Athena’s P.O.V. “Hey, how are you? Already at home?” I smiled while reflecting a fake excitement on my voice, because I was trying to hide any sad emotions over the phone. “Helena, nandito pa rin ako sa school. Someone broke my motorcycle and it was smashed into pieces. Nag-report na ako sa main guard. May dumating na ring mga pulis. I just want to let you know but you don’t have to worry, kasi okay lang ako. Sige na, magpahinga ka na… alam kong napagod ka kanina.” Alam kong nakangiti siya sa kabilang linya nang sabihin niyang okay lang siya pero mariin akong napapikit sa mga sinabi niya. Masyado akong nag-aalala para sa kanya. Talagang ngayon pa nangyari iyon? Sino naman kaya ang may gawa niyon? Binalikan kaya siya ni Drew? Kahit sabihin niyang okay lang siya, alam kong pinoproblema niya ‘yong nangyari. Hindi sila mayaman kaya alam kong hindi gano’n kadaling mapapalitan ‘yong motor niya. Regalo pa naman daw ‘yon sa kanya ng ate niya. “If you don’t obey me this time, I will destroy him—his family, his future, everything! You know me, Helena. I can do anything!” I gasped when I suddenly remembered my father’s dialogue pero hindi ko ‘yon pinahalata sa kanya. “Okay! Mag-ingat ka sa pag-uwi, Cristoff ha? Text me ‘pag nakauwi ka na. I love you!” Nagmamadali ako kung kaya’t hindi ko na siya hinintay pang magsabi ng, “I love you too.” I ended the call. Now I was already sure na hindi si Drew ang may kagagawan niyon. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ko pero hindi ko pa man naisasara ‘yong pinto ay agad ko nang nakita si Daddy sa pasilyo ng third floor. “Already received the bad news?” He smirked. “Dad, why are you doing this?” mahina pero puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. Ayoko man pero minsan ay ipinanalangin ko na sana ay hindi ko na lang siya naging ama! “Because you’re not listening to me, Helena. Natututo kang suwayin ako nang dahil lang sa lalaking ‘yan! I told you to just use him, right? But you fell in love with him! Damn, you’re only sixteen! Ano ang alam mo sa mga ganyang bagay? Hindi siya ang nababagay sa’yo, so you better end your nonsense relationship as soon as possible!” he shouted at me. He was really mad that he even clenched his fist. “At sinong nababagay sa akin, Dad ha?” sigaw ko pabalik. “Iyong manyakis na anak ng business partner niyo?” tanong ko. I suddenly remembered that stupid guy na ipinakilala niya kay Helena when we were only thirteen, but in the end—may gusto pala sa akin. That was the first time na humingi siya ng pabor sa’kin na pakiharapan ko raw nang maayos ang nag-iisang anak ng best friend niya, pero hindi ko ‘yon ginawa. “And if I wasn’t mistaken… this is not the first time na sinuway kita, Dad! I am Athena and I have always been rebellious, you know that! Nililinlang niyo lang ang sarili niyo trying to form me as Helena but you knew for a fact na hindi naman talaga ako ang paborito niyong anak!” Hindi ko na napigilang sagutin siya nang pabalang at sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Dahil doon ay isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Daddy na dumapo sa kaliwa kong pisngi. Hindi ko naiwasang mapangiwi sa sobrang sakit and for that, I could now taste the blood from the left side of my lips. Parang may nabali nga rin sa leeg ko, sa tindi nang pagkakabaling ng mukha ko sa ibang direksiyon. Kung ibang tao ‘yon ay malamang na napahandusay na sila sa sahig pero ako? Matigas pa rin akong nakatayo sa harap ng tatay ko. Maybe this was the first time na sinaktan niya ako as Helena, but living as Athena before… ano pa bang bago? Sanay na akong makatanggap sa kanya nang ganito. Sanay na akong mamanhid ang katawan ko kaya natuto na ring maging manhid ang puso ko. And that made me not to believe in love anymore! But everything has changed when I met Cristoff. And for his own sake and freedom, gagawin ko ngayon ang isang bagay na alam kong ikamamatay ko pero ikabubuti naman niya. I saw how Dad narrowed his eyes when I composed myself to look at him again. “Disobey me now and I’ll make sure na hindi makaka-graduate ng high school ang hampas-lupang iyon! Hindi siya kailanman makakapag-kolehiyo because he will be blacklisted at all universities kahit gaano pa siya katalino. When that happens, paano pa siya makakakuha nang maayos na trabaho? Paano na ang pamilya niya? His future will be ruined in just a snap of my fingers… but I will give you the power to change it, Athena. Para naman hindi mo masabing masama talaga akong ama. Disobey or follow my rules? The choice is all yours!” Sinadya niya talagang tawagin akong Athena dahil hindi niya maaatim na tawagin akong Helena, pagkatapos niya akong saktan. Ano ba ang nagawa ko at bakit hindi niya ako nagawang mahalin katulad ng pagmamahal niya sa kakambal ko? Choice? He left with no choice at all! His words definitely tore me apart pero pinipigilan ko pa rin ang umiyak. Living as Athena, I learned how to have a great tolerance when it comes to holding up my tears kahit durog na durog na ako. “Dad, please don’t do this…” huminga muna ako nang malalim. “Leave him alone and I’ll do whatever you want…” I begged him. For Cristoff’s future, I would sacrifice my happiness. For him, I would live in sadness. I thought I would never cry in front of my father but I was totally wrong. I really didn’t want to say the words but what I said next made me burst into tears… as I slowly shattered into pieces. “J-Just give me time and I’ll break up with him.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (486)
Ma Rie
i love the story so much, feel n feel mo ang bawat moment sa bawat chapter.. so excited for the book 2, hope it will come out soon. thanks to the author nalibang ako sa pagbabasa. ❤😊👏
21/01/2022
3
Ma Ri Ce
Ang ganda ganda subra ng storya.. pero side ba to ng storya n Glimpse the past kc c dave n kapatid n diane parang may kanya kanya cla kwento.. dko pa natatapos bashin pero npakoment nko ang ganda kc eh.. naeexcite aq sa bawat kabanata😍😍🥰 Galing ng author.👏👏
i love the story so much, feel n feel mo ang bawat moment sa bawat chapter.. so excited for the book 2, hope it will come out soon. thanks to the author nalibang ako sa pagbabasa. ❤😊👏
21/01/2022
3Ang ganda ganda subra ng storya.. pero side ba to ng storya n Glimpse the past kc c dave n kapatid n diane parang may kanya kanya cla kwento.. dko pa natatapos bashin pero npakoment nko ang ganda kc eh.. naeexcite aq sa bawat kabanata😍😍🥰 Galing ng author.👏👏
20/12/2021
0ok naok
13d
0Tingnan Lahat