Pagbaba ko nang kuwarto naabutan ko ang reyna na may kausap na isang babae. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso ako sa kusina upang uminom. Nandoon si Dorothea nakaupo at naghihiwa nang gulay. "Nakita mo ba si Esperago Easton?" "Umalis po siya mamaya maya babalik din po siya sa palasyo." Umupo ako sa harap ni Dorothea at umalumbaba. "Sino nga pala ang kausap nang reyna?" "Hindi niyo po alam? Siya po ang magiging tagapag alaga nang inyong ama. Kinuha po siya nang reyna." "Anong sinabi mo?" gulat kong sabi. Tila napaisip ako at natigilan sa sinabi niya. Kumuha siya nang bagong tagapag silbi para kay ama. Akala ko ba kaya nilang alagaan ni Maddie si ama. Ibang klase. Tumayo ako agad at iniwan muna si Dorothea. Bumalik ako sa sala at magkausap pa rin 'yong reyna at 'yong babaeng tagapagsilbi. Lumapit ako sa kanila at tumikhim, sabay naman silang napatingin sa akin. "Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin? Hindi ka man lang nagsasabi na magdagdag ka nang tagapagsilbi." Tugon ko sa reyna. "Bakit ko pa kailangan ipaalam sa iyo. Siya si Janna magiging tagapagsilbi nang iyong ama. Dahil magiging abala ako sa organisasyon siya na ang bahala sa iyong ama." "Tsk, akala ko ba handa kayong alagaan si ama? Si Maddie, nandito lang naman siya sa bahay palasyo. At ako, handa akong alagaan siya hindi muna kailangan kumuha pa nang bagong tagapagsilbi." Naiirita kong sabi. "Alam mo huwag ka nang tumutol, si Maddie palagi s'yang umaalis sa palasyo at ikaw palagi ka rin umaalis. Bilang reyna at asawa nang iyong ama gusto ko lamang siya gumaling agad. Iyon din naman ang gusto mo 'di ba?Magtulungan na lang tayo." Napatingin ako sa babaeng nasa tabi niya. Mukha itong taga bayan at 'di ko gusto ang kanyang pagtingin sa akin. May kakaiba talaga sa kanila. "Marami tayong tagapagsilbi, anong silbi nila para alagaan si ama. Si Dorothea, siya na lang mag aalaga kay ama hindi ko rin naman kailangan nang isang tagapagsilbi. Hindi kase ako panatag na may ibang tao at 'di ko kilala na mag aalaga kay ama. Hindi kase ako nagtitiwala sa iyo." Sabay alis sa harap nila. Habang nakahiga ako at nagbabasa nang libro pumasok si Dorothea sa kuwarto. "Nasa baba po ang isang opisyal nang inyong ama hinahanap po kayo." Napabangon ako agad at binaba ang librong hawak ko. "Nasaan ang reyna?" "Umalis na po siya, kanina pa." Bumaba ako at nakita ko s'yang nasa labas nang palasyo nakatalikod ito sa akin kaya 'di ko alam kung sino siya. Unti unti akong naglakad papalapit sa kanya. "Hinahanap niyo po ako?" Humarap na siya sa akin at gulat ang kanyang reaksyon nang makita ako. Naalala ko na siya, siya iyon lalaking kausap no'n reyna na tinatanong kung nasaan na ako. Anong ginagawa niya rito? "Sabi na nga ba buhay ka at nandito ka lang. Walang hiya talaga ang reyna na iyon sinabi niya sa akin dati na pinalayas kana niya dito dahil makasalanan ang iyong ina. Alam ko naman hindi papayag ang iyong ama. Masaya akong makita ka Prinsesa Hilary." Ayoko sana umamin subalit ano pa ang lusot ang magagawa ko. "Ano pong kailangan ninyo sa akin?" "Maaari ba kitang maimbitahan sa aking bahay, hindi kase tayo maaring mag usap dito baka may makakita sa atin." Mukhang importante ang sasabihin niya, kaya nagpaalam ako kay Dorothea na aalis muna. Sumama ako sa kanya at naglakad papunta sa bahay niya. Pinapasok niya ako sa simple niyan bahay. Pinaupo at hinandaan nang pagkain. "Ako nga pala si Castor. Kaya kita gusto makausap ay gusto ko lamang makamusta ang iyong ama. Lagi kong tinatanong ang reyna subalit ayaw niya sabihin sa akin ang dahilan na pagkawala nang iyong ama sa organisasyon. Ang alam namin lahat ay may sakit siya." "May sakit nga po siya ilang linggo na rin ho. Gusto ko po siya ipadala sa pagamutan subalit ayaw nang reyna kumuha na lang siya nang isang tagapagsilbi upang may mag alaga kay ama." Wika ko. "Bakit pumayag ang iyong ama na ang reyna ang mamuno sa organisasyon?" tanong nya. "Sa totoo lang, ayoko na siya ang mamuno kaso si ama na rin ang nagdesisyon kaya wala na akong magagawa." Sabay subo sa pagkain hinanda niya. "Alam ba nang iyong ama na gumagawa nang kuwento ang reyna tungkol sa iyo?Pinagtatakpan ka niya sa lahat at pinapalabas na pinalayas sa palasyo at patay na." Napaiwas ako ng tingin sa kanya at lalo lamang nadagdagan ang galit ko sa reyna na iyon. Sumusobra na siya. "Mabuti na iyon, para maging ligtas ako. May mga kalalakihan kase ang nais akong hulihin hinahanap nila ang tunay na prinsesa sa Windsor. Mas maganda nang si Maddie na lamang ang kilalanin nilang prinsesa." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Kanang kamay ako nang ama mo sa organisayon panbayan. Kaya kita kinausap upang matulungan ka. Ang reyna ay walang magandang maiidulot sa organisasyon. Siguro alam muna ang kanyang balak sa buong Hagerdon ako mismo ang nagpaalam nito kay Esperago Easton. Gusto mo bang sumama sa amin magplano para ibagsak ang reyna?" Tinitigan ko siya maigi at biglang nginitian. Masaya ako dahil may tao pang kaya akong tulungan at handang tumulong sa akin para mapabagsak talaga ang reyna. Hapon na ako nakabalik sa palasyo. Malalim ang iniisip ko nang matuon ang atensyon ko kina Maddie at Dorothea na nasa sala. Napansin kong may hawak si Maddie na isang kahon. Kunot noo ko itong tiningnan. Lumipas ang oras na pinapanood ko lamang sila kaya lumapit na ako sa kanila. Biglang itinapon ni Maddie ang hawak niyan kahon at masama akong tinignan. "Nakita ko ang kahon na iyan sa labas nang palasyo, mukhang may taong nanliligaw sa iyo." Sabay taas ng kilay niya. Pinulot ko ang kahon at may laman itong mga papel at may sulat. Ano 'to? "Mabuti naman may taong nagugustuhan ka. Sa ngayon panatag na ang buhay ko na inilaan talaga kami ni Prinsipe Jv sa isa't isa." Hindi ko siya pinapakinggan at nakatuon lamang ako sa hawak kong kahon. Lahat nang iyon ay galing kay Isiro. Ang lalaking nakilala ko noon bata pa lamang ako. Ibig sabihin alam niyan nandito pa rin ako sa palasyo. Umangat ang tingin ko kay Maddie na nakataas pa rin ang kilay. "Hindi ko siya manliligaw. Dorothea sumunod ka sa akin sa kuwarto." Nilagpasan ko si Maddie at umakyat na sa kuwarto ko. Pagkapasok namin agad ko s'yang hinarap. "Pumunta si Isiro rito? Nasaan na siya?" "Opo pumunta po siya rito no'n umalis kayo. Gusto niya po kayo makausap subalit wala po kayo, 'di po kase siya maaring tumagal dito bawal po siya sa lugar nang Hagerdon. Nakagawa po siya nang isang bawal na gawain sa lugar na ito at 'di na siya maaaring makaapak pang muli. Hindi po siya nakita ni Prinsesa Maddie. Nagbigay na lang po siya nang kahon para po sa inyo. Saktong nakita po iyon ni Prinsesa Maddie at inagaw na lang po sa akin." Pagsalaysay niya. "Kung gano'n hindi ko na siya makikitang muli." Sabi ko. "Kaya ko naman po lumabas pasok sa Hagerdon kung may nais po kayong sabihin o ibigay na sulat handa po akong ibigay sa kanya. Nasabi niya po sa akin kung saan po siya nakatira." Umupo ako sa kama at tinignan muli ang mga sulat na ibinigay niya. Puro tula at kanta lamang ang nakasaad doon. Hindi pa rin siya nagbabago. At sayang na hindi ko naabutan at nakausap kahit saglit lang. "Huwag na. Gusto ko siyang makita nang personal." Wika ko sa kanya. Pagkaayos ko ng gamit ko ay bumaba upang tingnan si ama. Mahimbing ang tulog niya at lalo lamang ako nag aalala nang makita kong parang lumalala lang ang sitwasyon niya. Nakakainis talaga ang reyna na iyon. Wala siyang maidudulot na maganda lalo na kay ama. "May kailangan po ba kayo nahal na prinsesa?" bungad sa'kin ni Janna na may dalang pagkain. "Wala naman, gusto ko lamang bisitahin ang aking ama. Ngayon pa lang siya kakain nang hapunan?" tanong ko sa kanya at sabay tingin sa pagkain na dala niya. "Mahaba po ang tulog niya, kaya ngayon pa lang po siya kakain." Sabi niya at ibinaba ang hawak niyan pagkain sa isang maliit na lamesa. "Maari ko bang malaman kung paano ka nakuha nang reyna?" "Taga bayan po ako. Malayong kamag anak nang reyna. Kinuha niya po ako upang magsilbi sa inyong ama." Kamag anak? Taga bayan? Saan lupalop ba talaga ang mag inang iyon? tsk, tsk. "Sige, puwede ba na ako na lang ang magpakain sa aking ama. Gusto ko rin kase siya makausap." Sabi ko. "Pumanhin po, ibinilin sa akin nang mahal na reyna na ako lamang ang magpapakain sa kanya. Kapag nagising po siya o pagkatapos kumain tatawagin ko na lamang po kayo." "Sige," sabi ko na lang at lumabas na nang silid ni ama.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Xyramikael Labasan
maganda sya.
11/07
0
Leif Edrei Abanilla
peopl
e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y
maganda sya.
11/07
0peopl e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y
13/11/2024
0Yes ålz
01/09/2024
0Tingnan Lahat