Chapter 26

Tumabi sa akin si Prinsipe Levi habang nakaupo ako at nakaharap sa altar. Nasa St. Jago ako at gusto ko lamang magsimba at manalangin.
"Anong ginagawa mo rito?" wika ko kay Prinsipe Levi.
"Nais kitang makita, nasambit sa akin ni Dorothea na nandito ka pala. Sandali, magaling na ang mukha mo?" bigla akong nagtakip nang mukha dahil nakalimutan kong maglagay nang pantakip.
Hilary kahit kelan ang tanga tanga mo. Inalis ko rin agad ang kamay ko sa mukha ko dahil wala na iyon silbi nakita na rin naman niya.
"O-oo eh. Ayos na ang mukha ko." Medyo nauutal kong sambit. Nakakahiya ka talaga Hilary.
"Lalo kang gumanda nang masilayan ko ang mukha mo." Bigla naman akong yumuko  dahil sa hiya at ilang. "Haha, huwag muna pansinin ang sinabi ko. Siya nga pala nais mo bang pumasyal o kumain man lang kasama ako?" bumalik ang tingin ko sa pag alok niya sa akin.
Gusto ko sana sumama sa kanya kaya lang ang problema ang mukha ko baka may mga ibang tao na mamukhaan ako. Kailangan ko pa naman mag ingat.
"Paumanhin, nais kong hintayin si Dorothea. Tsaka wala akong gana pumasyal ngayon sa ibang araw na lamang kung iyon mamarapatin." Sabi ko at tumango na lamang siya.
Sandaling tumahimik kami at nakatuon lamang ang amin tingin sa altar. Hanggang magsalita siyang muli.
"Nakita muna ba ang tunay na prinsesa nang Windsor?" taka ko siyang tinignan. Bakit niya tinatanong.
"Huh? A-ah eh, hindi eh." Pagtanggi ko.
Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyan ako ang tunay na prinsesa nang Windsor sana hindi siya magalit sa akin.
"Bakit mo naitanong?" naitanong na niya 'yon sa akin dati bakit ba interesado siya. Gusto ko tuloy malaman kung bakit.
"Wala naman, hindi ko pa kase nakikita ang kanyang mukha marahil kasing ganda s ya nang kanyang ina na si Reyna Canberra."
Bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko si ina. Alam kong may tamang oras at panahon upang malaman nang lahat na wala siyang kasalanan at buhay pa siya.
"Hindi mo pa ba nakikita ang prinsesa ni isang beses man lang?" tanong kong muli sa kanya.
"Sa totoo lang nakita ko na siya noon hatulan ang kanyang ina. Kaya lang nakalimutan ko na ang kanyang itsura kaya hindi ko na maalala kung ano na ang itsura niya ngayon. Napapadpad naman ako sa palasyong Windsor kaya lang mukhang wala siya roon. Siguro kinuha siya nang mga kamag anak ni Reyna Canberra." Akala ko ang alam nila pinalayas ako o patay na may iba pa palang kuwento.
"Baka nga,"
Ano kaya pakay niya sa akin?Hindi niya ako hahanapin kung wala siyang kailangan. Ang hirap na magtiwala sa mga tao ngayon.
Dumating si Dorothea at nagpaalam kami kay Prinsipe Levi. Sinabihan ko si Dorothea na pumadpad muna kami sa bayan para mamasyal. Maaga pa naman bago umuwi sa palasyo. Habang kami naglalakad nakakita ako nang isang tindahan nang mga salamin. Naalala ko kase na nabasag noon nakaraan linggo ang salamin na bigay sa akin ni Chryses.
"Binibini, nais mo bang bumili?" ani sa akin nang tindera.
"A-ah, eh," napakamot ako sa aking noo at kinuha ang pinakamagandang salamin. "Magkano po ito?" tanong ko,
"Dalawangpu na lang para sa iyo binibini. Dahil ngayon lang kita nasilayan dito sa pamilihan, mababa na lamang ang presyo na iyan."
"Salamat po," binalot naman niya ito kaagad at binigyan ko siya nang dalawangpu gaya nang kanyang sinabi.
"Mahal na prinsesa maari ko po ba kayong maiwan saglit bibili lamang ako nang isda sa kaduluhan. Hindi ko kayo maaaring isama madudumihan lamang kayo at masansang ang amoy baka di kayo sanay."p aglapit sa akin ni Dorothea, tumango naman ako sa kanya at naglakad lakad na lamang muna ako habang wala siya.
Nakaramdam ako nang gutom kaya gumawi ako sa isang kainan. Umupo ako at tumitingin tingin sa paligid. Baka mamaya kase may mga umaaligid na naman sa paligid. Kailangan ko talaga mag ingat. Habang nagmamasid ako may umupo sa harapan ko, at nagulat ako nang makita na si Prinsipe Jv ito.
"Anong ginagawa nang isang prinsesa dito?" tanong nya sabay alumbaba.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kaniya.
"Kasama ko si Kreios may hinahanap kami. Ikaw? Mag isa ka lang ba?"
"Kasama ko si Dorothea, kaya lang pumunta siya sa kaduluhan para mamili nang isda."
Nagtaka ako nang tumayo ito at nang sundan ko siya nang tingin bumili pala siya nang pagkain. Bumalik ito sa upuan niya at inalok ako.
"Kumakain ka ba nito?" turo niya sa pagkain nasa harapan ko.
Sa totoo lang hindi ako pala kain, hindi ako kumakain nang marami. Pero dahil nakakaramdam ako nang gutom kinuha ko na lamang ito at walang anu ano na tinikman. Pinabayaan na lamang ako ni Prinsipe Jv na kumain. Maya maya dumating si Prinsipe Kreios nagulat siya nang makitang magkasama kami ni Prinsipe Jv.
"Hinahanap ka nang iyong ama. Magandang araw sa iyo, Aya." Ngumiti lang ako kay Prinsipe Kreios.
"Sige, mauna na kami." Saad ni Prinsipe Jv at tinanguan ko lamang siya.
Pagkaubos ko nang pagkain, inabangan ko na lang si Dorothea sa bungad nang pamilihan. Kaya pala siya natagalan dahil maraming tao.
"Paumanhin, mahal na prinsesa natagalan po ata ako sa pagbibili nang isda. Nagkagitgitan po kase at napakahirap mamili." May bitbit siyang dalawang bayong at punong puno ito ng isda. Mukhang marami talaga namimili rito at mura pa ang produkto.
"Wala iyon, tara na."
Pagbalik namin sa palasyo sakto naman kalalabas lang ni Janna sa kuwarto ni ama.
"Kumusta na ang kalagayan ni ama?" nilingon niya ako.
"Maayos naman po ang kalagayan niya. Mas lalo po siyang gumagaling dahil nauubos po niya palagi ang pagkain inihahanda ko para sa kanya." Sabi niya.
"Gising ba siya ngayon?"
"Tulog na po, sayang 'di niyo po siya naabutan matagal po siyang gising kanina kaya lang wala po kayo." Sayang naman may gusto pa naman ako sabihin kay ama.
"Si Maddie nasaan siya?"
"Umalis po siya kasama ang kanyang kaibigan na si Euna."
"Sige, pakialagaan na lang mabuti si ama kahit na wala akong tiwala sa iyo." Tinalikuran ko na siya at pumunta na ako sa kuwarto.
Inilabas ko ang salamin naibili ko kanina sa pamilihan. Inilapag ko ito sa maliit na tokador at nangiti ako bigla na makita ko ang sarili ko sa salamin. Bumuntong hininga ako at nagpahinga na lamang.
****
Pinuntahan ako ni Esperago Easton dahil may ibabalita daw siya sa akin.
"Hindi mo pa ba alam? Balita balita ngayon sa lugar nang Hagerdon na pinaalis na nang mahal na reyna ang mga mababang uri nang opisyal at isa sa naalis si Castro na kanang kamay nang iyong ama. Panigurado marami ang magproprotesta sa biglaan ginawa niya." Hindi ko mapigialn magulat. Ano ba talaga ginagawa ng reynang iyon?
"Alam na ba ito ni ama?" Kinakabahan kong tanong.
"Hindi ko po siya nakakausap." Pati ba naman siya hindi makausap ni ama. May hindi talagang magandang nangyayari.
"Hindi tama na ang mahal na reyna ang mamuno sa organisasyon panbayan. Hindi maganda ang kutob ko Esperago Easton, baka may balak siyang agawin iyon ibig kong sabihin ang trono ni ama." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Huwag kang mag aalala, ako ang gagawa nang paraan para maging maayos ang lahat."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami dami kong kaaway at hindi ko alam kung sino uunahin ko sa kanila.
Pagkatapos namin mag usap ni Esperago Easton kakapasok pa lang ni Maddie na galing sa kanyang kaibigan na si Euna. Napapadalas ata ang pagkawala niya sa palasyo.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" may pagkairita ang boses niya.
"Nasaan ang magaling mong ina?" pinipigilan kong magalit, ayokong makita niyan may nalalaman ako sa plano nila.
"Umalis na siya, nakasalubong ko pa nga. Anong kailangan mo sa kanya at bakit mo siya hinahanap?"
"Wala, huwag munang alamin." Lumabas ako nang palasyo at kinalma ang aking sarili.
Hindi kona alam ang gagawin ko. Mukhang nagsisimula nang gawin nang mag inang iyon ang plano nila. Kapag nalaman ito ni ama panigurado mapapalayas sila sa palasyong ito.
Tanghali, kasabay ko kumain si Dorothea nasabi niya sa akin na kalat na kalat sa buong Hagerdon ang naging pasya nang reyna.
"Nabisita muna ba si ama?" tanong ko kay Dorothea.
"Hindi pa po, palagi po ako hinaharangan ni Janna. Nag aalala nga po ako sa mahal na hari kapag po 'di siya gumaling kaagad baka ano pa po gawin nang mahal na reyna sa organisasyon panbayan. Sa malamang sa malamang po malalaman po ito nang inyong ama."
"Basta gawin mo lang ang inuutos ko, kayo ni Esperago Easton." Nagpaalam na ako sa kaniya na babalik na sa kuwarto ko.
Tumungo muna ako sa kuwarto ni Ama, bukas ang pintuan nito at nakita ko si Janna na inaayos ang damit ni ama. Binuksan ko nang malaki ang pinto at pumasok sa loob. Nagtaka nga ako kung bakit nagulat pa si Janna nang makita niya ako.
"K-kayo po pala, Mahal na Prinsesa." Natigil siya sa pagliligpit habang nakatingin sa akin.
"Kumusta na si ama? Gumagaling na ba siya?"
Tumingin ako kay ama at mahimbing itong natutulog. Kaya lang imbis na gumaan ang pakiramdam ko, nalulungkot lang ako sa nagiging nangyayari sa kanya. Nangangayat siya at malaki na rin ang pinagbago nang itsura niya. Napansin ko rin madaming panyo sa gilid niya at may bahid na dugo. Binalik ko ang tingin kay Janna na nakatuon din ang atensyon sa akin.
"Tinatanong kita hindi ba?" baling ko sa kaniya.
Tumikhim ito at nagpatuloy mag ayos nang damit ni ama. Nanginginig pa nga ang kamay niya eh.
"Wala kayo dapat ipag aalala. Maayos lamang ang kalagayan nang inyong ama. Natural lamang na pumayat siya dahil nagkasakit siya." May sinabi ba akong hindi maganda. Masyado siyang halata.
"Maari ko bang makita ang mga gamot na pinainom mo sa kanya?" bigla siyang napatigil na ikina taka ko.

Komento sa Aklat (134)

  • avatar
    Xyramikael Labasan

    maganda sya.

    11/07

      0
  • avatar
    Leif Edrei Abanilla

    peopl e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y

    13/11/2024

      0
  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes ålz

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata