Homepage/The Lady Gangster's Mission For The Prince/
Chapter 22 - Adira and Prince Damon
HABANG si Adira ay nakamasid sa itsura ng puwesto kung saan mangyayari ang paligsahan. Nakahalukipkip lang siya, pero nakakunot ang noo. Ang mata niyang tinitingnan isa-isa ang mga prinsipe. "Ganito ba talaga pag prinsipe. Kailangan ay may itsura? Halos lahat ng prinsipe na nakikita ko ay talagang walang nagpapatalo sa itsura at tindig ng katawan," saad ko sa isipan. Magkakaiba ang kasuotan ng mga prinsipe. May simple, magarbo at ang ilan ay kahit pa ordinaryo ang suot ay mukhang mahal ang presyo ng tela. Tumingin ako kay Dylan at nilakbay ko ang paningin mula ulo hanggang paa niya. Hindi naman niya ako napansin dahil sa ibang direksyon siya nakatingin. "Teka!" Humarap ako sa prinsipe dahil tanging ulo ko lang ang nakalingon sa kanya. "May napapansin ako, Dylan." Lumingon naman siya at nagkunot ng noo. "Ano?" "Bakit parang magkamukha tayo ng suot iba lang ang kulay ng sayo?" Tumingin naman siya sa suot niya at sa akin. "Meron nga." Unti-unting kumukunot ang noo ko. "Bakit?" "Anong,bakit?" "Bakit magkamukha tayo ng suot?!" Umiinit na naman ang ulo ko sa prinsipe. Inayos niya ang suot niya at walang pakialam. Hindi man lang ako sinagot. "May balak ka bang sagutin ang tanong ko?" "Wala." "Anong wala! Ikaw ang nakaisip na ganito ang suotin ko tapos parang ang suot nating dalawa ay para pang magkasintahan." Natigilan ang prinsipe. "Gano'n ba 'yon?" "Oo gano'n 'yon lalo na kung na sa bansa namin. Pinaghihinalaan pag ganito ang suot." "Wala ka naman sa bansa mo kaya okay lang 'yan." Kinagat ko na lang ang loob ng pisngi ko sa inis dahil hindi ko din napansin kanina na magkamukha pala ang suot namin iba lang ang kulay ng sa kanya. Mas natuon ang atensyon ko sa damit kong suot ngayon ng paalis na kami ng palasyo. "Binibini!" Kumunot ang noo ko at lumingon. "Prince Franco?" Ngumiti naman si Prince Franco. "Ako nga. Nagkita tayong muli kahit pa kahapon lang ang huli." "Kasali ka sa patimpalak?" "Hindi." Ang mata kong puno ng pagtataka. "Lahat ng prinsipe ay kasali 'di ba at isa kang prinsipe. Bakit hindi ka kasali?" Bumuntong-hininga siya at humarap sa pagdarausan ng paligsahan. "Hindi kasi ako marunong gumamit ng pana at palaso." Nakatitig lamang ako sa kanya at napaisip," Bakit si Dylan ay hindi marunong ay sumasali pa rin kahit na napapahiya na siya noon, pero bakit si Prince Franco ay hindi man lang sumubok?" Lumingon sa akin si Prince Franco. "Iba ang kasuotan mo ngayon. Bagay sayo." At ngumiti siya ng napakaganda. Napatanong tuloy ako sa sarili ko, "Bakit pag si Prince Franco ang ngumiti ng gano'n ay napapahinto ako dahil ba gwapo ba siya o bagay lang sa kanya?" Bigla namang may pekeng umubo sa likuran ko at alam ko na kung sino. Hindi pa man nagtatagal ang pagdating ni Prince Franco ay may isang prinsipe na namang bumati kay Adira. "Magandang umaga, binibini!" Nakasimangot naman akong tumingin sa prinsipeng bumati sa akin ngayon. "Walang maganda sa umaga kung ikaw din naman ang makikita ko," bulong ko. Pero mukhang narinig ni Prince Franco kaya bahagya itong napangiti at kitang-kita ko 'yon. "Bakit ganyan naman ang mukha mo binibini? Hindi ka ba nasisiyahan na makita akong muli?" Ang prinsipe na bagong dating ay si Prince Damon. Peke akong ngumiti. "Pag sinabi ko bang hindi ay maniniwala ka?" Tila nagtaka si Prince Damon. "Hindi." "Puwes huwag mo na akong tanungin dahil alam mo ang sagot ko sa tanong