Chapter 30 Our Day A comfortable silence take over the atmosphere between us. Habang tumutugtog ang makalumang musika mula sa radyo. Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon. Napaka ganda talaga ng mga lumang awitin tulad nito. Nakakagaan sa pakiramdam at bawat salita sa kanta ay may kahulugan. Ang mga puno't halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Ramdam ko ang bawat salita na nanggaling sa kanta. Mga panahong lumipas na gusto kong ibalik, ngunit marami man akong pinagsisisihan sa nakaraan pero wala akong gustong baguhin sa mga nangyari noon. Dahil sa mga pangyayari at sa mga pagsubok na nangyari nuong nakaraan ay naging matagtag ako. Napakaraming aral ang natutunan ko at habang buhay ko iyong dadalhin hanggang sa dulo ng aking paglalakbay. Maraming pangyayari ang hindi maganda, mga pangyayaring napakasakit alalahanin. Ngunit parte iyon ng buhay ng isang tao, parte iyon ng aking paglalakbay. Hahhaha nakapikit at dinadama ang kaaya-ayang pakinggan na musika. Ramdam ko ang paminsan minsan pagsulyap ng kanyang mga mata sa aking direksyon. "Saan ba tayo pupunta, Marco?" Hindi na rin ako nakatiis at tinanong ko na rin ang bagay na kanina pa bumabagabag sa aking isipan. Iminulat ko ang mga mata upang makita siya, tahimik lamang siyang nagmamaneho at direksyong nakatingin ang mga mata sa daan. "I always told you, we're going to do the things that you want to do." Sagot niya, na biglang nagpabilis ng tibok ng puso at parang mga paruparo sa loob ng aking tiyan na buhay at bigla nagsiliparan. Hindi na ako bata, marami na akong napagdaanan sa buhay ko ay minsan ko na rin naramdaman ang bagay na nararamdaman ko ngayon. At lalong natatakot ang puso kong muling nagmamahal. Suntok sa buwan ang pag-ibig na ito. Masakit man isipin pero iyon ang katotohanang kahit kailan hindi magbabago. "Marco, you don't have to." I tried stopping him. He need to stop. Hindi ako pwedeng mahalin, hindi siya pwedeng masanay na lagi akong nasa tabi niya. Dahil limitado lang ang oras na meron ako, napaka komplikado ng sitwasyon para umasa sa wala. "I don't have to? What?" Tanong niya at binalingan ako at inabot niya akong kamay, he held my hand tightly. "I'm doing because I want too." *** "We're here!" He announced while turning of the engine of his car. Agad naman akong sumilip sa labas at laking gulat ko nang makita ang labas. At binasa ang nakapalaking karatula nito, "Enchanted Kingdom." Sa pagkakatanda ko ay isa itong sikat na perya dito sa Pilipinas, kumot noo kong bumaling kay Marco na ngayon ay palabas na sana. "Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko rito. Lumabas lang siya sa sasakyan at umikot, upang pagbuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan. "Well it's on your list, remember?" Sabi nito, na tila ba'y tumigil ang mundo at rinig na rinig ang malakas na tibok ng aking puso. Na para bang siya ang nakikita ko at hindi ko maiwasang mapaisip. Na bakit sa dami ng tao sa mundo ay pinagtagpo ang dalawang taong, tulad namin ay kung maihahalintulad sa daan ay ako'y patapos na at malapit nang mamahinga, habang siya'y nagsisimula palang sa daang dapat niyang tahakin. "Cassy, let's go?" He asked while offering me a hand. Hindi ko alam kung matatanggap ko ito, dahil alam ko sa sarili kong kapag tinanggap ko ang kamay alam kong mahihirapan akong bitawan ito. Pero hindi naman masama kung kahit ngayon lang mahawakan ko ang kamay niya at iparamdam sakanya ang itinibok ng aking puso. "Tara." Sagot bago tinanggap ang kanyang kamay, pinagsalikop ito. His soft but a bit rough palm, hand fit with mine, tangled together like no one wants to let go. Maghakawak ang aming kamay na nagtungo sa may cashier na palagay ko ah bilihan ng ticket. At habang nakikipag-usap siya sa isang staff ng amusement park at inilibot ko ang aking paningin sa'kin paligid ay laking pagtataka ko kung bakit parang wala ibang tao kundi kami lang. "Marco?" Tawag ko sa kanyang pangalan at agad naman siyang bumaling sa'kin tumugon. "Hmm?" Tanong niya. "Mukhang sarado ata sila, tignan mo tayo lang ang nandito." Kwento ko sakanya, ngunit ngumiti lang ito napaka tamis tamis na nagpabilis ng tibok ng aking puso at ang mga parang paruparo na nagsisiliparan sa aking tiyan. Ito ang pakiramdam ng nagmamahal, parang nasa alapaap at walang kapantay na siya ang nararamdaman makita mo lang ang ngiting matamis ng taong mahal mo at kislap ng saya sa kanyang mga mata ay higit na nagpapasaya sa isang pusong nagmamahal. "Baby, I reserved the whole place just for us." He answered. *** "Marco ayos ka lang?" Tanong ko sakanya nang mapansin ko ang kanyang pamumutla. Kakatapos lang namin sumakay sa roller coaster, hindi ako sigurado kung iyon ang tawag duon medyo nakakakot nga ito dahil parang winawasiwas kami sa ere sa sobrang bilis ng takbo nito. Pero masaya pala ang sumakay sa ganun kahit pakiramdam ko naiwan yung kaluluwa ko habang mabilis itong tumatakbo. Pagkatapos nga ay parang nawalan ako ng boses sa kakatili pero masaya sa pakiramdam. Yung tipong pakiramdam ko bata ako ulit at hindi iniisip ang mga mangyayari sa kasalukuyan. 'I'll never ride that shit again!" Reklamo nito habang tagaktak ang pawis at mukhang hinihingal pa. "It scared the fuck out of me! That's a bad idea to ride that!" Natawa nalang ako sa mga reklamo nito, ito ang nag ayang sumakay kami sa ride na iyon at mukhang ngayon ay pinagsisisihan niya. At isa pa bago kami nagsimula ay ipinagyayabang niyang noong bata pa siya ay lagi siyang dinadala ng kanyang ama sa mga amusement park at sumasakay siya sa mga ride at hindi raw siya takot. Pero nung magsimula na, ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko at nuong tuktok na kami ay parang mas malakas pa ata ang tili niya kaysa sa'kin. "Are you laughing at me?" Tanong nito at nakataas pa ang isang kilay. "Oo, ang yabang mo kasi eh." Sabi ko sabay humalakhak ng malakas na para bang nang-aasar. Kitang kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha kaya't hinila ko nalang siya para papunta sa isang store na mukhang bilihan ng mga palamuti.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
keep writing po 💜 highly recommend ☺️
19/04/2022
0Highly recommended!!!
17/04/2022
0jhjlhv
22/03/2025
0Tingnan Lahat