"Makakaalis kana Froi, at kahit kailan huwag ka ng magbabalik dahil paulit-ulit ko na isasagot saiyo na hindi na ako babalik sa pag-aartista." Pagtatapos ni Hannah sa usapan. INILISTA ni Hannah ang mga top promotion agencies sa Manila. Tinawagan niya ang mga ito at oo, gusto nila siyang mapabilang sa kanilang top commercial models sa kondisyong ayusin daw muna niya ang eskandalong kinasasangkutan niya kasama ang dating nobyo. Maaaring naugnay ang success niya sa dating nobyo niya, sa naging love team nila. Ngunit magkaiba naman ang pag momodelo sa paggiging artista. Ayaw na ni Hannah ipagpatuloy ang imahe na nilikha ng showbiz na kasama si Froilan. Medyo aburido na si Hannah nang tila wala siyang makitang promotion agency na kukuha sa kanya na hindi na kailangang ungkatin ang eskandalo nila ng dating nobyo. Madalas din niyang naiisip si Duwayne, ano nga kaya kung hindi siya umalis sa probinsiya ng Samar? Kung posibleng bumalik kaya siya doon, haharapin pa kaya siya ng binata? Pero hanggang saan puwede mabuhay ang isang tao na walang tiyak na direksiyon ang buhay? Katulad niya... NAKAKAISANG - CASE na si Duwayne ng alak ng hapon na iyon nang mapadaan sa Hacienda si Alex Escudero ang anak ng Mayor sa bayan nila. Kasalukuyan na nasa Harden si Duwayne at mag-isang umiinom ng alak. Bumaba ng puting kabayo si Alex, lumapit ito sa malaking gate. Susuray-suray na humakbang si Duwayne palapit sa gate. "Napadaan ka, Alex," agad na tanong ni Duwayne, tinungga nito ang hawak na bote ng alak. "Pumasok ka muna," "Hindi na," tanggi ni Alex. "Naparito lamang ako para humingi ng patawad saiyo," Naniningkit ang mga mata na tinitigan ni Duwayne ang kaharap. "Anong ibig mo sabihin?" "Nalaman ko kase na nakabalik na nang Manila si Hannah," Hindi nakaimik si Duwayne. Muli lang tumungga ng alak ang binata. Simula ng umalis ng Hacienda ang dalaga, araw-araw na din umiinom ng alak si Duwayne, sa paraang iyon ay saglit niyang nakakalimutan ang dalaga. "Hindi mo naman kasalanan kung bakit umalis na ng Hacienda si Hannah. Sumama na siya sa dating nobyo niya, kay Froilan Dantes." Kuwento ni Duwayne. "Pinapunta niya ang walanghiyang lalaking iyon para sunduin siya," "Ako ang tumawag sa aktor na si Froilan Dantes. Last month nag tungo ako sa Manila, napanood ko sa balita ang panawagan ng aktor, hinahanap niya si Hannah Lindsey. At may ibinigay siyang numero kaya ko siya natawagan sa telepono. Pero lately ko lang nalaman na dating magkasintahan ang dalawa at nasangkot sila sa isang eskandalo, sa live video ni Hannah sa fizbook." Mahabang kuwento ni Alex. Hinubad nito ang puting guwantes na suot. "Sa live video ni Hannah Lindsey, napatunayan niyang siya ang totoong biktima at hindi ang aktor na si Froilan Dantes. Kaya nga inuusig ako ng konsensiya ko, dahil naisip ko na kaya naandito sa Samar si Hannah para makaiwas sa gulong kinasangkutan niya. Ang magulong buhay ng showbiz," Napakurap sa kanyang mga narinig si Duwayne. Para bang nawala ang kanyang pagkalasing. Ibig sabihin, nag sinungaling sa kanya si Hannah? Ang sabi sa kanya ng dalaga, na ito mismo ang nagpapunta sa probinsiya sa dating nobyo nito. "Totoo ba ang sinasabi mo, Alex?" "Totoo ang sinasabi ko, ako ang komontak kay Froilan Dantes. Ako ang nagsabi sa kanya na naandito sa Samar si Hannah. Nagkita kami ng aktor, madami siya saakin sinabi na agad kong pinaniwalaan. Pero nang makausap ko ang pinsan kong si Santino, nabanggit niya saakin na matalik na kaibigan daw ni Setti si Hannah Lindsey, doon ko nalaman ang totoo, kabaliktaran sa mga kuwento saakin ni Froilan Dantes." "Maraming salamat at sinabi mo agad saakin, Alex." Ani Duwayne. "Paano, aalis na ako. Kapag nagkita ulit kayo ni Hannah, pakiusap, ihingi mo ako ng tawad sa kanya." Hindi sumagot si Duwayne, napatango-tango lamang ang binata. Tumalikod na nga si Alex. Muli itong sumampa sa likod ng dala nitong kabayo. Saglit pa ay nawala na ito sa paningin ni Duwayne. Muling bumalik sa harden si Duwayne. Niligpit niya ang nagkalat na bote ng alak. Pumanhik siya sa loob ng Hacienda, nakasalubong niya ang kanyang abuela. "Lasing kana naman apo," puna ni Senyora Candeda sa binata. "Hanggang kailan ka ba ganyan ha, apo? Alam ko na si Hannah ang dahilan kaya ka nagkakaganyan, bakit hindi mo ayusin ang iyong sarili, hanapin mo siya sabihin mo sa kanya ang totoong nararamdaman mo para sa kanya." Mahigpit na niyakap ni Duwayne ang abuela. "Huwag kayong mag-alala La, susundin ko ang sinabi ninyo. Bukas na bukas mismo, babalik ako ng Manila para puntahan si Hannah. Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya." Natuwa naman ang Senyora sa kanyang narinig. INE-OFF ni Hannah ang kanyang laptop. Inilang hakbang niya ang kanyang kama at pahagis na inihiga ang katawan. Kailangan na niyang makakita ng trabaho, ayaw niyang makantiyawan ni Froilan dahil masasaktan ang kanyang pride at lalong ayaw niyang isipin ng dating nobyo na kailangan niya ito. Nawawalan na siya ng pag-asa. Nagiging malabo na ang takbo ng kanyang career. Napabuntong hininga siya. Biglang natuon ang kanyang paningin sa pinto ng kuwarto niya nang makarinig siya ng mahihinang katok. "Anak, lumabas kana diyan sa kuwarto mo, pasado alas otso na sabayan mo akong kumain." Ang kanyang ina. Tinatamad na napabangon si Hannah. "Lalabas na po, mom," Hindi na sumagot ang kanyang ina. Mabibigat ang hakbang na tinungo niya ang pinto at lumabas. Bago niya marating ang kusina ay madadaanan niya ang malaki nilang sala. Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang makilala ang eyeglasses na nakapatong sa sofa. Sino kaya ang may-ari ng kotse na tinulugan niya noong gabing nalasing siya ng mag night club siya kasama ng mga kaibigan niya. "Buti naman at lumabas kana ng kuwarto mo," Bahagya siyang nagulat nang marinig ang boses ng kanyang ina. Dinampot ni Hannah ang kanyang eyeglasses at humarap sa kanyang ina. "Mom, kailan pa naihatid itong eyeglasses ko?" "Kanina lang anak," sagot naman ni Amor. "Nawala sa isip ko kaya hindi ko nabanggit saiyo. Iyong matandang lalaki na naghatid ng kotse mo dito, siya din ang naghatid niyang eyeglasses mo," Ang matandang lalaki na tinutukoy ng kanyang ina ay ang driver na naghatid sa kanila ni Duwayne sa matnog. Nanghinayang siya, kung alam lang niya na ang driver na iyon ang nakakuha ng eyeglasses niya, sana natanong niya ito tungkol kay Duwayne. "Mom, may sinabi po ba iyong matandang lalaki?" Umaasa siya na baka kinumusta siya ni Duwayne. Kumibit-balikat si Amor. "Wala naman, anak, bakit?" Nalungkot siya. "Wala po," "Tara na sa kusina, lalamig na ang pagkain," nauna ng tinungo ni Amor ang kusina. Naiwan naman si Hannah sa sala na mataman na tinitigan ang hawak niyang eyeglasses. Ilang linggo pa ang dumaan, may tumawag sa kanya. Isang kumpanya ng beauty products, ang Enchanted Beauty Essentials. Inc. Tinawagan siya for interview at pinaghandaan ito ni Hannah. Matagal na niya naririnig ang Enchanted Beauty Essentials hindi lang siguro niya napapansin dahil mas pokus siya sa career niya bilang artista. Nalaman niya na ang kumpanyang iyon ay may sangay sa ibang bansa at ang bumubuo ay isang napakayamang angkan. Milyonario daw ang mga ito. Nalaman din niya na ang ilang mga beauty products ay na-promote na noon ng sikat na mga artista at ilang tv personalities. At ang pinakamatagal na naging commercial model na nag po-promote ng ibang beauty product ay walang iba kundi si Maricar Asuncio. Napangiwi si Hannah. Parang iisa ang pusod nila ni Maricar, lagi nalang sila connected. Palagi pa din dumadalaw sa kanya si Froilan, pilit kinukuha ang kanyang loob. Pero nanatiling matigas si Hannah. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayo, bakit ginugulo mo pa din ako?" Walang emosyon na sabi ni Hannah. Kahit na ayaw niyang makausap ang aktor, nagawa pa din niya itong patuluyin sa bahay nila. "Kung ipipilit mo na naman ang tungkol sa movie na pagbibidahan mo, i'm sorry, hindi ako interested. I have an appointment with a big company and I will show you that I can work alone without you." "The interview is far from a contract, but as an actress, you can easily win the hearts of netizens again, especially if we are together in the movie." Tila kantiyaw ni Froilan. "Handa akong makipagsapalaran, pero kahit kailan hindi na ako magtatrabaho na kasama ka. At kung babalik man ako sa pagiging artista, sisiguraduhin ko na hindi tayo magkasama sa isang movie." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtiim-bagang ni Froilan. "Huwag mo sanang pagsisihan ang pagtanggi sa tulong na alok ko saiyo, Hannah, dahil ito na ang huling punta ko dito," "Sana nga, Froi, kikilalanin kong utang na loob kung hindi mo na ako gagambalahin pa," Hindi na sumagot si Froilan, tumalikod ito at malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto at walang lingon - likod na lumabas ng bahay nila. Napahigit naman siya ng isang malalim na paghinga. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Kapag naging bigo ulit ang susunod niyang application, pagtutuunan nalang niya ng pansin ang kursong tinapos niya. Nakapagtapos siya ng nursing, puwede siyang magtrabaho sa hospital at baka maging tahimik pa ang kanyang buhay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang ganda po 🥰
21/09/2025
0ma Ganda Ang kwento
24/07/2025
0Kayang kaya
26/11/2024
0Tingnan Lahat