Chapter 9

AN: Salamat po ulit sa mga nagandahan dito at narito na ang dahilan ng pagkawala ni, Duncan Patterson. Enjoy reading.
=======================================
DUNCAN
Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin, minulat ko ang mata ko kasabay ng pagkirot ng tagiliran ko. Nakita ko na nakaupo si Mazel, dito malapit sa akin at hawak-hawak ang kamay ko habang nakayuko siya.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya, umangat naman ang mukha niya at kita ko na namumugto ang mata niya, marahil sa pag-iyak.
"Nagbabantay sa'yo" naakataas ang kilay na sagot niya.
"Umuwi kana! Kaya ko na ang sarili ko." malamig ang boses na taboy ko sa kanya.
"Alam mo, ang pride mo talaga. Binabantayan nga kita ang arte mo pa. Siga nga, eh ba't nabug-bog ka nang sobra?" inis na sagot niya.
"Tanga kaba? O baka naman sadyang bobo ka lang talaga. Hindi mo nakita ang nangyari?"  singhal ko sa kanya at tumalikod ako ng higa. "Iwanan mo na ako,  baka maubutan ka pa ng mommy ko." mahinang salita ko pa.
Pinakiramdaman ko siya at narinig ko ang pagtayo niya. Hinayaan ko na lang at hindi na ako nag-abala pa na lingunin siya.
"Oh! Sweetheart nandito ka pala."
Narinig ko na bati ni Allen 'kay, Mazel. Nandito na pala sila, sana hindi mo na sila pumunta dito. Isip ko habang naririnig ko ang yabag ng mga paa na naglalakad.
"Paalis na rin ako, sige."
Sagot pa ni Mazel. Hindi ko na siya ulit narinig pa siguro lumabas na siya. Gustuhin ko man na huwag siya paalisin pero kailangan.
"Ano'ng nangyari?" tapik na tanong ni, Allen.
Hindi ko siya sinagot ano ba nakikita niya sa akin ngayon? Tssk!
"Mamaya balikan ba namin?" segunda naman ni, Jex.
Napaharap naman ako sa kanila at tiningnan silang apat.
"Bakit nabug-bog ka ata nang husto ngayon? At hindi mo man lang kami niyaya sa lakad niyo?"pailing-iling pa na salita ni, Dwane. Habang kumukuha ng ubos sa lamesa na maliit at kinain.
"P're naman nag-iisip ka ba? Kita mong nakipag-date si DC, makikigulo ka pa?" sabay tawa ni Allen. Yan minsan tawag nila sa akin, DC.
Hindi ko makakalimutan na sinabi yon ni Mazel na yun na lang ang itatawag sa akin. Muling nabalik ang atensyon ko sa kanila.
"Oo nga naman, tapos tingnan mo nagpakabayani pa." hirit naman ni, Vincent.
"Kung mang-aasar lang kayo maaari na kayong umalis." seryosong wika ko.
"Ito naman hindi na mabiro!" lumapit si Allen at seryosong nakatingin. "Pinatapos ko na 'yung mga gagong gumulpi sayo." sagot naman nito na sa seryoso na mukha.
"Ayos ah! Ang bilis mo naman kumilos," sambit naman ni, Dwane.
"Naman, ako pa ba?" mayabang na wika ni Allen.
"Suwerte nila hindi ako ang gumawa no'n sa kanila, dahil pahihirapan ko muna mga buhay nila bago ko sila patayin." salita lang nitong si, Allen.
Nakakapatay talaga kami kung minsan at balewala lang 'yon sa amin. Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mommy ko na may bahid na galit sa kanyang mukha.
"Sige, DC. Sibat na muna kami." paalam ni, Vincent at Jex.
Tumango lang ako sa kanila at naglabasan na silang apat. Alam naman nila ugali ng mama ko kaya umalis na sila.
"Ano bang nangyari sa'yo? Akala ko ba kaya mo ang sarili mo. Hindi ko na talaga mabilang kung pang-ilang punta ko na dito sa hospital sa tuwing may nangyayari sa'yo." bungad agad na sermon nito.
"Kung hindi maganda ang sasabihin mo, pwede ka ng umalis. I need rest." malamig ang boses na sagot ko lang sa kanya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo! Kailan ka ba titigil? After all these years hindi ka pa rin ba nakakalimot?" nakataas na ang boses na salita nito.
Biglang ako nakaramdam nang matinding galit dahil sa sinabi ni mommy.
"Ma, after all these years hindi mo pa rin ako maintindihan? Kung ikaw nakalimot na ako hindi pa! At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita 'yung taong pumatay 'kay daddy." nanlilisik ang mga mata ko na sigaw sa kanya.
"Anak naman, huwag mo naman  pahirapan ang sarili mo. Alam kung mahirap pero ayoko na pati ikaw ay mawala pa sa akin." naiiyak na wika nito.
"Tss! Makapag-salita ka akala mo naging magulang ka talaga sa akin. Hindi ako titigil at kung mamatay man ako sisiguraduhin ko munang mauunang mamatay ang taong pumatay sa daddy ko!" mariin na pagkakasabi ko.
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa'yo. " naiiling na sambit nito.
"Umalis kana!" taboy ko sa kanya. Naiwan akong mag-isa dito, hangang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit sa akin lahat iniwan ni Daddy ang lahat ng kayamanan niya. At kahit piso wala siyang binigay sa mommy ko.
Siya lang ngayon ang namamahala sa lahat nang negosyo namin at kapag dumating na ako sa tamang edad 'ay ibibigay na ito lahat sa akin upang ako na ang mamahala sa lahat. Muli ko na naman naalala ang nangyari sampung taon ang nakalipas.
Pagkatapos kong mag-paalam kay, Mazel. Umuwi na kami ni yaya Chona. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag.
Naunang pumasok siya Yaya Chona at na sa likod ako. Biglang may humila 'sa kanya, hindi ko alam kung saan dinala si Yay Chona nang kumuha sa kanya. Ang tanging nakita ko lang ay may dalawang taong nakasuot ng puro itim na damit at mga naka-bonet sila sa mukha. Napansin ko rin na may mga dugo sa mga sahig.
Hanggang sa marinig ko ang boses ni daddy na nagmumula sa kanyang kuwarto, mukhang may kausap siya doon. At basi sa aking pandinig mukhang nagtatalo sila kaya tumakbo ako agad ng mabilis at umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto niya.
Pagdating ko dito sa harap ng pintuan itunalak ko agad ang pinto at bumungad sa akin ang nakaluhod na lalaki at walang iba kung hindi ang papa ko. Napatingin naman sa akin 'yung isang nakaitim at kahit bibig lang ang kita at ang mata alam kung babae ito dahil na rin sa maumbok na dibdib nito. At 'yung isang kasama niya naman ay lalaki, ngumisi pa na animo'y demonyo sa akin.
"Dad!" tawag ko sa daddy ko.
"Duncan, diyan kalang huwag kang lalapit dito!" matigas na utos ni Daddy.
Naguguluhan ako.
"Nandito pala ang unico hijo mo Mr.Patterson."  sabay tawa nitong lalaki.
Pinakinggan kong mabuti ang boses ng lalaking nagsasalita at tinandaan ko 'yon sa isip ko.
"Huwag mong idadamay ang anak ko dito!" sigaw ni Daddy.
Habang ako ay na istatwa na sa may pintuan.
"Manahimik ka! Huwag mo nga akong utasan!" sigaw nito 'kay daddy nitong lalaki.
"Mamatay man ako pero wala kayong pakikinabangan kahit isang kusing sa 'yaman ko." seryoso na wika ni, Daddy.
Binalingan ako ni daddy. "Duncan, tandaan mo 'yung tinuro ko sayo. "Ang pagkilatis sa tao at pandinig.
Napatingin ako 'kay daddy dahil sa sinabi nya sa akin.
"Ang daldal mo! Sabihin mo na samin nasaan ang 'yaman mo?" sabay palo nang baril sa balikat ni papa.
"Dad!" sigaw ko ulit.
Umupong muli si papa dahil natumba skya nang bahagya. Gusto kong lumapit sa kanya pero tila walang lakas ang mga paa ko upang i-hakbang ito.
"Alam mong alam niyo na kaya ko kayong dalawa kahit ilan pa kayo, nunit kailangan kung magsakripisyo para sa anak ko. Kaya kung gusto niyong makuha ang yaman ko patayin mo na ako. At hayaang mabuhay ang anak ko dahil sa kanya niyo lang makukuha ang hinahanap ninyo."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni papa. Nagkatinginan naman ang dalawa at tila nag-uusap dahil sa sinabi ni Daddy.
"Tang-ina mo! Kung ganun planado mo na pala ito? Gago ka talaga ang galing mo rin. At bigla nalang itinutok sa sentido ng daddy ko ang hawak nitong baril at walang alinlangan na ipinutok nito kay daddy.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ko, pakiramdam ko para akong mauupos na kandila habang nanginginig ang buong katawan ko. Titig na titig ako sa mata nitomg lalaki.
"Tangina mo! Bagay lang talaga sa'yo ang mamatay, iisama ko na rin itong nag-iisang anak mo." sabay tutok rin nito ng baril sa akin.
"Ano ka ba! Kapag ginawa mo 'yan mawawalan nang saysay itong paghihirap natin. Baka nga totoong na sa bata na 'yan ang hinahanap natin."
Awat ng babae, parang narinig ko na ang boses na 'yon hindi ko lang matandaan kung saan.
Kahit wala ako sa sarili ko, rinig na rinig ko ang pag-uusap nila, at isa lang ang tanging na sa isip ko. Ang patayin sila sa tamang panahon, may tanda ako dito sa lalaki na bumaril 'kay daddy. Meron siya sa kanan niyang kamay na para siyang sobrang laman sa isa niyang hinlalaki nakalawit ito kaya napansin ko.
Matapos ang nangyari na 'yon dinala ako ni mommy sa California matapos namin ipagluksa si daddy. Wala no'ng panahon na 'yon si mommy dahil  na sa meeting.
Ang akala nila nagkatrauma ako dahil hindi ako nagsasalita pero ang totoo niyan paulit-ulit kong tinatandaan sa isip ko ang lahat ng nangyari. Isa lang ang na sa isip ko, papatayin ko ang lahat ng konektado sa pumatay sa Daddy ko.
-------------

Komento sa Aklat (256)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Wow ang ganda ng story na to, may book 2 po ba ito about sa college life naman nila. Kasi parang may another character nanaman eh,. Well I like this story, hoping more story to come na ganito nakaka excite ang story.

    20/12/2021

      5
  • avatar
    Castillo Gelo

    maganda

    13/07

      0
  • avatar
    BiagtasJessa marie

    nagustuahan ko yong quality nung story nila nakaka inlove talaga

    17/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata