Chapter 21

AN: Maraming salamat po sa mga nagbabasa nito, dahil sa totoo lang ito talaga ang unang story na ginawa ko sa una ko na acct. Enjoy reading while smiling...
=======================================
Mazel
Muli kong ibinaba itong laptop ng marinig ko ang boses ni, Allen. Dahil balak ko na talagang ibato ito kay Duncan, dahil nakakainis talaga siya. Alam mo 'yung pakiramdam na kinikilig ka pero ayaw mo ipahalata, ugh!
"Sweetheart, bakit? Nag-aaway na naman kayo?" nangingiting tanong ni, Allen.
Inisnaban ko lang si Allen, dahil isa pa itong mapang-asar lang. Napasulyap naman ako dito sa demonyo na 'to at hndi ko alam kung namalikmata lang ba ako, dahil parang ngumiti si Duncan, ngumiti ba talaga s'ya?
"Best musta na!"
Nagising naman bigla ang diwa ko sa lakas ng boses ni, Joyce. Gumanti naman ako ng yakap sa kan'ya.
"Bakit nandito kayong lahat?" Nagtatakang tanong ko sa kanila at mga nakangiti lang sila sa akin.
"Niyaya lang ako ni baby, Allen koh." ngiting sagot ni Joyce. 
Nag-upuan naman sila Dwane at Jex sa bakante na mga  upuan, samantalang nakasampa naman si Jex sa may sandalan nang inuupuan ni Duncan.
"Ano bang pinag-aawayan niyo dito sa laptop?"
Kausap muli sa akin ni Allen, kasi nasa gitna nila ako ni Joyce. Parehong naghihintay sila sa sagot ko habang si Duncan na prenting nakaupo habang nakabuka pa ang mga hita at todo sandal sa sopa namin na luma na.
"Eh, nakakaasar 'yan eh! Mali naman 'yung password na binigay niya!" asar kong sagot kay, Allen. Tumawa naman bigla si Allen, pati na rin si Jex at Dwane kasama si, Vincent.
"Ano bang password nito? Ulitin natin." Tapos kinuha niya 'yung laptop sa lamesa pinatong niya sa hita niya.
Bigla akong natigilan kasi parang nalunok ko ata ang dila ko at isa pa hindi ko kayang bigkasin 'yung sinabi ni Duncan kanina.
"Best, sige na sabihin muna para mabuksan na 'yan." Baling naman sa akin ni, Joyce.
"A-eh kasi....." hirap kong pagsasalita at tila kinakapos ako ng paghinga, pasimpleng tiningnan ko si Duncan Pero mukhang wala siyang pakialam.
"I said, I love you."
Napalingon kaming lahat lalo naman ako kasi hindi ko inaasahan na uulitin niya at sa akin talaga siya nakatingin. Pakiramdam ko gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ngayon sa halo-halong pakiramdam.
Parang kinikiliti ang buong parte ng katawan ko sa pagbigkas niya muli habang si Joyce, nakikita ko na nangingiti na lang ito bigla.
"Ayon naman pala ang password," wika ulit ni, Allen.
Hndi ko magawang tingnan si Allen, pati na rin ang iba dahil pakiramdam ko lahat sila mga nakangiti. "Mali naman kasi sinubukan ko," mahinang bigkas ko na medyo nakayuko.
"Ano ba ang sagot sa, I love you?" Walang emosyon na  sabi ni, Vincent.
Ako naman nanlalaki na ata ulo ko sa hindi malaman kung paano magre-react o kung paano itatago ang kilig at kabang nararamdaman ko ngayon. Napaisip naman ako at natahimik sila hanggang sa kusang lumabas sa bibig ko ang katagang.
"I love you too," sa pagkakasalita ko hindi ko alam kung bakit sa pagbigkas ko no'n ay kasabay nang pagtingin ko kay, Duncan. Pakiramdam ko nangangapal na ang mukha ko dahil sa bigla akong nahiya at nangapal ang magkabilaan na pisngi ko.
"OMG! OMG! Kinilig ako, ano bayan."
Malakas ang pagkakasabi na ni Joyce, habang sinisiko ako dahil sa sobrang kilig nito.
"Bakit?" Mahinang sabi ko dahil kahit dama ko na ang ibig niyang sabihin binalewala ko dahil ayoko nga mag-expect.
"Yon oh! Bumukas na,"
Napalingon naman ako kay Allen, Oo nga nagbukas na kausap ko sa isip ko. Seryoso I love you too ang password?
"Oh, paano ba 'yan? Totohanan na 'yan ah." Nakakalokong sabi naman ni Dwane at nag-apir pa sila ni, Jex.
"Tangina! Pare kahit ganyan ka pala ka seryoso, anak ng puta kinilig din ako!" Natatawang tapik ni Allen sa balikat ni, Duncan.
Napangiti naaman ako kay Allen, kasi sumingit pa siya sa inuupuan ni Duncan,  para sabihin lang 'yun. May pasipa-sipa pa talaga siya. Baliw! Pero seryoso kami na talaga dahil doon? Nangingiti sa loob-loob ko. Nagtawanan naman sila joyce at Dwane, Vincent and Jex.
"Baby Allen, sa'kin gawin mo rin 'yon ah," Malambing na salita naman ni Joyce 'kay, Allen.
"Oo naman, at mas nakakakilig pa do'n." Pagmamalaki pa ni Allen, si Duncan naman tahimik lang.
"Sandali, tatawagan ko 'yung pagkain para ma i-deliver na dito, ano'ng address ba dito, Mazel?" mayamaya'y tanong ni Vincent.
Masayang nagkakainan na kami dahil sa napakadaming pagkain ang inorder nila. Akala mo may handaan na magaganap, hangang sa 'di namin namalayan na hapon na pala.
"Nako! Parating na si Papa,"  biglang wika ko at napatayo ako.
"Bakit, Mazel? May problema ba?" Tanong ni Joyce.
"Ayos lang 'yan Mazel, nang makilala namin ang papa mo." sabi naman ni, Dwane.
"K-kasi baka--- "
Biglang may pumasok mula sa pintuan at iniluwa nito si mama at papa siguro sinundo na ni papa si mama sa bayan kaya magkasabay silang umuwi ngayon.
"Oh, anak may bisita ka pala," bungad ni papa pagpasok sa loob.
"Mga kaklase ko po," magalang na sagot ko kay papa at bigla akong kinabahan na napatingin sa kanila.
"Magandang hapon po." sabay-sabay na bati nila puwera si Duncan na nakaupo lang at hindi umiimik.
"Oh, kayo pala na mga gwapong kaklase ng anak ko." nakangiting salita ni mama. "Napakadami naman nitong pagkain?" Tukoy ni mama sa lamesa na puno ng pagkain.
"Ah, birthday ko po kasi," kakamot-kamot sa ulo ni Allen, nakita ko naman na siniko siya ni, Jex.
"Gano'n ba? Oh, tamang-tama may alak ako diyan sa ref. Binigay ng kaibigan ko galing probinsiya." pagmamalaki naman ni papa.
Nako! Yan ang sinasabi ko eh, mahilig kasi uminom si papa tapos sinabi pa ni Allen, birthday niya. Ang kulit kaya ni papa kapag nakainom, bigla na lang 'yan nage-English hindi naman tama minsan.
"Ah gano'n po? Sige, game kami diyan!" sangayon naman ni, Dwane at Allen.
"Umpisahan na natin," masayang sagot ni papa at nagtungo agad sa lumang ref namin at inilabas ni papa ang dalawang galon ng tubig mula sa ref. Naglalaman ito ng tuba.
"Pa, kumain ka muna." sita ni mama dito dahil naki-pwesto na ito sa mga nakaupo na sila, Dwane.
"Hndi na, ito ngani kadaramo karan on. " sagot  ni papa sa salitang bisaya. Meaning ito nga ang daming kakainin oh.
"Anong salita 'yon?" sabay na tanong ni Joyce at Vincent. Si Duncan naman nakakunot ang noo.
Napangiti ako sa kanila, ibig sabihin ni papa, ito nga ang daming pagkain oh. Waray bisaya," Nakangiting paliwanag ko sa kanila.
"Ah, ok." sagot nila pero hindi kasama si Duncan doon.
"Tay. Tay na lang po tawag namin sa inyo." Si Vincent naman na umayos ng upo.
"Kayong bahala." sagot naman ni papa kay Vincent.
"Anak, dito kayo ng kaklase mong babae tawag sa amin ni mama at tumayo na kami. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na tiningnan ako ni, Daniel.
_____________________________________________________
DUNCAN
Simula ang huling pagkikita namin doon sa school at ipagtanggol ni Mazel sa harapan ko ang gagong Paulo na iyon. Nakaramdam ako bigla ng kaagaw, kaya naisip ko na  dalawin si Mazel sa bahay nila. Mali naman talaga ang password na binigay ko, basta iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
Dahil ang password talaga nito 'ay Duncan & Mazel, sakto naman sa oras ang pagdating nila, Allen. Kaya nakahinga ako dahil alam nila na ngayon ko balak magsabi na kay, Mazel. Si Allen na mismo guwama ng paraan na kunwari nag-open pero alam kasi ni Allen ang password doon sinabi ko bago sila nagpunta dito.
Ngayon naman bigla akong kinabahan ng makaharap ko ang magulang ni, Mazel.  At ito ang unang pagkakataon nangayari ito, kahit sa tingin ko naman na mukhang mabait ang papa at mama niya.
"Oh, sinong tangero?" Tanong nang papa ni, Mazel. "Ikaw na lang iho, dahil birthday mo." kausap niya kay Allen.
"Mukhang mapapasabak kami sayo tay ah!" Si Allen habang hawak 'yung baso na inuman namin ng tubig mababa lang ito.
"Tay, Anong alak po 'yan? Bakit nasa galon at kulay pink ba 'yang loob o pula?" Nagtataka na tanong ni Jex.
Kahit ako no'ng nilabas ito mula sa ref nasa isip ko kung anong klaseng inumin 'yun at bakit nasa galon na puti?
"Ah, iyan ba? Tuba yan." masayang wika naman ng papa ni, Mazel.
"Tuba?" Magkakasabay naming sagot. Kasi ngayon lang ako nakaranig ng gano'ng pangalan ng alak.
"Tuba hindi niyo alam? Sabagay mukhang mayayaman kayo. Tuba 'yan yung galing sa niyog."
Napatango-tango na lang kami na biglang naging mukhang tanga sa unang pagkakataon.
"Masarap 'yan tikman mo na, saka bago pa 'yan kaya matamis-tamis pa." sabi niya kay Allen.
Nagsalin si Allen sa baso at nakita kong inamoy niya at natawa ako sa itsura niya kasi medyo nangasim ang itsura ng mukha niya. Bakit kaya?
"Tay, bakit ang asim? Parang hindi ko kayang inumin." Nangngasim ang mukha ni Allen na salita.
"Tikman mo na muna matamis na maasim lang yan. Baka hanap-hanapin niyo 'yan." Natatawang bigkas nito.
"Oo nga pare, kaya mo yan. At isa pa hindi ba birthday mo?" Si Jex na natatawa sa itsura ni, Allen.
"Mga lalaki ba talaga kayo?"
Mayamaya'y narinig kong sabi ng papa ni Mazel.
"Ang arte niyo naman."
Palatak niya na kinatigil namin.
"Sinong may sabi? Iinumin ko 'to tay, nilalasap ko lang." sabay tungga ni Allen, halos masira ang pagmumukha niya ng lagukin niya ang kalahating baso.
"Oh, diba? Sa una lang akala mo hindi masarap. Pero kapag nalasaan muna magugustuhan muna,  matamis kasi yan bagong gawa lang." paliwanag pa nito sa amin.
"Oh, tay kayo naman." At inabot ni Allen yung baso sa papa ni Mazel. Basta nalang niya itong nilagok ng diretso sabay baba nang baso.
"Oh, pareng Duncan ikaw na."
Nakangisi pa si Allen sa akin, tiningnan ko lang ang baso at ang laman nito. Mukha lang siyang juice pero parang hindi ko kayang inumin naisip ko bigla.
"Ka'y gagawapo niyo naman pala, Parang ako no'ng kabataan ko." Lalo na tong isa na 'to kaya lang mukhang seryoso lagi."
Puna niya sa akin at bagtawanan naman sila Vincent ang sarap pagbabatuhin.
"Oh, tagayin muna 'yan masama daw pinaghihintay ang alak sa baso." Muling salita nito.
"Oo nga pare," si Allen, na nakangisi.
Napatingin muli ako sa baso sakto naman na pag-angat ko ng mukha nakita ko si Mazel, agad ko itong tinungga ng diretso.
"Yun oh!" Natatawang bigkas ni Jex.
Natikman na namin lahat, oo nga sa huli may tamis siya kaya lang maasim talaga, nakakailang shot na kami ng makaramdam na ako ng pamamanhid ng katawan. Sila Allen, mapupula na ang mukha at tawa na nang tawa.
"Tay, ang lakas pala ng tama nito kasi oh, isang galon palang ng tuba. Nagba-blush na mga mukha namin. Tinatamaan na kami." kumento ni Allen sa alak.
"Sabi sa inyo, m-mas matindi pa iyan sa mga importid na alak." salita nito sa hindi tamang bigkas ng imported.
Nag-iiba narin ang tono ng salita nito, halatang may tama narin ang papa ni, Mazel.
"Ah, tay tanong ko lang?"
Napatingin kami kay Dwane, at parang may kakaiba sa tono ng pananalita ni Dwane.
"Ano naman?" Sagot ng papa ni Mazel, habang kumakain ng pulutan na natira sa mga inorder ni Vincent.
"Kung sakali po ba isa sa aming lima may manligaw sa anak niyong si Mazel, ayos lang po ba?"
Bigla akong kinabahan sa tanong ni Dwane. Natahimik naman papa ni Mazel at naging seryoso ang itsura nito, hanggang sa tininggnan kami lahat.
"Tay nagbibiro lang po siya." basag ni Allen sa biglang katahimikan.
"Oo naman! Pero ikaw ayoko sayo mukhang babaero ka." Nguso niya kay Dwane, tawanan naman sila Vincent, Jex at Allen kahit ako napangiti na rin.
"Tangna pare, halata talaga kahit sa itsura." tawang pang-aasar ni Allen kay Dwane. Sinuktok naman ng mahina ni Dwane si Allen sa braso.
"Oo naman pweding-pwedi, lalo na tong isa na 'to, mukhang sa isang ito hindi maghihirap anak ko."
Nagulat naman ako kasi ako pala ang tinutukoy ng papa ni, Mazel. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Nice one pare, tanggap ka na," siko ni, Jex.
Umikot na muli ang tagay at marami na ang nainom namin at sa totoo lang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, si Dwane napapapikit habang si Vincent natahimik sa gilid. si Jex naman medyo kaya pa. si Allen na alam king lasing na 'yan kapag tawa na nang tawa yan katulad na lang ngayon.
"I- i hab a jok *hik*"
Basag ng papa ni Mazel, lasing na rin kasi pautal-utal na ang salita niya. Nakikinig lang ako ngayon sa kanila. Umayos naman ang lahat dahil sa sinabi nito.
-------------
Completed na po talaga ito kaya lang edit ko pa talaga dahil sa tagal na nitong story. Kaya pasensya na talaga, later baka ipublish ko ang kasunod...

Komento sa Aklat (256)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Wow ang ganda ng story na to, may book 2 po ba ito about sa college life naman nila. Kasi parang may another character nanaman eh,. Well I like this story, hoping more story to come na ganito nakaka excite ang story.

    20/12/2021

      5
  • avatar
    Castillo Gelo

    maganda

    13/07

      0
  • avatar
    BiagtasJessa marie

    nagustuahan ko yong quality nung story nila nakaka inlove talaga

    17/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata