CHAPTER 17: POEMS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Dahan-dahan akong lumapit sa lamesa upang kumpirmahin ang hinala ko.
“Historia?” patanong na tawag ni Kuya Shiloah sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at tinuon lang ang pansin sa lamesa.
Nang makalapit na ako roon ay sumalubong sa aking mga mata ang nakahelerang papel at ang mga libro na tungkol lahat sa Baybayin.
“A-Ano iyang mga iyan?” nagtatakang tanong ni Kuya Shiloah.
“Simula ba nang umalis si Kuya Angelo ay wala nang pumasok sa kwartong ito?” tanong ko sa kaniya.
“Simula nang mawala si Kuya mo ay inanunsyo na ni Head Mistress Iris na isarado at huwag na huwag gagalawin ang kwarto ni Angelo. Ang binigay na dahilan sa amin ng Head Mistress kung bakit hindi na bumalik si Angelo ay dahil nakauwi na ito sa inyo. Kailangan daw si Angelo ng mga Snape dahil may malaking problemang kinahaharap ang pamilya ninyo,” mahabang paliwanag ni Kuya Shiloah.
Walang nakaaalam sa sitwasyon ngayon ng Kuya Angelo ko? Naguguluhan ako at pakiramdam ko ay lumayo na naman ako sa katotohanan.
Dinampot ko ang isang papel, kulay puti ito at halatang may kalumaan na dahil nangungupas na ang sulat nito pero malinaw pa rin namang nababasa.
Nangunot ang noo ko nang makita na Baybayin ang pagkakasulat ng nakasulat roon. Hinipan ko ang alikabok na nasa papel at akita ko ng mas malinaw ang mga simbolo sa papel.
“Hindi lahat ng rosas ay perpekto,
Huwag na huwag kang malilito,
Hindi lahat ng rosas ay detalyado.” Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko.
“I-Iyan ang nakasulat? Teka, nakababasa ka ng Baybayin?” tanong sa akin ni Kuya Shiloah.
“Oo, Kuya Shiloah. Natutunan ko iyon kay Daddy,”
Kinuha ko ang kasunod nitong papel at muling hinipan upang matanggal ang mga alikabok.
“Ang sumpa ay siyang nagsisilbing talulot,
Na naging sanhi ng sakit at puot,
Paghihiganti ang naging dulot.”
Hindi ito simpleng sulat lamang, sa tingin ko ay tula ang mga ito. Kinuha ko pa ang isa pa at muling binasa.
“Ika’y Rosas na nalalagasan ng talulot,
Uhaw marahil ay tagtuyot,
Isa ang kulay ngunit hindi mo mawari,
Nabuhay sa pagkukubli.”
“Bakit puro rosas ang laman ng mga tulang iyan?” nagtatakang tanong ni Kuya Shiloah.
“Sulat kamay nga ito ni Kuya Angelo,” naiusal ko ang kanina pang gumugulo sa isipan ko.
“H-Ha?” naguguluhang tanong ni Kuya Shiloah.
“Nakapagtataka lang kung saan galing ang mga Baybayin na libro ni Kuya Angelo,” saad ko. Tahimik lang si Kuya Shiloah sa tabi ko at mukhang may iniisip.
Kinuha ko ang mga pirasong papel na nasa lamesa at pinagpagan at saka ito binulsa. Humarap ako kay Kuya Shiloah na ngayon nagtatakang nakatingin sa bulsa ng hoodie ko.
“Kuya Shiloah, dala mo ba iyong sulat na binigay ni Kuya Angelo?” seryoso kong tanong sa kaniya. Dali-dali niyang kinapa ang bulsa niya at saka may dinukot doon.
“H-Heto dala-dala ko,” sagot niya at saka inabot ang nakatuping papel sa akin. Tinanggap ko iyon at sinilid sa aking bulsa.
“Maraming salamat Kuya Shiloah! Maari ko rin bang mahirap ang susi ng warto ni Kuya Angelo?” muli kong tanong sa kaniya.
“Don’t tell me—” Pinutol ko agad ang sasabibin niya.
“Wala na akong ibang choice Kuya Shiloah at saka wala na tayong oras ngayong gabi para halughugin ang kwarto ni Kuya Angelo. Malapit nang mag-ikot-ikot ang ibang security sa upang tignan ang mga dorm,” buntong-hininga kong sagot sa kaniya.
“Oo nga pala, iyong mga security! Muntik ko ng makalimutan,” saad niya sabay tapik sa noo niya.
“Tara na ihahatid na kita sa tapat ng dorm ninyo, Historia. Bago pa man tayo mahuli ng mga security,” saad niyang muli at saka ako hinawakan sa kamay ko. Hinila niya ako patungo sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan. Binalik ko naman sa ulo ko ang hood ko upang maitago ang mukha ko. Luminga-linga pa siya bago tuluyang binuksan ang pinto.
Agad-agad kaming lumabas at agad niyang sinara ang pinto at saka inabot sa akin ang susi. Nginitian ko siya and I mouthed ‘thank you’.
Habang patungo kami sa main door ng dorm ay palinga-linga kami sa paligid upang masigurado na walang makakikita sa amin.
Pipihitin na sana ni Kuya Shiloah ang door knob nang biglang may magsalita sa likuran namin na kinagulantang naming dalawa.
“Bakit may naliligaw na babae sa dorm ng mga lalaki?” Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa likuran ni Kuya Shiloah at napahigpit ang kapit ko sa kamay niya.
Dahan-dahang lumingon si Kuya Shiloah sa akin bago lumingon sa taong nagsalita sa likuran namin.
Nanatili akong nakatalikod dahil tila nanigas ang buong katawan ko at hindi makagalaw.
“L-Levi!” Halatang halata ko sa boses ni Kuya Shiloah ang kaba dahil nahuli kami ni Levi. Si Levi pa naman ang president, lalong domoble ang kaba ko.
Suot-suot ko ang hood ko kaya alam kong hindi niya kilala ang kasama ni Kuya Shiloah ngayon.
“Sino iyang kasama mo, Shiloah? Bakit ayaw humarap sa akin at. . . magkahawak pa ang mga kamay ninyong dalawa,” seryosong saad nito kaya naging triple ang kabang nararamdaman ko. Aalisin ko na sana sa pagkakahawak ang mga kamay namin ni Kuya Shiloah pero lalo niya lang itong hinigpitan.
Napapikit ako ng mga mata ng maramdaman ang isang titig mula sa aking likuran. Hindi sumagot sa kaniya si Kuya Shiloah at nanatiling tikom ang kaniyang mga bibig.
“Answer me Shiloah!” Naiinis na ang boses nito ngunit hindi natinag si Kuya Shiloah.
“Let me handle this, Levi,” kalmadong sagot ni Kuya Shiloah.
“I am the president of Schwert Academia. You think I can tolerate that kind of act? Even you’re one of my friends, I won't let this pass,” maowtoridad nitong sagot.
“I am the one who put you in your position now. Can you trust me, this time?” inis na tanong sa kaniya ni Kuya Shiloah.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Levi na tila sumusuko na sa usapan nila ni Kuya Shiloah.
“Sino iyang babaeng kausap mo? Galing ba kayo sa kwarto mo at gumawa ng milagro?” dire-diretso niyang tanong kay Kuya Shiloah na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.
Inis kong binawi ang kamay ko kay Kuya Shiloah. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya, napakadumi talaga ng utak ng gunggong na ito!
Hinawakan ko ang door knob at pipihitin na sana nang biglang may pumigil sa braso ko.
“Saan ka pupunta?” seryosong tanong sa akin ni Levi. Pinilit kong binabawi ang braso ko sa kaniya pero lalo niya lang itong hinigpitan.
Padabog akong humarap sa kaniya na naging dahilan ng pagkatanggap ng hood sa ulo ko.
“Bitawan mo ako,” mariin kong saad sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin at saka lumingon kay Kuya Shiloah. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Kuya Shiloah. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso hanggang sa tuluyan niya na itong nabitawan.
“A-Anong ginawa ninyong dalawa sa kwarto mo Shiloah?” utal na tanong ni Levi habang nakatingin sa akin. Parang siraulo lang, si Kuya Shiloah ang kausap pero sa akin nakatingin.
Kinunutan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin.
“Ang dumi ng utak mo! Walang kaming ginawang kababalaghan sa kwarto ni Kuya Shiloah gaya ng sinasabi mo,” singhal ko sa kaniya.
“Kuya?” nagtataka nitong tanong sa akin.
“Tama na iyan Levi, sige na Historia. Bumalik ka na sa dorm ninyo, malapit nang dumating iyong mga security,” pahayag ni Kuya Shiloah.
Tumango ako sa kaniya at tinalikuran na sila.
“Saglit, gusto kong malaman kung anong ginagawa mo rito.”
Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan nang lumabas ng dorm nila. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid bago nagtungo sa main door ng dorm namin.
“Historia!” tawag niya pa sa pangalan ko, tinaas ko lang ang kamay ko at tuluyan nang pumasok sa dorm namin.
Agad akong dumiretso sa kwarto ko at ni-locked ito.
Kinuha ko ang mga papel at ang susi sa bulsa ng hood ko at nilapag sa study table ko. Hinubad ko ang hood ko at dumiretso sa cabinet ko.
Nagbihis muna ako ng pantulog ko bago dumiretso sa study table at umupo sa upuan ko.
Sinuri ko ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko, walong piraso iyon ng papel at isang nakatiklop na papel na galing kay Kuya Shiloah.
Kinuha ko ang papel na galing kay Kuya Shiloah at dahan-dahan iyong binuklat.
Nabitawan ko ito sa lamesa at napapikit nang bigla itong lumiwanag. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang nakalutang na drawing ng isang bulaklak na kumikinang ang bawat linya. Isa itong ginuhit na rosas.
Sa bawat talulot nito ay may nakasulat na Baybayin.
“Hindi maintindihan ang tama at mali,
Ang totoo at pagkukunwari,
Ano nga ba ang nakakubli,
Sa mundong hindi mo mawari?”
Niligpit ko ang mga papel at tinago sa cabinet ko. Buong gabi kong inisip ang ibig sabihin ng mga tulang iyon hanggang sa hindi ko na namalayan na nilamon na pala ako ng antok.
Naglalakad ako sa Corridor ngayon patungo sa classroom namin, suot-suot ko ang uniform namin sa Mentor Club. Ito raw ang magiging uniform namin habang nasa Mentor Club pa kami.
Habang naglalakad ako sa Corridor ay pinagtitingan ako ng mga nadaraanan kong mga kapwa ko estudyante.
“Siya iyong rank five, hindi ba? Nalaman ko rin na kapatid siya ni Angelo,” narinig kong saad ng isang babae na nadaanan ko.
“Halata naman sa apelyido niya, girl. Kaya pala sobrang close niya kina Levi, dahil siguro sa kaibigan ng Kuya niya ang mga officers,” sagot naman ng kausap niya.
Pumikit ako ako nang mariin at saka nagmulat ng mga mata at nagpatuloy lang sa paglalakad, hindi sila tinapunan ng tingin.
“Uy pre! Si Historia!” sambit naman ng tinig ng isang lalaki.
“Ang ganda niya talaga, pre. Sana sa section natin siya mapadpad. Kung magiging mentor ko siya ay baka pwede na akong sumalangit,” tila nagpapantasyang saad ng isa pang tinig.
Hindi na ako nakapag timpi pa, napahinto ako at agad humarap sa mga kalalakihan na pinag-uusapan ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Levi na nakatayo sa harapan ng mga lalaking iyon.
“P-President," takot na usal ng isa sa kanila. Tatlo silang magkakasama na nakatayo sa gilid ng pintuan ng classroom nila. Ang dalawang nakaharap kay Levi ay halata ang takot sa mga mukha habang ang isa ay nakasandal lang sa pader habang nagbabasa ng libro, hindi alintana ang nagyayari sa kaniyang harapan.
Napansin ko na pareho ang uniform naming dalawa, nakalagay sa harapan ng hood niya ang number ten. Si Ryujin pala ang isang iyon. Kagaya ng kay Ryujin, may nakalagay rin sa harapan ng hood ko na number five, galing ito kay Sir Lincoln.
Nabaling muli ang pansin ko kina Levi nang magsalita siya.
“Hindi ba’t parang nakababastos na pinag-uusapan ninyo ang tao kahit nandiyan siya?” seryosong tanong ni Levi sa kanila.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at marami nang nanonood sa amin, ngayon lalong lalo na kina Levi.
“P-Pasensya na, President Levi. Hindi na m-mauulit,” takot na sagot ng isa pa.
Lumapit ako sa pwesto nila at sumingit sa usapan.
“Tama na, Levi. Marami nang nanonood,” mahinahon kong saad sa kaniya. Hindi niya man lang ako pinansin at tinapunan ng tingin.
“First warning, Earl Deldiro and Kurt Valim of section D Aquamarine. She’s mine so don’t talk about her when I’m around. Don’t messed up with me, understood?” kalmado at mayabang niyang saad.
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya pero hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.
“What?!” Nabaling ang tingin ko kay Ryujin nang bigla na lang itong nagsalita habang nakakunot ang noong nakatingin sa amin.
“Ryujin,” pagtawag ko sa pangalan niya.
“Anong ‘what’?” seryosong tanong sa kaniya ni Levi. Nag-iba ang expression ng mukha ni Ryujin na para bang napahiya.
“W-Wala, nadala lang ako sa binabasa ko,” sagot niya sabay lihis ng tingin sa malayo.
“Tsk.” Nagulat ako nang higitin ako ni Levi palayo kina Ryujin. Hindi ako nakapag-react at nagpatianod na lang sa kaniya.
Nakarating na kami sa classroom pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin patungo papasok sa classroom namin.
Nahihiya na ako sa ginagawa ni Levi, pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko. Nagtataka akong tinitigan ni Persia na para bang tinatanong ako kung anong nangyari. Tinitigan ko rin siya pabalik at pinapahiwatig na magpapaliwanag ako mamaya. Nginitian niya ako at tinanguan.
Nawala ang atensyon ko kay Persia ng bigla akong tinulak ni Levi paupo sa upuan ko.
“Aray! Bakit ka ba nanunulak?!” singhal ko sa kaniya. Ang kahihiyan na naramdaman ko kanina ay bigla na lang napalitan ng inis dahil sa ginawa niya.
“Aww,” saad ko habang hinihimas ang pwetan ko na nasaktan dahil sa ginawa niya.
“Kuya Levi,” tawag sa kaniya ni Persia na hindi na nakatiis at lumapit na sa amin.
Hindi siya pinansin ni Levi at tinitigan lang ako ng mariin.
“Hindi ka lalabas ng classroom na ito hangga’t wala ako. Maliwanag ba, Historia?” seryoso niyang saad sa akin.
“A-Ano? Nahihibang ka na ba talaga, ano bang problema mo?!” galit kong sambit sa kaniya at napatayo na sa kinauupuan ko.
Hindi ko na pinansin pa ang paligid namin kahit na tutok na tutok na sa amin ang mga kaklase ko. Tahimik lang ang iba at ang iba pa ay nagbubulungan, mabuti na lang at wala pang Professor na dumarating.
“Ikaw! Ikaw naman ang problema ko palagi!” singhal niya sa akin.
“Ha! Ako pa talaga? Ako ang problema mo?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya sarcastic na tumawa. Lumambot ang expression niya at kalaunan ay napabuntong-hinga.
“Sundin mo na lang ang sinabi ko,” kalmado na niyang sagot sa akin.
”Hinding hindi kita susundin,” mariin kong saad sa kaniya.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito? Sige sasabihin ko sa iyo. Nagseselos ako! I’m fucking jelous! Ayaw kong may tumitingin sa iyo na ibang lalaki, ayaw ko na malambing ka sa Gavin na iyon habang lagi kang nakasinghal sa akin, ayaw ko na malapit ang loob mo kay Shiloah pero iwas na iwas ka sa akin, ayaw kong nakikita ang mga ngiti mo kay Howard na dapat ay para sa akin, ayaw ko na pagdating kay Lian ay ang lakas ng tawa mo pero kapag sa akin na ay kahit ngiti hindi mo maibigay. Gusto kitang ipagdamot dahil sa akin ka lang!” hingal na hingal niyang paliwanag sa akin.
Nagunlantang ang buo kong sistema dahil sa mahabang niyang pahayag. Hindi ako nakapagsalita at hinang hina na napaupo sa upuan ko.
Talaga bang nasabi niya iyon sa harapan ko at ng mga kaklase ko?
Halos mahigit ko ang hininga ko nang bigla itong lumuhod sa harapan ko. Dinig na rinig ko ang mga impit na tili ng mga kaklase kong babae at ang mga reaksyon ng mga kaklase kong lalaki.
“Liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo. Gusto kita at akin lang.” Huling salita niya bago tumayo at lumabas ng classroom namin.
“May gusto sa iyo si Kuya Levi?” gulat na tanong ni Persia sa akin. Hindi ako nakasagot at tila nasa matinding gulat pa rin ang sistema ko. Hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Levi.
Naririnig ko ang tili at pagkainggit sa iba kong kaklase pero kahit damang dama ko ang paligid ko, ang isip ko naman ay naglalakbay sa ibang mundo.
Bumalik ako sa reyalidad nang may pumalakpak sa harapan ko.
“Malandi Award goes to Historia Snape! come on guys, give her a round of applause!” sarcastic na saad ni Ashley. Walang pumalakpak sa mga kaklase namin kung hindi ang dalawang alipores niya lang.
Sinamaan niya ng tingin ang mga kaklase namin dahil sa pagkahiya niya.
“Manahimik ka na Ashley, pinapahiya ninyo lang ang mga sarili ninyo,” mahinahon na saad sa kanila ni Persia.
“Shut up, Persia! Hindi ikaw ang kailangan ko,” maldita nitong sagot at nag-crossed arm.
Tumayo na ako at pinigilan si Persia na magsalita pa gamit ang kamay ko na nakaharang sa harapan niya na nagpapahiwatig na tumahimik siya.
“No, you shut up Ashley! Ano bang ginawa ko sa iyo at galit na galit ka sa akin?” kalmado kong tanong dito habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya.
“Masyado kang Malandi, Historia! Simula nang dumating ka rito ay wala ka nang ibang ginawa kung hindi lumandi. At talagang nilandi mo pa ang mga kaibigan ng Kuya mo, seriously?! Ang kapatid ni Angelo ay isa pa lang malandi? Ang kagalang-galang na si Angelo ay may kapatid na malandi,” saad niya habang pinagdiriinan ang salitang ‘malandi’.
Nagpupuyos sa galit ang buong pagkatao ko. Galit na galit ko siyang tinitigan sa mata at kitang kita ko ang pagguhit ng takot sa kaniyang mga mata.
“Huwag mong banggitin ang pangalan ng Kuya ko. Nababahiran ng marumi mong bibig ang pangalan ng Kuya ko. Wala kang alam, Ashley. Tignan mo nga iyang sarili mo sa salamin at saka mo sa akin sabihin kung sino ang mas malandi sa ating dalawa. I’m not your mirror, Ashley. I’m not you,” mariin kong saad habang pinagdiriinan ang mga bawat salitang lumabas sa bibig ko.
Napasinghap ang lahat nang biglang tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal niya sa akin.
“Huwag mo akong igaya sa iyo na magkakaibigan ang nilalandi,” galit niyang sagot sa akin.
May kung anong init akong naramdaman sa kaloob-looban ko na kailangan kong ilabas. Tila nawawala na ako sa sarili ko dahil sa sobrang galit.
PERSIA’S POINT OF VIEW,
Nakatingin ako kay Historia na hanggang ngayon ay nakatabingi pa rin ang mukha. Napaatras ako nang bigla itong humarap kay Ashley at sinampal ito pabalik. Sobrang lakas ng sampal ni Historia sa kaniya na nakapagpasinghap sa aming lahat.
Narinig namin ang kakaibang tunog na nanggaling sa mukha ni Ashley na tila ba may naputol na bagay mula sa kaniyang ulo, tumalsik si Ashley sa sahig dahil sa lakas nang sampal ni Historia.
Mabilis akong kumilos nang makitang lalapit si Historia kay Ashley na ngayon ay umiiyak na habang tinutulungan ng mga kasama niya.
Pumunta ako sa harapan ni Historia upang pigilan siya pero agad akong napaurong nang makita ang mata niya na nababalot ng purong itim.
“H-Historia,”

Komento sa Aklat (125)

  • avatar
    Jenre Yarag

    may karungtong po ba?

    27/11/2024

      0
  • avatar
    Coleen Peñafiel

    amazing

    07/09/2024

      0
  • avatar
    Danan JayaWayan

    ddkfjfffff

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata