"S-saan ba tayo pupunta? May kasama kase ako si Dorothea baka hanapin n'ya ako kung sakaling di ako babalik sa St. Jago Church agad." Wika ko sa kaniya. Binitiwan niya na ang kamay ko at gulat akong tinignan. "Bakit hindi mo sinabi agad?" "Hinila mo kase ako kaagad. Kaya nga tinatanong kita." "Dapat sinabi mo pa rin, tsk." Siya pa nagalit? Magsasalita pa sana ako na mapagtanto kona nasa Cheneley pala kami. Ibig sabihin dito niya ako dinala? Pero bakit?Nagtataka akong nakatingin kay Prinsipe Jv. Pero mas nagulat ako ng lumabas sa Palasyo na iyon ang kanyang Ama na si King Rennedy. "Oh nandito kana pala anak ko," bati niya kay Prinsipe Jv sabay tapik sa balikat nito. Subalit nagulat siya na makita niya ako. "Ikaw ang Babaeng taga Bayan hindi ba? Iyon bagong tagapagsilbi sa Windsor?" patay naalala niya ako tumango na lang ako sa kaniya. "Bakit ganyan ang mga itsura ninyo? Bakit basang basa kayo?" tingin niya sa amin dalawa ni Prinsipe Jv. "Uhm-" "Ipakiasikaso na lang siya sa ating mga tagapagsilbi Ama." Putol ni Prinsipe Jv sa sasabihin ko at sabay iwan sa amin ni King Rennedy. Magsasalita pa sana ako ngunit ngumiti lang siya sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa niya. "Dumito ka muna mukhang lalakas pa ang ulan delikado sa iyo na umuwi ka sa Windsor lalo na't gabi na. Bukas ng umaga ka na lamang bumalik sa inyong Palasyo mas ingat ka rito." At ayun pinasikaso niya ako sa isang Babae. Kahit na ayaw ko man sa aking loob ngunit di ako makapagsalita o makapagprotesta. Dahil lagi nila ako inuunahan. Manghang mangha nga ako sa loob ng Palasyo nila. Maraming larawan na nakaukit sa mga gilid, may mga bulaklak at mamahaling gamit. Napakalaki at maganda pasmasdan. Pinatuloy muna ako sa isang bakanteng kwarto. Kasalukuyan akong naliligo dahil nabasa ako ng ulan. At pagkatapos nun nagbihis na ako. Umupo ako sa kama na hihigaan ko at pinagmasdan ang buong kwarto. Tumayo ako na bigla na may kumatok, pagbukas ko 'yong Babaeng lang pala kanina, may dala siyang pagkain. "Ako po si Linley, matagal na tagapagsilbi po sa Palasyong ito. Nalaman ko sa Mahal na Hari na isa ka rin tagapagsilbi. Maswerte ka dahil pinatuloy ka rito. Napakabait talaga nilang mag-ama. Hinatidan nga pala kita ng pagkain marahil nagugutom kana." Nagpasalamat ako sa kaniya at kinuha ang pagkain hinatid niya. "Kung sakaling may kailangan ka tawagin mo na lamang ako." "May mga bagay akong gustong malaman sa pamilya ng Cheneley. Hindi naman ako usisera haha." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. "Ganoon ba," napalingon siya sa paligid niya nagtaka ako sa ginawa niya. "Kung ibig mong malaman. Handa naman akong magkwento sa 'yo. Marahil tulog na ang Hari at si Prinsipe Jv. Didito muna ako sa iyong kwarto." Umupo kami sa kama na hihigaan ko. At pinakain muna niya ako bago siya magkwento. Pagkatapos nun nilagay niya na muna ang pinagkainan ko sa gilid ng kama dahil may maliit na lamesa roon. At tumabi na siya sa akin. "Hindi ka pa ba inaantok? O masama ang iyong pakiramdam? Dahil nabasa ka ng ulan masama 'yon sa ating katawan." Umiling ako sa kaniya. "Ayos lamang ako. Subalit may kasama kase ako kanina isa rin tagapagsilbi ngunit hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon dahil hinatak ako ni Prinsipe Jv biglaan papunta rito." "Kung ganoon nagkahiwalay pala kayo. Maaring hinahanap kana niya ngayon mahirap ata 'yan ah. Kung gusto mo bukas na bukas din ng umaga bumalik ka sa inyong Palasyo baka kase ngayon nandoon na 'yon." "Sige," Tumayo siya at isinara ang bintana ng kwarto diko alam na bukas pala 'yon. Kaya pala malamig. "Alam mo ba sampung taon na akong naninilbihan sa kanila. At hindi ko iyon pinagsisihan dahil sadyang mababait ang mga tao rito. Bilang taga Bayan at simpleng tao natutuwa ako dahil may handang kumupkop o tanggapin ako kahit na