Played By Fate

Athena’s P.O.V.
“Aah!” I screamed between my sobs dahil hindi ko na kayang kimkimin pa ang lahat.
Hinila ko ang comforter ng kama ko at nagwawalang tinabig ang mga bagay na naroon—kasama ang laptop ko, cell phone at maging ang DSLR camera ko. Wala na akong pakialam kung masira pa ang lahat nang ‘yon.
Pagkatapos niyon, tumayo ako at hinagis ‘yong lamp shade sa cabinet ko kaya nabasag ‘yong salamin na nakakabit dito. Pinuntahan ko rin ‘yong study table ko at hinagis ko rin ‘yong flower vase sa bintana kung kaya’t nagkaroon ng malaking crack ang sliding glass door ng balcony ko.
Malungkot ko itong pinuntahan, hindi alintana ang mga bubog na maaari kong matapakan. Isa-isa kong pinulot ang nalalanta nang mga rosas. Mga rosas na binigay pa ni Cristoff noong birthday ko. Niyakap ko ang mga iyon at patuloy na humagulgol. Tila kasabay nang paglanta ng mga rosas na ito ang katotohanang natapos din agad ang aming relasyon.
Dahil doon ay hindi ako nakuntento sa pagwawala ko at pinagtatabig ko naman ang lahat ng libro sa bookshelves ko. Maging ang mga drawer ko ay bigla kong hinila para itapon ang mga gamit ko roon. Hindi ko nga alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para ibalibag din ang study table. Pero hindi pa ako tapos magwala nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto.
“Athena?” Iniluwa niyon ang nag-aalalang si Ate Paula. Agad itong natigilan at nanlaki ang mga mata nang makita ang itsura ng kuwarto ko. “Ano ka ba namang bata ka? Anong nangyayari sa’yo?” Agad siyang dumalo sa akin.
Hilam sa luha ang buong mukha, nanghihinang napaupo naman ako sa sahig. Saka ko lang napansin na nasugatan pala ako mula sa mga bubog ng basag na salamin. Marami akong naging sugat at hiwa sa mga paa at braso, pero hindi ko nararamdaman ang sakit na dulot ng mga iyon. Mas masakit pa rin ang katotohanang iniwan ako ni Cristoff.
Niyakap ko siya. “Ate P-Paula,” sabi ko sa namamaos na boses. Hindi ako gaanong makapagsalita. Hindi na rin ako lubusang makahinga. Masyadong masikip ang aking dibdib kung kaya’t iyak na lang ako nang iyak.
“Ssh! Tahan na, nandito lang ako.” She gently rubbed my back for comfort, but I just continued to sob on her shoulder.
“B-Bakit gano’n? Bakit gano’n lang kadali sa k-kanya ang iwan ako? S-Sabi niya, parang namatay na rin siya nang i-iwan ko siya noon. Is this his way para g-gantihan niya ako ngayon? I—I don’t understand! M-Mahal na mahal ko siya, Ate Paula. H-Hindi ko kaya eh… hindi ko kakayanin kung sa p-pangalawang pagkakataon, mawawala na naman siya sa akin! ‘Di ba, sabi mo… p-pinagtagpo ulit kami ng tadhana? B-Bakit parang pinaglaruan lang kaming dalawa?” sumisinok na mga tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya nang malalim bago siya nagsalita, “May mga bagay talaga, Athena… na nakukuha lang natin sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Siguro, kaya lang kayo nagkita ulit ngayon ay para bigyan lang ng formal closure ang nangyari sa inyo noon. Siguro, hindi pa talaga ngayon ang tamang oras para magmahalan ulit kayo.”
Then, she paused.
“Learn to let go. Kinaya mo namang mabuhay pagkatapos mong makipaghiwalay sa kanya noon, hindi ba? Makakaya mo ulit ‘yon ngayon, Athena. Alam kong sinabi ko sa’yo na huwag mo na siyang pakawalan pa pero tadhana na rin ang kusang naglalayo sa inyong dalawa. Bata ka pa naman, hija. Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay.”
Hinalikan niya ako sa noo. She looked like my very own mother. I was grateful to have her, dahil hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko ngayon.
