Epilogue

You and I, We Belong
—
"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya.
"No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."
Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko.
"Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labis na appreciation niya sa mga simpleng bagay na ginagawa ko para saa kanya.
"Pangako, tutuparin ko ang pangako kong 'yan." Dagdag ko bago siya hinalikan sa kanyang noo.
"I love you." She said sweetly.
"I love you more." I replied and hug her tighter.
Sydney being my girlfriend is priceless. Dati, akala ko madali lang para sa akin ang lahat---sa kagaya kong may kaya sa buhay ang pamilya.
Not until her aunt ruined us!
"You are Michael Andrew Claveria, right? The son of Helen and Alfred? Also, the future CEO of Paradise Corporation?"
Busy ako sa ginagawa kong proyekto nang lapitan ako ng ginang na ito para itanong sa akin ang mga personal na bagay tungkol sa akin.
Saglit ko siyang tiningnan pagkatapos ay napailing na lamang ako. Maybe she's something or what. Kaya naman mas pinili ko na h'wag na lang sagutin ang tanong niya.
"I'm busy." Cold kong sagot bago ko sinubukang tumayo sa kinauupuan ko.
"Bastos! Ano mo ang pamangkin ko ha? Ikaw ba 'yong boyfriend niya kono?"
Napalitan ng matinding kaba 'yong pambabale wala ko sa kanya. Tiningnan ko siya na tila nagtatanong kung sino ang tinutukoy niya.
"How are you related with my niece Claire Sydney Agustin?" Pag-uulit niya.
"She's my girlfriend." Sagot ko sa huling tanong niya.
"Layuan mo siya." Seryoso at may pagbabanta ang tono niyang iyon.
"Bakit ko naman po gagawin 'yon?" Naroon pa rin ang aking pag galang sa kanya.
"Because you're marrying my daughter instead of her!" Bahagya akong natawa sa sinabi niya. She's crazy!
"I'm sorry but I won't do that, I love Sydney so much. She's my life, my everything and also..." Pinulot ko ang nalaglag niyang panyo pagkatapos ay marahan kong pinagpag iyon bago inabot sa kanya.
"...I promised to myself and even to your niece that she'll the one that I wanna marry, no matter what happened!"
Tinalikuran ko na siya kahit na may pagkabastos 'yong ginawa ko. Mas bastos naman kasi 'yong approach niya. Anong klaseng tita ba siya?
Well, I understand her, as a mother mas uunahin niya 'yong kapakanan ng anak niya kesa sa pamangkin niya.
But fuck!
Hindi ito ang unang beses na may mga pamilyang lumalapit sa amin para i-alok ng kasal ang mga anak nilang babae sa akin. Napaka desperada nilang mga magulang. Dahil lang sa pera ay gagawin nila ang lahat kahit na may matapakan o masaktan silang iba.
I though that woman will get rid of me. But look who's here now. It's her again, dito pa talaga sa mansion namin.
"Hijo anak, halika ipapakilala ko sa'yo ang babaeng pakakasalan mo." Nakangiting sabi ni mom. Umigting ang panga ko sa aking narinig. Maging si Michelle, ang half-sister ko ay gulat na gulat din.
"Mom---"
"Son, your mom is right. Your tita Fely's daughter was the right for you."
Kahit na gustong-gusto kong sumabat kay Dad ay pinigilan ko ang aking sarili. I stayed calm, nakiayon na lamang ako sa kanila.
Matapos ang mahabang usapan ng pamilya ko at pamilya ng Belle na 'yon ay nagpaalam na rin ang mga ito.
"Hijo ihatid mo sila sa labas." Nakangiting utos sa akin ni mom. Tumango ako at sinunod ang utos sa akin.
"I told you. My daughter is the right for you." Ngising tagumpay nitong sabi sa akin. Kung puwede lang manakit ng babae, baka kanina ko pa 'to nasuntok. Bastos na kung bastos, pero hindi karapat-dapat iginagalang ang kagaya niyang walang pakialam sa damdamin ng iba.
She's not thinking of Sydney. Paano niyang nagawa 'to sa pamangkin niya?
"Kung ayaw mong matulad ang mga magulang mo sa magulang ng girlfriend mo---you better broke my niece heart and leave her alone. Dahil kung hindi baka pati na rin si Sydney ay patahimikin ko habambuhay."
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa pinagsasabi niya. Alam kong mahirap kalabanin ang pamilya ng babaeng 'yon base na rin sa mga impormasyong nakuha ko, at bilang isang twenty-one year old na nag-aaral pa rin at wala pang masyadong maipagmamalaki, ay alam kong hindi ko pa siya puwedeng kalabanin sa ngayon.
Sunod-sunod na katok sa dorm ko ang pumukaw sa akin dahilan para magtungo ako ng pinto para buksan iyon.
"S-Sydney? What are you doing here?" Kabado at gulat na gulat kong tanong sa kanya.
"P-pwedeng pumasok? May importante akong sasabihin sa'yo Andrew..."
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman mabilis kong ihinarang sa pintuan ang katawan ko. Hindi siya puwedeng pumasok sa loob dahil protektado ng CCTV ang dormitoryong tinutuluyan ko.
"Sydney wait," Pigil ko sa kanya. Hindi siya pwedeng makita ng parents ko dito dahil kapag nagkataon ay maaga akong ipakakasal kay Belle, at ayokong mangyari 'yon dahil lalo ko lang masasaktan si Sydney.
"Bakit, may problema ba?"
Halos pabulong niyang tanong. Ramdam ko rin na nasasaktan siya, dahil hindi naman ako ganito. Kita ko rin ang pamumuo ng mga luha niya.
Gusto kong sabihin sa kanya na kumalma siya dahil mali ang iniisip niya, ngunit masyadong mabilis ang mga sumunod na nangyari.
"Babe, who's there?"
Boses iyon ni Michelle, ng half-sister ko.
"Sino 'yon? May kasama kang babae dito?"
Nagpumilit siyang ipasok ang sarili niya sa pintuan ngunit hindi ako umalis, hindi ko siya hinayaang makapasok sa loob.
"Oh, hi?"
"I'm sorry..."
Nang makita kong umiiyak na si Sydney ay kaagad akong humingi sa kanya ng tawad. Alam ko kung ano ang nasa isip niya ngayon. Na niloko ko siya at babae ko si Michelle.
"Andrew, bakit?"
"We're getting married." Si Michelle ulit ang nagsabi no'n. Nanatili na lamang ako na walang kibo. Hindi ko alam kung ano ang plano ng kapatid ko, at kung ano man 'yon ay siguraduhin niya lang na makakatulong iyon sa amin ni Sydney.
"I. Hate. You!"
Tila patalim ang mga salitang iyon mula sa kanya na unti-unting bumabaon sa dibdib ko.
"I'm sorry Sydney...umalis ka na!" Pagtatabuyan ko sa kanya kasabay no'n ay ang pagsarado ko ng pintuan.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Pagalit kong tanong kay Michelle.
"Gusto ko lang makatulong." Seryosong tugon niya.
"By hurting her feelings and making her believe that I cheated on her?" Frustrated kong tanong sa kanya.
"Because its the only way to save her from danger! Mas mabuti na itong ganito, ang masaktan siya sa kasinungalingan kesa naman tuluyan siyang mawala sa'yo!"
Natameme ako sa sinabi ng kapatid ko. She's right. Maybe I should let her go for now. Then when the time is right, I'll get her back.
Matapos ang insidenteng iyon ay wala na akong naging balita kay Sydney. Hindi ko alam kung nasaan siya, kung kamusta siya, at kung galit pa rin ba siya.
I continued my study. Then, after two years I finally graduated. I even passed the board exam that I've been taken right after the graduation.
Para sa akin, 'yon na ang simula para muling makapiling ang babaeng mahal na mahal ko. Ang babaeng kahit kailan ay hindi mapapalitan ng kahit na sino dito sa puso ko.
"Kuya I have a good news for you!"
Kakatapos lang ng meeting ko dito sa abroad nang biglang tumawag si Michelle.
"What is it?" Diretsang tanong ko sa kanya.
"I found her," Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"H-her?" Paninigurado ko.
"Yeah. She applied in Paradise Corp a week ago, and now she's taking her final interview---"
"I want her to be my secretary." Putol ko sa sasabihin pa ni Michelle.
"Noted, bro."
Hindi ako mapakali nang araw na 'yon, dahil sa wakas ay makikita ka na ulit siya.
Ang babaeng laman pa rin ng puso ko sa nakalipas na anim na taon.
"Anong pakulo 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Michelle dahil may pa-party daw sa opisina mamaya. Kakabalik ko lang ng Pilipinas kasama ang kaibigan kong si Gabriel Robles.
"Kuya, puwede ba maki go with the flow ka na lang?"
"Tsk. Where is she?"
"Secret!" Makahulugan ang mga ngiting iginawad sa akin ng kapatid ko. Napa iling na lamang ako.
"I'll gotta go bro. May pupuntahan lang ako."
"Okay." I answered.
"Welcome back Mr. CEO slash Engineer Claveria!"
Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Robles ay sinalubong kaagad kami ng mga empleyado ng Paradise Corp. Ang daming nagpalakpakan at may mga humihiyaw pa.
Hindi ko naman akalain na may ganito pa palang pakulo itong kapatid ko.
"Also, welcome back Architect Robles!"
Kaagad ngumiti si Robles at kumaway pa sa mga empleyadong narito na tila ba isa siyang artista.
"Feel na feel mo ah?" Pasimpleng bulong ko sa kanya.
"Syempre naman, minsan lang 'to!"
"...and last but definitely not the least, Welcome to the Paradise Family Miss Claire Sydney Agustin!"
Napako ang tingin ko sa babaeng hindi ko nakita sa loob ng anim na taon. Sobrang lakas pa rin ng impact niya sa akin, 'yong tibok ng puso ko---walang nagbago, siya pa rin, at siya lang ang nakakapagpatibok nito ng ganito ka-lakas.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ng makita ko ang walang ekspresyon niyang mukha. Hindi ko rin mabasa ang emosyong meron sa mga mata niya.
Sa mga tingin niya ay tila ba hindi niya ako kilala. Tila ba wala kaming naging kaugnayang dalawa noon. Masakit, pero kasalanan ko naman.
Pagkatapos ng pagpapakilala ay nawala na si Sydney sa paningin ko dahil nagsilapitan sa akin ang mga empleyado ko para magpa picture.
Nang lumuwag na ako ay uminom ako ng tatlong baso ng alak. Nang maramdaman kong medyo nahihilo na ako ay saka ko muling hinanap ng dalawang mga mata ko ang kinaroroonan ni Sydney.
I saw her with Robles. Huminga muna ako ng malalim bago sila nilapitan.
"Hey Robles, would you mind if I talk to my secretary privately?" Isang tingin ko lang kay Robles ay napapayag ko din kaagad siya. Marahil alam niyang naka-inom na ako.
Hinawakan ko si Sydney sa braso niya at dinala siya sa office room ko.
"Why did you brought me here...sir?"
Fuck! What did she calls me? Sir? Bakit ang sakit no'n pakinggan? Sabagay, Boss niya ako ngayon.
"I..."
Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon kaya naman hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. I saw anger and hatred on her eyes.
Damn!
"I'm sorry..." Hinakbang ko ang pagitan namin para mas magkalapit kami.
"...for acting weird." Pagtutuloy ko.
"It's okay sir." Nakangiti niyang sinabi na lalong nagdulot ng labis na sakit sa puso ko. Bakit ang laki ng pinagbago niya? How can she be like this to me?
"Why are you like that?" Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko maiwasan ang hindi magalit sa inaakto niya.
"What do you mean sir?" Pagmamaang-maangan niya. I stared at her coldly. Hindi niya ba napapansin na nasasaktan ako sa ginagawa niyang pagtrato sa akin?
I know I haven't the right to feel hurt, but fuck! Why I am feeling this pain?
"I missed you so much." Nagulat ako ng bigla niya akong itulak ng malakas, at dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon kaya hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko sa pagbagsak sa semento.
That night was a nightmare for me. Hindi dahil sa nalasing ako at kung anu-ano ang sinabi ko kay Sydney...kundi dahil sa samo't-saring sakit na idinulot niya sa akin.
Ngunit gayon pa man, alam kong kulang pa ang sakit na ipinaparamdam niya sa akin, sa sakit na idinulot ko sa kanya six years ago. Hindi dahil guilty ako na niloko ko siya, kundi dahil nagsinungaling ako sa kanya.
I didn't bothered to disturb her for the past three months because we're all busy for the construction of Paradise Corp.
Narito kami ngayon sa table para sa aming apat, pakulo na naman kasi 'to ng magaling kong kapatid.
Pareho kaming walang imik at alam kong naiilang na siya sa katahimikang namamagitan sa amin.
"If I were you, I will sit down and just wait." Inis kong sabi sa kanya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot at hindi mapakali.
"Saan ba kasi nagpunta 'yong asawa mo?" Nag-aalala ang tono ng boses niya ngunit binalewala ko 'yon.
What did she just said? Asawa ko? What the fuck!
"What?" I asked her in disbelief. All those years, she's really thinking that Michelle is my wife? Damn!
"Si Michelle, ang asawa mo kako kung saan nagpunta?" Inis niyang pag-uulit sa tanong niya.
"Are you out of your mind?" Damn this woman!
"Bakit, hindi ka ba concern sa kanya? Half-hour na siyang wala!"
"She's not my wife! Holly fucking crap!" I shouted in disbelief. Really? Mukha ba kaming mag-asawa ng kapatid ko?
"Oh, e ba't naninigaw ka? Hindi mo siya asawa? Bakit, nasa engaged part pa rin ba kayo? God!" She looks irritated while saying those words to me.
"Are you even aware of what you're saying Sydney?" I asked.
"Bakit, may mali ba sa mga pinagsasabi ko?"
"Lahat ng lumalabas d'yan sa bibig mo ay maling-mali!" I shouted at her.
"Nasa harapan mo lang ako Drew, baka gusto mong ikalma 'yang pagsigaw mo?" Pinandilatan niya akong mga mata niya.
"You're so impossible!" Inis kong sabi at iniwan siya.
Ito ba 'yong rason niya kung bakit kung umasta siya parang wala lang ako sa kanya? Dahil akala niya asawa ko si Michelle, na may asawa na ako? Damn!
After those incidents she never talked to me again. Lalo na no'ng inamin ko sa kanya na half-sister ko si Michelle. She's so mad at me, dahil sa panlolokong ginawa ko sa kanya.
I tried to explain myself, ngunit sarado na ang isip niya para pakinggan ang mga paliwanag ko. After we go back to Manila, kaagad akong nagtungo abroad para tapusin ang kontrata ko roon.
Galit ako sa ginawa niya six years ago, she aborted our child. Pero alam kong kasalanan ko rin 'yon. Dahil kung hinayaan ko muna siyang magpaliwanag no'ng araw na pinuntahan niya ako, siguro hindi siya hahantong sa gano'ng desisyon.
"Are you really marrying that daughter of a monster?" Hindi makapaniwalang tanong ni Michelle sa akin. Nasa kwarto ko ako ngayon, inaayos ang sarili para mamaya.
"Of course not. Iisang babae lang ang pinangakuan ko ng kasal, at alam kong kilala mo kung sino 'yon." Malalim kong sabi. Bahagyang ngumiti si Michelle sa itinugon ko, ngunit kaagad din siyang napasimangot.
"Really? Bakit bihis na bihis ka?" She asked.
"May gagawin ako." Sagot ko na ikinatango niya lang. Kapag gano'n na ang mga sagutan ko ay alam na ni Michelle na may plano ako.
Plano kong dalhin si Sydney sa mga magulang niya. Six years ago, nakilala ko ang pamilya Agustin, dahil personal doctor ni Papa si Dr. Agustin. Akala ko noon, wala lang sila. Hanggang sa nalaman ko nitong buwan lang na si Sydney pala talaga ang hinahanap nila na kanilang nawawalang anak.
Kagagawan ng tita Fely ni Sydney ang pagkawala ng alaala ng mga magulang niya. Mabuti na lang at hindi ito nagtagumpay sa plano nitong ipapatay ang mga ito noon.
Ngayon, sigurado na ako at kaya ko nang ipaglaban si Sydney. I don't care about the money and fame anymore, basta hindi ko pakakasalan si Belle. Tama na siguro 'yong anim na taon na naging sunod-sunuran ako sa mga ito, lalong-lalo na sa ina nito.
Ginawa ko lang naman ang lahat ng gusto niya para tuluyan kong makuha ang loob niya-para pabagsakin siya at ang asawa niya at pagbayarin sa mga kasalanan kay Sydney at sa mga magulang nito.
I agreed to got engaged with Belle, para walang maging problema sa mga pagpapa imbestigang ipinapasagawa ko sa private investigator ko, tungkol sa pamilya niya.
Dahil do'n kaya nalaman ko na lider pala ng Mafia ang asawa nito, kaya pala gano'n na lang kalakas ang kapangyarihan nito.
Pinaniwala ko silang pakakasalan ko si Belle. Pero ang totoo, may nakahanda na akong plano.
Alam ko at ramdam ko na may puwang pa rin ako sa puso ni Sydney. Hindi niya man aminin 'yon, nararamdaman ko naman, kaya sapat na sa akin iyon para gawin ang planong pagkuhang muli sa kanya.
"D-Drew..."
Napatigil ako gulat na gulat na lumingon sa pintuan. There, I saw her. Pagkakataon nga naman oh! Nararandaman ko na talaga na umaayon na sa akin ang panahon ngayon.
"What are you doing here?" Sinubukan kong itago ang labis na kasiyahang nararamdaman ko ngayong narito siya. I acted cold while asking her. But then she didn't answered my question. Umaasa pa naman ako na sasabihin niyang hindi siya pumapayag magpakasal sa pinsan niya dahil mahal niya pa rin ako. But oh, she's too hard to tell those lines to me.
"C-can I borrow you for awhile?" She's pleading while saying those words and it pained my heart. Gustong-gusto ko siyang yakapin, ngunit natatakot ako na baka bigla na naman niya akong ipagtulakan. Her words and even her every actions brings too much pain against me. Masyado akong marupok laban sa matatalim at masasakit niyang salita. It sounds gay, but it's true.
"What?" I asked in disbelief.
"Drew, I badly needed you. Please come with me," She then plead again.
I don't want to see her crying and pleading just because of a favor that she deserve. Pinagbigyan ko siya kahit na hindi niya sinasabi ang totoong rason niya.
We're in Miracle Hospital. Kabado siya kaya kinakabahan din tuloy ako. Alam niya na kaya? Did her parents already found her?
Bakit kami narito sa ospital na pag-aari ng mga magulang niya?
Kaagad pumasok si Sydney sa isang silid. Ilang minuto ang itinagal niya roon bago siya muling lumabas para balikan ako.
"Pasok tayo," She said. Sumunod naman kaagad ako sa kanya. Isang bata na nanghihina ang nadatnan ko sa loob. Kakaibang damdamin ang biglang naramdaman ko.
"Momma who's him?" She calls Sydney momma. Is she our daughter? Anak ba namin siya? Kaboses na kaboses niya si Sydney....at may pagkakahawig din sa akin ang bata. Her hair color is just like Sydney.
"Baby, diba matagal mo nang hinahanap at tinatanong si momma tungkol kay Dadda?"
Napalunok ako ng tatlong beses sa narinig ko. Masaganang luha din ang biglang nagsibagsakan sa mga mata ni Sydney.
"...baby anak, I'd like you to meet your Dadda." She then finally said it. Parang tumalon ang puso ko sa labis na tuwa sa narinig kong sinabi ni Sydney.
"D-dadda?" Bigla nalang akong naluha sa itinawag sa akin ng anak ko. Ang buong akala ko ay ipinalaglag niya ang anak namin. Nagkamali ako. Hindi ko naisip na hindi gano'ng tao si Sydney.
"D-Drew I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa kanyang noo.
"B-baby?" Kaagad kong nilapitan ang anak ko at hinalikan ang kamay niya. Napatingin din ako sa itaas para magpasalamat dahil ibinigay niya sa akin ang pagkakataong ito para makilala at makasama ang anak ko.
"D-dadda? Dadda!" Napabangon siya mula sa pagkakahiga at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
Isa sa pinaka-memorable at hinding-hindi ko makakalimutang araw ng aking buhay ang araw na 'yon. Ang araw kung saan nabuo ako. Kaya pala matagal ko nang nararamdaman na tila kulang ako, iyon ay dahil may anak na ako.
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin pagkarating na pagkarating niya ng hospital.
"I'm sorry, I fell asleep." Kalmado kong sabi na lalong nagpadismaya sa kanya.
"Pero wag kang mag alala-"
"Sinabi mo na 'yan kanina, pero ano, may nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin. May sakit si Sunny, Drew!"
Nagsimula na naman siyang umiyak. Gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang dapat ipag alala dahil hindi totoong nakuha ng tita Fely niya ang anak namin.
Gusto kong sabihin sa kanya na kumalma siya dahil kasama ng mga magulang niya si Sunny, pero hindi pwede.
Dahil kapag ginawa ko 'yon, parang sinira ko lang din ang matagal ko nang plano.
Alam kong sa ginawa kong pag urong sa kasal namin ni Belle ay may nakahanda ng plano ang tita Fely niya. Kaya bago pa nila maisagawa iyon, inunahan ko na sila.
Nagbayad ako ng triple sa tauhan nila na inutusan nilang kumuha kay Sunny. At Alam ko rin na naririnig at nakikita kami ngayon ng mga tauhan ng tita Fely ni Sydney kaya minabuti kong magpanggap nalang din na talagang nakuha nila ang anak ko.
"I'm sorry-"
"Sorry na naman? Ano bang nagagawa niyang sorry mong 'yan, Drew? May nabago ba?"
Alam kong nadadala lang si Sydney sa labis na takot para sa anak namin kaya ganito siya kung umasta.
At para umayon sa lahat ang plano ay minabuti kong sabayan ang nararamdaman niya.
"Hintayin na lang natin ang tawag nila." Sabi ko na lalong ikinagalit niya. That's it, Sydney. But don't worry, gagawin lang natin 'to para mahuli ang tita mo at ang asawa nito na sumusuporta sa kanya.
"Really, Drew? Bakit parang wala lang sayo na kinuha nila si Sunny? Bakit Drew, hindi mo ba mahal ang anak natin?"
Hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. It hurts hearing those words. Anim na taon kong hindi nakasama at nalaman ang tungkol sa anak ko, tapos ibabato niya sa akin ang mga salitang 'yon? Damn it!
"Of course I love our daughter! Kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya! Kahit na ngayon ko lang siya nakilala ay mahal na mahal ko na siya Sydney! Kaya sana naman huwag mong kinu-question yung pagmamahal ko sa kanya!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na sigawan siya. Kaya nang makabawi ako ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry for shouting you, i didn't mean it." Hindi siya umimik, bagkus ay umagos lang ang masaganang luha sa mga mga mata niya.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at hinalikan siya sa noo para pakalmahin.
Noong araw na iyon ay naisakatuparan namin ang lahat-nagawa namin iyon ng magkasama.
Nahuli at naipakulong namin ang tita Fely niya at ang asawa nito.
Ang daming nangyari ng araw na 'yon. Muli niyang nakasama ang mga magulang niya na inakala niyang patay na.
Nalaman din namin na hindi naman talaga cancer ang sakit ng anak naming si Sunny.
Napakasaya.
Napaka perpekto ng araw na iyon, para sa amin.
Ang dami ko pang gustong balikan na alaala-ngunit sa ngayon ay wala na akong oras para muling balikan ang mapapait na pinagdaanan ko, namin ni Sydney.
Sapat na sa aking alalahanin ang mga magagandang bagay na nangyari sa akin at sa amin.
"Dadda, say ah," Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa munting tinig ng anak ko. She wants me to open my mouth para maisubo niya sa akin ang chocolate cake na nasa tinidor niya.
"Sige na Dadda," Pagsang-ayon ni Sydney sa kagustuhan ng anak namin.
"Sige na nga," Kunwaring napipilitan kong sabi. Ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya naman kaagad sa akin ang chocolate cake.
"Thank you, my princess." Nakangiti kong sabi sa kanya at marahan ko ring pinisil ang ilong niya dahil ang cute-cute at ang sweet-sweet niya.
"Thank you." Bulong ko kay Sydney. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Saan?"
"Sa pagpapalaki sa anak natin ng ganito. She's just like you---sweet, mapagmahal at napakabait."
Bahagya siyang tumawa sa mga papuri ko sa kanya.
"Sus, ang Andrew ko ang daming pambobola." Natatawa niyang sabi.
"Hindi kita binobola." Seryoso kong saad.
"Oo na. Thank you dito ah?" Ang tinutukoy niya ang sorpresa namin sa kanya.
"Psh. Hindi lang ako ang nagplano nito. Kundi pati ang parents mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bigla siyang ngumuso sa sinabi ko.
"Hindi, dito sa bahay. Sa dream house na regalo mo. Naalala ko, 16th birthday ko no'n nang ibigay mo sa akin ang pinaka-unang disenyo mo...tapos ngayon, narito na! Salamat talaga Drew, super na appreciate ko 'to." Maluha-luha niyang sinabi. Marahan kong pinahid ang mga luha niya gamit ang hinlalaking daliri ko.
"You're very much welcome, Sydney. You deserve all of this, you deserve more my lady." I said and kissed her forehead.
Sa buhay, kahit gaano natin kagustong mangyari ang isang bagay, kung hindi pa tama ang panahon ay hindi natin ito mapipilit na mangyari.
Kagaya ng pagmamahalan namin ni Sydney. Gustong-gusto ko siyang ipaglaban noon, ngunit wala pa akong kakayahan na gawin 'yon.
Kapag nagmahal ka, masasaktan ka talaga. Dahil hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nakakaramdam ng sakit.
Higit sa lahat, kahit gaano tayo nasaktan, h'wag nating kakalimutan na mas gagaan ang buhay kung marunong tayo magbigay ng kapatawaran sa mga taong nanakit sa atin...sa nakaraan man o sa kasalukuyan.
Wakas.

Komento sa Aklat (1896)

  • avatar
    Kris Yagatam

    Unang basa ko palang sa kwento akala ko walang ng mangyayari sa buhay niya, pero habang tumagal pala ginawan niya ng paraan para maging maayos ang buhay niya sobrang proud ako sa kanya dahil napaka mabuti niyang ina, kinaya niya lahat ng pag hihirapan at sakit na pinaramdam sa kanya hinde siya sumuko sobrang tatag niya. tapos tama yung pag papalaki niya sa anak niya naturuan ng kabutihan at magandang asal napaka magalang niya sobra. sana maiangat niya sa kahirapan ang pamilya at matupad lahat eh

    04/08/2022

      4
  • avatar
    MoralLyka

    this is lucky apps i got money and diamond id of ml and paypal

    13/08

      0
  • avatar
    CerdoNely

    jjd

    17/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata