Chapter 48

Pagkagising ko naabutan ko sina Dorothea at Janna na balisa sa isa't isa. Hindi ko sana papansinin kaso inusisa ko na rin.
"Uy ano ba kayong dalawa. Anong problema?" nagulat naman ang dalawa at agad na binati ako.
"Eh kase Prinsesa Hilary nasa labas po si Maddie nais po kayo makausap." Usal ni Janna.
"Nagwawala ba siya?"
"Hindi naman po. Subalit, bakas sa kanyang mukha ang galit." Sabi naman ni Dorothea.
"Sige, pupuntahan ko na siya."
Naabutan ko si Maddie na may hawak na papel. Magsasalita sana ako ngunit nakita na niya ako. Ako ang nagpresinta na dalhin si Maddie sa St. Jago para naman may matuluyan pa rin siya ayaw niya kase tanggapin ang alok ni ina na dito pa rin siya manirahan sa Windsor.
"Kumusta?" bungad ko sa kanya.
"Hindi ako magtatagal nais ko ito ibigay sa iyo." Kinuha ko naman ang papel at agad na binuksan. Sulat ng reyna para sa akin. Tumingin ako kay Maddie at hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa akin.
"Gusto na niyang makalaya. Hindi sanay si ina sa kulungan. Humingi na ako ng tulong sa isang opisyal para linisin ang pangalan niya at para makalaya na rin kaagad."
Gusto kong basahin ang sulat kaya lang ayoko na magpadala sa anoman ibibigay nila sa akin. Imbis na ibalik ito kay Maddie pinunit ko ito sa harapan niya at nagulat siya sa aking ginawa.
"A-anong ginawa mo?" may pagkainis na ang boses niya.
"Kahit magpatulong ka pa sa mataas na tao o kung kanino man, nakasaad na sa Hagerdon na makasalanan si Eleanor. Kailangan niyan magbayad sa mga nagawa niya. Isipin mo na lang maging patas ito sa aking ina na nakulong din. Kung palalayain siya magiging labag ito sa batas at alam kong marami ang magrereklamo lalo na ang mga opisyal."
"Hanggang kelan doon si ina?" tanong niya.
"Hanggang humingi siya ng tawad kay ina, kay ama, sa mga taong nadamay at sa akin."
"Kung ako ba ang hihingi ng tawad sa iyo para kay ina tatanggapin mo ba?"
Natigil ako at hindi ko iyon inaasahan sa kanya. Kilala ko si Maddie at malaki talaga ang galit niya sa akin. Nagbago na ba talaga siya?
"Gusto ko sana tanggapin ngunit gusto kong marinig iyon mula kay Eleanor. Mas mapapanatag ako."
"Si Jv, mahal mo ba talaga siya?"
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Nagdadalawang isip ako. Ayokong masaktan si Maddie at lalong magalit na naman siya sa akin.
"Mukhang alam ko na ang sagot. Alam mo Hilary, inaamin kong sobrang mahal ko siya. Siya iyong lalaki na simula pa lang nakita ko alam kong kami na sa huli. Alam mo iyong pakiramdam na gagawin mo ang lahat para sa kanya. At noon araw na ikakasal na kami ang saya ko kase matatali na kami sa isa't isa. Pero lahat ng iyon nawala at nasayang dahil sa iyo. Gusto kitang saktan gusto kitang mawala kase lahat na lang ng mga tao ikaw ang pinipili pati siya. Hilary, kaya mo naman siguro magbigay kaya mo naman siguro magsakripisyo para sa akin. Naagaw muna ang lahat nakuha muna ang pangarap mo. Baka naman pwedeng ibigay mo na lang sa akin si Jv."
------
"Isiro,"
Lumingon naman siya sa akin at nagtanong kung ano ang kailangan ko.
"Nakita mo ba si Dorothea may nais kase akong itanong sa kanya."
"Kasama siya ni Janna naglalaba sila sa likod. Ano ang itatanong mo?"
"Ah ganoon ba. Sa iyo ko na lang itatanong. Kayo na ba ni Dorothea?"
"ANO?"
"Sandali, makasigaw ka naman magkatabi lang tayo."
"Paumanhin. Bakit mo ba kase naitanong iyan." Napansin kong nailang siya sa 'kin.
"Sagutin mo na lang. May namamagitan na ba sa inyo ni Dorothea? Nagsabi kase sa akin si Janna na palagi nga kayong magkasama. Mahirap ba iyon sagutin."
"Hila-"
"Oo o hindi."
Ang hirap naman kausap nito. Akmang aalis na sana ako kase wala naman ata siyang balak sumagot na marinig ko siyang magsalita.
"Oo matagal na."
"Talaga? Bakit ngayon mo lang sinabi?" natutuwa kong sambit.
