Chapter 33

Don't forget to vote and comment down your thoughts. I love reading it and learning from them.
Thank you!
Chapter 33
Diyes Oras ng Gabi
Ang Nakaraan
Naghahanda na sa pagtulog, habang nakaupo sa malambot na higaan may kulay puting kubre kama na mga bulaklak na rosas na burda.
Tahimik na ang paligid at tanging kuliglig ang maririnig, gamit ang lamparang nakasindi ang nagbibigay liwanag sa silid ng kasalukuyang gising pa na si Cassandra.
Gabi na't tulog na lahat ng tao dito sa mansyon, ngunit hanggang ngayon hindi parin dinadalaw ng antok ang dalaga kaya't umupo na lamang sa kanyang hinihigaan.
Hawak ang kapirasong papel na galing sa espesyal na tao sa kanyang buhay. Nakailang ulit na nitong binasa ang liham, ngunit hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga bibig ng dalaga tuwing binabasa ang  bawat salitang nakasulat sa liham.
"Marcelo, akin mahal." Wala sa sariling saad nito sa hangin habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana, hindi antala ang malamig na simoy ng hangin.
Nabalot na ng kadiliman at katahimikan ang paligid at tanging ang ilaw mula sa buwan ang magsisilbing liwanag sa gabi.
Naantala bigla ang  pagmumuni-muni ng dalaga nang may kung anong bagay ang bumagsak galing sa kanyang bintana, ibinato ito mula sa una palapag ng mansyon.
Agad namang tumayo ang dalaga at pumunta sa kinaroroonan ng bintanang gawa sa kahoy, upang tignan kung may tao roon at hindi nga siya nagkakamali sa kanyang himala.
"Ginoong Marcelo? Ano ang iyong ginagawa sa labas ng aming bahay sa dyes oras ng gabi?" Nagtatakang tanong nito sa binatang ngayo'y ay nakatayo sa labas ng mansyon ng mga Monteclaro.
Napaisip bigla ang dalaga nang maalala niya ang mga lumang paniniwala mula sa mga nakakatanda.aaqa
Tama nga siguro ang mga kasabihan ng mga matatanda na kapag hindi ka makatulog sa diyes oras ng gabi ay may taong gusto kang makita at nasasabit ka ring siya'y muling masilayan.
"Magandang gabi, aking binibini." Magiliw na bati ng binata na kasalukuyang, nakatayo sa may hardin malapit sa sili ng dalaga. Napangiti naman ang binibini habang tinatanaw ang nobyo, na ikinabilis ng pintig ng kanyang puso.
"Magandang gabi rin sa'yo ginoo." Bati nito sa ginoo at pinipigil ang sarili na hindi ipahalata na siya'y nasisiyahan sa pagbisita ng kanyang nobyo. " Ngunit ginoong Marcelo, ano ang iyong pakay? Bakit po kayo narito?"
"May nais akong makita." Sagot nito, na lalong ikinabilis ng pintig ng kanyang puso ng dalagang si Cassandra.
"Ngunit ginoo, tulog na ang lahat dito sa mansyon at maging ang aking ama, gabi na't dapat ika'y nasa iyong silid at nagpapahinga." Pabulong nitong sagot sa binata dahil baka may makarinig sa kanilang pag-uusap, tulog na ang lahat at tahimik na ang buong paligid ngunit mas mabuting mag-ingat at baka kung ano ang isipin ng mga tao sa paligid.
"Paumanhin binibini, ngunit hindi ako makatulog sa pagka't ikaw'y aking iniisip." Sagot nito na lalong nagpainit sa pisngi ng napakagandang binibini. At hindi maipaliwanag na dahilan ay bahagyang bumilis ang pintig ng aking puso na lubos ang kagalakan sa kanyang pagdating.
Tanaw na tanaw ng dalaga  ang matangkad at matipunong katawan ng kanyang nobyo habang nakadungaw sa bintana ng kanyang silid.
Hindi nito maiwasang makaramdam ng kagalakan at kilig para ginoong aking iniirog. Kahit matagal na silang magkasintahan, siguro ay may dalawang taon na sila mula noong tinanggap niya ang alay na pag-ibig para sakanya ng binata.
"Binibi!" Sigaw nito mula sa baba na ikinagulat ko. Napatingin ang dalaga sa paligid at baka may taong gising pa makita sia rito.
"Ginoong Marcelo, wag ho kayong maingay at baka mamaya nay makarinig sa'yo. " Mahinahon kong sabi sakanya at tumungo lang siya't ngumiti. Ang ngiting iyon ay ang nagpapabilis ng tibok ng aking puso sa tuwing masisilayan ko abg kanyang napakagandang ngiti ay para kung anong saya ang dinudulot sa'kin nito.
"Amore mio, maari ka bang bumababa muna dito kahit sandali lang? Nais lamang kitang makasama bago ako umalis patungong Maynila. Bukas ng hapon." Paliwanag ng binata kung bakit siya naroon.
Agad namang nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng malamang aalis nanaman pala ang kanyang nobyo at paniguradong, walang kasiguraduhan ang pagbalik nito. Gusto niyang nakasama ito at makausap ito kahit isang minuto lang. Ngunit paano? Paano siya makakalabas ng kanilang mansyon ng hindi nalalaman ng kanyang mga magulang na lumabas siya? Hindi siya pwedeng dumaan sa pinto dahil paniguradong malalaman ng mga ito.
"Paumanhin ginoo, ngunit gabi na at wala akong pwedeng madaanan palabas." Malungkot niyang sagot sa binata, ngunit umiling-iling lang ito ang naglalakad ng kaunti sa gilid na may kung anong mahalagang bagay kinuha ito na natatakpan ng mga halaman. Bumalik ito sa malapit sa kanilang mansyon dala ang hagdan na gawa sa kahoy at dahan-dahang itong sinandal sa pader ng mansyon.
"Ayan, d'yan ka dumaan mahal ko." Sabi nito habang makahangad at tinatanaw ang kanyang irog.
Napatingin naman ang binibini sa kanya at naglipat ito ng tingin sa hagdan na gawa sa kahoy, kita ang nag-aalangan sa mga nito kung gagawin ba niya ang gusto ng kanyang nobyo.
"Marcelo, hindi ba parang delikado itong gagawin natin?" Tanong niya sa binata na tumawa lang. Napatingin siya ng masama kay Marcel ngayon ay tumatawa.
" Anong nakakatawa?"  Seryosong tanong ng dalaga.
"Mukha ka kasing may makikipag tanan." Nang-aasar na sagot ng binata habang tumatawa.
Tinitigan ng dalaga ang binata na parang nainis na ito sa pang-aasar ng binata kaya, pinigilan na lamang ni Marcelo ang sarili sa pagtawa.
"Halika na mahal ko, wala akong gagawin sa'yo." Sabi nito upang mapanatag ang loob ng dalaga.
" Hindi na, baka may makakita pa sa atin." Sagot ng dalaga na mukhang ikinadismaya ng binata.
"Hindi kita itatanan wag kang mag-aalala, alam kong masyado pa tayong bata para sa bagay na iyon." Paliwanag ng binata, at tumingin naman ang dalaga sa kanya hanggang sa tumango ito.
Tinulungan niya ang dalaga hanggang sa makababa ito ng hagdan, dahan-dahan itong bumaba at siniguradong walang ingay para hindi magising ang kanyang pamilya na mahimbing na ang tulog. Sa pagbaba nito ay bigla itong nawalan ng balanse at muntik nang mahulog. mabuti na lamang ay nasalo siya ng kanyang kasintahan at parehas silang natumba sa sahig.

Komento sa Aklat (249)

  • avatar
    Karine31

    keep writing po 💜 highly recommend ☺️

    19/04/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Highly recommended!!!

    17/04/2022

      0
  • avatar
    AvanzadoKeighl Jersey P.

    jhjlhv

    22/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata