Homepage/Behind The Mask/
Chapter 27
Nawala ang tuon ko kay Janna nang makarinig kami nang ingay sa labas. Pumasok sa loob si Dorothea at ipinaalam na dumating si King Rennedy at Prinsipe Jv para bisitahin si ama. Lumabas ako nang kuwarto ni ama at nakita ko si Prinsipe Jv na kakapasok pa lang sa palasyo. Mabilis akong umakyat patungo sa aking kuwarto. Nalimutan ko kase ang telang pantakip sa aking mukha. Lalo na nandyan ang hari ng Cheneley.
Muntik na ako atakihin nang may pumigil sa akin sa pagbukas ng pinto. Ang bilis naman niya makasunod sa akin.
"M-may kailangan ka ba?" turan ko sa kaniya.
"Wala, hindi mo ba ako patutuluyin?"
"Hindi maari, alam mo naman bawal na magsama ang isang babae at isang lalaki sa isang kuwarto baka mahuli tayo nang iyong ama." Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at sana ay hindi niya iton mapansin.
"Tsk, dapat inisip mo 'yan no'n tumuloy ka sa palasyo. Bawal din 'yon 'di ba?" Naglakad siya papasok sa kuwarto ko at nainis na lang ako na maaalala ko 'yon. Kaya nga pala galit na galit sa akin si Maddie no'ng oras na 'yon.
"Lumabas kana, hindi ako nagpapatuloy nang lalaki sa kuwarto ko, sana'y maintindihan mo."
Kaya lang para siyang walang narinig. Nakakainis talaga ang prinsipe na ito. Paano kapag dumating at makita ito ni Maddie panigurado baka palayasin na ako sa palasyong ito.
"Wala ka bang narinig?" pagsalita kong muli.
Tumingin siya sa akin at may inilabas galing sa suot niya, isang maliit na papel. Iniabot niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at binasa ang nakasulat doon.
"Kung sinoman ang makahanap sa totoong prinsesa nang Windsor, makakatanggap nang malaking gantimpala."
Halos manlaki ang mga mata ko pagkatapos ko ito mabasa. Kumakalat na pala sa buong Hagerdon ang totoo kong pagkatao at may gantimpala pa.
"Nakuha ko iyan sa mga kalalakihan nais kang kuhanin. Ipagkalalat sa buong Hagerdon ang tungkol sa iyo. Palihim nila itong gagawin upang 'di ito malaman nang mga nakakataas sa Hagerdon. Sumama ako kay ama na pumunta dito para ipaalam ito sa iyo. Delikado na ang buhay mo."
Bigla akong napaupo sa kamang hinihigaan ko at tulala na nakatingin sa papel na binigay ni Prinsipe Jv. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ano ba talaga ang kailangan nila sa akin? At sino ang nasa likod nito.
"Kapag hindi ka nila nahanap at si Maddie ang mapalabas na prinsesa nang Windsor siya ang kukuhanin at maaaring mamatay." Unti unti akong tumingin kay Prinsipe Jv.
Anong gagawin ko?
Dapat ko ba ipaalam to kay ama?o kaya kina ina?
"Mauna na ako. Mag ingat ka," lumabas na nang kuwarto ko si Prinsipe Jv.
Kinagabihan, inantay ko makauwi ang reyna kailangan ko siya makausap. Inantay ko siya sa labas nang palasyo at di naman ako nabigo.
"Bakit nasa labas ka pa? Hindi ka pa natutulog?" bungad nito sa akin.
"May nais akong itanong at kailangan mo ito sagutin." Wika ko.
"Ano naman iyon?" tanong niya.
"Bakit pinaalis mo ang mga mababang uri nang opisyal?Pinaalam mo ba ito kay ama bago sila paalisin? O ikaw lang ang nagdesisyon?" kumpromta ko sa kaniya.
"Bakit kailangan mong malaman?" nag iba ang pagtingin niya sa akin at nainis ako sa gano'n pagtinginn niya.
"Bakit hindi ko maaaring malaman? Sagutin mo na lamang ako." Saad ko sa kanya.
"Alam mo Hilary, hindi ka na dapat nakikielam. Ano bang alam mo sa organisasyon panbayan? Ako na ang namumuno roon kaya may karapatan ako kung ano ang gusto kong gawin." Hindi ko mapigilan mapangisi at mairita sa sinasabi niya.
"Malala kana talaga. Hindi ito alam ni ama ano? Sige gawin mo ang gusto mo dahil kapag nalaman ito ni ama palalayasin niya kayo sa palasyong ito. Hindi ko na kayang makapag intay na manirahanan na lang kayo ni Maddie sa madudumi na lugar at wala nang tatanggap sa inyo." Sabay iwan sa kanya.
Inis na inis ako sa nangyayari at wala man lang ako magawa.
*****
"Magandang umaga mahal na prinsesa at?" tingin niya kay Dorothea nang makapunta na kami sa bahay niya.
"Dorothea po, tagapagsilbi niya po ako."
"Tuloy kayo," usal sa amin ni Mang Castro.
Umupo kami ni Dorothea at pinaghanda kami ni Mang Castro nang makakain. Pagkatapos no'n, nagprisinta si Dorothea na siya na lamang maghuhugas.
"Ano ang sadya mo?" tanong sa'kin ni Mang Castro.
"Binalita po sa akin ni Esperago Easton na pinaalis na nang reyna ang mga opisyal at kasama kayo. Ano pong nangyari?"
"Pinatawag niya kami kahapon nang umaga upang magpulong. Akala namin tutulong siya na mamumo sa mga nangangailangan sa bayan. Ngunit nagkamali kami, labing lima kaming opisyal nang iyong ama. At kahapon nang umaga rin lima lamang ang tinira niya upang mamumo sa organisasyon. Sampu kaming inalis niya, masama ang loob ko sa mahal na reyna dahil bakit niya iyon ginawa."
Napakasama niya talaga kailangan ito malaman ni ama.
"Ako na po ang humihingi nang paumanhin sa nangyari. Ngunit, bakit kayo tila nadamay pa hindi po ba kanang kamay kayo ni ama?" tumango siya sa akin.
"Nagdududa nga ako sa nangyari, ang limang natira at pinili nang mahal na reyna ay mga mahaharlikang opisyal. Kanang kamay naman ako nang iyon ama at maharlika ang Windsor hindi ko alam kung bakit ako nadamay. Kung sagabay, baka ginantihan niya ako sa paguusisa ko tungkol sa iyo." Paliwanag niya. "Siya nga pala, hindi paba ito alam nang iyon ama?" umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"Malala pa ang kalagayan niya. Kaya hindi ko pa siya nakakausap." Sabi ko rin.
"Dapat ito malaman nang iyon ama. Dahil kung hindi sa malamang gagawa nang ibang hakbang ang mahal na reyna."
"Makakaasa kayo, ako ang kakausap kay ama."
"Salamat, sana matulungan mo talaga kami. Ikaw na lang ang pag asa namin." Nginitian ko lamang siya.
Inabutan kami nang ulan nang pauwi na kami ni Dorothea. Kaya nagpatila muna kami bago bumalik sa palasyo. Maya maya lamang nang huminto na ang ulan nagpaalam na kami kay Mang Castro.
Habang naglalakad kami ni Dorothea pabalik sa palasyo nakasalubong namin ni Prinsipe Levi na may kasama isang lalaki. No'ng una 'di niya kami napansin pero no'ng lumingon siya sa gawi namin doon niya kami nakita at nakilala.
"Saan kayo galing?" tanong niya
"Sa isang kakilala lamang. Ikaw anong ginagawa mo rito?" balik kong tanong.
"Ah, may hinahanap kami importanteng tao." Sagot niya na ikinataka ko. Sino naman 'yon.
"Sige, mauna na kami." Wika ko sa kanya, tumango naman ito at nagsabing mag ingat kami ni Dorothea. Pero sa kaloob looban ko gusto kong malaman kung sino ang hinahanap niya.
Sa palasyo naabutan ko si Maddie na kumakain mag isa. Wala pa marahil ang reyna, abala siguro sa paninira sa organisasyon. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya.
"Ayoko kitang kasabay kumain," pagtataray niya.
"Wala naman akong balak na sabayan ka. Alam mo ba kung ano ginagawa nang iyon ina sa organisasyon?" pagtataray ko rin.
"Aba'y malay ko, wala naman akong pakielam kung ano ang kanyang ginagawa. Labas ako sa organisasyon, pupuwede ba pabayaan mo na lamang si ina." Inirepan niya ako at sabay subo sa pagkain niya.
Masama ko siyang tinignan at padabog kong iniwan siya. Wala ako mapapala kay Maddie. Pumunta na lamang ako sa kuwarto ni ama mabuti na nga lang wala roon si Janna. Palagi ko na lang 'di naabutan si ama na gising. Kailan ko kaya siya makakausap? Dapat niya nang malaman ang ginagawa nang reyna. Umupo ako sa gilid niya at hinagod ang kanyang buhok.
"Ama, magpagaling po kayo. Nais ko po kayo makausap, sana'y nga po bumalik na sa dati ang inyong kalusugan."
Matagal kong binantayan si ama hanggang sa nakatulog na pala ako. Ginising lamang ako ni Janna nang pahapon na at kailangan na nya painumin nang gamot si ama.
"Mahal na prinsesa, kanina pa ba kayo nandito?"
"Oo. Bakit?"
"Wala naman po, hinahanap ka nang iyon tagapagsilbi."
Hinalikan ko muna si ama sa kanyang noo bago ako lumabas nang kanyang kuwarto. Nakita ko si Dorothea sa hardin at nilapitan ko siya upang makausap.
"Kanina mo pa ako hinahanap?" tanong ko sa kanya
"Mahal na prinsesa nagpadala po nang sulat si Isiro sa akin. Nagkita po kami kanina sa St. Jago Church ipinagbilin na ibigay ko sa iyo ito." Kinuha ko naman sa kanya ang sulat.
"Magkita tayo mamayang gabi sa bayan, aasahan kita. Kababata ko."
"Gusto niyo po ba na samahan ko kayo mamayang gabi. Delikado po sa inyo na mag isa lamang lalo na po marami ang naghahanap sa inyo." Agad akong umiling kay Dorothea
"Huwag na. Baka magtaka ang reyna kapag wala tayong dalawa sa palasyo. Ipagsabi mo na lamang sa kanila na gagawi ako sa kamag anak ni ina upang sabihan sila tungkol sa kalagayan ni ama."
"Sige po."
Mabilis akong bumalik sa aking kuwarto at nag ayos. Halos sampung taon na kami di nagkikita ni Isiro. Siya ang iiisang kababata ko na tumulong sa akin upang itago si ina. Masaya ako at 'di makapag intay na magkita at magkausap kaming muli. Iyong mga pinadala niyan mga sulat noon nakaraan ay hindi ko pa nababasa.
Pagkalabas ko sa palasyo tumakbo na ako papuntang bayan. At sa pag gawi ko roon hindi ko alam kung saan ko siya hihintayin o saan banda kami magkikita. Maraming tao ang namimili at namamasyal. Kailangan ko mag ingat baka sakali nandito ang mga kalalakihan nais ako hulihin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda sya.
11/07
0peopl e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y
13/11/2024
0Yes ålz
01/09/2024
0Tingnan Lahat