“Pasasaan ba’t balang-araw, malalaman mo rin ang dahilan kung bakit hindi nag-work ‘yong relasyon n’yong dalawa. Balang-araw, may taong mas magmamahal sa’yo nang higit pa sa pagmamahal ni Cristoff. Kaya tahan na, hija. Hindi bagay sa’yo ang umiiyak! Tahan na,” mahabang paliwanag niya.
Pero siya lang ang gusto ko! Si Cristoff lang ang mahal ko at kahit kailan ay wala nang iba pang mamahalin ang puso ko! sigaw ng utak ko.
Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa aking likuran at pagsuklay sa buhok ko gamit ang kamay niya, habang ako naman ay nakasubsob lang sa balikat niya at wala pa ring tigil sa pag-iyak. Actually, lalo lang akong umiyak sa mga narinig ko mula kay Ate Paula.
Oo, nakaya ko pa ring mabuhay nang hayaan kong mawala si Cristoff sa akin noon. Nakaya kong magkunwari pero hindi naman talaga ako nakalimot. Sa loob ng tatlong taon, para na ring pinatay ‘yong puso ko. Daig pa niyon ang dinurog.
Muli lang iyong nabuhay nang makita ko siya ulit. Muli lang iyong nabuo nang makasama ko siya ulit. Pero ngayon? Wasak na ‘yon ulit!
And how could I even love someone kung si Cristoff lang ang tanging lalaking gusto kong mahalin? How could I even care for someone else kung siya lang ang para sa akin?
Ilang beses ko rin ba siyang kailangang pakawalan para lang kapag bumalik siyang muli ay masabi kong siya at walang sino man ang talagang para sa akin? Kailangan ba talagang masaktan kami nang paulit-ulit? Hanggang kailan ako magtitiis?
Sa loob ng tatlong taon ay hindi naman talaga ako nakapag-move on. Umasa pa rin talaga ako na kahit papaano ay magkikita kaming muli at madudugtungan ang nasira naming relasyon.
Iyon nga ang nangyari, pero bakit ba sadyang napakalupit lang ng tadhana? Ano ba ang nagawa ko at ako ang napili niyang paglaruan? Napakasakit tanggapin ang katotohanang pinagtagpo lang kaming dalawa, pero hindi naman itinadhana para sa isa’t isa.
If I knew that this would happen sooner, I should have kissed and hugged him longer. I should have held his hands many times within the past few days. I should have told him that we could just both run away!
Muling nagsalita si Ate Paula, “Tara! Gagamutin ko na muna ‘yang mga sugat mo at baka ma-infect pa ang mga ‘yan. Pagkatapos ay kumain ka na, ha? Katatapos ko lang magluto at ‘yong paborito mong salisbury steak ang niluto ko.”
Tumango lang ako bago ko inayos ang sarili ko. Alam ko, magang-maga na ang mga mata ko sa nararamdaman kong pamimigat ng mga iyon. I guessed, I didn’t have any other choice right now but to finally surrender.
Kailangan kong tanggapin na nangyari ulit ngayon ang kung ano mang nangyari dati. Ang kaibahan nga lang, si Cristoff naman ngayon ang tumapos nang lahat sa amin.
Ngayon, nararamdaman ko na kung ano ‘yong naramdaman niya no’ng mga panahong iniwan ko siya. Mas masakit pala kumpara sa naramdaman ko dati noong ako ang nang-iwan sa kanya!
Masakit mang isipin pero kailangan kong magsimula ulit. Masakit tanggapin pero alam kong kailangan kong gawin.

Komento sa Aklat (488)

  • avatar
    Ma Rie

    i love the story so much, feel n feel mo ang bawat moment sa bawat chapter.. so excited for the book 2, hope it will come out soon. thanks to the author nalibang ako sa pagbabasa. ❤😊👏

    21/01/2022

      3
  • avatar
    Ma Ri Ce

    Ang ganda ganda subra ng storya.. pero side ba to ng storya n Glimpse the past kc c dave n kapatid n diane parang may kanya kanya cla kwento.. dko pa natatapos bashin pero npakoment nko ang ganda kc eh.. naeexcite aq sa bawat kabanata😍😍🥰 Galing ng author.👏👏

    20/12/2021

      0
  • avatar
    Jesamae gabison

    nice

    09/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata