- It is often said that love is an act of will. Nasa kalagitnaan ako ngayon sa paglalakad ng aking nakita 'yong babaeng kinindatan ni Hexian kanina na nakaupo sa isang bench. Halata sa pagmumukha niya na pagod siya at tila may hinihintay ito. Hindi ko alam kung ano pa ang ibang dahilan sa kaniyang pagkapagod bukod sa nag-exert siya ng too much energy. Tinitigan ko siya for awhile at naglakad na. Sa katunayan ay wala sa isip ko na puntahan siya ngunit nagtataka ako ngayon kung ba’t ang tungo ng aking mga paa ay sa direksyon niya. Para ba’ng may sariling utak ang aking mga paa at basta-basta na lamang akong dinala ng mga ito sa ground niya. Habang papalapit ako sa kaniya ay kinuha niya ang isang tumbler mula sa kaniyang bag at saka binuksan ito at uminom siya ng tubig. Nang makalapit na ako sa kaniya ay siya din namang pagtigil ng aking mga paa mula sa paglalakad. Nanatili lamang akong nakatayo at blanko na nakatingin sa kaniya habang umiinom siya ng tubig. Namangha ako dahil sa kakaiba niyang taglay at lakas sa pag-inom ng tubig. Walang ano-ano’y sumagi sa aking isipan na daig pa niya ang nauuhaw na kalabaw. Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya ako napansin at bakas sa kaniyang pagmumukha ang pagkagulat nang makita niya akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. Natatawa ako sa mukha niya dahil sa naging reaksyon nito at gusto ko sanang i-voice out ang tuwang nararamdaman ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili baka mas lalo pa siyang magulat at isa pa, kapag tumawa ako, magmumukha akong tanga sa kaniyang paningin. Nang matapos na siyang uminom ay agad naman akong napatanong, “Ganiyan ka ba talaga uminom?” Bakas sa pagmumukha niya na naguguluhan siya dahil sa aking tanong, dahilan para mapasabi na lamang siya ng, “bakit?” I intently looked at her sabay sabing, “Ang lakas mo kasing uminom ng tubig, daig mo pa ang uhaw na kalabaw.” Bakas sa pagmumukha niya ang pagpalag sa aking sinabi ngunit hindi niya ito pinalabas sa kaniyang bibig. Maya-maya pa ay tumayo na siya at sa pagtayo niya ay na out of balance siya kung kaya’t sinalo ko na lamang siya. Agad na dumapo ang aking kamay sa bewang niya samantalang ang kaliwang kamay niya naman ay nakasabit sa aking braso habang ang kanang kamay niya ay hawak-hawak ang precious tumbler niya. Nagtama ang aming mga mata at nakaramdam ako na para ba’ng may isang matulis na bagay na hatid ng kaniyang mga mata at tumagos ito sa pinakasulok na bahagi ng aking puso. Biglang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo kasabay ang pagtigil nang takbo ng oras at pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang nage-exist ngayon dito sa mundo. Habang tumatagal ang aming titigan ay aking naramdaman ang kakaibang bilis nang tibok ng aking puso at bago pa man lumala ang lahat ay tinayo ko na siya at dumiretso na ako sa paglalakad. Hindi na ako nag-atubili na lumingon pa sapagkat masasayang lamang muli ang aking oras. Habang naglalakad ay naisipan ko na makinig na lamang ng music and so, I turn on my phone and my earpods ngunit hindi ko pa nga nailalagay ang aking earpods ay biglang sumulpot si Nana sa aking harapan. “Nana,” ani ko at pinatay ko muna ang aking phone at earpods. “Can I talk with you for awhile, anak?” aniya at tumango naman ako. Sumunod lamang ako kay Nana papuntang office. Si Nana ang nagsilbi kong pangalawang ina, yes, she is my yaya ever since I was a child. Isa siya sa loyal na mga tauhan ni Daddy at kahit na hindi pa man sinasabi sa akin ni Nana ay alam ko na si Daddy ang naglagay sa kaniya dito sa school para bantayan ako. Dati, noong bata pa ako, si Nana ang taga-luto ng aking mga pagkain, at kahit dito sa school ay siya rin ang nagluluto ng aking pagkain. Exclusive lamang sa akin ang serbisyo ni Nana. Actually, Nana is the head staff of the school canteen. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ni Nana sa office niya. When she opened the door ay bumungad sa akin ang mga paborito kong pagkain. Agad naman akong umupo sa upuan at saka kinain ang mga paborito kong pagkain na nakahain sa mesa. “I know that you missed such dishes.” aniya at saka umupo sa gilid ko. I smiled to her at tinuloy ko na ang aking pagkain. Nang matapos na akong kumain ay agad naman nagsalita muli si Nana, “Anak, nakita ko ‘yon kanina.” Bigla naman akong naguluhan, “Ang alin?” Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ang tinutukoy ngayon ni Nana na nakita niya raw. “’Yong babae na parang matutumba na ata at hinakawan mo sa bewang tapos matagal-tagal din kayong nagkatitigan.” Aniya sabay tukso sa akin. Hindi ako umimik. “Pag-ibig na ba 'yan, ‘nak?” tukso niya sa akin sabay tusok niya ng kaniyang hintuturo sa aking bewang. Agad naman akong dumistansya sa kaniya as I smirked, “Nope. Na, I will never fall inlove. The warm magic of love cannot conquer the coldness of my heart.” bakas sa tono ng aking pananalita na seryoso ako kung kaya’t tumigil na si Nana mula sa pagtukso. “’Nak, isa sa rason kung ba’t dinala kita rito kasi gusto ko na sabihin sa’yo ang sabi ng Daddy mo. Hep! ‘Wag ka munang mag-react, patapusin mo muna ako, please?” aniya dahilan para maudyok ang gagawin ko sana na reaction. “Nandito kanina ‘yong Daddy mo, at lahat ng mga subject teachers mo including ‘yong adviser mo ay tinanong niya kung kumusta ka at ang performance mo sa bawat klase nila. Tapos, sinabihan niya ako na sabihin ko raw sa’yo na…. gustong-gusto ka niyang kausapin, ‘yon lang, ikaw naman, anong masasabi mo?” mahaba niyang lintaya. “Simula pa naman no’ng nagsimula akong mag-aral dito ay minomonitor na talaga ako ni Daddy, at hindi na ‘yan bago sa akin, Nana. Kaya nga hindi ko rin masisisi kung bakit may ibang classmate ako na inaakala nila na ang rason kung ba’t palagi akong rank one mapa-classroom man o sa general ranking ay dahil kay Daddy— maraming nag-iisip na favour ang mga teachers sa akin at isa pa, kung tutuusin, si Daddy ang may pinakamalaking donation dito sa school. Pero alam ko na kaya ako laging nasa top one ay dahil sa magaling lang talaga ako— no one can defeat me, even the god of love cannot defeat me.” ani ko dahilan para mabaluktot ang pagmumukha ni Nana dahil sa last sentence na sinabi ko. Hindi na umimik si Nana pero bakas sa pagmumukha niya ang kakaibang tawa. “Na, alam ko na alam mo na ayaw na ayaw kong makausap si Daddy.” dagdag ko na siyang naging dahilan para bumukas ang mouth ni Nana sabay sabing, “Ayaw mo ba talagang pakinggan ang explanation ng Daddy mo?” I nod, “Yes Na, sapat na sa akin ang nakita ko noon. Action speaks louder than words 'ika nga, and aside from that is.... I don’t trust words.” “Pero anak, minsan sa buhay ay taliwas ang nangyayari. ‘Yong akala mo na ganiyan ang ugali ng isang tao na base lamang sa nakita mo without even digging or scrutinizing behind the actions that you saw, nagca-cause siya ng misunderstanding and ang cure ng misunderstanding ay explanation. Nak, pa’no mo mae-expand ang kaalaman mo kung hindi ka man lang nakinig sa explanation ng iba? Remember Nak, even salt looks like sugar.” saad ni Yaya na siyang dahilan para matahimik ako at magmuni-muni. Am I willing to heed from my father? Kaya ko na ba’ng kausapin si Dad? Mapapatawad ko pa kaya si Daddy? “Nak, everything is up to you. Basta, ang sabi sa akin ng Daddy mo ay handa siyang mag-antay hanggang sa araw na handa ka ng kausapin siya, pero sana kapag dumating ang araw na ‘yon ay hindi pa huli ang lahat. Anak, bilang Yaya mo isa lang ang masasabi ko sa’yo, ‘wag mong ipagkait ang katotohanan sa sarili mo.” ani niyang muli at saka siya lumapit sa akin at niyakap ako. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong dapat kung gawin. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin muli si Dad after the agony that he caused. Sa ngayon, ayaw kong pilitin ang sarili ko. May nakatakdang oras naman para sa lahat. “Tara na Na, hatid na kita.” turan ko kay Nana. Sinara na ni Nana ang opisina niya at saka tinungo na namin ang parking lot. Makulimlim na ng makalabas kami ni Nana mula sa kaniyang opisina. Nang makarating na kami sa parking lot ay agad kaming sumakay sa aking kotse at I turned on the engine. I slowly drove the car off. Habang nagmamaneho ay may naaninag akong isang pamilyar na babae na nakaupo sa waiting area ng school. Tahimik lamang siyang nakaupo at nagbabasa ng libro. I halt the car in front of the waiting area at inutusan ko si Nana na tawagin siya. Nang marinig niya ang boses ni Nana ay agad naman siyang huminto mula sa pagbabasa. Niyaya siya ni Nana na ihatid nalang namin siya pauwi sapagkat gabi na ngunit nagmamatigas pa rin siya. Paulit-ulit na nagyaya sa kaniya si Nana na pumasok na siya ng kotse ngunit dini-decline niya ito. Nairita ako kung kaya’t lumabas ako sa aking kotse at bakas na naman sa kaniyang pagmumukha ang pagkagulat. Nang makalapit na ako sa kaniya ay binulungan ko siya, “sasakay ka o bubuhatin kita?” Matapos akong bumulong ay bumalik na ako sa aking kotse at sumunod na siya sa akin. Nang makapasok na kami sa kotse ay ningitian ako ni Nana— nanunuksong ngiti.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (74)
aludtagtrisha
oh my ang tagal na pala nito, ilang taon na nakaraan wala pa ring season 2??? Magkakaron pa kaya ng season 2?
oh my ang tagal na pala nito, ilang taon na nakaraan wala pa ring season 2??? Magkakaron pa kaya ng season 2?
08/07
0Season 2 po please 2024 pa ako naghihintay please
09/07/2025
0ehank you
23/04/2025
0Tingnan Lahat