Homepage/SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1/
CHAPTER 28: CHANGES
SHILOAH’S POINT OF VIEW,
“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.
Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.
Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.
Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.
“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiretso na rin sa tabi namin sina Levi at ang iba pa upang tignan ang nangyari. Pilit kong inaaninag ang nangyari sa loob pero puro usok lang ang nakikita namin.
“Iyon ba ang kapangyarihan ng espada ni Historia?” hindi makapaniwalang tanong ni Sir Frank.
“Nakapagtataka lang na hindi gaanong nakapinsala ang pinalabas niyang kapangyarihan,” wala sa sariling saad ko.
“What do you mean?” naguguluhang tanong ni Howard.
“Ang lightning flash ay ang pinakamalakas na kapangyarihan ng isang espada. Mahirap palabasin ang ganoong kapangyarihan lalo na’t baguhan ka lang. Kilala natin si Historia, hindi pa naman siya nakapag-training ng matagal. Baguhan pa lang siya sa mundong ito, pumasok siya rito na animo’y walang alam sa lahat. Hindi ba’t ang lighting flash ay malaki ang nagagawang pinsala? Iniisip ko na ito simula pa lang nang una niyang pinalabas ang ganitong kapangyarihan noong Acquittance party. Malaki ang pinsala nito sa kalaban at lalong lalo na sa sariling katawan,” sagot ko sa kaniya na nakapagpasinghap sa kanilang lahat.
“Fuck!” mura ni Levi at nagmamadaling lumabas ng system room. Agad namin siyang sinundan at huminto siya sa tapat ng pintuan ng training ground at kinalampag iyon.
“Historia! Damn it, Historia! Lumabas ka riyan, baby!” sigaw niya habang walang tigil sa pagkalampag sa pintuan.
“Levi, ano ba?!” Pinigilan siya ni Xylem gamit ang paghawak niya sa braso ni Levi at saka siya pinanlakihan ng mga mata na tila may pinapahiwatig. Damn, I'm jealous!
“Bitawan mo ako, Xylem! Kailangan kong makita si Historia. Historia, baby!” Winaksi ni Levi ang kamay ni Xylem at saka bumalik sa pagkalampag sa pintuan ng training ground at nagsisisigaw.
“Levi!” sigaw ni Xylem at saka yumakap sa likuran ni Levi na nakapagpasinghap sa mga kasama namin. Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kirot sa bandang dibdib ko.
Napatigil si Levi sa pagsigaw at sa pagkalampag sa pintuan, tila naestatwa siya dahil sa ginawang pagyakap sa kaniya ni Xylem. Nakasiksik ang mukha ni Xylem sa likuran niya at may binubulong.
Tinapik ni Howard ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin at hinayaan lang ang sarili ko na panooring nakayakap ang babaeng mahal ko sa taong nagpapatibok ng puso niya.
Masama bang hilingin na dapat ay ako na lang si Levi? Ako na lang sana, Xylem.
Nawala ang tingin ko sa dalawa nang biglang bumukas ang pintuan ng training ground. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Historia habang nakatingin sa dalawang tao na nasa harapan niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang dumaang sakit sa mga mata niya na mabilis ding nawala.
Sinuri ko ang katawan niya at punong puno siya ng galos, may dugong umaagos sa kaniyang mukha na galing sa kaniyang ulo at halos hindi na mamulat ang kaniyang kanan na mata dahil sa pamamaga. Malaki rin ang naging pinsala ng pakpak niya pero agad rin itong naglaho sa likuran niya.
“Historia!” bulalas ni Persia at agad lumapit sa kaniya. Lumapit na rin ako at agad inalalayan si Historia. Hinawakan ko ang beywang niya at nilagay ang braso niya sa balikat ko upang maalalalayan siya dahil muntik na siyang tumumba dahil sa pagod. Nanghihina na rin siya at nakahawak na ang kaliwang kamay sa kanang beywang niya na animo’y inaalalayan ang sarili.
“Historia!” tawag sa kaniya ni Levi at saka inalis ang pagkakayakap ni Xylem. Lumapit siya kay Historia at akmang hahawakan niya si Historia nang biglang umiwas ang dalaga. Inangat niya ang tingin kay Levi at malamig siyang tinignan.
“Don’t touch me! I don't need you,” mariin na sagot sa kaniya ni Historia.
Natulala si Levi sa inasal ni Historia at natigilan sa pwesto niya. Hindi na siya pinansin pang muli ni Historia.
“Historia,” pagtawag sa pangalan niya ni Sir Frank.
“Alam ko ang nagawa kong kasalanan pero hindi ko tatanggapin ang anumang parusa na ibibigay ninyo sa akin,” seryoso at malamig na boses na sagot ni Historia kay Sir Frank. Gulat na gulat sina Persia at ang iba pa naming mga kaibigan dahil sa inaasal ni Historia, kahit ako ay nagulat. Hindi ko na alam kung si Historia pa ba ang kasama namin ngayon.
Napabuntong hininga si Sir Frank dahil sa naging sagot ni Historia. Inayos niya ang suot niyang salamin at muling binaling ang tingin kay Historia.
“Saan mo nakuha ang pendant na nasa noo mo?” seryoso ngunit mahinahon na tanong ni Sir Frank kay Historia. Bahagya naman akong napatingin sa noo ni Historia, may nakakabit na parang kwintas sa noo niya na ngayon ko lang napansin dahil natatabunan ng bangs niya.
“I’m sorry Sir Frank, but it's none of your business. I don't trust you,” mariin na sagot ni Historia sa kaniya na lalong nagpagulat sa amin. Anong inig niyang sabihin?
“Historia, come on. Dadalhin ka na namin sa clinic,” singit ni Howard sa usapan at akmang aalalayan din si Historia.
“Stop!” biglang saad ni Historia na nakapagpahinto kay Howard na lapitan siya. Nagtataka siyang tinignan ni Howard pero hindi na siya nagsalita pa. Umalis siya sa pagkakaalalay ko at tumayo ng tuwid at saka naglakad palayo sa amin.
“Historia, wait!” Naalarma si Levi at agad na sinundan si Historia at saka hinawakan sa braso upang pigilan sa paglalakad. Nanonood lang kami sa dalawa at walang nagtangkang magsalita dahil na rin siguro sa gulat dahil sa inaasal ni Historia ngayon.
Napahinto si Historia sa paglalakad, mabilis siyang humarap kay Levi at ginawaran ito ng malutong na sampal na kinasinghap ko.
“Historia, bakit mo ginawa kay Levi iyon?” gulat na tanong ni Xylem at lumapit na rin sa pwesto nilang dalawa. Damn it, Xylem. Ako dapat ang pinagtatanggol mo, ako dapat ang mahal mo.
“Sino ka ba para question-in ang ginawa ko sa lalaking ito?” malamig na boses niyang tanong sabay duro kay Levi.
“What?!” gulat na tanong ni Xylem at marahan pang napatawa. Iba ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon, pakiramdam ko ay ibang tao ang Historia na nasa harapan namin ngayon.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Historia? Sino ako? Kaibigan mo ako, Historia!” halos pasigaw na saad ni Xylem.
Nagtaka ako nang biglang humagalpak ng tawa si Historia dahil sa sinabi sa kaniya ni Xylem.
“Historia, ano ba ang nangyayari sa iyo?” naguguluhang tanong ni Haria sa kaniya.
“Nakakatawa kasi ang sinabi niya, hahahaha. Bagay sa kaniya maging clown, promise. Bentang benta iyong joke niya,” tumatawang sagot ni Historia habang nakaturo kay Xylem. Napahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa.
“Historia, ano ba? Hindi na nakatutuwa,” inis na sabi ni Lian kaya bahagya ko siyang hinawakan sa braso upang pakalmahin siya. Napatigil sa pagtawa si Historia dahil sa sinabi ni Lian, nilapitan siya ni Howard at hinila pero mabilis siyang nagpumiglas sa pagkakahawak ni Howard.
“Don’t touch me!” sigaw ni Historia kay Howard.
“Ano ba, bakit ang tigas ng ulo mo? Tara na!” nagtitimping saad ni Howard at muling sinubukang hilahin si Historia.
“Howard, huwag mong puwersahin si Historia.” Pigil sa kaniya ni Levi habang nakaharang sa daraanan nila.
“Hep! Tumigil na kayo mga bata,” mahinahon na saad ni Sir Frank.
Napatigil sina Levi at Howard pero si Historia ay napairap lang. Sinenyasan ni Sir Frank ang mga bata niya na bumalik sa loob ng system room pero hindi nakatakas sa paningin ko ang isang lalaki na nakangising nakatingin kay Historia bago pumasok sa loob ng system room. Pamilyar siya sa akin, sa tingin ko ay nakita ko na siya sa kung saan man. Pinilig ko ang ulo ko at winaksi ang iniisip ko, isa siyang estudyante at malamang ay pamilyar talaga siya sa akin dahil former president ako ng Schwert Academia.
“Huwag kayong magpanggap na para bang may pakialam kayo sa akin. Hindi ko naman hinihingi ang pag-aalala ninyo sa akin. I'm sorry sa nagawa ko at sa mga damage, Sir Frank. Haharapin ko na lang ang parusa ko once na matapos ang War of Cities,” mahinahon na saad ni Historia na tinanguan lang ni Sir Frank.
“Ano bang sinasabi mo?” naguguluhan na tanong ni Persia sa kaniya.
“Hindi ko kailangan ng mga kaibigan na kagaya ninyo at mas lalong hindi ko kailangan ang pekeng pagmamahal mo!” Sabay duro niya kay Levi.
H-Hindi kaya. . . narinig niya ang pinag-uusapan namin kanina? Oh shit!
HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.
Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.
Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit sa kanila at tanungin ang tungkol sa mga narinig ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi nila at kung ano ba ang pinanggagalingan ng galit nila sa akin para lokohin at gaguhin nila ako.
Niloko nila ako at ginawang tanga, hindi ko alam na sinasaksak na pala nila ako nang patalikod. Ang sakit lang na tinuturing ko silang tunay na kaibigan pero hindi pala ganoon ang nararamdaman nila sa akin.
“Earth to Historia!” Tila bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Ryujin at kinaway ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.
“H-Ha? Bakit may sinasabi ka ba?” gulat kong tanong sa kaniya na kinakunot ng noo niya.
“Kanina pa kaya akong nagsasalita rito pero hindi ka pala nakikinig,” mataray niyang sagot sa akin. Halos matawa pa ako dahil sa paraan ng pagsasalita niya, para kasi siyang bakla.
“Pasensya ka na,” sagot ko na lang sa kaniya at nagsalong baba sa lamesa. Nandirito kami ngayon sa Cafeteria, katatapos lang namin mag-lunch pero hindi pa kami umaalis dito dahil may minuto pa kami bago magsimula ang unang klase sa tanghali.
“Ano bang iniisip mo?” buntong-hininga niyang tanong sa akin.
“Wala naman,” kalmado kong sagot sa kaniya at saka siya binalingan ng tingin.
“Iniisip mo na naman ba sina Levi?” tila nang-aasar na saad ni Celestine.
“Shut up, Celestine! Kinakausap ba kita?” inis kong tanong sa kaniya at saka inirapan siya. Napatawa siya at nilapag sa lamesa ang hawak niyang baso ng na may lamang juice. Pinagsiklop niya ang dalawa niyang palad at saka nagsalong baba sa harapan ko, magkaharap kami ng upuan.
“You know what, Historia? Pinagsabihan na kasi kita na ginagamit ka lang ni Levi pero hindi ka nakinig sa akin,” saad niya sabay irap sa akin.
“Blah, blah! Oo na, tama ka na at mali ako. Huwag mong isipin ang peke niyang feelings para sa akin. Ang isipin mo ay kung paano mo ipaliliwanag sa akin ang tungkol sa inyong dalawa ni Kuya Angelo,” saad ko at saka nag-cross arm sa harapan niya. Sumandal ako sa upuan ko at napangisi nang makitang natigilan siya dahil sa sinabi ko.
“Hindi mo pa rin nakalilimutan iyon?” inis niyang tanong sa akin.
“What? Kuya ko kaya ang pinag-uusapan nating dalawa. Hinding hindi ko talaga nakalilimutan iyon,” mataray kong sagot sa kaniya.
“Hep! Tama na iyan, girls. Tara na pumasok na tayo sa mga klase natin. Ihahatid na kita sa classroom mo Historia,” saad ni Ryujin at saka ako inalalayan patayo.
“What?! Paano ako?” nagdadabog na tanong ni Celestine.
“Matanda ka na, kaya mo na ang sarili mo,” walang emosyon na sagot ni Ryujin sa kaniya.
“My ghad! At anong tingin mo kay Historia, baby?” sarcastic niyang tanong na sinabayan niya pa ng pag- irap na kinatawa ako.
“I’m his baby while you’re my grandmother,” natatawa kong singit sa kanila habang kinukuha ko ang bag ko.
“Nakatatawa iyon?” iriti niyang tanong na lalo kong kinatawa. Pagharap ko sa kaniya ay hindi nakaiwas sa paningin ko ang table na nasa likuran ni Celestine. Biglang naglaho ang tawa ko at napalitan ng pagiging seryoso ang expression ng mukha. Nawala rin ang pagkairita sa mukha ni Celestine at pasimpleng lumingon sa likuran niya. Humarap siya sa akin at ngumisi.
“Kaya pala napahinto ka,” nang-aasar niyang usal sa akin. Inirapan ko siya at tuluyan nang sinukbit ang bag ko sa balikat ko.
“Tama na, Celestine. Tara na Historia,” saad ni Ryujin at saka ako hinila palayo sa table namin at naiwang mag-isa roon si Celestine na nakabusangot ang mukha.
Tahimik lang kami ni Ryujin habang naglalakad sa pasilyo ng building namin. Biglang pumasok sa isipan ko iyong araw na nakausap ko silang dalawa ni Celestine kaya sila ang kasama ko ngayon.
Pagkatapos kong umalis sa training ground ay ika-ika akong naglakad patungo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat pupunta o kung ano ang dapat kong gawin. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makalayo ako sa kanila dahil pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga kapag nagtagal pa ako roon.
“I’m summoning the Goddess of Healing— Caburayan, lend me your strength! Healing proper sphere, release!” bigkas ko habang patuloy na naglalakad. Dama ko ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko, unti-unting naglaho ang mga nararamdaman kong sakit sa buo kong katawan hanggang sa tuluyan ng guminhawa ang pakiramdam ko.
Tinago ko ang espada ko at ilang minuto lang ay lumiwanag na ang buo kong katawan. Nawala ang suot kong puting balabal at baluti pati na rin ang pakpak ko sa likuran, bumalik ako sa dati kong kasuotan at bumalik na sa leeg ko ang kwintas ko na kanina ay nakalagay sa ulo ko.
Naalala ko ang tanong ni Sir Frank kanina kaya napahawak ako sa pendant ng kwintas ko. Ano ang ibig sabihin ni Sir Frank sa tanong niya? Hindi kaya ay may kinalaman ang kwintas na ito sa nangyayari sa akin? Napailing ako, bakit naman ito ibibigay sa akin ni Lola kung may tinatago itong kapangyarihan?
Napatigil ako sa paglalakad nang may huminto na dalawang tao sa harapan ko. Bahagyang umangat ang ulo ko upang tignan kung sino ang dalawang tao na humaharang sa dinaraan ko.
“Anong kailangan ninyong dalawa?” walang gana kong tanong sa kanila.
“Mukha ka ng basang sisiw,” nandidiring saad ni Celestine habang nakakapit sa braso ni Ryujin. Napairap ako at balak na sana silang lagpasan, nang pigilan ako ni Ryujin sa pamamagitan nang paghawak sa braso ko.
“What now?” irita kong tanong at pilit na inaagaw ang braso ko sa pagkakahawak niya.
“Can you please shut up? Kailangan ka naming makausap,” mahinahon na sabi ni Celestine at saka nagtungo sa harapan ko.
“Anong kailangan nating pag-usapan?” seryoso kong tanong sa kaniya.
“Alam kong hindi maganda ang nangyari sa ating dalawa, pero puwede ba? Sumama ka na lang sa amin,” nagtitimpi niyang sagot sa akin. Kahit kailan talaga ay napakaikli ng pasensya ng babaeng ito.
“Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?”
“My ghad, Historia! Ayaw mo bang malaman ang nangyari sa aming dalawa ng Kuya Angelo mo? Ayaw mo bang malaman ang nalalaman ko? Ikaw rin, opportunity na ang lumalapit sa iyo.” Ngumisi siya na animo’y nahulaan ang kahinaan ko.
Natahimik ako at sandaling napaisip dahil sa sinabi niya. Uhaw na uhaw ako sa katotoohanan sa nangyari sa Kuya ko sa loob ng eskwelahan na ito. Gustong gusto kong malaman ang lahat at kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit ganoon na ang Kuya ko nang iuwi siya sa bahay.
“Ayaw mo? Okay fine, Tara na Ryujin. Ayaw naman ni Historia, ayaw kong magsayang ng oras sa kaniya.” Tatalikod na sana sila nang bigla akong magsalita.
“Saglit!” Pigil ko sa kaniya at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
“I knew it! Ang Kuya Angelo mo ang kahinaan mo,” nakangisi niyang saad at nag-cross arm sa harapan ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at binalingan ang tingin kay Ryujin na tahimik lang sa tabi niya.
“Anong kinalaman ni Ryujin sa Kuya Angelo ko?” nagtataka kong tanong habang nakataas ang kaliwang kilay.
“Oh, I forgot to tell you that he's my cousin. Malapit silang dalawa ni Angelo,” sagot niya habang iniikot ang dulo ng buhok niya gamit ang hintuturo niya.
Tinitigan ko si Ryujin sa mga mata niya at hindi nakatakas sa mga mata ko ang kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya na mabilis ding nawala.
“Okay, sasama na ako sa inyong dalawa pero sa isang kondisyon.” Napangisi ako dahil sa iniisip ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (125)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
may karungtong po ba?
27/11/2024
0amazing
07/09/2024
0ddkfjfffff
25/07/2024
0Tingnan Lahat