mo," seryoso kong saad. Ang kaninang magiliw na pagbati nito ay napalitan ng seryosong mukha. "Sinusubukan kong makipagkaibigan, binibini." Hindi ako sumagot. Pero nagsalita si Prince Franco. "Prince Damon, muli tayo ulit nagkita. Ilang taon na rin ang huli." "Prince Franco ikaw pala 'yan. Sa tagal ng panahon ay nakalimutan ko na ang iyong mukha ng huli kitang makita." Maliit naman na ngumiti si Prince Franco. "Hindi din kita masisisi dahil hindi din ako dumadalo sa lahat ng okasyon ng bawat palasyo." Tumango lang si Prince Damon at bumaling ng tingin kay Prince Dylan na kanina pa tahimik. "Magandang umaga sayo, Prince Dylan." "Magandang umaga," sagot lang ni Prince Dylan. Lumakad palapit si Prince Damon kay Prince Dylan. Napaatras si Adira kaya mas lalo siyang nadikit kay Prince Franco. "Siguro naman ay may alam ka na ngayon," saad ni Prince Damon habang nakatitig sa mata ni Prince Dylan. "Meron na siyang alam," ako ang sumagot para sa prinsipe. Napakunot naman ang ni Prince Damon. "Binibini, hindi ikaw ang kausap ko. Bakit ikaw ang sumasagot para kay Prince Dylan?" "Gusto lang, bakit?" Nakita kong napangisi siya pero agad ding nawala. "Hindi mo ba alam na hindi dapat sumasagot ang isang tao pag hindi naman siya ang kausap nito. Walang pag-galang ang ginawa mo binibini at hindi ko nagustuhan ang ugali mong 'yon." "Bakit hindi mo muna simulan sayo tutal ikaw din naman ay may ganoong pag-uugali?" seryoso kong saad. Ang dalawang prinsipe naman ay tahimik lang. Si Prince Dylan na parang gusto ng awatin si Adira pero wala namang salita na lumalabas sa bibig niya, pero si Prince Franco ay kalmado lang na nakatingin kay Adira at Prince Damon. Magkaharap ngayon si Adira at Prince Damon. "Kung si Prince Dylan ang nagbibigay sayo ng tapang dahil isa siyang prinsipe. Nagkakamali ka dahil isang pitik lang ng kamay ko ay baka damputin ka ng nagkalat na kawal dito." "Wala akong pakialam," madiin kong saad at nakipagtitigan sa mata niya. Si Prince Dylan ay nababahala na sa sagutan ng dalawa. Sarkastiko naman ngumiti si Prince Damon. "Bakit ang tapang mo. Walang magagawa ang tapang mo dito lalo pa't isa ka lang binibini na mahina," mabagal ang bawat salita ni Prince Damon, kaya naging blanko ang mukha ni Adira at napansin 'yon ni Prince Dylan. Hihitakin na sana ni Prince Dylan si Adira, pero naunahan na siya ni Prince Franco dahil hinila nito ang balikat ni Adira palayo kay Prince Damon. Ang kamay ni Prince Dylan na naka-ambang hahawak sana sa kamay ni Adira ay dahan-dahan na bumaba at kinuyom. "Prince Damon, masyadong mabigat ang binibitawan mong salita sa binibini," kalmado ang pagkakasabi ni Prince Franco ngunit may konting pagbabanta din na mahihimigan sa salita niya. Umatras ng bahagya si Prince Damon. "Alam mong hindi din maganda ang pagsagot niya ng hindi naman siya ang kausap, Prince Franco." "Kahit gano'n ay ikaw na lang sana ang umunawa. Tandaan mo na isa kang prinsipe at magkakaroon ng hindi magandang pagtingin sayo ang ibang nandito." Hindi na sumagot pa si Prince Damon at umalis na lang ito. "Naiinis na talaga ako sa prinsipe na 'yon. Kung puwede ko lang ipakita kung—" "Adira!" Napalingon naman kaagad ako kay Dylan at nakita kong umiling siya. Pasimple naman akong lumayo kay Prince Franco. Sa ginawa ni Dylan ay natauhan ako sa sobrang pagkainis. Mabuti na lang at hindi ko nasabi ang salitang gangster lalo pa't may kasunduan kami ni King Stephen na wala dapat makaalam ng lahat dahil baka may makadiskubre na isa rin akong tagapagbantay ni Dylan laban sa misteryosong kalaban. "Kalmado ka na ba?" tanong ni Prince Franco. Tumango ako. "Oo, pasensya na." "Wala kang dapat ihingi ng pasensya. May ugali talaga minsan si Prince Damon, pero nakapagtataka na sa isang binibini siya nagpakita ng ganung ugali na hindi naman niya ginagawa noon?" Kumunot ang noo ko. "Bakit parang may alam ka tungkol sa ugali ni Prince Damon?" "Na obserbahan ko lang pag may okasyon noon,pero ngayon ay hindi ko na ginagawa na dumalo kaya nagulat lang ako sa pinakita niyang ugali ngayon." "Baka natural lang talaga sa prinsipe na 'yon." Nagkibit-balikat na lang si Prince Franco ng may ingay na nagmumula sa mabatong lugar. Hudyat na magsisimula na ang paligsahan. "Mag-uumpisa na ang palabas. Maaari na kayong lumapit doon. Hahanap lang ako ng magandang puwesto para manuod. "Yumuko ng bahagya si Prince Franco at tuluyan ng umalis. Biglang pinisil ni Dylan ang magkabilang pisngi ko ng umalis na si Prince Franco. "Masa..kit," sa nahihirapang saad ko. "Mabilis uminit ang ulo mo kaya kailangan kang parusahan gamit 'to. Mapapahamak ka lalo sa matatalim mong salita kay Prince Damon." Binitawan niya na ang pisngi ko at muntik ng tumulo ang laway ko sa sobrang pagatak niya. "Siya naman ang nag-umpisa." "Kahit na, tandaan mo na iba ang buhay dito sa buhay mo sa ibang bansa. May patakaran dito na baka magawa mo ng hindi mo alam, kaya mas mabuting huwag ka ng makipag-away lalo na kay Prince Damon." "Hindi ako sigurado at kung mangyari man 'yon handa kong harapin ang magiging kasalanan ko." Napabuntong-hininga naman si Dylan. "Ang tigas talaga ng ulo mo binibini, pero halika na at baka ako na lang ang wala doon." Masama naman akong tumingin kay Dylan. "Galingan mo para hindi naman masayang ang pag-init ng ulo ko sa araw na 'to." Bigla naman siyang lumingon. "Bakit nakasalalay sa akin ang ginawa mo ngayon?" "Dapat lang dahil ikaw ang nag-umpisa nito, kaya kung gusto mong matuwa ako sayo galingan mo kahit na hindi ang pinakamalaking premyo ang makuha mo basta mahanay ka lang sa pinakamagaling ay okay na ko doon." Kumunot naman ang noo ng prinsipe. "Akala ko ba ay ang pinakamataas ang gusto mong makuha ko." Maliit naman akong napangiti. "Sinabi ko nga 'yon, pero huwag mong masyadong isipin ng isipin 'yon dahil lang sinabi ko. Kung saan lang ang kaya mo ay okay na 'yon. Malaking bagay na 'yon para sayo." Nakatitig lamang siya sa akin at biglang tumalikod. "Hindi, Adira. Ibubuhos ko na ang lahat sa kompetisyon na 'to kahit pa mapahiya ako. Hindi ko sasayangin ang pagod mo sa pagtuturo lang sa akin." Nauna na siyang lumakad at naiwan akong nakatayo. Napapailing na lang ako na sumunod sa kanya. Habang naglalakad na si Adira ay nakamasid pala si Prince Damon sa kanya at walang emosyon na makikita sa mukha nito. Umalis na si Prince Damon sa kinatatayuan niya habang may hawak na pana at ang mga palaso ay nakalagay sa isang lagayan na nakasabit sa likod niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
DIMPLE
nice story 😍
20/06
0
Jessica Elloren
hello plss help me para ma bili po ako ngbagong cp sira na kasi tong cp ko sana po matulungan nyu po ako kahit 500 and para matulungan ko din pamilya ko plss po
nice story 😍
20/06
0hello plss help me para ma bili po ako ngbagong cp sira na kasi tong cp ko sana po matulungan nyu po ako kahit 500 and para matulungan ko din pamilya ko plss po
01/03
0cool
12/11/2024
0Tingnan Lahat