"Hindi ba binabanggit ni Dorothea sa iyo?"
"Tatanungin ko ba kung alam ko na. Masaya ako sa iyo Isiro natagpuan muna ang babaeng para sa iyo." Sabay tapik sa balikat niya.
"Salamat. Masaya rin ako kase natagpuan muna rin ang para sa iyo."
Biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng lungkot. Naalala ko na naman ang usapan namin ni Maddie at 'di ko pa iyon nababanggit kay Jv. Siguro tama na may magsakripisyo. Hindi naman lagi papabor sa iyo.
"Bakit may nasabi ba akong mali?"
"Wala. Pakisabi kay Dorothea puntahan niya ako sa kuwarto."
"Sige,"
Pagsapit ng hapon, nagpaalam ako kay ina na pupunta ako kina Jv. Hindi na ako nagpasama kase may kasama si Dorothea makaistorbo pa ako. Maya maya lamang nakarating na ako at nakita ko si Linley.
"Prinsesa Hilary,"
"Mukhang naabala ata kita."
"Ano ka ba hindi. Anong kailangan mo may maiitulong ba ako?"
"Hindi wala naman. Si Jv sana ang pakay ko." Nahihiyang sabi ko.
"Ay sayang nahuli ka ng dating wala naman siya rito."
"Saan siya pumunta?"
"Sa Good Hope Lake gusto mo ba siya puntahan sasamahan na kita."
"Sige,"
Habang papunta kami 'di ko maiwasan matuwa kase ang sarap pala kasama nitong si Linley. Ang dami namin pinagkuwentuhan at nalaman sa isa't isa. Sobrang mabait at kahit alam na niyan prinsesa ako ganoon pa rin ang turing niya sa akin. Nahinto kami agad dahil nakita na namin si Jv sa kalayuan.
"Puntahan ko na siya. Salamat sa pagsama."
"Sandali," pagpigil niya sa akin.
"Bakit?" taka kong tanong sa kanya.
"May kasama ata siya."
Sinundan ko ang tingin niya at tama nga ang sabi niya. May kasama siyang babae at walang iba kundi si Maddie.
"Akala ko ba may namamagitan na sa inyo."
Hindi ko kaagad nasagot si Linley na makita kong hinalikan ni Maddie si Jv. Gulat man ako mas nagulat pa si Linley. Umiwas na lang ako ng tingin at sinenyasan si Linley na umalis na kami.
"Sigurado ka?"
"Hayaan na natin sila."
Nauna na akong maglakad kay Linley at nauna na rin magbagsakan ang luha ko. Ang sakit lang isipin na pinabigyan ko na siya at itutuloy pa rin pala niya.
Hindi ako dumiretso nang uwi sa Windsor nasa Cheneley pa rin ako at hinihintay ang paguwi ni Jv. Hinayaan muna ako ni Linley sa labas.
"Hilary,"
Umangat ang tingn ko sa taong kanina ko pa hinihintay. Tumayo ako at nginitian siya. Hindi ko na lang sasabihin ang nakita ko. Baka kase magtalo pa kami. Ayos nang ako na lang ang nakakaalam.
"Paumanhin,"
"Bakit ka humihingi sa akin ng paumanhin. Wala ka naman ginawang masama."
"Alam kong nakita mo,"
Tsk, nakita niya rin pala ako. Wala rin saysay.
"Wala iyon. Kumusta si Maddie ?"
"Inihatid ko siya sa St. Jago pagkatapos namin mag usap."
Bumaba ang tingin ko sa labi niya na hinalikan ni Maddie. Hindi ko maiwasan mainis tsk kasalanan ko naman. Pinagbigyan ko siya ng pagkakataon para layuan niya na kami. At iyon lamang ang sagot para sa kanya. Ang huling usapan namin ay gusto niyan ibalik ko si Jv sa kanya. Subalit tumanggi ako dahil mahal ko ang taong ito at hindi ko kayang ibigay siya kay Maddie. Sumang ayon naman siya ngunit sa isang kondisyon gusto niyan maranasan halikan si Jv para sa huling pagkakataon. Matagal na niya iyon nais gawin kaya lang ayaw naman ni Jv. At sana nga tuluyan ng tigilan kami ni Maddie.
"Ayos ka lang?" natauhan namana ko bigla sa pagtanong niya.
"O-oo."
Inaya na niya ako pumasok at nagdesisyon na dito muna ako matutulog. Gusto ko siyang makasama para gumaan ang pakiramdam ko.

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    Xyramikael Labasan

    maganda sya.

    11/07

      0
  • avatar
    Leif Edrei Abanilla

    peopl e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y

    13/11/2024

      0
  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes ålz

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata