Homepage/I'm Your Bride/Maid/
40
"Sa tingin mo ba nagawa ni auntie?" Hindi mapakaling tanong ni Sofia kay Faye. Narito sila ngayon sa kwarto ni Sofia upang kuhain ang sunscreen ngunit may iba pa silang dahilan kung bakit sila nag tungo roon. Ilang minuto nang nag papa ikot ikot si Sofia sa apat na korner ng silid na iyon.
"Can you relax? Geez! Alam mo maupo ka diyan at kumalma ka. Wala namang mangyayari kung magpapalakad lakad ka diyan. Ako lang ang nahihilo sayo." Inis na sambit ni Faye kay Sofia.
Wala namang nagawa si Sofia at na upo na lamang at nag hintay ng susunod na hakbang sa kanilang mga plano.
-
Samantala, habang hindi mapakali ang dalawa sa kanilang silid ay siya namang pagiging kalmado ni Mrs. Buenavista. Idinilat nito ang kaniyang mga mata at sinilayan ang mahimbing na pag kaka tulog ni Atanasha.
------------Flashback----------
Habang abalang kumukuha ng litrato ang tatlo ay agad na nag tungo si Mrs. Buenavista sa kusina ng villa. Sumalubong sa kaniya ang iilang tauhan roon.
"Inihanda niyo na ba ang inutos ko?" Tanong nito sa mga tauhan.
Tumango naman ang mga ito at inilabas ang dalawang bote ng wine at isang bote ng hinihinalang pampatulog. Kumuha ng isang wine glass si Mrs. Buenavista at marahan itong binuhusan ng wine bago inilagay ang pampatulog. Nangingiti pa ito nang haluin ang ang wine upang maipag sama ang mga inilagay.
Nag buhos rin siya ng isa pang wine sa isang glass upang ito naman ang kaniyang iinumin. Nang matapos ay lumabas na siya ng villa at nag tungo kina Sofia at Faye. Hindi niya ito nilapitan at sinenyasan lamang ang mga ito. Maya maya pa ay siya namang pag dating ni Atanasha, kakagaling lamang sa pag sagot ng tawag ni Red. Lumapit ito kina Faye at Sofia at nag paalam naman ang dalawa na kukuha lamang ng sunscreen sa silid ni Sofia. Kaya naman naiwang mag isa si Atanasha.
Nang makita ni Mrs. Buenavista na wala na itong kasama ay ito na ang naging hudyat ng kaniyang pag pasok. Sinensyasan niya ang mga tauhan na sumunod sa kaniya. Nang makalapit siya kay Atanasha ay inanyayahan niya ito uminom at iniabot ang inihanda niyang wine na may kasamang pampatulog.
----------End of Flashback----------
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at nilapitan si Atanasha upang matitigan ito ng maigi. Nang makalapit ay inilinga niya ang kaniyang ulo palapit kay Atanasha. Pinagmasdan niya ito ng maigi at siniguradong tumalab ang kaniyang ipina inom na pampatulog na kaniyang inihalo sa wine. Iginalaw niya ang ulo ni Atanasha upang makasigurado. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang mag tagumpay sa kanilang ipinaplano.
Nag lakad na siya papasok sa villa at nang makapasok ay sumalubong sa kaniya sina Sofia at Faye na halatang sabik na sa kanilang pinakahihintay na balita.
"How was it? Did it work, auntie?" Bungad na tanong ni Sofia. Nanahimik lamang si Mrs. Buenavista at na upo sa sofa. Nag buhos siya ng tsaa sa tasang nasa mesa at ininom ito. Wala namang nagawa ang dalawa at ikinalma na lamang rin ang kanilang mga sarili at na upo na rin. Pinagmamasdan lamang nila si Mrs. Buenavista at naghintay na mag salita ito. Nang matapos sa pag higop si Mrs. Buenavista at nailapag na ang kaniyang iniinom sa mesa, "Our mission here is done. Shall we go home now?" Nakangiting sambit ni Mrs. Buenavista.
Agad namang kuminang ang mga mata ng dalawa na para bang nanalo ito sa lotto. Nag tinginan pa sina Faye at Sofia at napangiti na para bang nag uusap sila sa ganoong paraan.
"Well... Oras na siguro para umuwi baka maabutan pa tayo ng bagyo dito. Masira pa yung pinaplano nating iwan dito mag isa yang malanding Atanasha na yan." Nakangising sambit ni Faye.
Tumango naman ang dalawa at agad silang nag ayos ng kanilang mga gamit at nag bihis na upang maaga silang makaalis. "Bilisan na natin at baka magising pa yun..." Nag mamadaling sambit ni Sofia habang hila hila ang kaniyang dalang maleta. Iniabot niya ito sa kaniyang mga tauhan at isa isang dinala ng kanilang tauhan ang kanilang mga dalang maleta.
Bago sila mag tungo sa yacht ay sinilip muna nila si Atanasha, "Paki buhat siya papuntang kwarto." Utos ni Mrs. Buenavista sa isang lalaking tauhan nina Sofia. Agad itong sinunod ng lalaki at marahan na binuhat si Atanasha. Nang binuhat niya ito ay hindi nila napansin na nahulog ang phone ni Atanasha sa kaniyang inuupuan.
Nang matapos na maiakyat si Atanasha sa silid ay dali dali namang nagsi tungo ang tatlo sa yacht. Lahat ng tauhan nina Sofia ay isinama rin nila kaya naman wala talagang ka tao tao na naiwan na makakasama ni Atanasha sa Sofis Paradise. Nang makaakyat ang lahat sa yacht ay sinalubong sila ng mag mamaneho ng yacht.
"Aalis na po ba tayo ma'am?" Tanong nito kay Sofia.
"Yes." Sabay na sambit nina Sofia at Faye. Nagtinginan pa sila at nag tawanan sa kanilang ginawa.
"Wala na po ba kayong naiwan? Na recheck niyo na po ba ang mga dala niyo? Mahihirapan na po kasi tayong makabalik kung may maiiwan pa kayo dahil paparating na ang bagyo mamayang gabi." Tanong nito kina Sofia.
"Nope. Wala na. Kung may naiwan man kami, basura nalang yun. Kailangan pa bang dalhin pati ang basura?" Nakangising tanong ni Faye.
Umiling naman bilang sagot ang lalaki, tumango ito at nag tungo na sa loob upang i start ang makina ng yacht. Na upo na ang tatlo at hindi pa rin matigil sa pag ngiti na para bang ito na ang pinaka masayang araw na dumating sa kanila. Maya maya pa ay nag simula ng umandar ang yacht. Aabutin nang isa't kalahating oras ang kanilang byahe dahil sa layo ng private island sa pampang.
-
Samantala, habang nasa meeting si Red ay hindi nito magawang makapag focus sa kaniyang trabaho. Nag aalala pa rin kasi siya kay Atanasha kahit na klinaro na nito kanina na wala namang masamang ginagawa sa kaniya sina Sofia. Buong oras siyang lutang at lumilipad ang isip. Natapos na lamang ang kanilang meeting ay halos hindi pa rin siya mapakali.
Agad niyang kinuha ang kaniyang phone at nag message kay Atanasha kung kamusta na ba ito.
"Sir, your next meeting will start at 10 minutes. Do you want to have some coffee first before going there?" Tanong ni Ms. Dein kay Red.
Tumango lamang si Red at nag tungo na sa kaniyang room. Nasa five star hotel sila ngayon sa Singapore at abala sa pag aasikaso sa kanilang mga susunod na projects. Nang makarating sa kaniyang room ay na upo muna siya sa sofa at isinandal ang ulo dito. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan na mag alala kay Atanasha. Wala naman siyang magawa upang puntahan at bantayan ito dahil sunod sunod pa ang mga meeting na kailangan niyang daluhan.
Maya maya pa ay pumasok na si Ms. Dein na may dala dalang tasa na may kape at inilapag ito sa mesa na nasa harap ni Red. "Secretary Dein, I want you to make a call. Tawagan mo si manang sa mansion and tanungin mo kung naka uwi na ba si Atanasha." Utos ni Red sa kaniyang sikretarya. Agad naman itong sinunod ni Ms. Dein at nag paalam na muna sa kaniyang boss upang tumawag sa mansion.
Habang wala pa si Ms. Dein ay ininom muna ni Red ang kapeng inihanda nito. Minuminuto niya ring tinitignan ang kaniyang phone upang i check kung nakapag reply na ba si Atanasha, ngunit wala pa rin itong naging paramdam.
Maya maya pa ay pumasok na namang muli si Ms. Dein, "Sir, hindi pa raw po nakakabalik si Ma'am Atanasha. Ang sabi ni Manang Fe ay nakatanggap na sila ng tawag mula sa mama niyo at pauwi na raw ang mga ito." Sambit ni Ms. Dein.
Napatango naman si Red sa kaniyang narinig. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang balita na pauwi na ito. Tumayo na siya at inayos ang kaniyang sarili upang umattend sa kaniyang susunod na meeting.
-
Nang makarating sa pampang ang yacht na sinasakyan nina Sofia ay sumalubong sa kanila si Kuya Roy. Nakangiti itong sumalubong sa kaniyang amo at binati pa ito at kinamusta ang kanilang naging maikling bakasyon. Nang maipasok ang lahat ng gamit ay doon lamang napag tanto ni Kuya Roy na para bang hindi kasama ng mga ito si Atanasha.
Hindi muna siya pumasok sa sasakyan at hinintay muna kung may bababa pa ba sa yacht na iyon. Nang mapansin ni Mrs. Buenavista ang ginagawa na pag hihintay ni Kuya Roy ay inis itong sumilip sa bintana, "ano pa bang ginagawa mo diyan? Tara na!" Galit na sambit nito kay Kuya Roy.
Napakamot naman sa kaniyang ulo si Kuya Roy, "Ah-- kasi ma'am... Wala pa po si Ma'am Atanasha... Hindi po ba't kasama niyo siya kanina? Hindi po ba siya sasabay sa atin pauwi?" Sunod sunod na tanong ng nag aalalang si Kuya Roy. Agad namang natigilan si Mrs. Buenavista sa sinabi nito at agad na nag isip ng mai aalibi. Nag tinginan naman sina Faye at Sofia at halata sa mga mukha nito ang kaba.
"Nauna na siyang umuwi. Nag walk out siya kanina nang makarating kami doon, hindi niya ata nagustuhan na kasama niya ako sa iisang isla." Sambit ni Mrs. Buenavista habang inilayo ang kaniyang paningin kay Kuya Roy.
Napakunot noo naman si Kuya Roy sa sinabi nito. Simula kasi nang makarating siya sa hintayan ay wala siyang nakitang yacht na dumaong sa pampang. Wala ring Atanasha na lumitaw. Nag simulang makakutob si Kuya Roy sa ikinikilos at lumalabas sa bibig ng kaniyang amo.
"Ano pang hinihintay mo diyn? Tara na at gusto ko ng makapag pahinga." Iritang sambit ni Mrs. Buenavista.
Wala namang nagawa si Kuya Roy at pumasok na lamang sa sasakyan at pinaandar na ito. Habang nasa byahe ay iniisip niya pa rin kung totoo ba ang sinambit ng kaniyang amo na nauna na si Atanasha. Nais man niyang tanungin pa ang mga ito ngunit wala naman siya sa posisyon upang mangialam pa. Mapapahamak lamang ang kaniyang trabaho kung kukulitin niya pa ito. Ayaw niya namang matanggal sa trabaho dahil may pamilya pa siyang binubuhay sa kanilang probinsya at inang sinusustentuhan ang pagpapa gamot.
-
Ilang oras rin ang lumipas bago sila makarating sa mansion. Sa kanilang pag baba ay agad silang inalalayan pa sila ni Kuya Roy at tinulungan na maibaba at maipasok sa loob ng mansion ang kanilang mga gamit. Nag simula na ring dumilim ang kalangitan at mukhang nag babadya na ito sa pag buhos ng malakas na ulan.
Nang matapos sa pag pasok ng mga gamit ay agad na nag tungo si Kuya Roy sa kusina upang hanapin si Manang Fe.
"Manang!" Tawag nito sa matanda. Bigla namang nagulat si Manang Fe at inis na tinignan ang hindi na mapakali na si Kuya Roy. "Ano ka ba naman! Gusto mo ba akong mamatay sa sakit sa puso?!" Inis na tanong ni Manang Fe.
"Pasensya na manang... May gusto sana kasi akong ibalita sayo..." Nag aalalang sambit ni Kuya Roy.
Napakunot naman si Manang Fe sa sinabi nito, "ano ba yun?"
"Eh kasi Manang.... Di ba kasama nilang umalis si Ma'am Atanasha kanina?" Tanong ni Kuya Roy kay Manang Fe.
"Oh anong meron?" Balik na tanong naman ni Manang Fe sa pag putol ni Kuya Roy sa kaniyang nais sabihin.
"Eh kasi manang... Hindi na nila kasama si Ma'am Atanasha noong pauwi na sila... Ang sabi naman ni Madam Buenavista na nauna na raw umuwi si Ma'am Atanasha pero kasi maaga akong dumating doon sa hintayan sa kanila at kung totoo mang nauna nang umuwi si Ma'am Atanasha, edi sana nakasalubong ko siya roon..." Napakamot na lamang si Kuya Roy habang kinikwento kay Manang Fe.
"Sigurado ka ba diyan? Jusko po... Kung nauna man na makauwi si Ma'am Atanasha, hindi ba dapat nandito na siya ngayon sa mansion kanina pa?" Balik na tanong ni Manang Fe. Nag simula na silang kabahan kaya naman agad na kinuha ni Manang Fe ang kaniyang phone at dali daling tinawagan si Red.
Nakailang ring pa siya bago ito sumagot. Nang makasagot ito ay si Secretary Dein pa ang sumagot ng tawag.
[Manang? Nasa meeting pa po si sir... May problema po ba?]
"Jusko hija! Importanteng importante lang talaga... Pasensya ka na kung naabala kita sa oras ng trabaho mo ah pero kasi si Ma'am Atanasha kasi... Hindi siya kasamang bumalik nina Madam... Nag aalala na kami kasi ang sabi daw ay nauna na daw na makauwi si Ma'am Atanasha pero kasi kung nauna na siya edi sana nandito na siya sa mansion kanina pa pero wala..."
[Okay po manang... Kumalma po muna kayo at baka makasama po sa kalusugan niyo yang grabeng pag aalala. 'Wag po kayong mag alala sasabihin ko po agad kay sir ngayon din.]
"Nako hija salamat ah... Nag aalala na talaga kami kay Ma'am Atanasha at baka may masama nang nangyari sa kaniya jusko po wag naman sana..."
[Ako na po ang bahala makakabaot po agad kay sir...]
-
Red POV
I was busy listening to a presentation presented by my meeting partners when suddenly my secretary entered the room.
"Sir, may situation po tayo... Si Ma'am Atanasha po, hindi raw po nakasama sa pag balik ng mama niyo... Ang sabi po ay nauna na raw pero hanggang ngayon ay wala pa rin..." She whispered.
"What?!" Agad akong napatayo sa aking pag kakaupo. Agad kong ipinatig ang meeting at humingi ng tawad sa mga ito. Dali dali akong nag tungo sa aking room at inayos ang aking mga gamit. "Magpadala ka na ng mga tao para hanapin si Atanasha. Paki ready na rin ang private plane, uuwi tayo ngayon din." Maawtoridad na utos ko sa aking sikretarya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Wala talaga akong tiwala sa pag sama niya pa doon. Hinding hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Atanasha...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (201)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super nice story ☺️🥰
01/09/2025
0nice
31/08/2025
0done
24/08/2025
0Tingnan Lahat