isang tagapagsilbi man lang." Panimula niya at umupo na sa aking tabi. "Naalala ko pa noon na buo pa ang pamilya nina Prinsipe Jv no'ng nag-uumpisa pa lamang ako rito bilang tagapagsilbi nila. Ngunit makalipas ng tatlong taon na paninilbihan ko namatay na lang ang Ina ni Prinsipe Jv. Pagkatapos ng nangyaring iyon, 'yon na rin ang simula kung bakit tahimik na ngayon ang Palasyo na 'to. Si Prinsipe Jv ay gusto naisin sa buhay ay makasama muli ang kanyang Ina subalit hindi na 'yon mangyayari pa. Masaya ako dahil taimtim at mapayapa ang buhay nila ngayon. Walang ninoman nagtatankang manira sa kanilang pamilya." Salaysay niya. "Kaya ikaw sana'y pahalagahan mo ang mga taong nasa paligid mo. Lalo na't din natin alam kung kelan na lang sila tatagal sa mundong ito." Dagdag niya pa. "Mukhang malalim ang pinaghuhugotan mo?" tanong ko sa kanya na bigla niyan ikinatawa. "Haha gusto ko lang ikaw palalahanin na ang buhay ay hindi panmatagalan. Eh ikaw paano ka napadpad sa Windsor?" Tumahimik ako bigla kase naisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi sa kaniya? Tinignan ko siya ng maigi naghihintay lang siya na magsalita ako. "Ahmmm huwag munang alamin masyado kaseng pribado hehe." Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Sabagay hindi naman sa lahat ng oras pwede tayo maglahad ng ating kwento sa ating buhay. Naiintindihan kita. Mukhang naabala na kita kaya iiwanan na kita upang makapagpahinga." Tatayo na sana siya na hawakan ko siya sa kanyang braso upang pigilan. "Maari ko bang malaman kung umibig na ba ang Prinsipe?" nagtaka siya sa aking tanong ngunit umupo na lang siya ulit sa aking tabi. "Simula no'n isilang siya kailanman hindi pa siya nakakaranas ng pag-ibig. Maraming babae ang humahanga sa kaniya. Bukod doon maganda rin ang ugali niya. Iyon nga lang hindi pa ata siya handa na magmahal." Maganda ang ugali? Parang hindi naman. "Ah ganoon ba," bigla siyang ngumiti sa akin pero kakaibang ngiti. "May pagtingin ka ba kay Prinsipe Jv?" nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya at sunod sunod akong umiling. Sabi na nga ba may iba siyang iniisip. "Hahaha nakakatawa ka. Hayaan mo wala naman makakaalam. Sige na, magpahinga kana at matulog maaga ka pa gigising upang makabalik sa Windsor." Tsaka siya lumabas nang kwarto. Wala naman ako sinabi na may pagtingin ako kay Prinsipe Jv. Mali siya nang inaakala. ***** Kinaumagahan maaga ako nagising dahil kailangan ko na makabalik agad sa Windsor. Siguradong magagalit sa akin ang Reyna. Paglabas ko sa kwarto saktong kalalabas lang din ni Prinsipe Jv sa kanyang kwarto. "Kumain kana muna bago ka bumalik sa Windsor." Akmang lalagpasan niya na ako na magsalita ako. "Bakit mo ako dinala rito?" Biglang tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang gusto ko 'yon malamang. "Bakit hindi ka nalang magpasalamat? Tinulungan kita sa mga kalalakihan nais kang halayin. At pinadito muna kita ng isang gabi upang dika mapahamak muli." Mali ata ako ng narinig kagabi kay Linley. Saan banda ba siya mabait? "Isa lamang ako tagapagsilbi ng Windsor kaya ano naman ang pake mo sa isang katulad ko upang bigyan mo pa ng oras upang tulungan." Ngumisi ito at pinamulsa ang isa niyan kamay. "Alam mo kung sa iyo sundin mo na lang ang sinasabi ko. Huwag mo ako paniwalaan sa kasinungalingan." Tsaka siya naglakad palayo. Alam na niya siguro na isa akong Prinsesa. Pero bakit ayaw niyan sabihin sa akin, hayyy ang hirap talaga niya kausapin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (134)
Xyramikael Labasan
maganda sya.
11/07
0
Leif Edrei Abanilla
peopl
e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y
maganda sya.
11/07
0peopl e keep just want be better call so not fdnrhehegegrgrht4yb4tb2th36j4ul4ujeyueyieykrukejwtkeuegtwjeyqhhwj4l3uk3yj3yj3yk4y
13/11/2024
0Yes ålz
01/09/2024
0Tingnan Lahat