayo, hija! Itong regalo ko sayo simple lang pero sobrang mahalaga sa akin. Kwintas ito na namana ko pa sa mga magulang ko. Sabi ko sa sarili ko noon na ibibigay ko ito sa mapapangasawa ng magiging anak ko… Pero dahil hindi na ako nakapag asawa at sa sobrang tagal ko na rin namang kasambahay ng mga Buenavista ay tinuring ko na ring parang anak ko si Red. Kaya naman sayo ko na ipapasa ito. Ingatan mo sana tulad ng pag iingat na ginawa ko. At sana maipasa mo rin yan sa magiging asawa ng anak mo.”
“Pero manang…” 
“Sobrang proud ako sayo, hija. Kung pwede nga lang ibigay na sayo lahat lahat dahil sobrang deserve mo lahat, sa sobrang dami mong pinagdaanan at nalagpasang problema alam kong kulang pa ito para rewardan ka. Kaya tanggapin mo na ito… Maligayang kaarawan… mm….” Sambit ni Manang Fe sabay yakap ng mahigpit kay Atanasha. “Thank you po, manang.”
“Hi, ate! Alam ko pong hindi pa tayo ganon ka tagal na mag kasama pero… Sayo ko lang po naramdaman ang pagmamahal ng isang ate. Sobrang saya ko po na kayo po ang mga naging amo ko dahil never ko pong naramdaman na iba ako sa inyo. Kesa maramdamang nasa trabaho ako ay mas nararamdaman ko pong kasama ko lang ang pamilya ko. Malaki rin po ang pagpapasalamat ko sa inyo dahil sa mga naitulong nyo po para sa pamilya ko sa probinsya. Kung hindi po dahil sa inyo ay malamang sa malamang ay natutuyot na sila dun sa gutom. Ipapangako ko po sa inyo ate na aalagaan ko po ng maigi si Blaze. Sana po ay maenjoy mo po ang araw mo, ate… Happy birthday po!” Litanya ni Maris sabay abot ng kanyang regalo kay Atanasha. 
Sumilay sa mga mata at labi ni Atanasha ang kasiyahan, “Thank you, Maris! Alam mo namang iisang pamilya tayo dito diba? Sinabi ko naman na yan sayo na gusto ko para lang tayong iisang pamilya sa bahay. Masaya ako na nandyan kayo dahil sa inyo ko lang naramdaman ang init at pagmamahal ng isang pamilya na never kong naramdaman sa sarili kong tahanan. Nakaka speechless grabe… Hindi ko ineexpect lahat ng to… I don’t know what to say… Sa totoo lang, I really forgot today was my birthday. I didn’t think that you guys would actually know it. Sobrang tagal na din noong na celebrate ko yung birthday ko… Ngayon ko nalang ulit naranasang makatanggap ng ganito and sobra akong nagpapasalamat sa inyong lahat, lalong lalo na kay Red… Thank you…” Nagsimula na namang traydorin si Atanasha ng kanyang mga luha. Nag uunahan ito sa pag tulo na kahit sya ay hindi nya mapigilan.
“Why are you crying? You’re making it seem like we’re bullying you, love.” Pagpapatahan ni Red kay Atanasha. Marahan niyang hinahaplos ang likod nito, “Tahan na, sige ka masisira na yang makeup mo. Gusto mo bang mukha kang broken sa birthday mo?” Pabirong usal pa ni Red at tinulungan si Atanasha sa pag punas ng mga luha nito. Tumigil na ito sa pag iyak at sakto naman ang pag pasok ng mga staff ng hotel. Sinindihan ng mga ito ang mga kandila na nakapalibot sa birthday cake ni Atanasha.
“Quick, go blow out the candles para makapag cut ka na ng cake then tell me your birthday wish.” Nakangiting aya ni Red kay Atanasha.
“Hmm… If you say it out loud then it won’t come true. Unless you’re planning on being the birthday fairy.” Taas noong sambit ni Aatnasha. “Pero gusto kong malaman yung birthday wish mo…” Sambit pa ni Red ngunit hindi na ito pinansin ni Atanasha at nag simula ng humiling. 
Does he really plan on making my wish come true?... If that’s the case, then can I wish for him to treat me well?... 
“Love…” Sambit ni Red at hinawakan ang baba ni Atanasha upang iangat ang ulo nito, “It’s already been five minutes, Exactly how many birthday wishes are you counting?”
“Ayoko ngang sabihin, it’s a secret.” Mabilis na sumimangot si Red at umaktong nagtatampo. Agad na kumuha ng slice ng cake si Atanasha at lumapit kay Red upang amuin ito. “Wag ka na magalit, oh ito subuan nalang kita ng cake.” Sambit ni Atanasha ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Red. Kaya naman kumuha siya ng icing at ipinunas ito sa pisngi ni Red na talagang ikinagulat ni Red. Patawa tawang tinitigan ni Atanasha si Red, agad namang hinila ni Red ang kamay nito na may icing at dinilaan ito. “It’s pretty good. I suddenly thought of a better way to eat the cake, love. Would you try it out with me?” Sumilay ang mapanlokong ngiti sa mga labi ni Red.
Samantala, habang abala ang lahat sa pag celebrate ng kaarawan ni Atanasha ay hindi alam ng lahat na may isang taong nagmamasid sa kanila mula sa malayo. “Miss, is that enough now? If we stay longer and get discovered by the person in charge then we’re finished.”
“I understand, in a bit the money will be transferred to your card.” Sambit nito at nagsimula ng maglakad paalis. 
Red Caden Buenavista, why… why won’t you even give me a chance to explain myself, but you treat that woman so well… Since you keep treating me like this, don’t question my heartlessness. I’ll definitely make you two regret it!

Komento sa Aklat (201)

  • avatar
    DogandoRocelyn

    super nice story ☺️🥰

    01/09/2025

      0
  • avatar
    Jennely Melencio

    nice

    31/08/2025

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    24/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata