Homepage/Life Begins At 81/
Chapter Twenty
Chapter 20
Blame
"Celidad, mag-usap nga tayo, bakit kailangan mong huminto sa iyong pag-aaral?" Tanong nito sa kanyang nakababatang kapatid.
Tumayo si Celidad mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa at tutungo sana ito sa pinto, upang lumabas ng kanilang munting tahanan.
"Hindi ako nagpapakahirap sa ibang bansa para balewalain mo lang, ginawa ko ang lahat maitaguyod lang ang pag-aaral ni nyo ni Cristine." Hinawakan ni Cassandra ang braso nito upang hindi ito makaalis.
Marahas na iyon ng dalaga sa pagkakahawak sa kanyang braso at hinarap ang kanyang nakakatandang kapatid upang sagutin ito.
"Hirap? Nahihirapan ka?" Galit nitong sagot. "Ikaw ang may kasalanan kung ba't nawala ang lahat ng mga pinaghirapan ni Ama, dahil sa'yo nawala ang lahat sa'ting pamilya." Paninisi nito
" Kung hindi ka nag-inarte at tinanggap na lamang ang iyong kapalaran ay hindi aabot sa ganito ang pumumuhay natin!" Sigaw nito." Hindi maagang papanaw ang Ama dahil sa wala itong sapat na pera magpagamot! Hindi rin mawawala ang ina dahil sa sama ng loob!" Maluha-luhang sambit ni Celidad.
"Kasalanan mo lahat ng 'to Cassandra! Ikaw ang puno't dulo ng mga suliranin naming sa buhay! Kung nagpakasal ka nalang at hindi na inisip pa ang iyong sarili at walang mawawala sa ating pamilya at hindi rin tayong mahihirapan ng ganito!" Nanggagalaiting sigaw nito.
Napatulala na lamang si Cassandra sa kanyang mga narinig mula mismo sa kanyang nakababatang kapatid.
Hindi mo alam lahat ng sakripisyo ko, hindi mo alam lahat ng hirap na dinaranas ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang isuko ang buhay ko para lang sainyo.
Kung alam ko lang ganito ang mangyayari, hindi ko na dapat subukan ipaglaban ang aking pag-ibig para kay Marcelo.
Alam kong naging makasarili ako, ngunit hindi pa sapat ang paulit-ulit na masaktan? Ang isuko ang taong mahal ko?
Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon?
Maraming gustong sabihin si Cassandra, ngunit nangingibabaw ang sakit at dalamhating kanyang nararamdaman.
Hindi ito nakapagsalita at pinili na lamang nitong tanggapin ang lahat ng sising pinukol sa kany ni Celidad.
...
"Cassy? Cassy wake up! We're here, already."
Rinig kong pagising sa'kin ni Marco, naalimpungatang iminulat ang aking mga mata at napagtantong nasa basement parking lot area na pala kami ng kanyang condo unit. Nanaginip nanaman ako, at alam kong hindi ito basta panaginip lamang, ito ay mga alaala ng nakaraan.
"Go ahead, go upstairs and take some sleep, I still have some errands to do at the office, I'll just drop by." Utos sa'kin ni Marco, at wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang dahil wala ako sa mood at inaantok pa ako.
Tinanggal ko na aking seat belt at lumabas ng sasakyan. "Ingat ka ha." Biling ko sakanya at tatalikod na sana ako upang umakyat na sa kanyang unit.
"Cassy, I want you to cook sinigang na shirmp for dinner and do some groceries." Rinig kong utos nito, tumango na lamang ako at pinanood siyang muling binuksan ang engine ng sasakyan at nagmaneho na ito paalis.
...
Kasalukuyang nasa grocery ako ngayon para bilhin kung anong ang mga kulang na mga supply sa condo unit ng aking amo.
Ako'y abala sa pagpili ng gulay ng may hindi inaasahang nahagip ang mga mata.
Si Celidad kasama ang kanyang apong si Julia.
God! Namiss ko sila!
Ilang metro ang layo ng mga ito sa aking kinaroroonan at abala ito sa pagpili ng mga prutas.
Mukhang maayos at masaya naman sila nang wala ako. Bahagya naman ako nakaramdam ng lungkot dahil sa pumasok sa aking isipan.
Hinahanap kaya nila ako ngayon? Kamusta na kaya sila?
Aamin kong pangsamantala silang nawala sa aking isipan, dahil naging busy ako sa mga bagay na nadidiskubre ko sa pagbabagong naganap sa aking buhay.
Napansing kong mukhang tapos na silang mamili at magbabayad na ito sa cashier, ay agad ko namang minadali aking pagpili upang maabutan sila.
Pagkatapos kong mabayaran lahat ng groceries na aking pinamili ay saktong nakita ko sila palabas ng grocery store at agad ko naman itong sinundan.
Nang makasakay ito ng taxi at mukhang pauwi na ito nagpara ako ng taxi at sumakay dito.
"Saan po tayo, ma'am?" Tanong ni manong driver.
"Manong, nakikita niyo iyong taxing nasa harapan?" Turo ko sa direksyon ng taxing sinakyan nila.
"Sundan po natin yun'." Utos ko sakanya at tumungo lamang ito ang nag-umpisa nang magmaneho.
Habang nakatingin sa pamilyar na daan ay napagtanto kong, ito ang daan papunta ng aking bahay.
Sa aking payak na tahanan!
Minuto ang nakalipas nang tumigil ang taxi na kanilang sinasakyan sa harap ng aking gate.
Napakunot noo ako ng makita kong may taong hindi pamilyar sa'kin akin ang lumabas mula sa loob ng aking bahay.
"Manong, dito nalang ho." Pinahinto ko ito sa may hindi kalayuan upang hindi ito makahalata.
Dali-dali kong inabot ang limang daang piso at agad na lumabas ng sasakyan at hindi na humingi ng sukli.
Dala-dala ang aking mga pinamili, hindi ininda ang bigat nito at napahinto na lamang ako sa nang marating ang harapan ng aking bahay.
Isang pastil ang pumukaw ng aking atensyon, nakadikit ito sa harapan ng mismong gate, at bahagyang nakaramdam ako na panlulumo at ramdam ko ang pagkatuyo ng aking lalamunan.
House for sale
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, inis, galit at naguguluhan sa aking nadiskobre.
Bakit? Bakit nila kailangan ibenta ang tanging bagay na aking pag-aari? Bakit? Gano'n ba nila ako ka hindi nirerespeto?
Nakita kong bukas ang tindahan ni aling Nena sa tapat ng aking bahay. Tumungo dito para magtanong at magbakasakaling makahanap ng mga sagot sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.
"Manang pwede hong magtanong?" Tanong ko kay manong naabala sa pag-aayos ng kanyang paninda.
"Ano iyon, ija? " tanong nito at napalunok ako ng laway bago muling nagsalita.
"Manang, iyon bahay na iyon sa may tapat, bakit ho iyon naka for sale?" Lakas loob na tanong ko rito.
"Ah yun ba? Bahay iyon ni Nay Sandra, kaso bigla nalang siyang nawala mga dalawang buwan na ata ang lumipas." Kwento sa'kin ni Manang.
At dahil sa inis, ramdam ko ang pag-init ng aking ulo kaya bumili ako ng softdrinks na mainom ko upang pakalmahin ang aking damdamin.
"Ano pong nangyari dun sa matanda? Nahanap na po nila?" Tanong ko rito.
"Ay nako ija! Sa sama ng ugali nung kapatid nitong si Celidad ay mukhang nasiyahan pa ito sa pagkawala ng kanyang ate." At muling nag-iinit ang dugo ko sa mga narinig ko. "Agad-agad nitong gustong ibenta ang bahay at hindi man lang nag-abalang hanapin ang kanyang kapatid."
Bakit kailangan mong gawin to sa'kin Celidad? Pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa ko para lang sainyo mga nakababatang kong kapatid ay ganito ang inyong igaganti sa'kin?
Nararamdaman kong ang pagpapawis ng aking mga kamay at mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Inis, galit at pagka-dismaya sa aking mga nalaman. At halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa aking mga nadiskobre.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (249)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
keep writing po 💜 highly recommend ☺️
19/04/2022
0Highly recommended!!!
17/04/2022
0jhjlhv
22/03/2025
0Tingnan Lahat