Homepage/Life Begins At 81/
Chapter Fifteen
Chapter 15
Memories
Isang sariwang hangin ang bumungad sa'kin na malayo sa maruming na hangin ng siyudad.
"Marco, gising na malapit na daw tayo." Bulong ko sakanya na tahimik na natutulog sa balikat ko. Kahit kanina sa eroplano, wala siyang ginagawa kundi ang matulog at isandal ang mabigat niyang katawan sa'kin. Itong batang ito talaga!
Unti-unting niyang minulat ang mga mata niya't bahagyang bumaling ito ng tingin sa'kin. Pagod at lungkot, yan ang aking nakita sa kanyang mga mapupungay na mga mata.
"Marco, ok ka lang?" Tanong ko sakanya at idinikit ang aking palad sa kanyang noo upang malaman ang temperatura nito.
"May lagnat ka?" Tanong ko sakanya, habang tumungo lang siya't sumandal ulit sa'kin.
Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. I wrap my arms around him, caressing his hair, his breath in my neck sending me tingles all over me. But I just ignored it.
"Manong, malayo pa po ba tayo?" Tanong ko kay Manong driver.
" Malapit na po tayo sa hacienda, ma'am." Sagot nito, at habang hinaplos ko ang noo ng aking amo ay napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, upang tanawin ang mga palayan, mga puno at talahiban.
Sariwa pa sa aking alaala ang mga pangyayari noong nabubuhay pa ang aking mga magulang, oo nga't may kaya at tanyag ang aming pamilya sa aming bayan, ngunit simple lang ang aming kinagisnang buhay, buhay probinsya, tahimik ngunit masaya.
"Marco, nakauwi ka na ba dito dati?" Tanong ko sakanya.
" Yap, but it's been a long time, I was still in grades school that time. I was with my mom," Kwento niya, napa-tango-tango naman ako sa sinabi niya.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang pangangalay ng kaliwa kong balikat, ngunit hindi ko ininda iyon dahil mukhang yun ang kailangan niya sa mga oras na ito. Paminsan minsan kailangan natin ng isang taong masasandalan, lalo na't sa panahong mahina tayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon magiging matatag at kakayaning nating harapin ang mga hamon ng buhay nang mag-isa, minsan kailangan natin ng isang taong makakaintindi at makakaunawa sa mga pinagdaanan mo.
Kahit naman siguro ang pinaka malakas na tao sa mundo, ay may kahinaan din.
"You know what, I miss those days." He suddenly said. "I miss the days when I have no idea how cruel the real world is."
"Those days that the only problem that I have is when my mom didn't give my favorite chocolates." Mahina siyang timawa sa sinabi niyang iyon. "Those days, when I have no idea what love is."
Masayang balikan ang mga masasayang ala-ala ng nakaraan, ngunit walang sinoman ang may kakayanang bumalik doon, nakalipas na ito at mananatiling alaala na lamang. Ngunit, tama siya. Noong bata tayo'y walang masyadong problema, hindi masyadong komplikado ang buhay at higit sa lahat kontento tayo sa maliliit na bagay na mayroon tayo.
Dahil habang tayo'y nagkakaedad at tumatanda, dumami rin ang mga pangangailangan natin, tumataas din ang mga hangarin natin sa buhay at higit sa nag-aasam tayo ng mga bagay na minsan ay imposibleng mangyari o mapasa-atin.
Things will change, time will past by, everything gets old and some will be gone. That how life revolves, it's like a never ending cycle.
***
"Sir, ma'am, andito na po tayo." Anunsyo ni Mang Verio, ang driver namin.
Minulat ko ang mga mata at tumanaw sa labas ng sasakyan, natanaw ko ang isang napaka-laking makalumang mansyon at ang napakaluwag nitong balkonahe.
Maihahantulad ko ito sa dati naming tahanan ang mansyon ng mga Monte Claro, ang bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip.
Matapos ang nakalipas na dalawang dekada, maligayang pagbabalik Cassandra.
Binuksan ko ang pinto at lumanghap ng sariwang hangin, alam kong marami na ang nagbago sa lugar na ito, marami na rin nawala at napaglumaan ng mga lumipas na panahon, ngunit ang mga ala-ala'y kahit kailan ay hindi mabubura sa aking puso at isipan.
"Marco, gising na." Mahinahon kong sabi at bahagya inuga ang kanyang braso para magising ito. "Gising na, nandito na tayo."
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at humikab ito bago tumingin sa paligid.
Nagprisinta si Mang Verio na buhatin ang mga gamit papasok ng mansion. At nakakapagtaka nga kung bakit parang mas marami pa yung dalang gamit ni Marco kesa sa'kin na ako yung babae, kalimitan sabi nila yung babae daw ang sobra-sobra kung magdala ng gamit sa mga bakasyong tulad nito ngunit baliktad ata ang sitwasyon ngayon.
Agad naman kaming sinalubong ng isang babaeng medyo may katandaan na at isang dalagita na sa aking tansiya'y nasa edad katorse pababa ito basi sa tangkad at pangangatawan ng dalaga.
"Maligayang pagdating Señorito Marco! " Masiglang bati ng dalawa na hindi mang lang pinansin ng aming isnoberong Señorito.
"Maligayang pagdating po ma'am." Bati nila sa'kin na nginitian ko na lamang at dali-daling naglakad para habulin ang kumag kong amo.
"Marco, ok na ba yung pakiramdam mo?" Tanong ko sakanya, ngunit hindi ito sumagot at tumungo lamang ito ang dire-diretsong naglakad papasok ng kanilang mansyon.
Ang batang iyonun talaga! Napaka isnabero! Siya na nga itong inaalala e.
Wala naman akong nagawa kundi ang sundan ito papasok ng mansyon nila. Napaawang ako sa nakita ko pagpasok at nang makita ko ang loob nito.
Ang ganda, sobrang ganda.
Ang disenyo nito ay makaluma ngunit halatang inaalagaan ito at prineserba upang manatili itong maganda. Kahit ang mga kagamitan ay halatang antigo din ang mga ito, hindi rin naman nakakapagtaka dahil pagmamay-ari ito ng pamilya San Mateo, na noon pa man ay kilala na ito sa isa sa pinaka mayamang pamilya sa bayan ng San Luisiana.
"Hey, Cassy hurry up, I need you to prepare coffee for me." Na-interupt ang paglilibot sa bahay ng marinig ko magsalita ang amo kong pasaway.
" Oo na po, eto po seniorito." Nagrolyo ako ng mata, bago nilampasan siya't naglakad patungong kusina.
Pagkarating ko sa kusina nadatnan ko ang isang matandang babae't isang dalagita na mukhang abala sa pagluluto.
"Magandang umaga ho." Magalang kong pagbati sa kanila.
" Ma'am, bakit po ano pong kailangan ninyo?" Tanong ng matanda sakin at nginitian ako.
"Walang po, manang Fe, ipagtitimpla ko lang po si sir ng kape." Sabi ko sakanya, at kumuha ng tasa at kutsarita.
" Nako iha, ako na riyan. Maupo ka nalang roon." Sabi niya, ngunit umiiling lamang ako.
"Ano na ho, kaya ko na po ito." Sabi ko sakanya, maarte pa naman ang Marcong iyon, mamaya mapagalitan pa ako ng kumag na iyon, kapag naiba ang timpla ng kape niya.
"Ma'am, baka po magalit si Sir, Marco." Nag-aalangan sabi nito. "Tulungan ko na kayo
Umiling ako, naglagay ng mainit na tubig sa tasa. " Manang Fe, wag po kayong mag-alala, hindi po iyon magagalit."
Habang naglalagay ako ng kape at kaunting asukal sa tasa ay biglang nagsalita si manang Fe.
"Ma'am Cassy, si Daniella nga po pala, apo ko." Pagpapakilala niya dalagitang kasama niya.
"Hello po ate!" Masiglang bati nito sakin at nginitian ko lamang siya.
"Ate napaka swerte naman po ni kuya Marco sainyo, bukod sa maganda na maalalahanin pa." Sabi nito ng tila ba'y kinikilig ito. Biglang akong nakaramdam ng hiya sa komento ni Daniella.
"Ija, ilang taon na kayong magkasintahan ni sir? " Tanong ni manang Fe sa'kin at umiling-iling nalang ako.
"Hindi po kami magkasintahan, Manang." Pagtanggi ko sa maling nilang akala, " Nagtratrabaho lang rin po ako, sakanya."
Tumungo naman ang dalawa at humingi ng paumanhin. "Sorry iha ha, akala kasi namin ikaw yung tinutukoy niyang, babaeng mahal niya na ipapakilala niya saamin pagbalik niya dito." Paliwanag ni manang Fe.
Bahagyang nakaramdam ako nang lungkot. He's planning to bring Angela here with him to introduce her to them, did he really love her that much?
Pero bakit nalulungkot ako? At para bang affected ako sa nalaman kong plano niyang ipapakilala ang batang mahal niya. Ano ba tong nararamdaman ko?
Nang matapos ko ang pagtitimpla ng kape ay inihanda na ito para dalhin na kung nasaan man yung kumag kong amo.
"Manang, Daniella, una na ho ako." Pagpapaalam ko sa kanila at tuluyan nang nilisan ang kusina.
Napaka laki at lawak ng bahay na ito, antigo at mukhang mamahalin ang mga kagamitan, wooden narra floor ang sahig nito na pinatungan ng kremang kulay ng karpet ang buong palapag.
Habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang kwarto. May isang bagay na pumukaw ng aking atensyon. Isa itong portrait na nakadikit sa dingding at larawan ito ng pamilyar ngunit hindi ko maalala.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit nilapitan ko ito upang matitgan ito ng mabuti. Isang pamilyar na mukha g isang binata ang nakaguhit sa larawang ito.
At unti-unti ring nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa tasa na may lamang mainit na kape.
Si Marcelo
Maraming ala-ala ang nagbalik sa aking isipan, mga ala-ala ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan sa mga nakalipas na panahon.
Si Marcelo, siya unang lalaking nagmahal at mapag ramdam sa'kin ng pagmamahal na walang kapalit.
Naistatwa ako sa aking kinatatayuan, tila ba'y di ko maigalaw ang katawan. Mariin kong ipinikit ang mga mata at ang mga ala-ala niya, unti-unting bumalik sa aking isipan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (249)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
keep writing po 💜 highly recommend ☺️
19/04/2022
0Highly recommended!!!
17/04/2022
0jhjlhv
22/03/2025
0Tingnan Lahat